Share

CHAPTER 9

MAAGANG kinatok ni Triana sa kuwarto si Lara. It was almost dawn, and her friend moved lazily as she opened the door. Magulo ang buhok nito at halatang-halata ang eyebags dahil marahil sa puyat.

“What’s the matter? It’s too early. I’ve only been asleep for an hour!” palatak ni Lara sa kaibigan.

“Come on, Lars. Get a shower, quick! We need to leave here now.” Mabilis na itinulak ni Triana ang babae patungo sa comfort room.

“Bakit ba?” Naiinis na sambit ni Lara.

“I’ll explain later. Come on!”

“It’s impolite to leave without saying goodbye to our host. Hindi ka ba nahihiya?” Napahawak sa sentido si Lara. Tila unti-unti na itong nagkakaroon ng energy kahit tinatamad.

“I know! But something happened last night.”

Parang biglang nahimasmasan si Lara sa sinabi niya. “Bakit anong nangyari?”

“Well…” bigla siyang nag-alangan kung sasabihin niya ba rito ang nangyari kagabi. Lihim siyang napalunok bago muling nagsalita, “H-He tried to kiss me last night.”

“Okay, and?”

“That’s it! Hindi niya dapat ginawa ‘yon without my consent!”

Lara rolled her eyes heavenward. “It’s just a kiss. And I don’t want to sound mean, but wala nga bang consent?”

Nanlaki ang mata niya sa narinig. “W-What do you mean? It was sudden, Lars. Hindi ako nakapalag.”

Lara heaved a sigh. “Forget about it. It’s not a big deal. Austin and I did it also last night, we were drunk, and it’s okay.”

“You what?!” Nagulantang si Triana sa narinig.

“You heard it. We also kissed, pero hindi ko naman ginawang big deal. Unless apektado ka,” pang-aasar nito.

“I’m already engaged, heaven forbid! This is unfair on Caleb’s part.”

“Isa pa ‘yan, supportado kita kung saan ka masaya. But don’t forget your current dilemma kung bakit tayo nandito sa Nepal. You’re about to marry someone else. And you need to talk with Caleb about it.”

Sandaling natahimik si Triana. She was running out of time, pero hindi pa niya alam kung ano ang gagawin.

“Kung barya lang sana ang involve, maaasahan mo ako. We’re best friends. But we’re talking about a billion-dollar deal here, Ria. Think about it hard.”

Napahilamos si Triana sa mukha. “You’re right, pero malalampasan ko ‘to. For now, please kailangan natin makaalis sa bahay na ito.”

“Fine. Wait up.”

Sandaling naghintay si Triana sa kaibigan. She only did a quick shower, kahit labag sa loob nito.

“AND where are you two going?” Nagulantang ang dalawa nang marinig ang boses ni Devance mula sa kanilang likuran nang akmang pababa sila ng hagdan. Kapwa na nila dala ang kanilang hiking bag. Huling-huli sila nito sa akto na parang magnanakaw na nagmamadaling tumakas.

Una itong hinarap ni Lara. “Hi, Dev! My friend seemed to be in a hurry.”

Mariin siyang napapikit na lang at taas-noong hinarap ang binata. Tutal naman ay ipinagkanulo na siya ni Lara.

“We’re leaving now,” anang dalaga sa malamig na tono. She remained levelheaded.

“Lars, can you excuse us?” baling ni Devance sa kaibigan bago ito humarap sa kanya at hinawakan siya sa siko sabay na iginiya sa kabilang gilid ng hallway.

“Get off me!” angil niya rito.

“Look, if this is about last night, I apologize. Okay? I was tipsy. But you can’t blame me, your lips are so inviting and—” sadya nitong ibinitin ang iba pang sasabihin at marahas na nagbuntong hininga, “All right, I’m sorry.”

Triana exhaled sharply. “Let’s forget about it, apology accepted. And thank you for your hospitality. It was nice meeting you.” Totoong sambit ng dalaga at deretsong tumingin sa mata ni Devance.

“You’re welcome. I hope we can be friends.” Inilahad nito ang kamay at atubili naman niyang tinanggap.

“Friends.” Tipid siyang ngumiti.

“So, let me at least prepare the best breakfast I can offer before you leave.”

Walang nagawa si Triana kundi ang pumayag. Natuwa naman si Lara sa nangyari. Lalo na nang biglang sumulpot si Austin.

Devance prepared a grand Nepali breakfast for them. Ngayon lang nakita ni Triana ang sandamakmak na house helpers sa bahay. Nalaman niyang pinagbakasyon ito ni Devance mula nang araw na dalhin siya nito sa bahay.

“Since you guys are my friends now. Did you know that you are the only girls I brought home? In Nepali culture, we can’t bring a girl at home unless we intend to marry her,” sabi ni Devance habang kumakain ng spicy chicken momo.

“So, you’re going to marry us? Are you allowed to marry more than one?” biro ni Lara. Nakaupo ito sa tabi ni Austin at ang sarap ng ngiti ng gaga.

Natawa si Devance. “Silly, no. We can’t have two wives. But we practiced arranged marriage.”

Parang biglang nasamid si Triana sa sinabi ng binata. Mabuti pa ito dahil normal sa kultura nila iyon. Samantalang siya, sapilitan na ipakakasal sa kung sinong poncio pilato.

“Don’t tell me you’re already married?” aniya na nakaangat ang isang kilay.

“Not yet. But my dad had already arranged my marriage,” anang binata na nagkibit ng balikat.

“I see, good for you. I’m also getting married soon,” kaswal na wika ni Triana sabay higop ng mainit na tea.

Itinaas ni Devance ang tasa. “Let’s have a toast for our upcoming wedding!”

“Cheers!” sabay-sabay na sambit ng lahat at nagpingkian ang kanilang mga tasa.

Naramdaman ni Triana ang sinseridad ni Devance kanina nang humingi ito ng tawad sa nangyari sa kanila. At ngayon ay gumaan ang pakiramdam niya rito. Siguro dahil ito na ang kanilang huling pagkikita.

“I hope we keep in touch.” Nakangiting sabi ni Austin.

“Of course!” Tila kinikilig na sagot ni Lara. Halata namang nilalandi ang tisoy na bodyguard ni Devance.

Maayos silang nagpaalam sa isa’t isa. Sumama pa si Devance na ihatid sila sa Kathmandu. At nakipag-fist bump pa ito kay Triana bago sila tuluyang naghiwalay sa airport.

SINUNDO si Triana ng kasintahan sa airport sa Naga. Gaya ng inaasahan ay alalang-alala ito sa kanya dahil napaaga ng ilang araw ang uwi niya. Nagpaiwan si Lara sa Manila dahil naroon ang mga magulang nito. Samantalang dumeretso siya sa Bicol.

“What happened, darling? You didn’t even get in touch, and I missed you like crazy!” Pinaliguan siya ng halik nito sa mukha.

Sa Bicol ito ngayon naka-base dahil personal nitong sinusupervise ang isang malaking construction project ng bagong airport sa fourth district. Pero kahit hindi nito sabihin, ay isa siya sa mga dahilan kung bakit nito paniling maging malapit sa kanya mula nang makabalik siya galing sa Amerika.

Niyakap niya ito nang mahigpit. “I missed you so much.”

Natawa na lang si Caleb nang inamoy-amoy niya ang mabangong polo shirt na suot nito.

“Let’s have lunch.” Tumingin ito sa suot na wristwatch, “I bet you’re starving. I’ll send you home after. I guess it’s the best time to meet your mom.” Bakas ang excitement sa timbre ng boses nito.

Tumango na lang si Triana. Siguro nga ito na ang tamang panahon. Baka sakaling magawan nila ng paraan ang problema niya.

Whatever will be, will be.

“I’m excited to hear about your adventure. Did you reach the Basecamp?” Agad na tanong binata nang marating nila ang paboritong Japanese restaurant sa siyudad.

Mariin siyang umiling. “I suffered a severe altitude sickness a day before we’re supposed to reach the Basecamp.” She gently ate the sushi on her plate.

“I knew something was wrong when I didn’t hear from you. Upon research, I learned that there is a signal there, but you never called. Pero ayaw kitang istorbohin. Gusto kong mag-enjoy ka.”

“Relax, I’m okay now, see? I went back in one piece. I’m sorry I didn’t reach out right away.” Paglalambing niya rito.

Caleb only smiled. “How did you manage to survive?”

Triana averted her gaze. “Well, one of my teammates happened to be a pilot. And he requested an airlift to bring me… to the hospital.”

“Ah, I see. Thank God!” Napatango-tango ang binata.

Hindi na naman ito nag-usisa pa. Wala siyang planong sabihin ang tungkol kay Devance dahil baka iba ang isipin nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status