LOGINHello! Salamat sa patuloy ninyong pagbabasa ng Billionaire’s Lethal Flame! ❤️ Sino nga ba talaga si Marnie Gadiola? At ano ang magiging reaksyon ni Zyron kapag unti-unti niyang natuklasan ang koneksiyon nito sa lalaking ayaw pag-usapan ng kaniyang ina? Abangan ang susunod na chapter dahil may bagong kilig, mas maraming kulitan, at mga pangyayaring maaaring magpabago sa takbo ng kanilang mga buhay. Huwag kalimutang mag-like, comment, at follow para sa mga susunod na update! Hanggang sa susunod na chapter! 💕🔥
Napahawak si Kyzer sa noo habang nakatayo sa ilalim ng shower. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mensaheng ipinadala ni Ryden tungkol sa paghahanap ni Lazaro sa dating empleyado ng ospital kung saan nanganak si Elara. Napabuntong-hininga siya bago pinatay ang shower. “Napakagaling mo talaga, Lazaro. Ilang taon kang nawala sa buhay ni Elara, tapos ngayon, bigla kang babalik,” bulong ni Kyzer sa sarili. Pinunasan muna niya ang buhok bago lumabas ng banyo nang walang pang-itaas, suot lamang ang tuwalyang nakapulupot sa baywang. Ngunit pag-angat niya ng tingin, bigla siyang natigilan. Nasa kama niya si Elara. May hawak itong unan habang abalang nakatingin sa cellphone nito. Tila komportable itong nakaupo roon na para bang kuwarto niya ito. “Elara?” tanong niya kaya halos mapatalon sa gulat si Elara at muntik na nitong mabitawan ang cellphone. Pagkatingin niya kay Kyzer, bigla siyang natigilan at parang natulala. Sandali siyang napatingin sa naglalakihang mga muscles sa braso
"Paano naging walang rekord ng panganganak ni Elara sa kahit anong ospital?" mariing tanong ni Don Lazaro Gadiola habang nakatitig sa kaniyang assistant na nasa harapan. "Ginawa na namin ang lahat ng paraan, pero..." Hindi na natapos ni Marco ang kaniyang sasabihin nang biglang ibinagsak ni Lazaro ang palad sa ibabaw ng mesa. Bahagya itong napaatras at yumuko. "So, sinasabi mo bang hindi anak ni Elara si Zyron?" tanong ni Lazaro sa kaniya. "Ilang taon ka na ngang nagtatrabaho sa kumpanya ko, Marco? Alam mo bang ikaw ang pinakapinagkakatiwalaan ko rito? Noong una, inutusan kitang hanapin si Elara pero hindi mo siya nakita. At ngayon, inutusan kita na maghanap ng detalye tungkol sa anak ni Elara pero wala ka ring mahanap?" Kaagad siyang tumayo at ibinato ang tasa ng kape sa pader. Nabiyak ito at nagkalat ang mga piraso sa sahig. Niluwagan muna niya ang pagkakabuhol ng kaniyang necktie bago tuluyang humarap kay Marco at tinitigan ito nang diretso. “Huwag kang mag-alala, Sir. Ako na
“Elara?” bigkas ni Lazaro sa pangalan niya, ngunit hindi sumagot si Elara.Saglit niyang nakalimutan ang mga taong nasa paligid nila. Ang narinig lamang niya ay ang boses ng lalaking naging pinakamasamang bangungot ng buhay niya. Ngunit hindi na siya ang dating Elara na kayang patunawin ng isang tawag lamang ni Lazaro.“Mom?” tawag ni Zyron sa kaniyang ina nang mapansin niyang biglang nagbago ang ekspresyon nito. “Okay ka lang po?”Agad na ibinalik ni Elara ang tingin sa anak. Pinilit niyang ngumiti kahit na nanlalamig ang kaniyang mga daliri. “Okay lang ako, Zy."“Magkakilala kayo ni Mr. Gadiola?” usisa ni Zyron.Bago pa makasagot si Elara, nagsalita si Lazaro. “Matagal na kaming magkakilala,” sagot niya, hindi inaalis ang tingin sa babae.“Ah, kaya pala,” tugon ni Zyron. “Akala ko naman may problema sa proposal ko.”“Walang kinalaman ang proposal mo rito,” mabilis na sagot ni Elara. “Umuwi ka na ngayon din.”“Pero may ilang dokumento pa akong kailangang i-submit," tugon ni Zyron sa k
May mga sugat na kayang maghilom sa paglipas ng panahon, ngunit may mga pangalang sapat nang marinig upang muling magdugo ang nakaraan.“Hindi ko hahayaang bastusin nila kayo ulit. Hindi habang nandito ako.”Malamig ang boses ni Kyzer habang nakatingin sa direksiyong nilakaran ni Señora Remedios. Mahigpit niyang hawak ang maliit na kamay ni Zyron, samantalang si Elara ay pilit na itinatago ang pamumula ng kaniyang mga mata.“Kyzer, ayokong maging dahilan para lalo kang itakwil ng pamilya mo,” mahinang wika ni Elara.“Kung kailangan kong mamili sa pagitan ng pagtanggap nila at ng kaligtasan ninyo, hindi mahirap ang desisyon ko,” sagot ni Kyzer.Napayuko si Elara. Tatlong taon siyang nakulong dahil sa mga kasinungalingang ipinakalat ni Lazaro. Ngayon, pati ang taong nagligtas sa kaniya ay hinuhusgahan dahil lamang pinili nitong manatili sa tabi niya.“Pero paano kung mawalan ka na talaga ng lahat nang dahil sa amin?” nag-aalalang tanong ni Elara.Bahagyang ngumiti si Kyzer at inayos ang
"Magandang umaga, Kyzer! Sandali, dala mo pa rin ba ang 'emergency preparation kit' mo? Huwag mong kalimutan, baka kailanganin mo nga 'yan mamaya," paalala ni Elara.Biglang napabuga ng kape si Kyzer sa ibabaw ng maliit na mesa na nasa tapat. Mabilis siyang napaubo habang nagmamadaling kumuha ng tissue para punasan ang kaniyang bibig at ang nabasang gilid ng kaniyang polo shirt."Elara... pakiusap, 'wag mo nang ipapaalala 'yan habang umiinom ako ng kape," sabi ni Kyzer matapos siyang maka-recover. Itinulak niya ang kaniyang salamin sa mata pataas gamit ang hintuturo, habang mabilis na namumula ang kaniyang mga tainga. Bahagyang napatawa si Elara."Bakit? Sabi mo kagabi, handa ka sa lahat ng uri ng giyera, 'di ba?" panunukso ni Elara habang pinalilibutan ng tingin si Kyzer na nakasuot ng pormal na suit.Dahan-dahang tumayo si Kyzer at itinulak niya nang bahagya ang kaniyang salamin bago maglakad palapit kay Elara. May kakaibang kislap sa kaniyang mga mata, isang lihim, pilyo, at tila h
Isang malakas na sampal ang bumaliktad sa mukha ni Elara, nanginginig ang kaniyang pisngi sa matinding hapdi habang sumasabog ang lasa ng dugo sa kaniyang labi hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa malamig na sahig."Sumunod ka sa rules dito, huwag kang umarteng parang sikat ka pa rin ngayon!" sigaw ng babaeng guwardiya bago padabog na isinarado ang bakal na pinto ng selda.Marahan niyang pinunasan ang dugo sa labi at bahagyang ngumiti. Tatlong taon na siyang nasa kulungan habang si Lazaro Gadiola ay malayang nagpapakasasa sa pera, kapangyarihan, at sa kaniyang mga kasinungalingan.‘Ibinigay ko sa 'yo ang lahat, Lazaro. Ang boses ko. Ang buhay ko. Ang pagmamahal ko. Pero ginawa mo akong tuntungan para lang makarating sa tuktok! Pinalabas mo akong kriminal, inagaw mo ang dangal ko, at hinayaan mo akong manganak sa loob ng lugar na 'to. Isumpa man ako ng mundo, sisiguraduhin kong babayaran mo ang bawat patak ng luha at dugo na nawala sa akin.’"Elara Monteverde!" biglang sigaw ng is







