Share

CHAPTER 7

NAGISING si Triana sa hindi pamilyar na silid. Nahilot niya ang sentido dahil sa bahagyang pagkirot niyon. Unti-unti niyang inalala ang mga nangyari. Her eyes widened when she realized what had happened during the trek.

She remembered her severe altitude sickness. Malamang ay pinag-alala niya ang kaibigan at sinira niya ang itinerary ng mga kasama patungong basecamp.

Mabilis siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Her eyes traveled around as she studied the room, mukhang wala naman siya sa hospital kung pagbabasehan niya ang mga mamahaling muwebles na naka-display sa paligid. She even recognized some famous paintings that were proudly hanged on the wall. Nasaan ba siya? And where was Lara?

Tumayo siya at pinakiramdaman ang sarili. Hindi na naman siya nahihilo. Kaya lumabas siya sa terrace ng silid na kanyang kinaroroonan. Mataas na ang araw, pero bigla siyang sinalubong ng malamig na ihip ng hangin mula sa labas.

It appeared that her room was located on the fourth floor. Kung pagbabasehan niya ang katabing building na anim na palapag. Sa hindi kalayuan ay kitang-kita niya ang view ng Himalayas. Dahil sa layo niyon, tiyak na wala na siya sa Everest Region.

Naisipan niyang hanapin si Lara. Dali-dali siyang lumabas ng silid. Lalo siyang naguluhan dahil mukhang hindi rin hotel ang kayang kinaroroonan.

Where the hell am I?

Basta lang siya naglakad kung saan siya dalhin ng paa. She was amazed by the intricately carved ceilings. Nagmadali siyang bumaba nang makita niya ang isang grand staircase.

The interior design was contemporary. Litaw na litaw ang earth colors at ang natural light sa paligid. She concluded that she might be in someone’s house. May namumuo nang ideya sa utak niya pero ayaw niyang tanggapin. Malay ba niya kung bahay ito ni Nehan?

Bahagyang napangiti ang dalaga nang makita ang isang olympic size indoor swimming pool. At mukhang may naliligo roon.

Mabilis siyang lumabas ng glass door para magtanong. Sa sobrang laki kasi ng bahay, wala man lang siyang nakasalubong na ibang tao.

She saw a man gracefully swimming butterfly back and forth. Lalapit sana siya rito para magtanong nang tumigil ito sa paglangoy at umahon sabay tanggal ng suot nitong goggles at swimming cap. Nanlaki ang mata ni Triana nang makilala ang lalaki.

Ang antipatikong si Devance!

Naglahong parang bula ang kanyang lakas ng loob para magtanong dito lalo na nang bumaba ang kanyang mata sa perpekong hugis ng katawan ng binata. Pakiramdam niya ay namula ang kanyang mukha nang dumako ang kanyang paningin sa maumbok na suot nitong navy blue na swimming trunks.

Damn! She swallowed hard.

If only she could be honest, the man appeared like a living art. Mabilis siyang naglakad pabalik sa kanyang silid. Ibig sabihin, nasa bahay siya ng damuhong lalaking ‘yon? Nasaan ba kasi si Lara at iniwan siya rito nang mag-isa?

Gustong-gusto niyang tawagan ang kasintahan. But she held herself. Tiyak na mag-aalala ito sa kanya at baka biglang lumipad patungong Nepal. Ayaw niyang maging kumplikado ang sitwasyon lalo pa at mag-isa lang siya rito sa bahay kasama ang isang lalaking estranghero.

Makalipas ang ilang sandali. Narinig ni Triana na may kumatok sa pinto ng kanyang kuwarto. Mabilis siyang nahiga at nagkunwaring tulog lalo na nang marinig ang pag-click ng digital lock.

Kinalma niya ang sarili. Mukhang hindi naman siya gagawan ng masama ni Devance kahit silang dalawa lang dito.

Nahigit niya ang paghinga nang maramdaman ang pagdampi ng mainit na palad nito sa kanyang noo.

“There you are, I guess you’re better now,” anang baritonong tinig.

Hindi nga siya nagkamali na si Devance ang pumasok sa kanyang silid. Narinig pa niya itong marahas na nagbuntong-hininga.

“Ang tigas din kasi ng ulo mo, Tri. This is why I asked you if you could finish the trek the day we met. I remembered you at the airport, I assumed your body has not yet adapted to the altitude here.” Devance clicked his tongue. Tiningnan niya ang ‘nahihimbing’ na dalaga. Mahigit dalawang araw na itong tulog mula nang ma-check ang kalagayan nito ng kanilang private doctor.

Pigil na pigil ni Triana ang mapaangat ang isang kilay habang nakapikit. Una, dahil masyado yata itong feeling close at binigyan siya ng bagong pangalan. Pangalawa, hindi pala ito makakalimutin dahil natatandaan siya nito mula sa una nilang pagkikita sa airport.

Saka lang nakahinga nang maluwag si Triana nang marinig ang muling pagsara ng pinto. Agad siyang nagbuga ng hangin. Kailangan niyang makita si Lara para malaman kung paano siya napunta rito.

Sakto namang pagbangon niya nang biglang pumasok si Lara.

“Ria, my goodness! Mabuti naman at gising ka na.” Nag-aalalang salubong nito sa kanya, “How are you feeling right now?”

“I’m okay, but where the hell have you been?”

“Teka, ‘di ba ang una mo dapat na tanong ay kung nasaan ka?” pagbibiro ni Lara nang makitang maayos na ang lagay niya.

“Lars, I’m not kidding! Ano ba ang nangyari?”

Naupo si Lara sa tabi niya. “Well, to answer your question, nasa helipad ako kanina—”

“Kasama mo si Nehan?”

Namilog ang mata ni Lara. “Nehan went home already. I was with Austin and Vijay checking the chopper. You should meet him. He’s a nice guy.”

Napatango na lang si Triana. “So, care to tell me what happened when I lost consciousness on the trail?”

Lara shook her shoulders. “You should be thankful to Devance. He piloted his chopper to rescue you since you’re on the verge of suffering a HACE.”

“I see,” Triana nodded. Mukhang malaki nga ang utang na loob niya sa binata. Hindi naman ganoon kasama ang ugali niya para hindi dito magpasalamat dahil niligtas nito ang buhay niya.

“Did you inform Caleb about what happened?” dagdag na tanong ni Triana.

Umiling si Lara. “No. Mag-aalala ‘yon. Ikaw na lang bahala ng magpaliwananag.”

“Thanks, Lars. I missed him so much, gusto ko nang umuwi.”

“Puwede naman tayong umuwi anytime. But Austin promised to give us company to roam around the city. Malapit lang pala sito ang Bhaktapur Durbar Square,” ani Lara na ang tinutukoy ay ang kilalang heritage site sa Nepal.

“Sige, mamaya. I’m feeling better now.”

NAGULAT si Triana pagdating sa malawak na parking area ng bahay dahil nadatnan niya si Devance at Austin sa tabi ng dalawang big bike. Akala niya ay sasakyan ang gagamitin nila sa paglilibot.

“Did you eat well?” tanong ni Devance sa kanya.

Tumango si Triana. Dumating kasi kanina si Bilhana sa kuwarto na may dalang tray ng pagkain at mainit na tea.

“I’m glad you’re better now, Tri. We’ll ride a bike around the city. Hindi kasi advisable rito ang four wheels. Traffic is hell!” Lumapit si Devance sa dalaga at ibinigay sa kanya ang isang full faced helmet na kulay orange. “Here, wear this.”

Tahimik niyang inabot ang helmet. Ganoon din si Lara na kinuha ang itim na helmet mula kay Austin.

“We’ll go to Nagarkot. It’s a two-hour ride, but we’ll be able to see the overlooking view of the Himalayas there while eating my favorite Buffalo soup!” Bakas ang excitement sa boses ni Devance.

“All right, let’s go! Wear your helmet, girls!” masiglang paalala ni Austin sabay sakay sa kulay green na Kawasaki Ninja 1000.

Sumakay si Lara sa likuran ni Austin. Triana didn’t have a choice but to be Devance’s back ride.

Atubiling sumakay si Triana sa motor ni Devance. It was a black Ducati scrambler 1100. When Devance hit the throttle, Triana had to hold in his body to be safe.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status