LOGIN‘Dalawang taon... dalawang taon kitang minahal at ibinigay ang buong buhay ko sa 'yo, Lazaro. Apat na buwan na rin magmula nang magplano tayo para sa kasal na ito... pero sapat lang pala ang apat na buwan na iyon para gawin mo akong pinakat*ngang babae sa mundo. Kung akala mo mananatili akong biktima na iiyak sa sulok, nagkakamali ka. Pinagsisisihan kong minahal kita. Pero titiyakin ko na mas pagsisisihan mo na niloko mo ako.’
Dahan-dahan niyang kinapa ang kaniyang cellphone sa bulsa at tinawagan ang kaniyang personal manager na si Vangie.
"Elara, bakit napatawag ka ngayong gabi? Hindi ba dapat nagpapahinga ka na para sa kasal mo bukas?" nagtatakang tanong ni Vangie mula sa kabilang linya.
"Vangie, pakiusap. Sunduin mo ako ngayon din sa kanto malapit sa resthouse ni Lazaro," basag at pabulong na sagot ni Elara.
"Ano? Bakit ka nasa labas… teka… bakit ka umiiyak?" tanong ni Vangie sa kaniya.
"Pumapayag na ako. Pumapayag na akong pumunta sa concert ni Karen bukas ng umaga," sagot ni Elara habang pilit na pinapatigas ang kaniyang boses. "Isama mo na rin ang lahat ng gamit ko sa condo. Ayoko nang bumalik doon. Ayoko nang makakita ng kahit anong magpapaalala sa kaniya."
Natahimik si Vangie bago mabilis na sumagot. "Sige. Pupuntahan kita kaagad riyan. Hintayin mo ako. Huwag kang aalis."
Nang makarating si Vangie, kaagad na sumakay sa front seat si Elara. Makalipas ang ilang sandali, habang mabilis na binabaybay ng van ang kalsada pabalik ng Maynila, inilabas ni Elara ang kaniyang cellphone. Mabilis niyang tinawagan ang kaniyang personal legal counsel na si Atty. Cruz.
"Elara? Bakit ka napatawag nang ganitong oras?" takang tanong ng abogado.
"Atty. Cruz, gusto kong i-draft mo na ngayon din ang opisyal na Notice of Termination para sa lahat ng kontrata, endorsement, at partnership ko sa Gadiola Group of Companies," malamig at deretsahang utos ni Elara.
"Ano? Sigurado ka ba rito? Magmumulta ka ng milyun-milyon sa breach of contract kapag pinalabas mo 'yan!" paalala ng abogado.
"Ipadala mo sa opisina ni Lazaro bukas na bukas din. Gamitin mo ang conflict of interest at breach of trust clause laban sa kaniya. Nagamit na niya nang sobra ang pangalan ko para sa kumpanya niya. Pananagutan ko ang kahihinatnan nito," pahayag ni Elara bago ibinaba ang telepono. Tinanggal niya ang SIM card at hinati ito sa dalawa bago itapon sa labas.
Kinaumagahan, sa Grand Ballroom ng isang kilalang hotel sa BGC.
Nakatayo si Don Lazaro sa gitna ng bulwagan habang nakasuot ng kaniyang mamahaling kulay itim na tuxedo. Halos isang oras nang huli ang bride at hindi pa rin ito dumarating. Sinusubukan niyang tawagan ang numero ni Elara ngunit direkta lamang itong pumupunta sa voicemail.
"Don Lazaro, nasaan na ba ang pakakasalan mo? Nakakahiya sa mga bisita at sa media na naghihintay sa labas," naiiritang pabulong ng kaniyang ama.
"Nagkaroon lang siguro ng kaunting problema. Sigurado akong papunta na iyon," malamig na tugon ni Lazaro kahit nagsisimula nang gumapang ang kaba sa kaniyang dibdib.
Sa backstage naman ng Araneta Coliseum, pinalibutan si Elara ng kaniyang mga stylist at hair artist. Nakatitig lamang siya sa salamin nang walang anumang ekspresyon.
"Ayos ka lang ba, Elara? Pwedeng-pwede nating kanselahin ito kung hindi ka pa handa," nag-aalalang bulong ng kaniyang vocal coach na si Jessica.
"Kaya ko," maikling sagot ni Elara at dahan-dahang tumayo nang tawagin na ang kaniyang pangalan.
Sa sandaling humakbang siya sa maliwanag na entablado, nagsimulang tumugtog ang intro ng kaniyang iconic na kantang "Huling Awit". Inangat ni Elara ang mikropono sa kaniyang labi habang nakatitig sa libo-libong taong naghihiyawan.
"Inakala ko'y ikaw na ang huling tula,
Na aawitin ng pusong napagod sa dusa.
Ngunit sa paghupa ng awit ng kahapon,
Bakit luha na lang ang natira sa ngayon?"
Bawat linyang lumalabas sa kaniyang lalamunan ay may kasamang matinding pait. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at ibinuhos ang huling bahagi ng kanta.
“Naniwala ako sa pangakong habangbuhay,
Habang ang pag-ibig mo pala'y puno ng kataksilan.
Huling awit na ito ng pusong nagpaloko,
Ito na ang huling notang maririnig mo mula sa akin.”
Nang matapos ang kanta, napatahimik ang buong arena bago sumabog ang papalakas nang papalakas na palakpakan. Lumapit si Karen at mahigpit siyang niyakap.
"Una sa lahat, salamat sa pag-invite mo sa akin ngayong araw, Karen. Maraming salamat din sa inyong lahat, sa bawat taong nakinig, naniwala, at naging bahagi ng bawat kantang inawit ko. Sa napakaraming taon, naging tahanan ko ang musika. Ang pagmamahal ninyo ang naging lakas ko sa mga panahong tanging musika lang ang nakakaintindi sa akin. Ngunit, may mga yugto sa buhay na kailangan nating harapin nang buong tapang. Kaya ngayong gabi, gusto kong iwan ang isang mahalagang anunsyo,” pahayag ni Elara sa mikropono habang nakatayo sa gitna ng entablado at nakaharap sa mga manonood.
Sa hotel ballroom sa BGC, biglang nagkagulo ang mga bisita nang mag-vibrate ang kani-kanilang mga telepono. Napatingin si Lazaro sa malaking screen sa hall kung saan ipinapakita ang live coverage ni Elara mula sa Araneta. Nanlamig ang kaniyang buong katawan.
"Ano'ng... ano ang ginagawa mo, Elara?" bulong ni Lazaro habang nanlalaki ang mga mata.
"Simula sa oras na ito, opisyal ko nang tinatapos ang aking karera bilang isang singer. Nagdesisyon akong magretiro na nang tuluyan sa industriya ng musika," wika ni Elara sa harap ng napakaraming manonood. "Kasabay nito, pormal ko ring pinuputol ang lahat ng aking kontrata at partnership sa Gadiola Group. At para sa mga taong naghihintay ngayon para sa wedding ceremony namin ni Lazaro... hindi na matutuloy ang kasal ngayong araw.”
Natahimik nang ilang sandali ang buong coliseum sa matinding gulat, bago ito tuluyang nilamon ng ingay at bulungan ng libo-libong tao.
"Ihanda ninyo ang sasakyan ngayon din! Pupunta tayo sa Araneta!" sigaw ni Lazaro sa kaniyang head bodyguard habang mabilis na tumatakbo palabas ng hotel.
Pagkalabas ni Elara sa Araneta, agad siyang pinalibutan ng mga reporter. Mabilis siyang hinatak ni Vangie sa braso at pinapasok sa itim na van bago pa man makahabol ang media. Dinala siya ni Vangie sa probinsya kung saan nakatira ang dating kasambahay nina Elara na tumatayo bilang kaniyang ikalawang ina.
Sinalubong sila ni Tita Rosa na kanina pa nag-aabang sa p***o ng munting bahay. Nang makita niya si Elara, agad siyang tumakbo at niyakap nang mahigpit si Elara. Sa bisig ng matanda, tuluyan nang humagulgol si Elara habang idinaing ang matinding sakit ng kataksilan ni Lazaro. Ngunit sa gitna ng kaniyang pag-iyak, biglang umikot ang kaniyang paningin, napahawak siya sa kaniyang tiyan, at napatakip ng bibig napatakip ng bibig habang naduduwal.
"Ayos ka lang ba, Elara?" tanong ni Tita Rosa.
Dahan-dahang nag-angat ng mukha si Elara habang nanginginig ang mga labi at namumutla ang kaniyang pisngi. "Ayos lang ako, Tita. Pagod lang ito. Ilang araw na rin kasi akong ganito. Kailangan ko lang ng pahinga."
Dahan-dahang tumayo si Elara habang nanginginig ang mga labi at namumutla ang mukha. "Ayos lang ako, Tita. Pagod lang ito. Ilang araw na rin kasi akong nahihilo at nasusuka."
Napatitig ang matanda sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata. "Sandali. Huwag mong sabihing... buntis ka?"
"Hindi, hindi p'wede," sagot niya.
Sa kabila ng kaniyang pagtakas at pagputol sa lahat ng ugnayan sa lalaking nangloko sa kaniya, pero...
Dinadala niya ang anak ni Lazaro Gadiola.
“Elara?” bigkas ni Lazaro sa pangalan niya, ngunit hindi sumagot si Elara.Saglit niyang nakalimutan ang mga taong nasa paligid nila. Ang narinig lamang niya ay ang boses ng lalaking naging pinakamasamang bangungot ng buhay niya. Ngunit hindi na siya ang dating Elara na kayang patunawin ng isang tawag lamang ni Lazaro.“Mom?” tawag ni Zyron sa kaniyang ina nang mapansin niyang biglang nagbago ang ekspresyon nito. “Okay ka lang po?”Agad na ibinalik ni Elara ang tingin sa anak. Pinilit niyang ngumiti kahit na nanlalamig ang kaniyang mga daliri. “Okay lang ako, Zy."“Magkakilala kayo ni Mr. Gadiola?” usisa ni Zyron.Bago pa makasagot si Elara, nagsalita si Lazaro. “Matagal na kaming magkakilala,” sagot niya, hindi inaalis ang tingin sa babae.“Ah, kaya pala,” tugon ni Zyron. “Akala ko naman may problema sa proposal ko.”“Walang kinalaman ang proposal mo rito,” mabilis na sagot ni Elara. “Umuwi ka na ngayon din.”“Pero may ilang dokumento pa akong kailangang i-submit," tugon ni Zyron sa k
May mga sugat na kayang maghilom sa paglipas ng panahon, ngunit may mga pangalang sapat nang marinig upang muling magdugo ang nakaraan.“Hindi ko hahayaang bastusin nila kayo ulit. Hindi habang nandito ako.”Malamig ang boses ni Kyzer habang nakatingin sa direksiyong nilakaran ni Señora Remedios. Mahigpit niyang hawak ang maliit na kamay ni Zyron, samantalang si Elara ay pilit na itinatago ang pamumula ng kaniyang mga mata.“Kyzer, ayokong maging dahilan para lalo kang itakwil ng pamilya mo,” mahinang wika ni Elara.“Kung kailangan kong mamili sa pagitan ng pagtanggap nila at ng kaligtasan ninyo, hindi mahirap ang desisyon ko,” sagot ni Kyzer.Napayuko si Elara. Tatlong taon siyang nakulong dahil sa mga kasinungalingang ipinakalat ni Lazaro. Ngayon, pati ang taong nagligtas sa kaniya ay hinuhusgahan dahil lamang pinili nitong manatili sa tabi niya.“Pero paano kung mawalan ka na talaga ng lahat nang dahil sa amin?” nag-aalalang tanong ni Elara.Bahagyang ngumiti si Kyzer at inayos ang
"Magandang umaga, Kyzer! Sandali, dala mo pa rin ba ang 'emergency preparation kit' mo? Huwag mong kalimutan, baka kailanganin mo nga 'yan mamaya," paalala ni Elara.Biglang napabuga ng kape si Kyzer sa ibabaw ng maliit na mesa na nasa tapat. Mabilis siyang napaubo habang nagmamadaling kumuha ng tissue para punasan ang kaniyang bibig at ang nabasang gilid ng kaniyang polo shirt."Elara... pakiusap, 'wag mo nang ipapaalala 'yan habang umiinom ako ng kape," sabi ni Kyzer matapos siyang maka-recover. Itinulak niya ang kaniyang salamin sa mata pataas gamit ang hintuturo, habang mabilis na namumula ang kaniyang mga tainga. Bahagyang napatawa si Elara."Bakit? Sabi mo kagabi, handa ka sa lahat ng uri ng giyera, 'di ba?" panunukso ni Elara habang pinalilibutan ng tingin si Kyzer na nakasuot ng pormal na suit.Dahan-dahang tumayo si Kyzer at itinulak niya nang bahagya ang kaniyang salamin bago maglakad palapit kay Elara. May kakaibang kislap sa kaniyang mga mata, isang lihim, pilyo, at tila h
Isang malakas na sampal ang bumaliktad sa mukha ni Elara, nanginginig ang kaniyang pisngi sa matinding hapdi habang sumasabog ang lasa ng dugo sa kaniyang labi hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa malamig na sahig."Sumunod ka sa rules dito, huwag kang umarteng parang sikat ka pa rin ngayon!" sigaw ng babaeng guwardiya bago padabog na isinarado ang bakal na pinto ng selda.Marahan niyang pinunasan ang dugo sa labi at bahagyang ngumiti. Tatlong taon na siyang nasa kulungan habang si Lazaro Gadiola ay malayang nagpapakasasa sa pera, kapangyarihan, at sa kaniyang mga kasinungalingan.‘Ibinigay ko sa 'yo ang lahat, Lazaro. Ang boses ko. Ang buhay ko. Ang pagmamahal ko. Pero ginawa mo akong tuntungan para lang makarating sa tuktok! Pinalabas mo akong kriminal, inagaw mo ang dangal ko, at hinayaan mo akong manganak sa loob ng lugar na 'to. Isumpa man ako ng mundo, sisiguraduhin kong babayaran mo ang bawat patak ng luha at dugo na nawala sa akin.’"Elara Monteverde!" biglang sigaw ng is
Nakatayo si Lazaro sa harap ng dambuhalang glass window ng kaniyang opisina habang nakatitig sa buong syudad. Inalis niya ang itim na bowtie sa kaniyang leeg bago ito itinapon sa ibabaw ng kaniyang mahogany desk. Pagkatapos ay umupo siya sa kaniyang executive chair bago tumingin sa tv sa loob ng opisina.‘Queen of Heartbreak, nagretiro sa gitna ng concert at kinansela ang kasal sa CEO ng Gadiola Group!’Sa ilalim ng screen, tahimik na pinagmamasdan ni Lazaro ang mabilis na pagbaba ng mga numero sa stock market ng Gadiola Group. "Tingin mo ba talaga ay magagawa mo akong patumbahin nang ganito kadali, Elara? Nakalimutan mo ata kung kanino ka nakikipaglaban," sabi ni Lazaro.“Mr. Gadiola! Natapos na ng internal security ang paghahanap sa lahat ng mga primary address ni Elara. Walang nakakita sa kaniya sa condo o sa bahay ng pamilya niya, at pinalagyan na rin namin ng travel alert list ang pangalan niya sa lahat ng exit points ng bansa. Siguradong hindi siya nakakaalis ng bansa.” ulat ng
‘Dalawang taon... dalawang taon kitang minahal at ibinigay ang buong buhay ko sa 'yo, Lazaro. Apat na buwan na rin magmula nang magplano tayo para sa kasal na ito... pero sapat lang pala ang apat na buwan na iyon para gawin mo akong pinakat*ngang babae sa mundo. Kung akala mo mananatili akong biktima na iiyak sa sulok, nagkakamali ka. Pinagsisisihan kong minahal kita. Pero titiyakin ko na mas pagsisisihan mo na niloko mo ako.’Dahan-dahan niyang kinapa ang kaniyang cellphone sa bulsa at tinawagan ang kaniyang personal manager na si Vangie."Elara, bakit napatawag ka ngayong gabi? Hindi ba dapat nagpapahinga ka na para sa kasal mo bukas?" nagtatakang tanong ni Vangie mula sa kabilang linya."Vangie, pakiusap. Sunduin mo ako ngayon din sa kanto malapit sa resthouse ni Lazaro," basag at pabulong na sagot ni Elara."Ano? Bakit ka nasa labas… teka… bakit ka umiiyak?" tanong ni Vangie sa kaniya."Pumapayag na ako. Pumapayag na akong pumunta sa concert ni Karen bukas ng umaga," sagot ni Elar







