Linggo ng hapon, isang charity event ang ginanap sa Northview Academy na dinaluhan ng mga guro, magulang, at school benefactors. Hindi makaiwas si Allison sa official appearance na kailangan nilang gawin ni Zion bilang mag-asawa. Isa ito sa mga kondisyon sa kasunduan. Kumpleto ang media. Kumpleto rin ang panghuhusga sa tingin ng mga tao.
"You look tense," bulong ni Zion habang nasa gilid sila ng stage, naghihintay ng cue para sa photo op.
"I am tense," sagot ni Allison, nakaipit sa eleganteng beige dress na pinadala ng PA ni Zion noong umaga. "Alam mong hindi ako sanay sa ganito."
"Just smile. Pretend you like me."
"Ewan ko kung kaya kong umarte ng ganyan," bulong niya ulit, pero ngumiti rin.
Pag-akyat nila sa stage, agad kumislap ang mga camera. Ramdam ni Allison ang lakas ng tibok ng dibdib niya, pero pinilit niyang ngumiti. Humawak si Zion sa baywang niya, bahagya siyang inilapit sa kanya.
"Don’t be stiff," bulong nito. "They’re watching."
Napasulyap si Allison sa audience. Nandoon ang mga kasamahan sa faculty, mga magulang, estudyante, pati na rin ang mga taong dati ay 'di man lang siya pinapansin. Ngayon, lahat sila, nakatingin sa kanya at parang inaantay siyang magkamali.
Sa isang corner ng event hall, nakita niya si Ma’am Les na kunwaring nagkakape lang pero palihim na kinukunan sila ng video sa phone. Si Ma’am Cherry naman, may kausap na mommy ng student, parehong nakatingin sa kanila habang nakakunot ang noo.
"Grabe, totohanan na talaga," narinig niyang bulong ng isa sa mga estudyante. "Dati parang chismis lang."
Mula sa gilid ng kanyang paningin, napansin niyang napakunot ang noo ni Zion habang palihim na sinusuri ang paligid. Hindi man ito nagsalita, halata sa nanlalamig nitong ekspresyon ang inis sa mapanghusgang tingin ng mga tao. Lalo na sa ilang guro na halatang hindi kuntento sa nakikita.
“Let them look,” mahina niyang bulong, pero puno ng paninindigan. “They’ll get tired eventually.”
Nag-angat ng tingin si Zion sa kanya, saglit na natigilan. Hindi siya sanay makarinig ng kumpirmasyon mula kay Allison. Isang bagay sa tono nito ang tila tumama sa kanya.
Mas tumindi pa ang tensyon nang imbitahan silang mag-toast onstage. May tumawag pa sa kanila ng “power couple,” sabay sigawan ng ibang audience. Napilitan si Allison ngumiti at itaas ang baso, habang si Zion ay mahinang bulong sa kanya, "Just a few more minutes."
Matapos ang event, sinundan ni Allison si Zion sa parking area kung saan tahimik na silang dalawa.
"Hindi ba sobra 'yon?" tanong niya.
"You mean the hand on your waist?" balik nito, nakatingin sa susi ng kotse.
"This whole thing. Masyado nang lumalalim."
Tumigil si Zion. Tumingin sa kanya. "We have to make it believable."
"What if I start believing it myself?"
Sandaling katahimikan. Napatingin si Zion sa kanya. Hindi na ito nakangiti.
"Then we’ll both be in trouble."
Naglalakad na sana si Allison palayo nang bigla siyang hatakin ni Zion pabalik. Hindi marahas. Sakto lang para mapatigil siya.
"Allison," sabi nito, medyo pabulong pero mabigat. "If this is going to be too much for you... tell me now. I can adjust. I’m not trying to hurt you."
Napakurap si Allison. Hindi niya inasahan ‘yon. Hindi niya inasahan na kaya rin palang maging mahinahon ng isang katulad ni Zion Almonte.
"I’m just trying to survive," mahinang sagot niya.
"Same."
Habang naglalakad pabalik si Allison, nakasalubong niya si Sir Anton.
"Ma'am Allison, nakita ka namin kanina sa stage. Kayo talaga ni Sir Zion?"
Ngumiti siya. "Oo."
Napakamot ito sa batok. "Kakaiba. Pero bagay kayo, sa totoo lang."
Hindi niya alam kung paano sasagutin 'yon kaya tumango na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Sa bawat hakbang niya, pakiramdam niya ay mas dumadami ang mata sa paligid. Hindi niya sigurado kung dahil sa hiya, kaba, o... excitement?
Pagbalik sa bahay, dumiretso siya sa kwarto. Hindi agad siya nakatulog. Bumangon siya, lumabas sa balcony, at tumingin sa mga ilaw ng siyudad. Doon niya naramdaman ang bigat ng lahat. Ang dami niyang kailangang panindigan ngayon. Hindi lang para sa sarili niya, kundi para sa Papa niya—at sa kasunduang unti-unti nang nagiging komplikado.
At sa kabilang kwarto, ganoon din si Zion. Kasi sa unang pagkakataon, pareho na silang hindi sigurado kung saan hahantong ang larong ito.
Sa loob ng silid ni Zion, nakatitig siya sa kisame habang hawak ang tablet. Naka-save doon ang isa sa mga official photos nila ni Allison. Ang ganda ng kuha. Nakatitig si Allison sa camera, pero si Zion, sa kanya nakatingin. Hindi sinasadya. Hindi scripted. Totoo.
Bakit nga ba siya nakatingin nang gano'n?
Hindi niya alam kung kailan nagsimulang maging komplikado ang simpleng plano. Ang mas masakit, hindi rin niya alam kung paano ito ititigil.
Napatingin siya sa terrace at naaninag si Allison na nakaupo roon, mag-isa. Tahimik. Malungkot. Ramdam niya ang distansya kahit ilang metro lang ang pagitan nila. Gusto niya itong lapitan—pero alam niyang kapag lumapit siya, baka wala nang balikan.
At sa gabing ‘yon, parehong nakaramdam ng takot ang dalawang taong nagpanggap lang.
Dahil baka nga totoo na ang lahat.
Mag-aalas siyete pa lang ng umaga pero puno na ng energy ang faculty lounge. Maingay ang takbo ng kape machine, may halakhakan mula sa kabilang mesa, at may kung sinong nagpa-practice ng class skit lines habang naghihintay ng adviser. Lahat parang normal ulit, pero para kay Allison, hindi pa siya ganap na nakakabalik sa sarili niya.Sa sulok ng faculty room, tahimik siyang naglalagay ng lesson plan sa folder habang pinagmamasdan ang paligid. May ilang guro na tumango lang sa kanya, may iilan na umiiwas pa rin ng tingin."Hey, Ma'am," bati ni Sir Anton, may dalang pandesal. "Ngumiti ka naman d'yan. Mukha kang susugod sa laban."“Medyo ganun nga ang pakiramdam,” sagot ni Allison, pilit na ngumiti.“Unang klase mo ulit today, ‘di ba?” tanong ni Ma’am Les mula sa kabilang mesa. “Saan ‘yan, 10-B?”“10-B,” sagot niya. “Advisory din nila si Ma’am Diaz, kaya expected ko medyo... opinionated.”Hindi na bago sa kanya ang pagiging vocal ng mga bata, lalo pa’t nasangkot siya sa kontrobersya. Pero
Hindi agad bumalik sa normal ang lahat matapos ang press conference. Pero may pagbabago—hindi man lubos na kapayapaan, pero tahimik na pagtanggap sa kanilang dalawa. Tulad ng langit pagkatapos ng ulan, hindi man maliwanag agad, pero ramdam mong lilinaw rin.Isang linggo na ang lumipas mula nang ianunsyo ni Zion ang desisyon niyang umatras bilang CEO pagkatapos ng school year. Ang memo na ipinadala niya sa board ay maiksi pero malinaw: gusto niyang bigyan ng daan ang bagong pamunuan, hindi dahil sumusuko siya, kundi dahil oras na para hayaan ang mas malawak na pananaw na umiral sa loob ng paaralan. At higit pa roon, gusto niyang ipagpatuloy ang pagtuturo.Sa isang meeting na tahimik ngunit mabigat, binasa ni Principal Velasquez ang memo sa harap ng board. "He’s resigning… on his own terms," ani Velasquez habang nakakunot ang noo.Walang umimik. May ilan na halatang gulat. Si Mr. Cabanag, halatang hindi makapaniwala. "He’s still young. May vision pa siya. Bakit ngayon pa?""Maybe that’s
Hindi pa man sumisikat ang araw, gising na si Allison. Nakatulala siya sa tasa ng kape sa lamesa, habang nasa harap ang laptop na hindi pa rin nabubuksan. Bukas ang inbox, punong-puno ng messages mula sa department head, mga co-teacher, alumni, pati na rin ilang magulang ng estudyante. May nagtatanggol, may nag-aalalang baka madamay ang mga bata, at may ilan na tahasan ang pagkondena.Pagkababa ni Zion mula sa itaas, suot ang gray na hoodie, agad niyang napansin ang pagod sa mukha ni Allison.“Did you sleep?” tanong niya, papunta sa kusina.Saglit lang siyang tumango. “Hindi ko na maalala.”Tumabi ito sa kanya, tahimik muna, tapos nagsalin ng kape sa sariling mug.“May official memo na raw,” dagdag ni Allison, pilit pinapakalma ang sarili. “Ibabalik ako sa klase, pero kailangan ko raw muna ng clearance mula sa guidance. Parang... evaluation.”“Evaluation?” ulit ni Zion, bahagyang napataas ang kilay. “As if you’re the one who needs fixing.”“Zion…” she trailed.Napatingin siya rito. Ma
Maagang dumating si Zion sa academy, bitbit ang folder na may laman ng school’s revised public relations strategy. Ngunit hindi iyon ang laman ng isip niya. Ang mas iniisip niya ay kung paano kakausapin si Allison tungkol sa plano niyang bumaba bilang CEO sa pagtatapos ng academic year.Nasa likod ng faculty building siya nang mapadaan si Ma’am Les.“Mr. Almonte,” bati nito, may halong pag-aalinlangan. “Narinig ko yung interview n’yo kagabi. Ang tapang.”“Hindi ko na kayang manahimik, Ma’am Les,” sagot ni Zion. “Lalo na kung ang nasasaktan ay isang taong hindi dapat nilalabanan, kundi pinapakinggan.”Tumango lang ito bago tumuloy. Naiwan si Zion, pinipigilang basahin ang draft resignation letter na nasa folder.Sa kabilang dulo ng campus, si Allison ay abalang sinusuri ang mga activity output ng klase niya. Pero hindi niya rin maiwasang maglakbay ang isip, lalo na’t patapos na ang semester. Ilang estudyante ang lumapit sa mesa niya.“Ma’am, ‘yung reflection paper po namin for the modu
Maagang dumating si Allison sa school kahit wala pa siyang full load. Ayaw niyang magmukhang umiiwas o nagtatago. Gusto niyang ipakita—sa mga estudyante, sa mga guro, sa board—that she was still here. Still standing.Habang naglalakad sa hallway, ramdam niya ang mga matang nakasunod sa bawat hakbang niya. May ilan na kumaway, may bumati ng "Good morning, Ma’am Allison," pero may ilan ding hindi umiimik. Hindi hostile, pero may distansyang bago.Pagdaan niya sa 3rd floor wing ng Senior High Building, may mga estudyanteng nagtipon sa gilid. Sa una’y akala niya’y karaniwang tambayan lang. Pero nang mapansin siyang paparating, nagsiayos ang ilan at may isang lumapit.“Ma’am, pwede po ba kayo sumandali?” tanong ng estudyante, si Gelo—lead editor ng school paper.“Sige,” sagot niya, bahagyang nagulat.“Gusto lang po sana naming kunan ng short interview para sa op-ed section ng The Northview Voice. We’re doing a piece on integrity—at para sa amin, kayo po ‘yon.”Nagkibit-balikat si Allison.
Sa halip na umuwi agad matapos ang presscon, dumiretso sina Allison at Zion sa rooftop ng admin building. Tahimik. Malamig ang hangin. Walang media, walang mata, walang tanong—tanging sila lang.“Pagod ka na ba?” tanong ni Zion, nakatingin sa malayo, sa city lights.“All the time,” sagot ni Allison, bahagyang napangiti. “Pero weird... hindi ko alam kung kailan ako huling naging ganito ka... totoo.”Tahimik.“May tanong ako,” ani Zion. “Kung wala ‘yung kontrata, kung hindi kita nilapitan that day… tingin mo, may ‘tayo’ pa rin?”Napatingin si Allison sa kanya. “Hindi ko alam. Pero ang sigurado ko, kahit paano… may ako.”“May ikaw?”“Oo. Yung ako na hindi na takot sa mundong hindi perpekto. Yung ako na natutong tumingin sa sarili niya—at hindi lang sa kung anong iniisip ng iba.”Zion took a breath. “Then maybe, this wasn’t all a mistake.”Kinabukasan matapos ang press conference, hindi pa rin humuhupa ang ingay. Trending pa rin sa social media ang pangalan ni Zion Almonte, kasama ang has