Share

CHAPTER 8

MAINGAT si Devance sa pag-drive kaya maayos naman ang kanilang naging biyahe nang marating ang kanilang destinasyon sa Nagarkot. May mga nadaanan silang lubak kaya panay ang reklamo ni Triana kung bakit hindi pa iyon pinapaayos samantalang papunta iyon sa isang kilalang tourist destination.

Bumaba sila sa motor at saglit na nag-mini trek papunta sa mataas na bahagi ng burol kung saan makikita ang overlooking view ng Himalayas. Kaso pagdating nila sa itaas ay walang clearing.

Napailing na lang si Devance at apologetic na ngumiti. “Sorry girls, ang kapal ng ulap. It might rain anytime.”

“This place is heavenly if only it’s not cloudy,” sabi ni Austin.

Si Lara ang sumagot. “It’s all right. We are thankful for your efforts to drive us here. Besides, unpredictable talaga ang weather sa bundok.”

And as if on cue, it began to drizzle.

“Let’s go, it’s raining!” yakag ni Devance sa lahat.

Nagsitakbuhan sila paibaba dahil mabilis na lumakas ang ulan. Pumasok sila sa loob ng isang maliit na restaurant. Dahil doon lang sila puwedeng sumilong.

“Great, we’ll surely enjoy my favorite buffalo soup here and their special tea,” wika ni Devance.

Tumayo ang dalawang lalaki at pumunta sa counter para mag-order ng pagkain. Bumalik ang mga ito na may dalang ash tray.

“Would you mind?” Tumingin si Devance sa dalawang babae bago sindihan ang sigarilyong hawak.

Tumango naman sina Lara at Triana, at saka lang kumuha ng lighter ang binata.

Paminsan-minsang ninanakawan ng sulyap ni Triana si Devance dahil kaharap niya ito. She actually hated the smoke, hindi niya kasi gusto ang amoy niyon. But Devance looked ruggedly handsome as he blew the smoke into the cool air.

Naisip niya ang kasintahan. Taliwas na taliwas si Devance sa lalaking tipo niya. She realized how lucky she was because Caleb didn’t smoke. Malinis ito sa katawan at walang bisyo.

Biglang naging maingay ang ulan sa labas.

“What the hell is that?” takang tanong ni Triana na nagpatigil sa kanyang pagmuni-muni.

“Oh, that’s a hailstorm. It’s normal here,” sagot ni Devance.

Para kasing umuulan ng bato dahil sa lakas ng tunog mula sa yerong bubong ng restaurant.

“Hm, let me check how big the ice is.” Sandaling tumayo si Triana para tingnan ang mga yelong kasama ng ulan. Some were like a size of an ice cube and others like a tennis ball. Bumalik din naman siya agad nang maramdaman ang panlalamig ng kamay. Hindi kasi siya nagdala ng gloves dahil mataas naman ang araw nang umalis sila.

Sakto namang na-serve na ang kanilang pagkain. It appeared like a noodle soup with meat toppings.

Unang tinikman ni Triana ang sabaw. Naibsan niyon ang panlalamig na kanyang nararamdaman. “This taste nice, just like a beef.”

Humigop din ng sabaw si Devance. “Really? I have never tried eating beef.”

“Why?” kaswal na tanong ni Triana. Siya kasi paborito niya ang steak.

“I may be a Christian, but I’m also a Hindu. I respect my dad’s religion. I’m half Nepali and a quarter Filipino. Though sa Pilipinas ako lumaki,” paliwanag ni Devance.

“I see,” hindi na nagkumento pa si Triana. Ayaw naman niyang magtanong pa baka isipin nito interesado siya rito. Masyado pa namang mataas ang bilib nito sa sarili.

Tahimik silang kumain. Nag-enjoy naman si Triana lalo pa at panay ang kuwento ni Austin tungkol sa naging buhay nito sa Pilipinas. Maging si Lara ay ganoon din. Halatang nagkakasundo ang dalawa.

“I guess we need to go home when the rain subsides. If not, we’ll spend the night here,” sabi ni Devance matapos nilang kumain. Nagsindi ulit ito ng isang sigarilyo.

Tumango lang si Triana. Wala naman silang choice kapag hindi tumigil ang ulan.

TUMILA ang hailstorm matapos ang halos isang oras. Nagmadali silang umalis para makauwi sila kaagad. Atubiling umangkas si Triana sa big bike ni Devance dahil napansin niyang parang namumutla ang mga palad niya sa sobrang lamig. Panay ang buga niya ng hangin sa kamay para makaramdam siya ng init.

“Hey, Tri. What’s the matter?” takang tanong ni Devance na natigil sa pagsuot ng helmet.

“My hands are icy.”

“Put it inside my pocket.” He instructed her.

Tumango si Triana at isinuot ang helmet. Ipinasok niya ang magkabilang kamay sa bulsa ng itim na leather jacket nito. It was enough to keep her hands warm. Kaya kahit medyo awkward ang position niya na parang nakayakap ay hindi na lang niya binigyan nang malisya.

Ang plano nila ay dumaan muna sa Bhaktapur Durbar Square bago umuwi sa bahay at mag-barbecue party. Kaya sumaglit sila roon para na rin bumili ng pasalubong pag-uwi nila sa Pilipinas.

“Have you tried eating Juju Dhau? It’s a local yogurt. And it’s delicious!” excited na yakag ni Devance nang nasa loob na sila ng kilalang heritage site.

“We’ll try it!” sabi ni Lara bago pa man siya nakasagot.

Maraming turista sa paligid. Tuwang-tuwa si Triana sa ilang locals na nakasuot ng makukulay na pula at gintong saree habang naglilibot. Napansin din niya ang ibang parte ng heritage site ay under renovation, marahil dahil iyon sa matindi g lindol na dinanas nila ilang taon na ang nakararaan.

“Guys, let’s take a picture!” yakag ni Lara sa kanila.

Sumama naman si Triana. Lara took a selfie, at pasimpleng umakbay sa kanya si Devance pero agad din naman na bumitaw. Mukhang paraparaan din ang loko.

Asikasong-asikaso sila ng dalawang lalaki. Pinasubok sa kanila ang ilang local foods na nagustuhan naman nila. Specially the yogurt, it was a fresh buffalo milk served in a small clay pot. It tasted sweet and creamy, and the layer was crunchy.

Kahit hindi amin in ni Triana at natutuwa siyang kasama ang mga ito.

PAGDATING ng gabi ay nagtipon silang apat sa rooftop at uminom ng beer kasabay ng pag-ihaw ng chicken barbeque.

Habang pinagmamasdan ni Triana si Lara, natutuwa siya para rito dahil panay ang tawa nito sa mga kuwento ni Austin. Samantalang nakikisali lang siya kapag tinatanong.

Abala rin si Devance sa pag-iihaw at tinutulungan niya ito. Naghahanap siya ng tamang tiyempo para pasalamatan ang binata sa tulong nito mula nang atakehin siya ng altitude sickness sa trek.

Dagling sumagi sa isip niya ang kasalukuyang sitwasyon. Ilang araw na lang ay babalik na siya sa Pilipinas at haharapin na niya ang iniwang problema.

Sa isiping iyon ay hindi niya namalayan na napaparami na siya ng inom. Malakas naman ang alcohol tolerance niya pero sa pagkakataong iyon parang ang bilis niyang malasing.

It was past eleven in the evening when she finally excused herself. Umiikot na ang paningin niya at gusto na niyang matulog. Para kasing hindi na niya kayang sumabay sa mataas na energy nina Austin at Lara.

“Good night, guys! See you tomorrow.” Tumayo siya at dahan-dahang naglakad pababa sa roof deck at dumeretso sa hallway.

“Hey, Tri! Can you manage? Use the elevator,” wika ni Devance na nakasunod pala sa kanya.

Sinikap niyang naglakad nang tuwid. “I’m okay. And oh, by the way…I really want to thank you for everything you did to save me. I owe you one,” totoo sa loob na anas ni Triana.

“Don’t mention it. Everything has a price.” Pilyo ang ngiting gumuhit sa labi ng binata. At kagaya niya ay tipsy na rin ito.

“I’m sorry? What do you mean?”

Nasa may elevator na sila nang muli itong magsalita.

“How about a kiss?”

“What?!” Umawang ang kanyang bibig at baka nagkakamali lang siya ng pagkakarinig.

Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator at walang pasabing hinapit siya sa bewang ni Devance at marahang itinulak sa loob. Mabilis nitong pinindot ang button.

“I said a kiss, Tri.”

“No—”

Ngunit bago pa man makapagprotesta si Triana ay inilapit na ng binata ang mukha sa kanya at mariing hinalikan siya sa labi.

Triana was too stunned to move. His tongue explored her mouth, and then suddenly, Caleb’s smiling face flashed in her mind.

Tumunog ang elevator at bumukas iyon. Buong lakas niyang itinulak si Devance palabas. Tumaas ang kamay niya at malakas na dumampi iyon sa pisngi ng binata.

“Never do that again,” she said in an icy voice. Pinakita niya ang daliri na may singsing, “I’m already engaged, Dev.”

“Oh,” he gasped. Sapo nito ang pisngi at mabilis na itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko, “My bad. But this is the first time you spoke my name, and I like how you say it.” He smiled seductively and winked.

Mabilis siyang tumalikod sa lalaki at dali-dali na tinungo ang kanyang kuwarto. Pabalibag niyang isinara ang pinto. The nerve of that guy!

Napahawak na lang siya sa kanyang labi. Parang gusto niyang maiyak habang naiisip ang kasintahan. Bakit pakiramdam niya nagkakasala siya rito?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status