"I can't find those shovels and bucket, Kuya Luke" reklamo ni Ilaria. Kahit ako ay naiinis na. Ang tagal naming nilibot ang mga tindahan pero wala talaga kaming mahanap. Tumigil ako sa paglalakad dahil sa pagod na nararamdaman ko kaya tumigil din ang dalawa. Tumingin ako sa unahan. Napamura ako nang makitang marami pa kaming tindahan na pupuntahan. "May hinahanap ba kayo, Sir?" Napaharap ako sa taong nagsalita sa likod ko kahit hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong niya. Pero ako ata ang kausap niya dahil nakatingin siya sa amin. "Yes, we're looking for a toy bucket and shovel" sagot ko. "Doon pa po 'yon sa unahan, Sir" nakaturo pa ito sa unahan, "... hanapin nyo lang po 'yong Mary Store.." dagdag pa nito. Mukha namang kakilala niya kung sino ang nagtitinda nang hinahanap namin dahil nirekomenda pa talaga niya. "Kuya Luke, tara na po doon sa sinasabi ni Manong" aya kaagad ni Ilaria. Tumingin ako sa lalaking kausap ko, "Thank you.." Hinawakan ko na a
"Call me when you get there, Luke" paalala ni Mama. "Mom, you already said it for how many times" naiinis kong saad kay Mama. Kanina pa niya kasi sinasabi iyon. "I don't care. Just take care of your youngest sister and your son" saad nito at nilapitan si Jacques. "I'm going to miss, apo" malambing sa saad ni Mama at niyakap pa nang mahigpit ang anak ko. Humagikhik naman si Jacques, "Don't worry, Lola. I'll be the one who's going to call you" Natawa naman si Mama at Papa sa sinabi sa kanila ni Jacques. "Sir, okay na po ang mga gamit niyo" sabi sa akin ng family driver namin. Tahimik akong tumango at binuhat si Jacques. Hinarap ko ang mga magulang ko. "Ma, aalis na kami. Tatawa kami mamaya pagkarating namin sa Boracay" paalam ko kila Mama. Wala na rin naman silang magagawa dahil male-late na kami sa biyahe kung magtatagal pa kami sa bahay. Pumasok na ako sa sasakyan, sunod namang pumasok si Ilaria. Ayaw sumama ni Theo dahil may importante daw siyang lakad. "Tita Ilar
LUKE'S POV. Nakasamasid ako sa anak kong nakaupo sa sofa habang ginagamot ni Ilaria ang sugat sa tuhod niya. Nasugatan siya habang naglalaro sila ng kapatid niyang si Mike. "It hurts, Tita Ilaria" sumbong ni Jacques habang umiiyak sa sakit. Hinipan naman iyon ng nakababata kong kapatid tsaka maingat na pinunasan ang sugat ni Jacques. "Luke, sinasabi ko na sa'yo. Hindi sa paglalaro nakuha ng apo ko ang sugat niyang 'yan" saad ni Mama sa aking gilid. Hindi ko na napansin na lumapit pala siya sa akin. Kasama niya lang sila Ilaria at Jacques sa sofa kanina. "I know, Ma" "Then why did you allow my grandson to visit his mother? Alam mo naman kung paano nila itrato si Jacques!" singhal ni Mama, sapat lang na marinig naming dalawa. Because I was deceive again, for how many times. "Nagmakaawa si sa akin, Ma. Siya ang ina ni Jacques, nangako sya sa akin na hindi na niya sasakyan si Jacques pero hindi pala" "Niloloko ka lang ng babaeng iyon, Luke. Ilang beses ko na
"Sa dami ng tao sa supermarket sila Ilaria at Theo pa talaga ang nakausap ni Kairus?!" Sumandal ako sa upuan habang tinitignan si Kairus na gumagawa ng sandcastle sa tabi ng dagat kasama ang ibang bata. Nasa Boracay kami ngayon, tapos na kasi si Kate sa trabaho niya noong nakaraang araw. "Iyan din ang nasa isip ko noong araw na iyon, Kate" Kinuha ni Kate ang baso sa maliit na mesa, "Ang liit talaga ng mundo, Sophia" Tumahimik ako. Ang liit nga ng mundong ginagalawan namin. Mabuti nalang at hindi na sila nagtanong ng kung ano-ano. Umuwi agad kami pagkatapos naming mamili. "May sinabi o tinanong ba sila?" Tinignan ko si Kate na nakatingin sa akin, "Tinanong nila kung si Luke ba ang ama ni Kairus" Napangiwi ako nang maibuga ni Kate ang iniinom niyang juice. "What?!" sigaw niya pa. Nagkibit balikat nalang ako. Inilibot ko ang tingin ko Isla pero natigil iyon nang may nakita akong bata na napaupo sa buhangin dahil itinulak siya nung isang bata. Tumayo pa iyong bata at pilit na i
Sa isang linggo naming pagbabakasyon dito sa Pilipinas ay naging maganda naman ang resulta. Masayang-masaya si Kairus dahil kahit saan siya dinadala o pinapasyal ni Kate. Ako naman ay nakasuporta lang sa anak ko kung saan siya masaya. Ngayong araw ay wala kaming pupuntahan dahil nagpapahinga kami dahil sa susunod na araw ay may pupuntahan nanaman kami. "Mommy, is Tita Kate coming today?" tanong ni Kairus habang kinukulayan ang bawat pahina ng coloring book na binili namin kahapon. Saglit akong tumigil sa pagse-selpon, "No, baby. May kailangang gawin si Tita Kate ngayon" "What is it, Mommy?" tuluyan na siyang lumapit sa akin dito sa sofa. Nasa carpet kasi siya kanina. "Its about their business, baby" tugon ko. "But we're still going to swim right?" Ibinaba ko na ang cellphone ko at tuluyang itinuon ang pansin sa aking anak. Binuhat ko siya at pina-upo sa aking kandungan. "Yes, baby.." pinisil ko ang pisngi nito, "... now, who wants to go the supermarket with me?" galak
"Let me take off your jacket, Kairus" saad ko habang nasa loob na kami ng sasakyan ni Liam at si Kate naman ay nasa passenger seat. Tinanggal ko na ang jacket niya dahil mainit na ngayon dito sa Pilipinas at nagsisimula na rin siyang pagpawisan. "Mommy, I want to drink milk po" hingi niya nang matapos kong tanggalin ang jacket niya. "Wait, baby" Tinupi ko ang jacket ni Kairus at inilagay iyon sa loob ng bag ko. Binuksan ko naman ang maliit na bag ni Kairus at kinuha ang milk bottle niya tsaka nilagyan iyon ng gatas at tubig. Nang maihalo ko na iyon ay ibinigay ko na iyon sa aking anak. "Sophie, doon muna kayo ni ba ay Kairus sa condo ko" saad ni Kate. Napatingin ako sa harapan, "Huh? e, saan ka titira niyan?" "Doon muna ako sa bahay para wala na kayong pro-problemahin ni Kairus" "Sigurado ka d'yan, a?" paninigurado ko Nakita ko ang pagtango ni Kate, "Oo, gusto rin kasi nila Mama na doon muna ako sa bahay. Nami-miss daw kasi nila ako" "Okay, thank you" I already exp