Share

Chapter 7

last update Last Updated: 2025-07-02 20:22:30

Maagang nagising si Allison kinabukasan. Isang linggo na siyang opisyal na "Mrs. Almonte," pero tuwing namumulat ang mata niya sa condo unit na iyon, hindi pa rin siya makapaniwala kasi para pa ring panaginip, o mas magandang sabihing parang bangungot.

Tahimik ang buong lugar. Malawak ang sala, minimal ang disenyo, halos walang bakas ng totoong pamumuhay. Parang hotel. Parang buhay na walang taong nakatira.

Lumabas siya ng kwarto, suot ang simpleng grey hoodie at leggings. Wala pa si Zion. Siguro nasa office na. O baka nasa gym sa baba. O baka... umiiwas.

Nagpakulo siya ng tubig para sa instant coffee niya. Habang naghihintay, tumingin siya sa isang frame sa gilid ng bar counter. Isa sa mga peke nilang couple photos ‘yon. Kinuhanan 'yon nung charity event. Mukhang masaya. Mukhang totoo.

Pero hindi.

Habang iniinom ang kape, naupo siya sa gilid ng malaking glass window at tinanaw ang magandang siyudad. Ang taas ng lugar, pero parang mas mabigat ang bigat ng dibdib niya. Sa tahimik na umagang ‘yon, muling bumulong sa isip niya ang tanong na, “Hanggang kailan ko ‘to kakayanin?”

Pagdating niya sa school, iba na ang ihip ng hangin. Kakaibang tingin na ang ibinabato ng mga kapwa guro niya sa kanya. Hindi na tanong. Hindi na chismis. Dahil kumpirmado na sa lahat.

"Good morning, Mrs. Almonte," nakangising bati ni Ma’am Les.

Napilitang ngumiti si Allison. "Good morning po."

"Ganda ng suot mo ah. Pang-CEO's wife talaga," sabay kindat.

Si Sir Anton naman, palihim lang siyang tiningnan, tila hindi makapaniwala. Narinig niya pa ang isa pang guro na bumulong, “Ang bilis naman. Dati tahimik lang 'yan.”

Hindi sumagot si Allison. Dumiretso siya sa faculty desk at binuksan ang lesson plan notebook niya. Pilit niyang ibinabalik ang sarili sa dati. Yung panahong teacher lang siya. Walang asawa. Walang intriga. Walang camera. Walang kasinungalingan.

Pero hindi na talaga siya 'yung dating Allison.

Sa kalagitnaan ng klase, habang nagpapabasa siya ng tula sa mga estudyante, may isang batang babae ang nagtaas ng kamay.

"Ma’am, totoo po ba na in love kayo kay Sir Zion?"

Halos mabitawan niya ang libro. Pero ngumiti siya, gamay na ang ganyang tanong. "Focus tayo sa metaphor, not gossip."

Tumawa ang buong klase. Pero hindi rin siya makatawa. Kasi kahit siya, hindi na niya alam ang sagot.

Sa kabilang bahagi ng lungsod, si Zion ay nasa board meeting. Tahimik siyang nakaupo habang pinapakinggang nag-uulat ang isa sa mga director tungkol sa school’s quarterly performance ng Northview Academy. Pero ang isip niya, wala roon.

Lumalaban sa pagitan ng imahe niyang pinangangalagaan at ng babaeng hindi dapat pumasok sa equation. Isang tanong lang ang paulit-ulit sa utak niya: Bakit si Allison ang naisip niyang piliin? Sa dami ng pwedeng bayaran, sa dami ng pwedeng manipulahin — bakit siya pa? Pero kahit anong gawin niyang pag-iisip, wala siyang makuhang sagot. 

Pagkatapos ng meeting, hindi siya agad bumalik sa opisina. Pumunta siya sa rooftop lounge ng building at naghintay doon. Kumuha ng tubig. Tumingin sa ulap.

“She's too honest,” bulong niya sa sarili. “Too pure.”

At iyon ang problema. Napabuntong hininga siya. 

Kinagabihan, dumating si Zion sa condo unit. Sinalubong siya ng katahimikan ng paligid. Inilapag nito ang briefcase sa lamesa at dumiretso sa kusina. Do’n siya sinalubong ng bumago sa routine niya bilang Zion Almonte.

"You haven't eaten?" tanong nito.

"Nagkape lang."

"I'll order something."

Walang kumikibo sa kanila. Hanggang sa pareho silang nasa dining table, magkatapat. Umiikot ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa..

"Kumusta ang event kahapon?" tanong ni Allison, putol sa katahimikan.

"Okay. The board was pleased,” sagot niya.

"So 'yun lang ang mahalaga?"

"Allison..." he trailed.

"Napapagod na rin ako, Zion."

Tiningnan siya nito. Matagal. Malalim. Parang may gusto itong sabihin pero pinipigilan lang ang sarili.

"Ako rin," mahina nitong sagot. "Pero ito ang pinili natin, di ba?"

Namayani ang katahimikan sa kanila. At ang tanging naririnig lang nila ang tunog ng aircon at mahihinang kaluskos sa labas. Naglagay si Zion ng tubig sa baso ni Allison. Pinanood niya lang ang ginawa ng lalaki.

"You knew this wouldn’t be easy," dagdag niya. "Pero hindi ko rin inasahan na magiging ganito ka-ilang."

Napakunot ang noo ni Allison. "Ako lang ba? Kasi sa tuwing nandito ka, para kang... robot. May oras kang magsalita, pero wala ka namang sinasabi."

Zion looked away. "You want me to be someone I’m not."

"Gusto ko lang ng totoo," mahinang sagot niya.

"This whole thing is a lie. We agreed on that."

"Kaya nga siguro ang hirap. Kasi kahit sinungaling tayo sa harap ng iba, hindi ko na maitago sa sarili ko na apektado na ako sa nangayayaring ‘to,” buga niya.

Napayuko siya. Hindi na niya alam kung alin sa mga salitang iyon ang nais niyang bitawan, at alin ang dapat itikom.

"I'm not good at this," sabi ni Zion, mas mahina. "Relationships. Emotions. Being... vulnerable."

"At ako? Sa tingin mo ba madali rin to para sa'kin?"

Hindi ito nakasagot. Dahil maybe, deep down, alam niyang kung may taong mas may karapatang maapektuhan sa kanilang dalawa, si Allison ‘yon. He dragged her to this mess.

"Hindi ako binayaran para saktan ang sarili ko, Zion. Pero araw-araw, parang may bahagi sa pagkatao na parang nababali."

Hindi niya alam kung bakit siya nagsalita nang gano’n. Siguro dahil gabi na. O siguro dahil pagod na siya. Hindi lang sa trabaho, kundi sa pagiging hindi totoo sa mundong ginagalawan nila.

Zion slowly stood up. Tiningnan siya nang matagal.

"I’ll wash the dishes," mahina nitong sabi.

Hindi siya kumibo. Pinagmasdan lang niya ito habang dinala ang mga plato sa lababo.

Habang natutulog si Allison, si Zion ay muling bumalik sa terrace. Doon siya tumingin sa siyudad. Malayo. Mataas. Tahimik. Pero sa dami ng ilaw, ang isa lang ang paulit-ulit sa isip niya: ang liwanag sa kwarto ni Allison.

At ang tanong na pilit niyang iniiwasan.

What if this isn't pretend anymore?

At habang nakapikit si Allison sa kama, isang pangarap ang bumisita sa kanya. Si Zion. Hawak ang kamay niya. Hindi siya umiiyak. Hindi siya nagkukunwari. Totoo silang mag-asawa.

Pagmulat ng mata niya, wala na ang lahat. Pero ang tibok ng puso niya, hindi pa rin nagbabago.

At sa katahimikan ng gabi, parehong tanong ang bumalot sa kanila:

Paano kung hindi na ito laro?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 35

    Nakatayo si Zion sa harap ng bulletin board sa faculty lounge. Tahimik, halos hindi humihinga, habang tinititigan ang bagong announcement na ibinaba ng board: “A new Development Director will be introduced during next week’s general assembly.”Walang pangalan. Walang pahiwatig kung sino. Pero sapat na para kabahan si Zion.“Parang may gustong ilihim,” bulong ni Ma’am Les sa likod niya. “Alam mo ba kung sino ’to?”Umiling lang si Zion. “Wala akong alam.”“Pero mukha kang may kutob,” sabat ni Sir Anton, habang nagsasalin ng kape. “Mula nang may ‘anonymous donor’ na pumasok, parang ang daming galawan ng board, no? Hindi ba kayo informed?”“Hindi lahat ng bagay ay sinasabi sa akin,” sagot ni Zion, pilit ang ngiti.Lumayo siya mula sa bulletin board at dumiretso sa office niya. Pagkapasok niya, agad siyang bumagsak sa upuan. Ilang araw na siyang binabagabag ng parehong tanong—bakit bigla na lang may external audit, bagong posisyon, bagong pondo, at bigla ring bumait ang mga dating matitiga

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 34

    Mula nang inanunsyo ni Zion ang pagbabalik niya sa pagtuturo at ang nalalapit na pagbitaw bilang CEO, akala ng lahat ay tahimik na ang lahat. Pero sa Northview, ang katahimikan ay bihira at madalas ay bagyo ang kasunod.Isang umaga, habang nasa opisina si Zion, may dumating na abogadong hindi niya kilala.“Mr. Almonte,” bati nito, may bitbit na maletang kulay abuhing may tatak ng isang kilalang firm. “I'm here representing an external stakeholder, may gusto pong ipaabot sa inyo.”Zion blinked. “External stakeholder? Sino?”“I’m afraid I’m not at liberty to disclose the full identity,” sagot ng abogado. “Pero may kaugnayan ito sa family trust.”Napakunot ang noo ni Zion. “Wala na kaming active trust na may stake sa Northview. Not since...”“Since your father’s passing, yes. Pero may residual clause sa original trust. Na-activate lang ngayon dahil may bumalik na tagapagmana.”Nalaglag ang ballpen ni Zion mula sa kamay. Hindi siya agad nakapagsalita.“Is this about... Gabriel?”The lawye

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 33

    Mula sa terrace ng apartment nila, tahimik na pinagmamasdan ni Allison ang langit na tila puno ng basag na ulap. Katatapos lang ng mahabang weekend nila sa probinsya, isang subok na hakbang palayo sa ingay ng media, boardroom, at mga papel na may pirma at galit. Akala niya’y iyon na ang simula ng tuluyang paghilom.Pero pagbalik nila sa lungsod, isang sobre ang naghihintay sa mesa, hindi mula sa eskwelahan, kundi mula sa Miranda & Cruz Law Firm.“Zion,” tawag ni Allison, pinipigil ang kaba habang hawak ang makapal na envelope. “May dumating para sa’yo. Galing sa abogado.”Mula sa kusina, lumabas si Zion, may bitbit na mug ng kape. Nang makita ang sobre, tila biglang nanigas ang mga balikat nito. “Miranda & Cruz?” tanong niya, sabay kuha sa sulat. “They handled my father’s estate.”“Bakit… may bago?” tanong ni Allison, tahimik pero may pangamba.Binuksan ito ni Zion at mabilis na binasa ang laman. Habang lumilipas ang bawat segundo, mas lalong lumalim ang kunot ng noo niya. Sa wakas, t

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 32

    Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay nila Zion at Allison ang daan papunta sa lumang ancestral house ng mga Almonte. Malayo ito sa lungsod—walang signal, walang press, walang PR team na sasalo sa mga salita nilang posibleng masabi nang hindi inaasahan. Ito ang unang beses na dadalhin ni Zion si Allison doon. Hindi bilang CEO. Hindi bilang asawa sa papel. Kundi bilang taong gustong ipakita ang sarili nang buo."Last time I was here," ani Zion habang hawak ang manibela, "hindi na kami halos nagkikibuan ng ama ko. Noong nalaman niyang hindi ko tatapusin ang law school, nagbago lahat."Nakatingin si Allison sa bintana. "Pero bumalik ka pa rin."“Because this house still feels like unfinished business,” sagot ni Zion.Pagkarating nila sa lumang bahay, sinalubong sila ni Tita Martha, ang matandang tagapag-alaga ng bahay. “Zion,” sabi nito, sabay yakap sa binata. “Nabuhay ka!”Ngumiti si Zion, saka pinakilala si Allison. “Tita Martha, si Allison… asawa ko.”“Alam ko na,” sagot ng m

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 31

    Mag-aalas siyete pa lang ng umaga pero puno na ng energy ang faculty lounge. Maingay ang takbo ng kape machine, may halakhakan mula sa kabilang mesa, at may kung sinong nagpa-practice ng class skit lines habang naghihintay ng adviser. Lahat parang normal ulit, pero para kay Allison, hindi pa siya ganap na nakakabalik sa sarili niya.Sa sulok ng faculty room, tahimik siyang naglalagay ng lesson plan sa folder habang pinagmamasdan ang paligid. May ilang guro na tumango lang sa kanya, may iilan na umiiwas pa rin ng tingin."Hey, Ma'am," bati ni Sir Anton, may dalang pandesal. "Ngumiti ka naman d'yan. Mukha kang susugod sa laban."“Medyo ganun nga ang pakiramdam,” sagot ni Allison, pilit na ngumiti.“Unang klase mo ulit today, ‘di ba?” tanong ni Ma’am Les mula sa kabilang mesa. “Saan ‘yan, 10-B?”“10-B,” sagot niya. “Advisory din nila si Ma’am Diaz, kaya expected ko medyo... opinionated.”Hindi na bago sa kanya ang pagiging vocal ng mga bata, lalo pa’t nasangkot siya sa kontrobersya. Pero

  • Billionaire’s Bride: The Classroom Deal   Chapter 30

    Hindi agad bumalik sa normal ang lahat matapos ang press conference. Pero may pagbabago—hindi man lubos na kapayapaan, pero tahimik na pagtanggap sa kanilang dalawa. Tulad ng langit pagkatapos ng ulan, hindi man maliwanag agad, pero ramdam mong lilinaw rin.Isang linggo na ang lumipas mula nang ianunsyo ni Zion ang desisyon niyang umatras bilang CEO pagkatapos ng school year. Ang memo na ipinadala niya sa board ay maiksi pero malinaw: gusto niyang bigyan ng daan ang bagong pamunuan, hindi dahil sumusuko siya, kundi dahil oras na para hayaan ang mas malawak na pananaw na umiral sa loob ng paaralan. At higit pa roon, gusto niyang ipagpatuloy ang pagtuturo.Sa isang meeting na tahimik ngunit mabigat, binasa ni Principal Velasquez ang memo sa harap ng board. "He’s resigning… on his own terms," ani Velasquez habang nakakunot ang noo.Walang umimik. May ilan na halatang gulat. Si Mr. Cabanag, halatang hindi makapaniwala. "He’s still young. May vision pa siya. Bakit ngayon pa?""Maybe that’s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status