Share

Chapter 5

last update publish date: 2026-10-08 15:54:37

"Magandang umaga, Kyzer! Sandali, dala mo pa rin ba ang 'emergency preparation kit' mo? Huwag mong kalimutan, baka kailanganin mo nga 'yan mamaya," paalala ni Elara.

Biglang napabuga ng kape si Kyzer sa ibabaw ng maliit na mesa na nasa tapat. Mabilis siyang napaubo habang nagmamadaling kumuha ng tissue para punasan ang kaniyang bibig at ang nabasang gilid ng kaniyang polo shirt.

"Elara... pakiusap, 'wag mo nang ipapaalala 'yan habang umiinom ako ng kape," sabi ni Kyzer matapos siyang maka-recover. Itinulak niya ang kaniyang salamin sa mata pataas gamit ang hintuturo, habang mabilis na namumula ang kaniyang mga tainga. Bahagyang napatawa si Elara.

"Bakit? Sabi mo kagabi, handa ka sa lahat ng uri ng giyera, 'di ba?" panunukso ni Elara habang pinalilibutan ng tingin si Kyzer na nakasuot ng pormal na suit.

Dahan-dahang tumayo si Kyzer at itinulak niya nang bahagya ang kaniyang salamin bago maglakad palapit kay Elara. May kakaibang kislap sa kaniyang mga mata, isang lihim, pilyo, at tila hindi inaasahang side ng kaniyang personalidad.

"Tactical layering at preparation, Elara," seryosong sagot ni Kyzer habang lumalapit sa kaniya. "Kailangan nating pumunta sa charity gala at grand reunion ng pamilya ko sa Shangri-La Fort ngayong gabi. Kung sakaling magkaroon ng emergency getaway o kaguluhan, dapat handa ako sa lahat ng aspeto."

Napatigil si Elara sa pagtawa nang huminto si Kyzer sa tapat niya mismo. Sa kaunting distansya sa pagitan nila, naramdaman ni Elara ang biglang pag-iba ng ihip ng hangin, ang pormal na Kyzer ay napalitan ng isang lalaking tahimik ngunit may mapang-akit na tingin. Dahan-dahan nitong inabot ang bewang ni Elara, isinandal siya nang bahagya sa gilid ng mesa, at tinitigan siya nang may pagnanasa sa ilalim ng kaniyang salamin.

"Kyzer," pabulong na bigkas ni Elara sa kaniyang pangalan.

Bumalik ang pormal niyang ngiti nang dahan-dahan siyang kumawala, at kinarga ang si Zyron na kararating lang mula sa kwarto.

"Daddy!" natutuwang tawa ng bata habang pinipindot ang ilong ni Kyzer.

Napangiti si Elara habang pinagmamasdan ang dalawa, ngunit agad itong napalitan ng matinding kirot. Sa bawat ngiti ng anak, ang mukha ni Lazaro ang kaniyang nakikita, ang demonyong minahal niya nang buo, pero walang awang nagbaon sa kaniya sa impyerno at dumurog sa kaniyang mga pangarap.

Pagdating nila sa grand ballroom ng Shangri-La Fort sa Bonifacio Global City, bumungad ang nakasisilaw na mga dambuhalang chandelier, mamahaling wine, at ang mga kilalang negosyante at aristocracy ng bansa. Dito gaganapin ang taunang charity dinner at reunion ng pamilya Smith, ang pamilya ng ina ni Kyzer.

"Elara!" pasigaw na bigkas ng isang babaeng nakasuot ng eleganteng red dress sa kaniyang pangalan.

"Vangie!" bigkas ni Elara sa pangalan niya.

Mabilis na niyakap ni Vangie si Elara. "Akalain mong dito pa talaga tayo magkikita. Paciano, halika rito!"

Lumapit ang isang matangkad na lalaking kasama niya, si Paciano Smith, ang pinsan ni Kyzer at ang opisyal na may-ari ng safe house na tinutuluyan nila. Boyfriend pala siya ni Vangie.

"Vangie, siya ba iyon?" nakangiting tanong ni Paciano.

"Oo! Siya 'yong sinasabi ko, si Elara!" sagot ni Vangie, pero agad nitong ibinaba ang boses nang makita ang batang hawak ni Kyzer. "Elara, siya na ba ang anak mo?"

Habang nagkukuwentuhan, lumapit ang matatandang miyembro ng pamilya Smith na pinangungunahan ng tiyahin ni Kyzer na si Señora Remedios Smith.

"Oh, look who's here. Ang nag-iisang anak ng namayapa kong kapatid," puno nang panghuhusga na bati ni Señora Remedios habang nakatingin kay Kyzer. "Nabalitaan namin na ibinenta mo ang dalawang ektaryang lupa ninyo sa Naga? Anong kat*ngahan 'yon, Kyzer? At may lakas ka pa talagang pumunta rito? You're so pathetic!”

Humigpit ang hawak ni Kyzer sa maliit na kamay ni Zyron. "Ginawa ko lang ang kailangan para sa pamilya ko."

Kaagad na tumawa nang malakas si Señora Remedios. "Pamilya? Isang ex-convict? Isang kriminal? Sino ang batang iyan? Huwag mong sabihing anak mo?”

Biglang tumahimik ang buong paligid. Ang mga mata ng mga mayayamang bisita sa ballroom ay mabilis na nabaling sa kanila.

"Mag-ingat ka sa sinasabi mo!" may diing sagot ni Kyzer habang nakatitig nang deretso sa mga mata ng matanda.

"Huwag mo 'kong sinasagot-sagot nang ganiyan, Kyzer! Wala ka nang pera! Pulubi ka na lang ngayon para sa pamilya Smith!" mataray na sigaw ni Señora Remedios bago tumalikod at maglakad palayo kasama ang kaniyang mga alipores.

"Pasensya na, kailangan ko lang pumunta sa restroom sandali,” paalam ni Elara habang nakayuko. Pilit niyang pinipigil ang pagpatak ng kaniyang luha habang nagmamadaling naglakad patungo sa restroom.

Sa kabilang banda, pagkaalis ni Elara, agad na nagbago ang kaniyang ekspresyon. Bigla niyang tinanggal ang salamin sa mata at inayos ang buhok gamit ang mga daliri. Pagkatapos, kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at mabilis na tinawagan si Ryden Wilson, ang CEO ng Wilson Group.

"Good evening. What can I do for you?" panimula ni Ryden mula sa kabilang linya.

"Ryden, any update sa pinapagawa ko sa iyo?" tanong ni Kyzer sa kaniya.

"Masyadong mahigpit ang security ng Gadiola Group. But don't worry, may ipinadala na akong spy sa loob ng kumpanya ni Lazaro," sagot ni Ryden.

"Okay, naiintindihan ko," tugon ni Kyzer, bago kunin ang isang baso ng wine sa kaniyang harapan at ininom. "Siya nga pala, may girlfriend ka na ba?"

"Girlfriend?" pag-uulit ni Ryden nang puno ng pagtataka sa kaniyang boses.

"Alam mo ba kung ano 'yong gusto ng mga babae?" tanong ni Kyzer sa kaniya.

"I don't know. Maybe, d*ldo trying to put in their p*ssy or watching p*rn*graphy while she holding your d*ck and ..."

"Shut up!" sigaw ni Kyzer na nagpatigil sa kaniya sa pagsasalita, bago tumawa mula sa kabilang linya. "Siya nga pala, gusto ko ring imbestigahan mo rin kung ano ba talaga 'yong nangyari during sa trial ni Elara. Hindi kasi maganda 'yong kutob ko sa bagay na iyon. Parang may hindi tama."

"Sige," sagot ni Ryden mula sa kabilang linya. "I will... Mr. Chairman."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Billionaire's Lethal Flame   Chapter 7

    “Elara?” bigkas ni Lazaro sa pangalan niya, ngunit hindi sumagot si Elara.Saglit niyang nakalimutan ang mga taong nasa paligid nila. Ang narinig lamang niya ay ang boses ng lalaking naging pinakamasamang bangungot ng buhay niya. Ngunit hindi na siya ang dating Elara na kayang patunawin ng isang tawag lamang ni Lazaro.“Mom?” tawag ni Zyron sa kaniyang ina nang mapansin niyang biglang nagbago ang ekspresyon nito. “Okay ka lang po?”Agad na ibinalik ni Elara ang tingin sa anak. Pinilit niyang ngumiti kahit na nanlalamig ang kaniyang mga daliri. “Okay lang ako, Zy."“Magkakilala kayo ni Mr. Gadiola?” usisa ni Zyron.Bago pa makasagot si Elara, nagsalita si Lazaro. “Matagal na kaming magkakilala,” sagot niya, hindi inaalis ang tingin sa babae.“Ah, kaya pala,” tugon ni Zyron. “Akala ko naman may problema sa proposal ko.”“Walang kinalaman ang proposal mo rito,” mabilis na sagot ni Elara. “Umuwi ka na ngayon din.”“Pero may ilang dokumento pa akong kailangang i-submit," tugon ni Zyron sa k

  • Billionaire's Lethal Flame   Chapter 6

    May mga sugat na kayang maghilom sa paglipas ng panahon, ngunit may mga pangalang sapat nang marinig upang muling magdugo ang nakaraan.“Hindi ko hahayaang bastusin nila kayo ulit. Hindi habang nandito ako.”Malamig ang boses ni Kyzer habang nakatingin sa direksiyong nilakaran ni Señora Remedios. Mahigpit niyang hawak ang maliit na kamay ni Zyron, samantalang si Elara ay pilit na itinatago ang pamumula ng kaniyang mga mata.“Kyzer, ayokong maging dahilan para lalo kang itakwil ng pamilya mo,” mahinang wika ni Elara.“Kung kailangan kong mamili sa pagitan ng pagtanggap nila at ng kaligtasan ninyo, hindi mahirap ang desisyon ko,” sagot ni Kyzer.Napayuko si Elara. Tatlong taon siyang nakulong dahil sa mga kasinungalingang ipinakalat ni Lazaro. Ngayon, pati ang taong nagligtas sa kaniya ay hinuhusgahan dahil lamang pinili nitong manatili sa tabi niya.“Pero paano kung mawalan ka na talaga ng lahat nang dahil sa amin?” nag-aalalang tanong ni Elara.Bahagyang ngumiti si Kyzer at inayos ang

  • Billionaire's Lethal Flame   Chapter 5

    "Magandang umaga, Kyzer! Sandali, dala mo pa rin ba ang 'emergency preparation kit' mo? Huwag mong kalimutan, baka kailanganin mo nga 'yan mamaya," paalala ni Elara.Biglang napabuga ng kape si Kyzer sa ibabaw ng maliit na mesa na nasa tapat. Mabilis siyang napaubo habang nagmamadaling kumuha ng tissue para punasan ang kaniyang bibig at ang nabasang gilid ng kaniyang polo shirt."Elara... pakiusap, 'wag mo nang ipapaalala 'yan habang umiinom ako ng kape," sabi ni Kyzer matapos siyang maka-recover. Itinulak niya ang kaniyang salamin sa mata pataas gamit ang hintuturo, habang mabilis na namumula ang kaniyang mga tainga. Bahagyang napatawa si Elara."Bakit? Sabi mo kagabi, handa ka sa lahat ng uri ng giyera, 'di ba?" panunukso ni Elara habang pinalilibutan ng tingin si Kyzer na nakasuot ng pormal na suit.Dahan-dahang tumayo si Kyzer at itinulak niya nang bahagya ang kaniyang salamin bago maglakad palapit kay Elara. May kakaibang kislap sa kaniyang mga mata, isang lihim, pilyo, at tila h

  • Billionaire's Lethal Flame   Chapter 4

    Isang malakas na sampal ang bumaliktad sa mukha ni Elara, nanginginig ang kaniyang pisngi sa matinding hapdi habang sumasabog ang lasa ng dugo sa kaniyang labi hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa malamig na sahig."Sumunod ka sa rules dito, huwag kang umarteng parang sikat ka pa rin ngayon!" sigaw ng babaeng guwardiya bago padabog na isinarado ang bakal na pinto ng selda.Marahan niyang pinunasan ang dugo sa labi at bahagyang ngumiti. Tatlong taon na siyang nasa kulungan habang si Lazaro Gadiola ay malayang nagpapakasasa sa pera, kapangyarihan, at sa kaniyang mga kasinungalingan.‘Ibinigay ko sa 'yo ang lahat, Lazaro. Ang boses ko. Ang buhay ko. Ang pagmamahal ko. Pero ginawa mo akong tuntungan para lang makarating sa tuktok! Pinalabas mo akong kriminal, inagaw mo ang dangal ko, at hinayaan mo akong manganak sa loob ng lugar na 'to. Isumpa man ako ng mundo, sisiguraduhin kong babayaran mo ang bawat patak ng luha at dugo na nawala sa akin.’"Elara Monteverde!" biglang sigaw ng is

  • Billionaire's Lethal Flame   Chapter 3

    Nakatayo si Lazaro sa harap ng dambuhalang glass window ng kaniyang opisina habang nakatitig sa buong syudad. Inalis niya ang itim na bowtie sa kaniyang leeg bago ito itinapon sa ibabaw ng kaniyang mahogany desk. Pagkatapos ay umupo siya sa kaniyang executive chair bago tumingin sa tv sa loob ng opisina.‘Queen of Heartbreak, nagretiro sa gitna ng concert at kinansela ang kasal sa CEO ng Gadiola Group!’Sa ilalim ng screen, tahimik na pinagmamasdan ni Lazaro ang mabilis na pagbaba ng mga numero sa stock market ng Gadiola Group. "Tingin mo ba talaga ay magagawa mo akong patumbahin nang ganito kadali, Elara? Nakalimutan mo ata kung kanino ka nakikipaglaban," sabi ni Lazaro.“Mr. Gadiola! Natapos na ng internal security ang paghahanap sa lahat ng mga primary address ni Elara. Walang nakakita sa kaniya sa condo o sa bahay ng pamilya niya, at pinalagyan na rin namin ng travel alert list ang pangalan niya sa lahat ng exit points ng bansa. Siguradong hindi siya nakakaalis ng bansa.” ulat ng

  • Billionaire's Lethal Flame   Chapter 2

    ‘Dalawang taon... dalawang taon kitang minahal at ibinigay ang buong buhay ko sa 'yo, Lazaro. Apat na buwan na rin magmula nang magplano tayo para sa kasal na ito... pero sapat lang pala ang apat na buwan na iyon para gawin mo akong pinakat*ngang babae sa mundo. Kung akala mo mananatili akong biktima na iiyak sa sulok, nagkakamali ka. Pinagsisisihan kong minahal kita. Pero titiyakin ko na mas pagsisisihan mo na niloko mo ako.’Dahan-dahan niyang kinapa ang kaniyang cellphone sa bulsa at tinawagan ang kaniyang personal manager na si Vangie."Elara, bakit napatawag ka ngayong gabi? Hindi ba dapat nagpapahinga ka na para sa kasal mo bukas?" nagtatakang tanong ni Vangie mula sa kabilang linya."Vangie, pakiusap. Sunduin mo ako ngayon din sa kanto malapit sa resthouse ni Lazaro," basag at pabulong na sagot ni Elara."Ano? Bakit ka nasa labas… teka… bakit ka umiiyak?" tanong ni Vangie sa kaniya."Pumapayag na ako. Pumapayag na akong pumunta sa concert ni Karen bukas ng umaga," sagot ni Elar

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status