NAPIGTAS ang kasalukuyang ginagawa ni Beth. Nakasuot siya nang hindi ganoong katibay na tsinelas habang naroon sa isang mall. Iginala ni Beth ang tingin. Laking pasalamat ng walang nakakapansin. Higit siyang nagpapasalamat nang malapit lamang ang kanyang kinaroroonan sa women's wear section. Malaya siyang naghahanap nang parehong kapares ng tsinelas.
"Here," nagbaba nang tingin si Beth sa isang maugat na kamay. Hawak nito ang tsinelas na sinadya ni Beth na hanapin. Nakaumang ito sa kanyang harapan. Iyon ang tsinelas na isa sa kanyang paborito simula noong bata pa man. Inangat ni Beth ang paningin. Umiwas nang tingin ang lalaki at inayos ang sumbrerong suot. Hindi naman ganoon ka-araw ang panahon lalo at hapon na rin naman sa araw na iyon."Baka kasi kailangan mo?" Hindi nito siguradong tanong. Nag-iwas nang paningin si Beth. Bahagyang lumayo sa lalaki na animoy nababatid nitong hindi si Beth interesado. O higit sa lahat hindi siya nakikipag-komunikasyon sa mga taong hindi niya lubos na nakikilala. Lalo at isang estranghero ang lalaking nakadaupang-palad ni Beth. Nang muling mag-angat si Beth nang paningin ay nawala na ang lalaki sa kinatatayuan nito. Imposible namang namumukhaan si Beth ng mga taong tinutugis siya magpasa-hanggang ngayon. Nagkibit-balikat lamang si Beth. Si Frank ay halos hindi makahinga sa isang minuto na nakausap niya si Beth sa malapitan. That was almost killed him. Muntikan na siya roon. Pero bakit naman kaya si Frank magtatago? Hindi nakikilala ni Beth ang totoo niyang anyo! Hindi nakilala nang dalaga ang kanyang postura sa araw na iyon dahil totoong kaanyuang piskal ni Frank ang dala sa unang araw ng kanyang misyon. Si Bethany Francheska Hamilton ang kanyang proyekto. Nang mapag-alaman ni Frank iyon ay halos mapamura siya sa totoong rebelasyon. Why in the world Beth will be his surrogate mission? Pagak si Frank na natawa. Siya bilang kliyente ni Beth at si Beth bilang kanyang po-protektahan. Tila si Frank ay baliw na napangisi nang walang kahit anomang dahilan. Napaka-misteryoso nga naman nang panahon. Inubos na lamang ni Frank ang oras sa pagmamasid kay Beth na halatang hindi mapakali. Marahil ay naging conscious ito sa naging interaksyon nilang dalawa ni Frank ilang minuto lamang ang nakalilipas. Si Beth ay halos nagmamadali sa pagpila. Halos hindi na niya naibalot nang maayos ang mga pinamili sapagkat hindi na si Beth nagiging komportable. Nagtataka sa kanya ang cashier at napaawang na lamang ang bibig. Daig pa ni Beth ang tunay na bagger sa mabilisan ng kanyang pagkilos. Even the other customers are fascinated with her. Marahas si Beth na napabuga nang hangin nang makalabas na sa naturang mall. She always made sure that everything is clear. Natapos na ni Beth na ipasok ang mga pinamili sa back compartment ng sasakyan. Nang masigurong nakaalis ang minamanehong sasakyan ni Beth ay sumunod na umalis si Frank. May ilang distansya ang kanilang mga sasakyan. His mission is only to make Bethany Francheska Hamilton safety. Iyon ang palaging umukilkil sa utak ni Frank. Rush hour sa gabi kaya nasanay na si Beth sa ganoong sitwasyon. Meanwhile, Frank almost banking the horn of his car. Mabuti at napigilan niya ang sariling hindi iyon pindutin nang sunod-sunod. Tuluyang nakarating si Beth sa inuupahan niyang apartment. Bitbit ang mga groceries na pinamili ay nabibigatan si Beth roon. Halos mahulog ang iilang mga plastics at paper bags na nagmumula sa kanyang mga kamay. Malapit na si Beth sa kanyang pinaka-main door. Nang may biglaang kumuha sa kanyang binitbit at walang kahirap-hirap na kinarga iyon. Napahinto si Beth. Ganoon rin ang ginawa ng lalaki. Sa unang tingin ay napapantiskuhan si Beth sa anyo nito. Masyadong atraktibo ang lalaki upang paglaanan siya nang atensyon. Kinuha ni Beth ang pinamiling groceries ngunit iniwas nang lalaki iyon. Nagpang-abot ang mga kilay ni Beth. Si Frank ay tila natulos sa kinatatayuan at hindi malaman-laman kung ano nga ba ang dapat na sabihin. "Baka kasi kailangan mo nang tulong. I can lend you my hand." Ngumiti si Frank. Mas lalong nadedepina ang pangungunot ng noo ni Beth. Napaghahalataang napipilitan lamang ito. Frank almost wanted to disappear out of his disbelief and expectation. "I am just helping you out. Okay, okay! Nasaan ba ang room number mo?" Tanong ni Frank kay Beth kahit na nalaman na nito ang eksaktong numero nang kwarto ni Beth. Hindi muling sumagot si Beth. Tinititigan ang lalaki nang mariin. Bigla-bigla na lamang itong sumusulpot na tila kabute. Beth give Frank a warning look. Mabilis ni Frank na ibinaba ang mga groceries ng dalaga. Sikretong napabuga nang marahas na hangin si Frank. Bethany Francheska Hamilton is indeed scary and...sexy! "Sino ka? Bakit mo ako tinutulungan? Hindi kita kakilala kaya kung ayaw mong tatawag ako ng mga pulis ay makasisuguro kang hindi ka na lalabas sa presinto." Hindi makapaniwala si Frank. Napahilamos siya sa sariling mukha. Nang hindi inaasahan. "Sandali nga lang, Miss. Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa ang galit?" "Ano ang inaasahan mong magiging reaksyon ko, Mister? Unang-una. Nanahimik ako rito. Biglaan mong sinambulat ang mga pinamili ko. Pangalawa. Kung makaasta ka ay parang kakilang-kakilala mo na ako. Napaka-arogante mo pa kung kumilos. Astig ka na ba sa palagay mo niyan?" Hindi si Frank kumibo. Bahagyang nagpang-abot ang mga kilay nito. Kinuha ni Frank ang susi nang kabilang kwarto. Kung saan ay katabi lamang sa apartment ni Beth. Binuksan ni Frank iyon. Naglikha nang kakaibang ingay ang paraan ni Frank sa pagbukas nang pintuan. May panunuya na minata ni Frank ang dalaga. Batid ni Frank ay nagulat si Beth. Base sa reaksyon nito. Si Beth ay napaawang na lamang ang bibig. He was her neighbor for pete's sake. Bakit wala itong sinabi kaagad? Sa puntong iyon ay parang gugustuhin na lamang ni Beth na maglaho sa harapan ng lalaki. "Kakalipat ko lang nitong umaga, Miss. Do you expect me to let you walk like a turtle gayong hinaharangan mo ang espasyo nang apartment ko?" Napakurap-kurap si Beth. Hindi makaimik at iniwas ang tingin. This man hit her on the spot. Napangiwi rin kasunod nang panibago niyang reaksyon. "Isa pa. Bakit pakiramdam ko ay hinuhusgahan mo ang mga tao sa paraan nang kanilang pananamit. We all have the rights about dress coding. Wala ba akong karapatan roon?" Pasimpleng inirapan ni Beth si Frank. Yumukod upang damputin ang mga pinamiling groceries. Wala man lamang itong sinabi habang naglalakad palayo sa harapan ni Frank. Frank cussed. Isinandal ang likuran sa bahagi nang pintuan. Mukhang kailanganin yata niyang mangungupahan sa totoong katabi na bakanteng apartment na tinutuluyan ni Beth. He was just pretending himself. Mabuti at nagkasya ang dala ni Frank na susi sa doorknob ng apartment na iyon. Natampal na lamang ni Frank ang noo. It's really a very impulsive day for him. Si Beth ay agad isinandal ang likuran sa pintuan nang tuluyang makapasok sa apartment. Nasapo ni Beth ang mukha gamit ang mga malalayang palad. Nakakahiya rin iyon lalo at napagkakamalan niyang stalker o kabilang sa mga umuusig sa kanya ang lalaking iyon. Ipinilig ni Beth ang ulo. She must have to be vigilant. Inilayo niya ang sarili sa pintuan pagkatapos masiguro na nakapad-lock na iyon. Dinampot muli ang mga groceries na pinamili at diretso ang tungo sa kusina. Nahanap ni Beth ang refrigerator at dahan-dahang inihahanay ang can goods at iilang mga pagkain na dapat naka-freeze sa refrigerator. Later, she already eaten something that could pass her hungry state. Nakamata ang paningin ni Beth sa telebisyon. Nang gabing iyon ay kinausap ni Frank ang nagmamay-ari nang nasabing apartment. Mabuti at totoong bakante iyon. Malaya ni Frank na naisasabuhay ang karakter na sa isip niya lamang kumikilos. Ibinalita ni Frank kay Rudolph Clarksville Indiana kung ano ang nangyayari nang araw na iyon. Bahagyang napangisi ang kausap sa kabilang linya habang nakikinig kay Frank. "Bakit kailangan mo pang mangupahan rin gayong hindi iyon kabilang sa iniutos sa iyo? Are you sure that you're okay about it?" Paniniguro ni Rudolph Clarksville Indiana. Si Frank ay marahan na tumango na tila kaharap lamang ang kausap. "I don't have a choice. Nangyari na ang hindi ko inaasahan. I will just give you an update if something happened to Be..." Bahagyang natigilan si Frank. Naalala kung ano ba dapat ang sasabihin niya kaugnay sa pangalan ni Beth. "To this woman." Tinitiyak ni Rudolph Clarksville Indiana ang kaligtasan ni Beth. Ilang minuto ng kanilang pag-uusap ay nagpaalam na si Frank kay Rudolph. He has to rest for the remainder of his works and time. Sinuri muna ni Frank ang buong lokasyon nang apartment. Sinilip ang bintana. All cleared. Sa magkasunod na araw ay naroon lamang ang buong pagmumukha ni Frank sa panibago niyang apartment. Beth seldom get outside. Iyon ang obserbasyon ni Frank sa dalaga. Now he got curious. Bakit kailangan ni Beth nang isang bodyguard? Ano ang naging kasalanan nito? Hindi ni Frank napigilan ang magtaka. For almost three days of camping beside Beth's apartment, palagi itong lumalabas sa hapon o hindi kaya ay sa gabi. Sino ang tinataguan nito? May atraso kaya sa ibang tao kaya ganoon? And it is quite giving him a call to know what is it. Sa puntong iyon. Inaasahan ni Frank na lalabas si Beth sa apartment mga alas singko o alas sais y media nang hapon. He is waiting for Beth to come outside pero hindi nangyari. Naka-krus ang mga braso ni Frank. Nakatayo siya sa tapat nang pintuan ni Beth. May ilang dangkal ang layo ni Frank roon at bahagyang isinandal ang likuran sa may kalayoang railing. Sinipat ni Frank ang relo. Mag-a-alas syete na nang gabi. Hindi pa rin lumalabas si Beth. Only to find out that Beth is just checking from time to time the peephole. Hindi magkamayaw ang pangungunot nang noo ni Beth. Ano ang ginagawa nang lalaking iyan sa harapan ng kanyang apartment? Sa anyo nito ay parang si Beth ang sadyang hinihintay ng lalaki. Muli ay napapatanong si Beth. Sa anong dahilan? Nakahanda na si Beth na lumabas ngunit nang makita ang estranghero na lalaki. Umurong ang kanyang mga paa. That is not so good for her. Lalo at bago pa lamang na lipat ang baguhan niyang kapitbahay sa kabilang apartment. Naipikit ni Beth ang mga mata. Nakahinga nang maluwag. Finally, umalis ang lalaki sa tapat nang kanyang pintuan. Baka nabagot kakahintay kay Beth sa kahit ano pa mang dahilan. She do some proper warm ups. Naisipan ni Beth na bibili ng mga instant noodles sa pinakamalapit na convenience store. Binuksan ni Beth ang pintuan. Diretso ang tingin sa unahan. Sinalubong si Beth nang sariwang pang-gabing hangin. Sinamyo niya ang nakapa-relaxing na paligid. Ipinikit ang mga mata at dahan-dahang napangiti. She then heard something. May tao ang tumikhim. Mabilis na binuksan ni Beth ang mga mata. Ibinaling ang tingin sa kaliwang bahagi. Napaawang ang bibig nang makita kung sino iyon. "Ano ang ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba riyan? Akala ko ba ay nakaalis ka na!" Bahagyang natigilan si Frank. Doon lang nito naaanalisa na baka ay pinagmamasdan si Frank ni Beth habang nasa labas siya nang pintuan sa apartment nito. Ngumisi si Frank. Napaatras naman si Beth. Hindi na kaaya-aya ang kutob ni Beth sa lalaki. Parang may hindi maganda. Parang may mali. "Kung wala kang sasabihin. Kailangan mo siguro ang maturuan nang leksyon, Mister. According to Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004)." Sinamaan ni Beth nang tingin ang lalaki. Si Frank ay mapanghamon na hindi iniiwas ang paningin kay Beth. "This law is crucial for addressing stalking, particularly when the victim is a woman or child. It covers various forms of harassment and stalking, including repeated following, unwanted communication, and surveillance. Kung naiintindihan mo iyon ay baka mas mabibigyan pa kita nang pagkakataon. Maraming beses na kitang napapansin na pagala-gala sa harapan ng apartment ko. It doesn't help me being comfortable. I always feel disturb. I've been dealing with a lot of damages you implemented." Sa hinaba-haba nang sinasabi ni Beth ay ngumiti lamang si Frank. Ngiti na alam ni Beth ay may halong panunuya. "You're quite amazing and smart, lady. Pero sige. You can call cops. Let's see kung ano ang magagawa ng mga pulis laban sa akin. I mean, wala akong ginagawang masama. Did I inflict something towards you that made you feel harm at all? Ikaw na mismo ang nagtestamento. Hindi kita hinarass o kahit ang hawakan ka na may intensyon. You can really call someone who has an interest in you kapag sinasaktan ka nang pisikal." Tila nawalan nang sasabihin si Beth. Sa puntong iyon ay daig pa niya ang binudburan nang asin. Lalo pa at ang ngiti nang lalaki ay hindi man lang naglaho sa mukha nito. For some reason, Beth felt annoyed. Wala siyang nakakasalamuha nang tao na palaging sinusupalpal ang kanyang opinyon. Ang lalaking ito lamang ang may lakas nang loob. Pinamewangan ni Beth si Frank. Nagtataray. Mas lalong gustuhin ni Frank ang humalakhak lalo at nakikinita niya na mukhang asar talo ang dalaga sa sinabi niya. "Ano ang pangalan mo?" Maya-maya ay tanong ni Beth. Frank's lips formed an o in amusement. Mukhang natamaan sa bawat punto na sinasabi ni Frank. Nagkibit-balikat lamang si Frank. "It doesn't matter at all. I am a stalker anyway. Ikaw mismo ang nagsabi." Frank is just teasing Beth. Mas lalong hindi naitsura ang madilim na anyo ng dalaga. "Sasabihin mo ba o hindi? Kasi tatawag ako ng mga pulis." "I am Danger." Sagot ni Frank. "Don't give me that look. Sinabi ko na ang pangalan ko." Madepensa na wika ni Frank. Mas tumiim ang paninitig ni Beth rito. "Totoo mong pangalan?" "Yeah?" Tila ginisa ni Beth si Frank sa isang courtroom. Inayos ni Beth ang paraan ng kanyang pagtayo. Ibinaba ang tingin at pinagpagan ng damit. She was all classy and a bit attractive. Iyon ang nasa isip ni Frank habang ginagawa ni Beth iyon. Kapagkuwan ay inangat ni Beth ang paningin. Nagtama ang paningin nila ni Frank. Pareho silang hindi inaalis ang tingin sa isa't-isa. But Beth cannot stand it. Pursigido si Frank na talunin siya sa tinginan na labanan. Iniwas ni Beth ang paningin sa kanang bahagi. Saka diretsong naglakad. Dumaan si Beth sa harapan ni Frank at walang sinasabi habang papaalis. Si Frank ay nakatingin lamang sa papalayong bulto ni Beth. That woman was really unpredictable and superstitious. Hindi ni Frank inaasahan iyon. Masyadong invisible ang bawat kasunod na galaw o kahit ang salita ni Beth. In which, Frank totally found a specific amusement in her. Hindi ni Frank napigilan ang ngumiti. Allowing himself followed Beth to where she wanted to go to.UMABOT sa tanggapan ni Rudolph Clarksville Indiana ang nangyaring ambush sa pamamahay ni Frank. Sa araw na iyon ay ipinatawag ang atensyon ng mga ito sa headquarters. Si Beth na walang mapupuntahan ay walang mapagpipilian ang mga ito upang idawit siya sa mismong headquarters ng mga lalaki.Nagulat si Rudolph Clarksville Indiana ng makita siya subalit hindi naman ito nagsasalita. Ang nangyaring ambush ay hindi nagustuhan ng lalaki kaya ay nagtalaga ito nang panandaliang desisyon na kung saan ay may kaugnayan iyon kay Bethany. She has to stay in Indiana's residence na pagmamay-ari mismo ng lalaki. Kumunot ang noo ni Beth. Bakit kinakailangan niyang manatili sa sariling residential area ni Rudolph Clarksville Indiana?Binabaybay ni Elixir ang daan patungo sa compound ni Chaos ng tumawag ang di umano ay big boss ng mga ito. Ora-oratang minanduan si Elixir na tunguhin ang headquarters sa halip na sa compound ni Chaos sila dumiretso. Sa headquarters ay nakatanggap ng simpleng mga salita ang
TULUYAN nang nakalapag ang mga paa ni Beth. Muli siyang hinila ng binata paalis sa elevated system. Buhat niyon ay may natanawan siyang bulto ng dalawang tao na nakatayo. Ipinwesto niya ang sarili sa likuran ni Frank. And she heard him chuckled. "Sila ang tinutukoy ko sa iyo, Beth. Sina Chaos at Elixir." Wika nito. Tuluyan nilang narating ang kinaroroonan ng dalawa."It was nice and it's my pleasure to finally meet you, lady. Ikaw pala ang tinutukoy nitong si Elixir roon sa Cate's es—" siniko ito nang sa tingin ni Beth ay ang lalaking nagngangalang Elixir. Ngumiti lamang ito sa kanya ng ubod-tamis. Tila ang mga ito, sa maikling obserbasyon ni Beth ay pawang kalmado at walang kahit na anomang pangamba."Danger. Please make your lady comfortable in the backseat. Ako na at si Chaos ang magmamaneho sa driver's and passenger's seat." Tumango si Frank at hinila na naman si Beth ng binata. Nauna siya nitong papasukin sa tinutukoy nitong private car. It was a luxurious and improvised car. Nak
BINUKSAN ni Beth ang pintuan ng makabalik. Batid niya ay nasa kusina pa rin si Frank o Danger kaya ay nagtungo siya roon. Eksaktong pagtungtong ni Beth sa bukana ay sumambulat sa kanya si Frank. Suot na naman nito ang strawberry designed na apron. Bahagyang natawa si Beth. Pansamantalang nakalimutan ang interskasyon nilang mag-ama. Frank pouted ng umakto siya nang cute sign. Tuluyan nitong hinubad ang apron na suot. Revealing Frank's masculine biceps nang wala man lamang ideya kung paano dapuan iyon ni Beth ng tingin.Inihahanda nito ang iilang mga pagkain sa lamesa. Si Beth ay napalunok sa kabuuang tanawin na ang totoong eksena ay ang kahubdan ng lalaki. Ang likuran ni Frank na tila ay aburido sa mabibigat na gawain. Kahit ang mga pilat sa likuran nito ay hindi ni Beth napapansin. For her, that was so masculine and very attractive. Para kay Beth ay sobrang matapang ang binata upang suungin ang kahit anomang nakaabang na mga panganib. Ang rason kung bakit nito nakukuha ang iilang mga
"MARAMI-RAMI nang pagkakataon na akala ko ay katapusan ko na." Tumalikod ito at inangat ang damit pang-itaas. Natutop ni Beth ang bibig sa hindi kaaya-ayang nasaksihan. Humarap muli sa kanya si Frank. "I got those scars when I had a delirious operation in Myanmar and this," sa puntong iyon ay ang kanang binti naman nito ang inangat. Winakli ang suot na jog pants at nakita muli ni Beth ang pilat na naroon sa binti nito. Batid niya ay hindi na iyon maghihilom sa mga lilipas na panahon. "This was from China. And a lot of places such as in Afghanistan."Sa isip ni Beth ay hindi isang pangkaraniwan na bakbakan lamang ang trabaho na kinabibilangan ni Frank o Danger. It was very risky and dangerous! Kung paanong nagampanan ng binata ang trabahong iyon ay hindi ni Beth alam.Frank was aware, Beth wanted to dig deeper about who he really is. Pero iilan lamang sa kanyang ang impormasyon ang tuluyan niyang maisisiwalat sa ngayon. Pupwedeng saka na ang totoong katauhan niya. Kapag naisasakatupara
SA Ospital kung saan dinala si Mariano Enriquez ay nagpanukala nang agarang operasyon ang mga doktor. Bagaman ang naturang Mayor ng Quezon ay may atraso sa batas. Desidido ang mga medical experts na makuha ang dalawang bala ng baril na bumulusok sa tagiliran nito at sa binti. Si Henry ay nakaantabay lamang sa labas ng operating room. Siya ang magsisilbing guardian ni Mariano Enriquez sa mga sandaling iyon.Pagkatapos nang matagumpay na operasyon ay hinayaan muna ang walang malay na si Mariano Enriquez ang magpahinga. Limang oras pa ito magigising gawa ng anaesthesia na itinurok rito bago masimulan ang operasyon. Lumabas mula sa ward ni Mariano Enriquez ang mga doktor upang i-anunsyo ang magandang balita.Subalit para kay Henry ay hindi iyon kaaya-aya sa kanyang pandinig. Naningkit ang mga mata na hinatid ni Henry ng tingin ang dalawang doktor at ang isang nurse na kasama ng mga ito na lumalayo sa ward ni Mariano Enriquez. Ang sabi ay pupwede nang mabisita ang pasyente subalit hindi
SIMPLE na humakbang si Beth sa hagdanan. Nababatid niya ang katawan na tila ay tinarakan ng libo-libong punyal pababa sa kanyang pribadong parte ng katawan. Sinalubong siya ni Frank. Nanakbo ito pataas ngunit bahagyang natigilan ng makita siya na pababa. Then he smiled at her. Tuluyang itinapak ang mga paa sa kanyang tapat. Hinuli ni Frank ang mga kamay ni Beth at inalalayan siya pababa."Bakit?" Hindi nagsalita ang binata. Patuloy lamang ito sa ginagawa. Atubili si Beth na natigilan nang may marinig na usapan sa sala. O mas mainam sabihin na nag-sisigawan ang mga ito. Nilingon ni Beth si Frank."Si Cassiopeia at Trevor. Gustong bawiin ni Trevor ang mga bata pero hindi pumapayag si Cass. Good thing na soundproof itong bahay. Hindi nagigising ang mga bata sa mga ingay ng dalawa." Isang palaisipan kay Beth. Si Trevor ang diumano ay ang legal na ama nina Axel at Amber. Hindi kailanman narinig ni Beth kung sino ang legal na ina ng mga ito."Hindi ko alam. Marahil ay pinoprotektahan lamang