Kinabukasan, hindi alam ni Allison kung paano siya babangon.Magulo pa rin ang ulo niya mula sa nangyari kagabi. Hindi niya alam kung may mali ba siyang sinabi, o kung may nasabing tama si Zion pero hindi niya lang matanggap. Sa sobrang dami ng emosyon na dumaan sa kanya, hindi na siya sigurado kung selos nga ba 'yon, o kung may bago nang anyo ang pakikitungo sa isa’t isa.Kaya pagpasok niya sa school, pinilit niyang maging normal. Na para bang wala lang, na para bang hindi siya iniwan sa hanging tanong kagabi. Pero kahit anong gawin niya, nararamdaman pa rin niya ang mga tingin ng mga tao sa paligid. Hindi lang mula sa ibang faculty, kundi mula rin kay Zion, na nasa admin lounge na naman, tahimik, pero nakamasid sa bawat kilos nya.Sa faculty room, pinilit niyang ibaling ang atensyon sa lesson plan, ngunit kahit gaano niya subukang maging abala, ilang beses pa rin niyang nahuling lumilipad ang isipan. May mga sandaling napapatitig siya sa bintana, na parang may hinihintay. O baka nam
Last Updated : 2025-07-03 Read more