LOGINNakatayo si Lazaro sa harap ng dambuhalang glass window ng kaniyang opisina habang nakatitig sa buong syudad. Inalis niya ang itim na bowtie sa kaniyang leeg bago ito itinapon sa ibabaw ng kaniyang mahogany desk. Pagkatapos ay umupo siya sa kaniyang executive chair bago tumingin sa tv sa loob ng opisina.
‘Queen of Heartbreak, nagretiro sa gitna ng concert at kinansela ang kasal sa CEO ng Gadiola Group!’
Sa ilalim ng screen, tahimik na pinagmamasdan ni Lazaro ang mabilis na pagbaba ng mga numero sa stock market ng Gadiola Group.
"Tingin mo ba talaga ay magagawa mo akong patumbahin nang ganito kadali, Elara? Nakalimutan mo ata kung kanino ka nakikipaglaban," sabi ni Lazaro.
“Mr. Gadiola! Natapos na ng internal security ang paghahanap sa lahat ng mga primary address ni Elara. Walang nakakita sa kaniya sa condo o sa bahay ng pamilya niya, at pinalagyan na rin namin ng travel alert list ang pangalan niya sa lahat ng exit points ng bansa. Siguradong hindi siya nakakaalis ng bansa.” ulat ng head bodyguard.
"Hindi siya ganoon katanga para lumabas ng bansa. Magpatawag ka ng press conference bukas. Gamitin mo ang lahat ng media outlet na hawak ng kumpanya. Ipalabas ninyong nagkaroon si Elara ng mental breakdown para maibaba ang kredibilidad ng bawat salitang sasabihin niya laban sa akin," tugon ni Lazaro bago ibaling ang tingin sa kaniyang chief legal counsel na nakaupo sa sofa na nasa gilid ng opisina.
"Masusunod po, Mr. Gadiola," mabilis na sagot ng abogado.
"At ang kaso?" malamig na tanong ni Lazaro bago itinapon ang folder sa mesa. "Ipadala niyo ang Demand Letter kay Atty. Cruz ngayon din. Singilin niyo sila para sa liquidated damages, actual damages para sa lahat ng nawalang kita sa kaniyang mga endorsement at show, pati na ang moral damages para sa pagkasira sa reputasyon ng Gadiola Group. At kung magmamatigas sila, maghain kayo ng kasong kriminal para sa E****a at Cyberlibel sa kaniya. Mag-apply kayo agad ng Writ of Preliminary Attachment sa Regional Trial Court para ma-freeze ang lahat ng bank accounts at ari-arian niya.”
Tumingin si Lazaro sa larawan ni Elara sa kaniyang cellphone.
‘Sisiguraduhin kong wala kang magagamit na kahit isang piso para magtago sa akin, Elara. Dudurugin kita sa paraang ikaw mismo ang lalapit at luluhod sa harap ko.’
Samantala, sa isang maliit na bahay sa probinsya, nakatitig si Elara sa dalawang pulang linya sa hawak niyang puting pregnancy test strip bago ito ibaba sa lababo at tumingin sa salamin. Dahan-dahan niyang pinalibutan ng dalawang kamay ang kaniyang tiyan.
“Dinadala ko ang anak ng lalaking dumurog sa puso ko. Kung malalaman niya, siguradong gagamitin niya ang batang ito laban sa akin. Hinding-hindi ko hahayaang mangyari 'yon,” pabulong niyang sabi.
Pagkapasok ni Tita Rosa, agad siyang lumapit kay Elara at nagsalita. "Elara, tumawag si Atty. Cruz kanina. Ang sabi niya, nagsampa raw ng kaso si Lazaro at pina-freeze ang lahat ng bank accounts mo.”
Bahagyang napatawa si Elara. “Alam kong mangyayari ito. Hindi ako natatakot. Kailangan ko nang bumalik sa Maynila upang tapusin ang sinimulan ko.”
Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, naglakad siya palabas at tumungo sa kuwarto. "Hindi ako papayag na tapakan niya ang pagkatao ko. Kung gusto niya ng laban, ibibigay ko sa kaniya ang laban na gusto niya.”
Kinabukasan, siksikan ang mga reporter sa harap ng Grand Ballroom sa Gadiola Hotel. Nakatayo sa podium ang spokesperson ni Lazaro habang binabasa ang official statement ng kumpanya, kung saan pinalalabas nilang may pinagdadaang mental breakdown si Elara.
Tumahimik ang buong paligid nang biglang bumukas ang dalawang malalaking p***o sa likod. Tumigil sa pagsasalita ang spokesperson at ang lahat ng camera ay nakatutok sa isang babaeng kararating lang ngayon.
Pumasok si Elara. Nakasuot siya ng simpleng itim na corporate suit, nakatali ang buhok, at nakataas ang noo. Kasama niya si Atty. Cruz at si Vangie sa tabi. Wala ni isang bakas ng pag-aalinlangan sa kaniyang mga hakbang habang naglalakad hanggang sa makarating sa gitna ng stage.
Direktang kinuha ni Elara ang mikropono mula sa spokesperson ni Lazaro.
"Hindi ako unstable, at mas lalong hindi ako baliw! Nandito ako ngayon para harapin ang kasong isinampa ng Gadiola Group. Pinuputol ko ang mga kontrata ko sa kumpanyang ito sa ilalim ng moral clause at breach of trust,” malakas at malinaw na pahayag ni Elara sa harap ng lahat ng nakatutok na lens ng camera.
Direktang tumingin si Elara sa pangunahing camera, sa mga mata ng lalaking alam niyang nanonood sa kaniya.
"Lazaro… kung akala mo magagamit mo ang kapangyarihan mo para patahimikin ako, nagkakamali ka. Magkikita tayo sa korte."
Sa kaniyang opisina, nakatayo si Lazaro habang pinapanood ang tapang ni Elara sa screen. Bahagyang tumaas ang kaniyang kilay. Walang ngiti sa kaniyang labi, ngunit may malamig na kintab na lumitaw sa kaniyang mga mata.
‘Matapang. Hanggang kailan tatagal ang tapang mo kapag naramdaman mo na ang totoong bigat ng kamay ko?’
"Ilabas niyo ang lahat ng ebidensya. Gamitin niyo ang lahat ng alas na hawak natin laban sa kaniya,” utos ni Lazaro sa kaniyang mga tauhan.
Sa sumunod na mga buwan, ginamit ni Lazaro ang buong kapangyarihan at yaman ng Gadiola Group upang durugin si Elara. Binayaran ng kaniyang mga abogado ang dating kasamahan ni Elara upang maglabas ng mga pekeng testimonya.
Dahil sa na-freeze na mga bank account at kawalan ng suporta, unti-unting naipit at naubusan ng pondo si Elara habang patuloy na lumalaki ang kaniyang tiyan. Sa araw ng promulgasyon, pinal na inihayag ng korte na Guilty si Elara sa kasong E****a at Cyberlibel.
Habang ikinakabit ng pulis ang posas sa nanginginig na mga kamay ni Elara, dahan-dahang lumapit si Lazaro. Nakasuot ito ng dark gray suit, nakapamulsa ang isang kamay, at may malamig na titig sa kaniyang mga mata. Huminto siya sa mismong harap ni Elara, bago inilapit ang mukha sa tainga at bumulong.
"Sabi ko sa 'yo, Elara. Hindi mo ako matatalo,” bulong ni Lazaro.
Tumingin si Elara sa kaniya nang diretso sa mga mata. "Sa palagay mo ba nanalo ka na? Tandaan mo ito, Lazaro. Hindi pa tayo tapos.”
Tinitigan siya ni Lazaro nang ilang segundo bago tumalikod at iniwan si Elara sa mga guwardiya. Pagkalipas ng isang buwan. Sa loob ng isang madilim, malamig, at simpleng silid sa infirmary ng pambansang bilangguan ng mga kababaihan, maririnig ang mabibigat na daing ng isang babae.
"Hinga nang malalim, Elara! Sige pa, kaunti na lang!" sigaw ng isang doktor sa bilangguan habang hawak ang kaniyang mga binti.
Nakahawak si Elara sa kalawanging higaan habang tumutulo ang pawis. Sa bawat ire, naaalala niya ang malamig na mukha ni Lazaro, ang pagbagsak ng kaniyang karera, at kulungan na ito.
‘Para sa iyo, anak. Kakayanin ko ang lahat.’
Pagkatapos ng ilang minutong, napalitan ng malakas na iyak ng sanggol na lalaki ang mga sigaw ni Elara. Sandali siyang napapikit habang hawak ng jail nurse ang kaniyang anak, isang bagong buhay sa gitna ng malamig at bakal na rehas.
Dahan-dahang inilapag ng nurse ang sanggol sa dibdib ni Elara. Muli siyang napapikit habang umaagos ang maiinit na luha sa kaniyang namumulang mga pisngi. Hinawakan niya ang napakaliit na daliri ng kaniyang anak, ang tanging liwanag sa gitna ng pinakamadilim na kabanata ng kaniyang buhay.
“Welcome to the world, Zyron.”
“Elara?” bigkas ni Lazaro sa pangalan niya, ngunit hindi sumagot si Elara.Saglit niyang nakalimutan ang mga taong nasa paligid nila. Ang narinig lamang niya ay ang boses ng lalaking naging pinakamasamang bangungot ng buhay niya. Ngunit hindi na siya ang dating Elara na kayang patunawin ng isang tawag lamang ni Lazaro.“Mom?” tawag ni Zyron sa kaniyang ina nang mapansin niyang biglang nagbago ang ekspresyon nito. “Okay ka lang po?”Agad na ibinalik ni Elara ang tingin sa anak. Pinilit niyang ngumiti kahit na nanlalamig ang kaniyang mga daliri. “Okay lang ako, Zy."“Magkakilala kayo ni Mr. Gadiola?” usisa ni Zyron.Bago pa makasagot si Elara, nagsalita si Lazaro. “Matagal na kaming magkakilala,” sagot niya, hindi inaalis ang tingin sa babae.“Ah, kaya pala,” tugon ni Zyron. “Akala ko naman may problema sa proposal ko.”“Walang kinalaman ang proposal mo rito,” mabilis na sagot ni Elara. “Umuwi ka na ngayon din.”“Pero may ilang dokumento pa akong kailangang i-submit," tugon ni Zyron sa k
May mga sugat na kayang maghilom sa paglipas ng panahon, ngunit may mga pangalang sapat nang marinig upang muling magdugo ang nakaraan.“Hindi ko hahayaang bastusin nila kayo ulit. Hindi habang nandito ako.”Malamig ang boses ni Kyzer habang nakatingin sa direksiyong nilakaran ni Señora Remedios. Mahigpit niyang hawak ang maliit na kamay ni Zyron, samantalang si Elara ay pilit na itinatago ang pamumula ng kaniyang mga mata.“Kyzer, ayokong maging dahilan para lalo kang itakwil ng pamilya mo,” mahinang wika ni Elara.“Kung kailangan kong mamili sa pagitan ng pagtanggap nila at ng kaligtasan ninyo, hindi mahirap ang desisyon ko,” sagot ni Kyzer.Napayuko si Elara. Tatlong taon siyang nakulong dahil sa mga kasinungalingang ipinakalat ni Lazaro. Ngayon, pati ang taong nagligtas sa kaniya ay hinuhusgahan dahil lamang pinili nitong manatili sa tabi niya.“Pero paano kung mawalan ka na talaga ng lahat nang dahil sa amin?” nag-aalalang tanong ni Elara.Bahagyang ngumiti si Kyzer at inayos ang
"Magandang umaga, Kyzer! Sandali, dala mo pa rin ba ang 'emergency preparation kit' mo? Huwag mong kalimutan, baka kailanganin mo nga 'yan mamaya," paalala ni Elara.Biglang napabuga ng kape si Kyzer sa ibabaw ng maliit na mesa na nasa tapat. Mabilis siyang napaubo habang nagmamadaling kumuha ng tissue para punasan ang kaniyang bibig at ang nabasang gilid ng kaniyang polo shirt."Elara... pakiusap, 'wag mo nang ipapaalala 'yan habang umiinom ako ng kape," sabi ni Kyzer matapos siyang maka-recover. Itinulak niya ang kaniyang salamin sa mata pataas gamit ang hintuturo, habang mabilis na namumula ang kaniyang mga tainga. Bahagyang napatawa si Elara."Bakit? Sabi mo kagabi, handa ka sa lahat ng uri ng giyera, 'di ba?" panunukso ni Elara habang pinalilibutan ng tingin si Kyzer na nakasuot ng pormal na suit.Dahan-dahang tumayo si Kyzer at itinulak niya nang bahagya ang kaniyang salamin bago maglakad palapit kay Elara. May kakaibang kislap sa kaniyang mga mata, isang lihim, pilyo, at tila h
Isang malakas na sampal ang bumaliktad sa mukha ni Elara, nanginginig ang kaniyang pisngi sa matinding hapdi habang sumasabog ang lasa ng dugo sa kaniyang labi hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa malamig na sahig."Sumunod ka sa rules dito, huwag kang umarteng parang sikat ka pa rin ngayon!" sigaw ng babaeng guwardiya bago padabog na isinarado ang bakal na pinto ng selda.Marahan niyang pinunasan ang dugo sa labi at bahagyang ngumiti. Tatlong taon na siyang nasa kulungan habang si Lazaro Gadiola ay malayang nagpapakasasa sa pera, kapangyarihan, at sa kaniyang mga kasinungalingan.‘Ibinigay ko sa 'yo ang lahat, Lazaro. Ang boses ko. Ang buhay ko. Ang pagmamahal ko. Pero ginawa mo akong tuntungan para lang makarating sa tuktok! Pinalabas mo akong kriminal, inagaw mo ang dangal ko, at hinayaan mo akong manganak sa loob ng lugar na 'to. Isumpa man ako ng mundo, sisiguraduhin kong babayaran mo ang bawat patak ng luha at dugo na nawala sa akin.’"Elara Monteverde!" biglang sigaw ng is
Nakatayo si Lazaro sa harap ng dambuhalang glass window ng kaniyang opisina habang nakatitig sa buong syudad. Inalis niya ang itim na bowtie sa kaniyang leeg bago ito itinapon sa ibabaw ng kaniyang mahogany desk. Pagkatapos ay umupo siya sa kaniyang executive chair bago tumingin sa tv sa loob ng opisina.‘Queen of Heartbreak, nagretiro sa gitna ng concert at kinansela ang kasal sa CEO ng Gadiola Group!’Sa ilalim ng screen, tahimik na pinagmamasdan ni Lazaro ang mabilis na pagbaba ng mga numero sa stock market ng Gadiola Group. "Tingin mo ba talaga ay magagawa mo akong patumbahin nang ganito kadali, Elara? Nakalimutan mo ata kung kanino ka nakikipaglaban," sabi ni Lazaro.“Mr. Gadiola! Natapos na ng internal security ang paghahanap sa lahat ng mga primary address ni Elara. Walang nakakita sa kaniya sa condo o sa bahay ng pamilya niya, at pinalagyan na rin namin ng travel alert list ang pangalan niya sa lahat ng exit points ng bansa. Siguradong hindi siya nakakaalis ng bansa.” ulat ng
‘Dalawang taon... dalawang taon kitang minahal at ibinigay ang buong buhay ko sa 'yo, Lazaro. Apat na buwan na rin magmula nang magplano tayo para sa kasal na ito... pero sapat lang pala ang apat na buwan na iyon para gawin mo akong pinakat*ngang babae sa mundo. Kung akala mo mananatili akong biktima na iiyak sa sulok, nagkakamali ka. Pinagsisisihan kong minahal kita. Pero titiyakin ko na mas pagsisisihan mo na niloko mo ako.’Dahan-dahan niyang kinapa ang kaniyang cellphone sa bulsa at tinawagan ang kaniyang personal manager na si Vangie."Elara, bakit napatawag ka ngayong gabi? Hindi ba dapat nagpapahinga ka na para sa kasal mo bukas?" nagtatakang tanong ni Vangie mula sa kabilang linya."Vangie, pakiusap. Sunduin mo ako ngayon din sa kanto malapit sa resthouse ni Lazaro," basag at pabulong na sagot ni Elara."Ano? Bakit ka nasa labas… teka… bakit ka umiiyak?" tanong ni Vangie sa kaniya."Pumapayag na ako. Pumapayag na akong pumunta sa concert ni Karen bukas ng umaga," sagot ni Elar







