Share

Billionaire’s Bride: The Classroom Deal
Billionaire’s Bride: The Classroom Deal
Author: Divine Lucienne

Chapter 1

last update Last Updated: 2025-06-27 23:26:06

Maaga pa pero pakiramdam ni Allison, hinihila na agad siya ng pagod.

Wala pa ngang 8:00 a.m., pero parang tinulak na siya ng mundo palabas ng bahay na hindi pa rin ayos ang bubong. Nag-overnight na naman siyang gumagawa ng lesson plan habang binabantayan ang pag-ubo ng ama.

Bitbit ang sling bag niyang may butas na sa gilid, pumasok siya sa malawak na gate ng Northview Academy. Kilala ito bilang isa sa mga pinaka-elite na paaralan sa lungsod nila, kung saan ang tuition ay pang-isang semester na ng state university, at ang mga estudyante’y naka-iPad habang siya, naka secondhand na Android pa rin.

Sa bawat yapak niya sa polished tiles ng hallway, parang sinisigawan siya ng bawat sulok: “Hindi ka bagay dito.”

“Basta makaraos lang ang isang taon,” bulong niya sa sarili. “Para kay Papa.”

“Good morning, Ma’am!” bati ng isang estudyanteng dumaan.

Ngumiti siya, bahagyang yumuko. “Good morning, Lia.”

Tatlong araw pa lang siyang nagtuturo sa Northview bilang substitute Literature teacher, pero pakiramdam niya’y parang tatlong buwan na. Sanay siya sa public school. Chalk. Electric fan. Makukulit pero totoong mga estudyante.

Dito? Tahimik ang classroom pero ramdam mo ang distansya ng faculty at mga estudyante. May aircon nga, pero parang mas malamig ang tingin ng mga tao sa ‘yo.

Parang may code silang alam na hindi niya alam.

Habang paakyat siya sa faculty room, nasalubong niya si Ma’am Nadine, isang matagal ng guro sa school.

“Allison, pinapatawag ka sa admin office. Ngayon daw agad.”

Natigilan siya. “Ha? Bakit? May nagawa po ba ako?”

Umiling lang si Ma’am Nadine, pero may misteryosong ngiti sa labi. “Basta pumunta ka na. Huwag kang kakabahan.”

‘Yung huwag kang kakabahan na ‘yon ang lalong nagpakaba sa kanya.

May mali ba sa evaluation niya kahapon? Mali ba ‘yung isinulat niyang comment sa test paper? Wala naman siyang natandaan na offensive.

Baka tanggalin na ako? Ngayon pa talaga, Lord?

Pagdating niya sa Admin Office, nakailang dasal pa siya na sana wala siyang nilabag na kahit anong rules ng school, hindi pa siya nakakaipon ng pampagamot ng Papa niya. Kaya huminga siya ng malalim at tuluyang pumasok sa office.

“Upo muna kayo,” ani ng babae kaya sinunod naman siya.

Nakaharap siya ngayon sa isang babae na nasa harap ng computer, ito siguro yung secretary ng school. Elegante, sharp ang gaze habang pinagmamasdan siya.

May hangin ng pagiging “ibang level” ang babaeng ito. Mahinhin magsalita pero matalim kung tumingin.

“Uh… sino po ba ‘yung kakausap sa ‘kin?” hindi na napigilang tanungin ni Allison. Pero hindi siya nito pinansin.

“Ms. Reyes, pasok ka raw po. Siya mismo ang gustong kumausap sa’yo,” seryosong wika nito.

“S-sino po?” kinakabahang tanong niya.

Bumukas ang pinto ng isa pang office sa loob ng Admin Office, do’n may boses na malamig at may bigat ang sumalubong sa kanya.

“Come in.”

At doon niya unang nakita si Zion Almonte.

Walang sablay ang suot nitong gray suit. Hindi nakangiti. Hindi galit. Pero may aura ng panganib, ‘yung tipong kapag tinapakan mo ang linya, wala ka nang balak bumalik. Dahil hindi ka rin naman niya pagbibigyan.

Hindi siya nagsalita agad, pero ramdam mong lahat ng kilos niya, kalkulado.

Napatayo si Allison nang tuluyan siyang harapin ng lalaki.

“You’re Ms. Reyes?”

“Y-yes, sir. Ako po si Allison Reyes,” nanginginig ang boses niya.

Tahimik itong tumingin sa kanya, parang binabasa siya ng buong-buo. Parang isang scan machine na walang palalagpasin.

Hindi niya alam kung tititig din ba siya o yuyuko. Ramdam niya ang panliliit sa sarili sa klase ng titig nito sa kanya.

“Come in,” sagot nito at tinalikuran na siya.

Wala namang nagawa si Allison kung hindi ang sumunod. Hindi pa nga siya tumatagal sa eskwelahang ‘to, pero ito na agad ang sumalubong sa kanya? Parang gusto na lang nyang bumalik sa public school kahit pa mababa ang sweldo. Basta ba hindi niya lang maramdaman ‘yung gantong takot at kaba sa mga ganitong tao.

“Sit.”

Umupo siya. Tahimik pa rin. Anong kasalanan ko? Tumingin siya sa paligid at nakitang walang ibang tao. Kahit ‘yung sekretarya, sinarado na ang pinto.

“I heard about the incident yesterday.”

Natigilan si Allison. “Incident… sir?”

“You helped one of the kindergarten students who tripped near the parking lot. A photographer caught it on camera. Apparently, I was in the background.” May pinakita itong tablet na isang litrato: siya, hawak ang kamay ng bata. Sa likod, si Mr. Almonte, kasalukuyang bumababa sa kotse.

Sa picture? Parang mag-asawa sila.

Headline sa tabloid site: Northview Owner Seen with Mysterious Woman that is a Teacher?

Napanganga si Allison. Biglang hindi na niya alam ang gagawin niya, kung luluhod ba sa harap ng lalaki para humingi ng tawad o umiyak habang nagmamakaawang wag siyang tanggalin sa trabaho.

“Sir… pasensya na po, hindi ko po alam na…”

“It’s not your fault,” putol nito.

Natigilan siya. Hindi niya inasahan ‘yon. Paanong it’s not her fault, e halata namang kasalanan niya ‘yon? Hindi malalagay sa tabloid ang lalaki kung hindi dahil sa kanya!

Bumuntonghininga ito. “But this could work to our advantage.”

Napakunot ang noo ni Allison. “Po?”

Inilapag ni Zion ang tablet sa mesa, saka tumagilid ng upo, parang business presentation lang ang lahat.

“I need someone the public won’t suspect. Someone clean. Someone… believable.”

“Sir, hindi ko po kayo maintindihan?” nalilitong tanong niya.

“Let me be clear, Ms. Reyes.” Tumingin siya nang diretso, malamig pero hindi bastos. “I’m being pushed by the board to show I’ve changed. That I’m capable of settling down. I need a wife. On paper.”

Nagkaroon ng katahimikan. Malamig ang aircon pero parang mas malamig ang presensya nito.

“A fake wife?” mahina niyang tanong.

“Exactly. One year. In public, we’ll act married. In private, you go on with your life. I’ll cover all expenses: your father’s medication, your living costs, plus a generous monthly allowance. After one year, we’ll part ways. Clean break. No dramas.”

“Teka… I don’t get you... you mean to say gusto mo akong maging asawa?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Oo…” malamig ang tono nito. “...sa papel.”

Parang binagsakan si Allison ng langit at lupa sa narinig. Para siyang nanghina sa pinapahiwatig nito.

Hindi siya makapaniwala. Hindi ito eksena sa telenobela. Totoo ito.

Dito siya napaisip: Wife? Sa papel? Para lang mapanatag ang board? At ako ang napili niya?

Napatawa siya ng mapait. Kung ganito pala kalaki ang problema ng mga mayaman, nakakaawa rin pala sila sa ibang paraan.

Pero hindi niya maikakaila na para sa isang taong gipit katulad niya, ito na ang pinaka maginhawang impyerno.

“Sir… hindi ako escort.”

“Hindi ko sinabing ganun ka.”

“Hindi rin ako artista.”

“Good. Mas believable ‘yon.”

Napatawa siya ng mapait. “Sir, respeto lang po. Teacher po ako.”

Tumango si Zion. “And you’ll stay a teacher. But you’ll be Mrs. Almonte at the same time. No intimacy required. Just appearances.”

Napatayo si Allison. “Pasensya na po. Pero hindi ko ‘to kayang tanggapin.”

Pero bago siya tuluyang lumabas ng pinto, may pahabol pa ‘tong salita.

“Your father’s chemo bills are due next week, right?”

Natigilan siya.

“Paano mo nalaman?”

“I did my research. You’re drowning in debt. You’ve been skipping meals. Your contract here is temporary. And that job application you filed in another school? They won’t hire you. Overqualified daw. But I will,” proud nitong pagsasalita.

Nagkaroon ulit ng katahimikan. Hindi siya makagalaw. May kung anong nagte-tempt sa kanya.

“I’m not forcing you though,” dagdag ni Zion. “You can walk away and forget that this happened. But think about it, Ms. Reyes. One year of pretending… or a lifetime of struggle?”

Tumalikod na siya pero parang may naiwang tanong sa hangin.

Hindi niya alam kung lalabas siya bilang taong matuwid o bilang desperadong anak.

At paglabas niya sa opisina, hindi na siya si Ma’am Allison lang.

Dahil magmula nung araw na ‘yon… kahit hindi pa siya nagbibigay ng konkretong sagot, alam niyang nabitbit na niya ang bago niyang apelyido… ang Mrs. Almonte.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 35

    Nakatayo si Zion sa harap ng bulletin board sa faculty lounge. Tahimik, halos hindi humihinga, habang tinititigan ang bagong announcement na ibinaba ng board: “A new Development Director will be introduced during next week’s general assembly.”Walang pangalan. Walang pahiwatig kung sino. Pero sapat na para kabahan si Zion.“Parang may gustong ilihim,” bulong ni Ma’am Les sa likod niya. “Alam mo ba kung sino ’to?”Umiling lang si Zion. “Wala akong alam.”“Pero mukha kang may kutob,” sabat ni Sir Anton, habang nagsasalin ng kape. “Mula nang may ‘anonymous donor’ na pumasok, parang ang daming galawan ng board, no? Hindi ba kayo informed?”“Hindi lahat ng bagay ay sinasabi sa akin,” sagot ni Zion, pilit ang ngiti.Lumayo siya mula sa bulletin board at dumiretso sa office niya. Pagkapasok niya, agad siyang bumagsak sa upuan. Ilang araw na siyang binabagabag ng parehong tanong—bakit bigla na lang may external audit, bagong posisyon, bagong pondo, at bigla ring bumait ang mga dating matitiga

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 34

    Mula nang inanunsyo ni Zion ang pagbabalik niya sa pagtuturo at ang nalalapit na pagbitaw bilang CEO, akala ng lahat ay tahimik na ang lahat. Pero sa Northview, ang katahimikan ay bihira at madalas ay bagyo ang kasunod.Isang umaga, habang nasa opisina si Zion, may dumating na abogadong hindi niya kilala.“Mr. Almonte,” bati nito, may bitbit na maletang kulay abuhing may tatak ng isang kilalang firm. “I'm here representing an external stakeholder, may gusto pong ipaabot sa inyo.”Zion blinked. “External stakeholder? Sino?”“I’m afraid I’m not at liberty to disclose the full identity,” sagot ng abogado. “Pero may kaugnayan ito sa family trust.”Napakunot ang noo ni Zion. “Wala na kaming active trust na may stake sa Northview. Not since...”“Since your father’s passing, yes. Pero may residual clause sa original trust. Na-activate lang ngayon dahil may bumalik na tagapagmana.”Nalaglag ang ballpen ni Zion mula sa kamay. Hindi siya agad nakapagsalita.“Is this about... Gabriel?”The lawye

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 33

    Mula sa terrace ng apartment nila, tahimik na pinagmamasdan ni Allison ang langit na tila puno ng basag na ulap. Katatapos lang ng mahabang weekend nila sa probinsya, isang subok na hakbang palayo sa ingay ng media, boardroom, at mga papel na may pirma at galit. Akala niya’y iyon na ang simula ng tuluyang paghilom.Pero pagbalik nila sa lungsod, isang sobre ang naghihintay sa mesa, hindi mula sa eskwelahan, kundi mula sa Miranda & Cruz Law Firm.“Zion,” tawag ni Allison, pinipigil ang kaba habang hawak ang makapal na envelope. “May dumating para sa’yo. Galing sa abogado.”Mula sa kusina, lumabas si Zion, may bitbit na mug ng kape. Nang makita ang sobre, tila biglang nanigas ang mga balikat nito. “Miranda & Cruz?” tanong niya, sabay kuha sa sulat. “They handled my father’s estate.”“Bakit… may bago?” tanong ni Allison, tahimik pero may pangamba.Binuksan ito ni Zion at mabilis na binasa ang laman. Habang lumilipas ang bawat segundo, mas lalong lumalim ang kunot ng noo niya. Sa wakas, t

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 32

    Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay nila Zion at Allison ang daan papunta sa lumang ancestral house ng mga Almonte. Malayo ito sa lungsod—walang signal, walang press, walang PR team na sasalo sa mga salita nilang posibleng masabi nang hindi inaasahan. Ito ang unang beses na dadalhin ni Zion si Allison doon. Hindi bilang CEO. Hindi bilang asawa sa papel. Kundi bilang taong gustong ipakita ang sarili nang buo."Last time I was here," ani Zion habang hawak ang manibela, "hindi na kami halos nagkikibuan ng ama ko. Noong nalaman niyang hindi ko tatapusin ang law school, nagbago lahat."Nakatingin si Allison sa bintana. "Pero bumalik ka pa rin."“Because this house still feels like unfinished business,” sagot ni Zion.Pagkarating nila sa lumang bahay, sinalubong sila ni Tita Martha, ang matandang tagapag-alaga ng bahay. “Zion,” sabi nito, sabay yakap sa binata. “Nabuhay ka!”Ngumiti si Zion, saka pinakilala si Allison. “Tita Martha, si Allison… asawa ko.”“Alam ko na,” sagot ng m

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 31

    Mag-aalas siyete pa lang ng umaga pero puno na ng energy ang faculty lounge. Maingay ang takbo ng kape machine, may halakhakan mula sa kabilang mesa, at may kung sinong nagpa-practice ng class skit lines habang naghihintay ng adviser. Lahat parang normal ulit, pero para kay Allison, hindi pa siya ganap na nakakabalik sa sarili niya.Sa sulok ng faculty room, tahimik siyang naglalagay ng lesson plan sa folder habang pinagmamasdan ang paligid. May ilang guro na tumango lang sa kanya, may iilan na umiiwas pa rin ng tingin."Hey, Ma'am," bati ni Sir Anton, may dalang pandesal. "Ngumiti ka naman d'yan. Mukha kang susugod sa laban."“Medyo ganun nga ang pakiramdam,” sagot ni Allison, pilit na ngumiti.“Unang klase mo ulit today, ‘di ba?” tanong ni Ma’am Les mula sa kabilang mesa. “Saan ‘yan, 10-B?”“10-B,” sagot niya. “Advisory din nila si Ma’am Diaz, kaya expected ko medyo... opinionated.”Hindi na bago sa kanya ang pagiging vocal ng mga bata, lalo pa’t nasangkot siya sa kontrobersya. Pero

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 30

    Hindi agad bumalik sa normal ang lahat matapos ang press conference. Pero may pagbabago—hindi man lubos na kapayapaan, pero tahimik na pagtanggap sa kanilang dalawa. Tulad ng langit pagkatapos ng ulan, hindi man maliwanag agad, pero ramdam mong lilinaw rin.Isang linggo na ang lumipas mula nang ianunsyo ni Zion ang desisyon niyang umatras bilang CEO pagkatapos ng school year. Ang memo na ipinadala niya sa board ay maiksi pero malinaw: gusto niyang bigyan ng daan ang bagong pamunuan, hindi dahil sumusuko siya, kundi dahil oras na para hayaan ang mas malawak na pananaw na umiral sa loob ng paaralan. At higit pa roon, gusto niyang ipagpatuloy ang pagtuturo.Sa isang meeting na tahimik ngunit mabigat, binasa ni Principal Velasquez ang memo sa harap ng board. "He’s resigning… on his own terms," ani Velasquez habang nakakunot ang noo.Walang umimik. May ilan na halatang gulat. Si Mr. Cabanag, halatang hindi makapaniwala. "He’s still young. May vision pa siya. Bakit ngayon pa?""Maybe that’s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status