Share

Chapter 36

last update Last Updated: 2025-07-11 22:12:28

Sa unang tingin, walang nagbago sa Northview.

Maayos pa rin ang mga klase. Maingay pa rin ang hallway tuwing lunch break. Nasa tamang oras pa rin ang bell, at si Ma’am Les, tulad ng dati, palaging may baong kape para sa lahat. Pero sa ilalim ng kaayusang ito, may bagay na hindi maipaliwanag. Parang may hanging malamig na hindi naman galing sa aircon.

Allison felt it first.

Habang papunta siya sa faculty lounge, napansin niyang mas maingat ang mga tao ngayon sa pagsasalita tuwing dumadaan siya. Hindi na ito katulad noong una—na puro tsismis at bulungan. Ito, mas tahimik. Mas mapanukso.

“May sinasabi ba sila sa’yo?” tanong niya kay Zion isang gabi habang sabay silang naglalakad pauwi. Hawak nila ang pinamili nilang ulam sa karinderya, pero ramdam niya ang bigat ng tanong.

“Wala namang direkta,” sagot ni Zion. “Pero... alam mo namang hindi mo kailangang marinig lahat para maramdaman, ’di ba?”

Tumango si Allison. “Gano’n din nararamdaman ko.”

Sumilip ang lamig sa hangin. Malapit na ang ul
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 36

    Sa unang tingin, walang nagbago sa Northview.Maayos pa rin ang mga klase. Maingay pa rin ang hallway tuwing lunch break. Nasa tamang oras pa rin ang bell, at si Ma’am Les, tulad ng dati, palaging may baong kape para sa lahat. Pero sa ilalim ng kaayusang ito, may bagay na hindi maipaliwanag. Parang may hanging malamig na hindi naman galing sa aircon.Allison felt it first.Habang papunta siya sa faculty lounge, napansin niyang mas maingat ang mga tao ngayon sa pagsasalita tuwing dumadaan siya. Hindi na ito katulad noong una—na puro tsismis at bulungan. Ito, mas tahimik. Mas mapanukso.“May sinasabi ba sila sa’yo?” tanong niya kay Zion isang gabi habang sabay silang naglalakad pauwi. Hawak nila ang pinamili nilang ulam sa karinderya, pero ramdam niya ang bigat ng tanong.“Wala namang direkta,” sagot ni Zion. “Pero... alam mo namang hindi mo kailangang marinig lahat para maramdaman, ’di ba?”Tumango si Allison. “Gano’n din nararamdaman ko.”Sumilip ang lamig sa hangin. Malapit na ang ul

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 35

    Nakatayo si Zion sa harap ng bulletin board sa faculty lounge. Tahimik, halos hindi humihinga, habang tinititigan ang bagong announcement na ibinaba ng board: “A new Development Director will be introduced during next week’s general assembly.”Walang pangalan. Walang pahiwatig kung sino. Pero sapat na para kabahan si Zion.“Parang may gustong ilihim,” bulong ni Ma’am Les sa likod niya. “Alam mo ba kung sino ’to?”Umiling lang si Zion. “Wala akong alam.”“Pero mukha kang may kutob,” sabat ni Sir Anton, habang nagsasalin ng kape. “Mula nang may ‘anonymous donor’ na pumasok, parang ang daming galawan ng board, no? Hindi ba kayo informed?”“Hindi lahat ng bagay ay sinasabi sa akin,” sagot ni Zion, pilit ang ngiti.Lumayo siya mula sa bulletin board at dumiretso sa office niya. Pagkapasok niya, agad siyang bumagsak sa upuan. Ilang araw na siyang binabagabag ng parehong tanong—bakit bigla na lang may external audit, bagong posisyon, bagong pondo, at bigla ring bumait ang mga dating matitiga

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 34

    Mula nang inanunsyo ni Zion ang pagbabalik niya sa pagtuturo at ang nalalapit na pagbitaw bilang CEO, akala ng lahat ay tahimik na ang lahat. Pero sa Northview, ang katahimikan ay bihira at madalas ay bagyo ang kasunod.Isang umaga, habang nasa opisina si Zion, may dumating na abogadong hindi niya kilala.“Mr. Almonte,” bati nito, may bitbit na maletang kulay abuhing may tatak ng isang kilalang firm. “I'm here representing an external stakeholder, may gusto pong ipaabot sa inyo.”Zion blinked. “External stakeholder? Sino?”“I’m afraid I’m not at liberty to disclose the full identity,” sagot ng abogado. “Pero may kaugnayan ito sa family trust.”Napakunot ang noo ni Zion. “Wala na kaming active trust na may stake sa Northview. Not since...”“Since your father’s passing, yes. Pero may residual clause sa original trust. Na-activate lang ngayon dahil may bumalik na tagapagmana.”Nalaglag ang ballpen ni Zion mula sa kamay. Hindi siya agad nakapagsalita.“Is this about... Gabriel?”The lawye

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 33

    Mula sa terrace ng apartment nila, tahimik na pinagmamasdan ni Allison ang langit na tila puno ng basag na ulap. Katatapos lang ng mahabang weekend nila sa probinsya, isang subok na hakbang palayo sa ingay ng media, boardroom, at mga papel na may pirma at galit. Akala niya’y iyon na ang simula ng tuluyang paghilom.Pero pagbalik nila sa lungsod, isang sobre ang naghihintay sa mesa, hindi mula sa eskwelahan, kundi mula sa Miranda & Cruz Law Firm.“Zion,” tawag ni Allison, pinipigil ang kaba habang hawak ang makapal na envelope. “May dumating para sa’yo. Galing sa abogado.”Mula sa kusina, lumabas si Zion, may bitbit na mug ng kape. Nang makita ang sobre, tila biglang nanigas ang mga balikat nito. “Miranda & Cruz?” tanong niya, sabay kuha sa sulat. “They handled my father’s estate.”“Bakit… may bago?” tanong ni Allison, tahimik pero may pangamba.Binuksan ito ni Zion at mabilis na binasa ang laman. Habang lumilipas ang bawat segundo, mas lalong lumalim ang kunot ng noo niya. Sa wakas, t

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 32

    Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay nila Zion at Allison ang daan papunta sa lumang ancestral house ng mga Almonte. Malayo ito sa lungsod—walang signal, walang press, walang PR team na sasalo sa mga salita nilang posibleng masabi nang hindi inaasahan. Ito ang unang beses na dadalhin ni Zion si Allison doon. Hindi bilang CEO. Hindi bilang asawa sa papel. Kundi bilang taong gustong ipakita ang sarili nang buo."Last time I was here," ani Zion habang hawak ang manibela, "hindi na kami halos nagkikibuan ng ama ko. Noong nalaman niyang hindi ko tatapusin ang law school, nagbago lahat."Nakatingin si Allison sa bintana. "Pero bumalik ka pa rin."“Because this house still feels like unfinished business,” sagot ni Zion.Pagkarating nila sa lumang bahay, sinalubong sila ni Tita Martha, ang matandang tagapag-alaga ng bahay. “Zion,” sabi nito, sabay yakap sa binata. “Nabuhay ka!”Ngumiti si Zion, saka pinakilala si Allison. “Tita Martha, si Allison… asawa ko.”“Alam ko na,” sagot ng m

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 31

    Mag-aalas siyete pa lang ng umaga pero puno na ng energy ang faculty lounge. Maingay ang takbo ng kape machine, may halakhakan mula sa kabilang mesa, at may kung sinong nagpa-practice ng class skit lines habang naghihintay ng adviser. Lahat parang normal ulit, pero para kay Allison, hindi pa siya ganap na nakakabalik sa sarili niya.Sa sulok ng faculty room, tahimik siyang naglalagay ng lesson plan sa folder habang pinagmamasdan ang paligid. May ilang guro na tumango lang sa kanya, may iilan na umiiwas pa rin ng tingin."Hey, Ma'am," bati ni Sir Anton, may dalang pandesal. "Ngumiti ka naman d'yan. Mukha kang susugod sa laban."“Medyo ganun nga ang pakiramdam,” sagot ni Allison, pilit na ngumiti.“Unang klase mo ulit today, ‘di ba?” tanong ni Ma’am Les mula sa kabilang mesa. “Saan ‘yan, 10-B?”“10-B,” sagot niya. “Advisory din nila si Ma’am Diaz, kaya expected ko medyo... opinionated.”Hindi na bago sa kanya ang pagiging vocal ng mga bata, lalo pa’t nasangkot siya sa kontrobersya. Pero

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status