
Billionaire's Lethal Flame
“If I touch you the way I've been wanting to, will you tell me to stop?”
Isang tanong na kayang gumising sa mga pagnanasang matagal nang ikinukubli ni Elara, at sa damdaming ilang taon nang pilit na itinatago ni Kyzer Smith, ang lalaking laging nasa kaniyang tabi nang mahabang panahon.
Ngunit bago pa man niya matikman ang pag-ibig na matagal nang naghihintay, muling susulpot ang lalaking minsan nang sumira sa kaniyang buhay, si Lazaro Gadiola, ang makapangyarihang bilyonaryo ng Gadiola Group.
Sa pagbabalik ni Lazaro, mabubunyag ang mga lihim na matagal nang ibinaon ni Elara, kabilang na ang anak na hindi kailanman nakilala ng ama. At habang lalong nagiging mapanganib ang bawat pagtatagpo, mas susubukin ang pag-ibig ni Kyzer at ang tapang ni Elara na ipaglaban ang pamilyang binuo niya mula sa mga labi ng kaniyang nakaraan.
Sa pagitan ng mga halik na matagal nang ipinagkait, mga pagnanasang pilit itinatago, at isang nakaraang hindi makalimutan, will Elara finally surrender to Kyzer's love, or will Lazaro turn their burning desire into a deadly game of possession?
Basahin
Chapter: Chapter 7“Elara?” bigkas ni Lazaro sa pangalan niya, ngunit hindi sumagot si Elara.Saglit niyang nakalimutan ang mga taong nasa paligid nila. Ang narinig lamang niya ay ang boses ng lalaking naging pinakamasamang bangungot ng buhay niya. Ngunit hindi na siya ang dating Elara na kayang patunawin ng isang tawag lamang ni Lazaro.“Mom?” tawag ni Zyron sa kaniyang ina nang mapansin niyang biglang nagbago ang ekspresyon nito. “Okay ka lang po?”Agad na ibinalik ni Elara ang tingin sa anak. Pinilit niyang ngumiti kahit na nanlalamig ang kaniyang mga daliri. “Okay lang ako, Zy."“Magkakilala kayo ni Mr. Gadiola?” usisa ni Zyron.Bago pa makasagot si Elara, nagsalita si Lazaro. “Matagal na kaming magkakilala,” sagot niya, hindi inaalis ang tingin sa babae.“Ah, kaya pala,” tugon ni Zyron. “Akala ko naman may problema sa proposal ko.”“Walang kinalaman ang proposal mo rito,” mabilis na sagot ni Elara. “Umuwi ka na ngayon din.”“Pero may ilang dokumento pa akong kailangang i-submit," tugon ni Zyron sa k
Huling Na-update: 2026-10-21
Chapter: Chapter 6May mga sugat na kayang maghilom sa paglipas ng panahon, ngunit may mga pangalang sapat nang marinig upang muling magdugo ang nakaraan.“Hindi ko hahayaang bastusin nila kayo ulit. Hindi habang nandito ako.”Malamig ang boses ni Kyzer habang nakatingin sa direksiyong nilakaran ni Señora Remedios. Mahigpit niyang hawak ang maliit na kamay ni Zyron, samantalang si Elara ay pilit na itinatago ang pamumula ng kaniyang mga mata.“Kyzer, ayokong maging dahilan para lalo kang itakwil ng pamilya mo,” mahinang wika ni Elara.“Kung kailangan kong mamili sa pagitan ng pagtanggap nila at ng kaligtasan ninyo, hindi mahirap ang desisyon ko,” sagot ni Kyzer.Napayuko si Elara. Tatlong taon siyang nakulong dahil sa mga kasinungalingang ipinakalat ni Lazaro. Ngayon, pati ang taong nagligtas sa kaniya ay hinuhusgahan dahil lamang pinili nitong manatili sa tabi niya.“Pero paano kung mawalan ka na talaga ng lahat nang dahil sa amin?” nag-aalalang tanong ni Elara.Bahagyang ngumiti si Kyzer at inayos ang
Huling Na-update: 2026-10-20
Chapter: Chapter 5"Magandang umaga, Kyzer! Sandali, dala mo pa rin ba ang 'emergency preparation kit' mo? Huwag mong kalimutan, baka kailanganin mo nga 'yan mamaya," paalala ni Elara.Biglang napabuga ng kape si Kyzer sa ibabaw ng maliit na mesa na nasa tapat. Mabilis siyang napaubo habang nagmamadaling kumuha ng tissue para punasan ang kaniyang bibig at ang nabasang gilid ng kaniyang polo shirt."Elara... pakiusap, 'wag mo nang ipapaalala 'yan habang umiinom ako ng kape," sabi ni Kyzer matapos siyang maka-recover. Itinulak niya ang kaniyang salamin sa mata pataas gamit ang hintuturo, habang mabilis na namumula ang kaniyang mga tainga. Bahagyang napatawa si Elara."Bakit? Sabi mo kagabi, handa ka sa lahat ng uri ng giyera, 'di ba?" panunukso ni Elara habang pinalilibutan ng tingin si Kyzer na nakasuot ng pormal na suit.Dahan-dahang tumayo si Kyzer at itinulak niya nang bahagya ang kaniyang salamin bago maglakad palapit kay Elara. May kakaibang kislap sa kaniyang mga mata, isang lihim, pilyo, at tila h
Huling Na-update: 2026-10-08
Chapter: Chapter 4Isang malakas na sampal ang bumaliktad sa mukha ni Elara, nanginginig ang kaniyang pisngi sa matinding hapdi habang sumasabog ang lasa ng dugo sa kaniyang labi hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa malamig na sahig."Sumunod ka sa rules dito, huwag kang umarteng parang sikat ka pa rin ngayon!" sigaw ng babaeng guwardiya bago padabog na isinarado ang bakal na pinto ng selda.Marahan niyang pinunasan ang dugo sa labi at bahagyang ngumiti. Tatlong taon na siyang nasa kulungan habang si Lazaro Gadiola ay malayang nagpapakasasa sa pera, kapangyarihan, at sa kaniyang mga kasinungalingan.‘Ibinigay ko sa 'yo ang lahat, Lazaro. Ang boses ko. Ang buhay ko. Ang pagmamahal ko. Pero ginawa mo akong tuntungan para lang makarating sa tuktok! Pinalabas mo akong kriminal, inagaw mo ang dangal ko, at hinayaan mo akong manganak sa loob ng lugar na 'to. Isumpa man ako ng mundo, sisiguraduhin kong babayaran mo ang bawat patak ng luha at dugo na nawala sa akin.’"Elara Monteverde!" biglang sigaw ng is
Huling Na-update: 2026-10-08
Chapter: Chapter 3Nakatayo si Lazaro sa harap ng dambuhalang glass window ng kaniyang opisina habang nakatitig sa buong syudad. Inalis niya ang itim na bowtie sa kaniyang leeg bago ito itinapon sa ibabaw ng kaniyang mahogany desk. Pagkatapos ay umupo siya sa kaniyang executive chair bago tumingin sa tv sa loob ng opisina.‘Queen of Heartbreak, nagretiro sa gitna ng concert at kinansela ang kasal sa CEO ng Gadiola Group!’Sa ilalim ng screen, tahimik na pinagmamasdan ni Lazaro ang mabilis na pagbaba ng mga numero sa stock market ng Gadiola Group. "Tingin mo ba talaga ay magagawa mo akong patumbahin nang ganito kadali, Elara? Nakalimutan mo ata kung kanino ka nakikipaglaban," sabi ni Lazaro.“Mr. Gadiola! Natapos na ng internal security ang paghahanap sa lahat ng mga primary address ni Elara. Walang nakakita sa kaniya sa condo o sa bahay ng pamilya niya, at pinalagyan na rin namin ng travel alert list ang pangalan niya sa lahat ng exit points ng bansa. Siguradong hindi siya nakakaalis ng bansa.” ulat ng
Huling Na-update: 2026-10-08
Chapter: Chapter 2‘Dalawang taon... dalawang taon kitang minahal at ibinigay ang buong buhay ko sa 'yo, Lazaro. Apat na buwan na rin magmula nang magplano tayo para sa kasal na ito... pero sapat lang pala ang apat na buwan na iyon para gawin mo akong pinakat*ngang babae sa mundo. Kung akala mo mananatili akong biktima na iiyak sa sulok, nagkakamali ka. Pinagsisisihan kong minahal kita. Pero titiyakin ko na mas pagsisisihan mo na niloko mo ako.’Dahan-dahan niyang kinapa ang kaniyang cellphone sa bulsa at tinawagan ang kaniyang personal manager na si Vangie."Elara, bakit napatawag ka ngayong gabi? Hindi ba dapat nagpapahinga ka na para sa kasal mo bukas?" nagtatakang tanong ni Vangie mula sa kabilang linya."Vangie, pakiusap. Sunduin mo ako ngayon din sa kanto malapit sa resthouse ni Lazaro," basag at pabulong na sagot ni Elara."Ano? Bakit ka nasa labas… teka… bakit ka umiiyak?" tanong ni Vangie sa kaniya."Pumapayag na ako. Pumapayag na akong pumunta sa concert ni Karen bukas ng umaga," sagot ni Elar
Huling Na-update: 2026-10-08