Mag-log in“Director Victor…”
Hindi na nakapagsalita pa si Jane. Nakatungo na lamang ito dahil hindi niya alam kung paano pa mapaglalaban ang sarili sa taong noo’y taas noo niyang kinikilala, pero ngayo’y tila ikinasusuka na niya. Napaisip din ito kung kailan pa naging maruming abogado itong senior partner ng Trinidad na si Victor Villaruel.
Parang dati lang ay mentor ito ni Jane, pero ngayon ay tila nag-iba na siya. “Jane, gusto mo pa ba ang trabahong ito o hindi?” sambit ni Victor.
Gusto mang manatili ni Jane, ngunit mas mahalaga sa kaniya ang kaniyang prinsipyo. Kahit na kabado ito, ngunit sa isang bugso ng damdamin, bigla na lamang nasabi ni Jane, “Kung ganoon, magre-resign na ako.”
“Fine!” Napasinghal si Director Victor. “Pero may natitira ka pang anim na buwan sa kontrata mo sa firm. Gusto mong umalis ngayon? Kaya mo bang bayaran ang breach-of-contract penalty?”
“…”
Hindi nakapagsalita si Jane. Mahigpit na naikuyom ni Jane ang kaniyang mga kamao at saka naalala ang nangyari kagabi.
Pagkabukas kasi ng pinto ni Jane kagabi noong may kumakatok, isang creditor lang pala sa isang loan company ang bumisita para kumustahin si Jane kung kailan ito magbabayad. Kahit na karagdagang problema na naman ito, gumaan pa rin ang loob ni Jane dahil ang akala niya ay yung mga lalaking naka-itim na tinutukoy ni Lucas ang kumatok kagabi.
Ngayong naalala na naman niya ang kaniyang mga pinagkaka-utangan, napaisip itong hindi niya kayang bayaran ang breach-of-contract penalty kung sakaling mag-resign ito ngayon. Ito ang sitwasyong matagal na niyang kinapapalooban. Kailangan niya ang trabaho, ngunit araw-araw siyang hina-harass ng kaniyang superior.
Gusto niyang umalis pero hindi niya magawa. Hangga’t hindi natatapos ang kontrata niya, wala siyang magagawa kundi magtiis.
“Jane.” Bigla siyang inakbayan ni Victor sa baywang. “Isa ka sa mga apprentice na personal kong sinanay. Basta sumunod ka lang sa akin, sisiguraduhin ng mentor mo na magiging maayos ang kinabukasan mo.”
“Director Victor, paki-alis ho ang kamay ninyo.” Agad siyang umiwas, ngunit mas lalo lamang siyang hinila ng lalaki palapit. Sa kanilang pag-aagawan, napunit ang kuwelyo at manggas ng kaniyang blouse.
“Jane, masyado kitang gusto. Hayaan mong halikan ka ng mentor mo—”
Pak!
Bago pa man dumikit ang mga labi nito sa kaniyang leeg, buong lakas niya itong itinulak. Kasabay noon ang isang malakas na sampal na dumapo sa mukha ng lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Director Victor. “Sinampal mo ako?” Mabilis na nagdilim ang ekspresyon nito. “Jane, gusto mo pa bang manatili sa firm na ito?”
Matapos matanggap ang sampal, muli siyang marahas na hinablot ng lalaki’t ipinilit ang sarili sa kaniya. Malapit nang maubusan ng lakas si Jane, ni hindi na nga nito maigalaw ang kaniyang mga tuhod. At habang nagpupumiglas siya…
Tatlong katok ang narinig sa pinto, tila kapareho ng katok na narinig ni Jane kagabi.
Napalingon si Director Victor sa direksyon ng pinto. Sa pagkakataong iyon, mabilis na sinamantala ni Jane ang pagkakataon. Buong lakas niyang itinulak si Victor sa sahig at pagkatapos ay tumakbo siya papunta sa pinto.
Agad niya itong binuksan ngunit sa pagmamadali--- diretso siyang bumangga sa matigas na dibdib ng isang lalaki.
Nanigas si Jane. Isang pamilyar na amoy ng damo at kahoy ang agad na sumalubong sa kaniya. Amoy na tila nakaukit na sa kaniyang mga alaala.Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang ulo at nagtama ang kanilang mga mata.
Nanlaki ang mga mata ni Jane.
Si Matthew Rivera.
Hindi niya alam kung dahil ba sa takot, sa sama ng loob, o dahil nakita na naman siya nito sa pinakakawawang kalagayan niya. Ngunit biglang namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Naiiyak ito sa galit, pagod, at sa kaniyang sitwasyon.
Tahimik na pinagmasdan ni Matthew ang babaeng bigla na lamang bumagsak sa kaniyang mga bisig.
Maputla ang mukha nito, magulo ang mahabang buhok, at mahigpit na nakahawak ang dalawang kamay sa kaniyang kuwelyo. Napunit ang bahagi ng manggas ni Jane at bahagyang nakalitaw ang maputing balat sa balikat nito.
Agad na nagdilim ang ekspresyon ni Matthew.
Napalingon siya kay Director Victor na papalapit mula sa loob ng opisina… naroon pa rin ang malinaw na bakas ng sampal sa mukha nito. Nanlamig ang mga mata ni Matthew.
Pagkatapos ay tumingin siya sa lalaking nakatayo sa kaniyang tabi.
Si Samuel Roman. Ang founder ng Trinidad Law Firm.
“Chairman Samuel.” Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Matthew, ngunit walang init ang ngiting iyon. “Talagang kahanga-hanga ang kultura ng law firm ninyo. May bastos kayong director at senior partner?”
Agad na namutla si Chairman Samuel at hindi nakapagsalita.
Samantala, hinubad naman ni Matthew ang kaniyang suit jacket at walang emosyon na inihagis iyon kay Jane. Parang simpleng kawanggawa lamang, ngunit wala nang pakialam si Jane. Mabilis niya itong sinuot kahit na masyadong malaki ang suit para sa kaniya.
Naroon pa rin sa suit ang init ng katawan ni Matthew, kasama ang pamilyar na amoy ng damo, kahoy, at bahagyang usok.
Amoy na minsan na niyang nakasanayan. Amoy na minsan niyang minahal. Bigla niyang naalala ang mga gabing nasa mga bisig siya ni Matthew. Ang mga gabing akala niya ay may pag-asa siya. Mahigpit niyang hinawakan ang kuwelyo ng suit.
At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon—
Nakaramdam siya ng matinding hinanakit.
Marahil kapag ang isang tao ay nasa pinakamahinang estado nito, kusa itong naghahanap ng proteksyon. Kahit kaunting seguridad lamang. Ang hindi namalayan ni Jane, bahagya na siyang lumapit sa likuran ni Matthew.
Napansin naman iyon ni Matthew kaya iginiya nito ang kaniyang likuran sa harap ni Jane upang ito’y maproteksyonan.
Napatikhim si Chairman Samuel. “I’m sincerely sorry, Mr. Rivera. Hindi ko inaasahang masasaksihan ninyo ang ganitong eksena.”
Pagkatapos ay agad itong tumingin kay Director Victor. Galit na galit. “Dumating na si Mr. Rivera pero hindi ka pa rin lumalabas? Busy ka pa rin sa pakikipag-usap sa subordinate mo?”
“A-Ah, oo po!”
Agad na yumuko si Director Victor. “Mr. Rivera, pasensya na po. Nag-uusap lamang kami ni Jane tungkol sa isang kaso. Nagkaroon lang kami ng hindi pagkakaunawaan kaya medyo naging mainit ang usapan.”
Pagkatapos ay tumingin ito kay Jane.
“Hindi ba, Jane?”
Mahigpit na kinagat ni Jane ang kaniyang labi. Alam ng lahat ang katotohanan at kitang-kita kung ano ang nangyari. Ngunit naroon si Chairman Samuel. Kung magsasalita siya ngayon, masisira ang reputasyon ng firm.
At kahit maparusahan si Director Victor, malamang ay kaunting parusa lamang ang matatanggap nito. Sa huli, siya lamang ang magiging sakripisyo.
Nilunok nito ang lahat ng sama ng loob at saka dahan-dahan siyang lumabas mula sa likuran ni Matthew at yumuko. “Pasensya na po, Chairman Samuel. Mali po ang timing namin. Nagkaroon lang po kami ng hindi pagkakasundo ni Director Victor tungkol sa isang kaso. Wala pong ibang nangyari.”
Huminga nang malalim si Jane at saka pumatak ang mga luha na kanina niya pa pinipigilang ilabas. “Misunderstanding lang po ang lahat ng ito.”
Sa sandaling iyon—
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Matthew kasabay ng pagkunot ng noo nito.
Isang malamig.
Mapanuyang ngiti.
Na para bang wala siyang pinaniwalaan sa mga sinabi nito.
“Director Victor…”Hindi na nakapagsalita pa si Jane. Nakatungo na lamang ito dahil hindi niya alam kung paano pa mapaglalaban ang sarili sa taong noo’y taas noo niyang kinikilala, pero ngayo’y tila ikinasusuka na niya. Napaisip din ito kung kailan pa naging maruming abogado itong senior partner ng Trinidad na si Victor Villaruel.Parang dati lang ay mentor ito ni Jane, pero ngayon ay tila nag-iba na siya. “Jane, gusto mo pa ba ang trabahong ito o hindi?” sambit ni Victor.Gusto mang manatili ni Jane, ngunit mas mahalaga sa kaniya ang kaniyang prinsipyo. Kahit na kabado ito, ngunit sa isang bugso ng damdamin, bigla na lamang nasabi ni Jane, “Kung ganoon, magre-resign na ako.” “Fine!” Napasinghal si Director Victor. “Pero may natitira ka pang anim na buwan sa kontrata mo sa firm. Gusto mong umalis ngayon? Kaya mo bang bayaran ang breach-of-contract penalty?” “…”Hindi nakapagsalita si Jane. Mahigpit na naikuyom ni Jane ang kaniyang mga kamao at saka naalala ang nangyari kagabi.Pagk
Halos alas-nuwebe na ng gabi nang makarating si Jane sa apartment.Pakiramdam niya bibigay na ang katawan niya sa pagod. Mula umaga hanggang gabi, puro argumento, tension, at pressure ang hinarap niya sa Trinidad Law Firm dahil sa video evidence na ipinasa niya. At kahit nakauwi na siya, parang hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib nito.Pagbukas niya ng pinto, agad siyang sinalubong ng amoy ng mainit na sabaw at ang yakap ng kaniyang mga anak na triplets.“Mommy!” Tumakbo agad si Luna papunta sa kaniya at mahigpit na yumakap sa bewang niya. Siya si Luna Samaniego, ang pinaka-batang anak na babae ni Jane. Nakangiti itong sumalubong at saka hinalikan ang ina.Sumunod din naman si Liam habang hawak ang notebook nito’t nagawa ng assignment. “Kain ka na po, Mama.” Sambit ni Lucas Samaniego, ang ikalawang anak ni Jane.“Pasensya na mga anak at late si Mama ha? Medyo natraffic lang.”Mula sa kusina, sumilip si Tita Marie habang hawak ang sandok. “Naku, sa wakas dumating ka rin, ‘nak. Pi
“I’m pretty sure you look familiar, Ms. Samaniego.” Pangiti-ngiti pang sambit ni Celeste habang kausap si Jane.Ang huli naman ay tila naubusan na ng enerhiya kangingiti paulit-ulit para lang hindi maging awkward ang sitwasyon. Nasa labas na sila ngayon ng ospital dahil na-discharge na rin si Jane pagkatapos ng ilang oras. Matthew and Celeste were accompanying Jane out of the hospital since sila rin naman ang tumuling kay Jane gawa ni Joaquin.Pinagmamasdan ni Jane si Matthew kung may sasabihin ito… sigurado kasi si Jane na naaalala ni Matthew si Amara sa kaniya. Matthew was silent. Hindi na rin ito nagsalita masyado nang dumating si Celeste kanina dahil ang huli na ang madalas magkwento.At si Jane, walang sawang nakinig. Wala rin naman syang magagawa because she has nowhere else to go. Besides, nahihilo ito kanina. Ngayon ay okay-okay na rin naman ang pakiramdam nito kaya nakalabas na sila.Alas-diyes na rin ng gabi.“I already told you, ito ang unang pagkikita natin, Ms. Celeste.”
Ang akala ni Amara ay hindi na sila muling magkikita ng mga taong kinamumuhian niya… ngunit tunay na mapaglaro ang tadhana.Hindi nito akalaing muli na namang magtatagpo ang mga landas nila pagkatapos ng anim na taon. “DO WE KNOW each other, Ms. Jane? Parang nakita na kita noon.” sambit ng isang lalaking malalim ang tingin na nasa harapan ngayon ni Jane.Nanigas si Jane habang mahigpit na nakakapit sa strap ng bag niya. Sa loob ng anim na taon, ilang beses niyang inisip ang muling pagkikita nila ni Matthew Rivera—pero hindi ganito. Hindi habang naka-heels siya sa isang police raid habang nakatitig dito ang lalaking minsang sumira sa buhay niya. “Napagkamalan n’yo lang ako, Mr. Rivera,” pilit niyang sagot bago umiwas ng tingin.Pero hindi gumalaw si Matthew. Diretso lang itong nakatitig sa mukha niya at tila may pilit inaalala. “You look like someone I know,” mahina nitong sabi. “Someone who died from a fire six years ago.” “Amara Rivera…” bulong ni Jane. Agad namang nanlaki ang mg
“You are nothing, but be the Amara Rivera we once named you.”Bago pa man siya naging si Amara Rivera, isa lamang siyang batang babae na namuhay sa katahimikan. Iyon ang kuwentong alam ng lahat—isang bulag at pipi na ulila, isang batang walang pamilya at walang ibang maaasahan kundi ang awa ng tadhana. Ngunit walang nakaaalam ng buong katotohanan.Mas madali iyon. Mas ligtas.Kaya nang dumating sa buhay niya si Matthew Rivera sa pinakamadilim na yugto nito, pinili niyang itago ang lihim na iyon at manatiling tahimik.Nakilala ito si Matthew sa mga panahong gusto na nitong wakasan ang kaniyang buhay pagkatapos ng isang aksidente, na naging dahilan ng temporaryong pagkabulag nito. Inalagaan siya ni Amara, ang naging mga mata nito sa mundong hindi na makita. Kapag gusto nitong sumuko at tuluyang talikuran ang buhay, siya ang humahawak sa kamay nito at tahimik na nagpapaalala na hindi pa tapos ang lahat.Kinupkop si Amara ng pamilya Rivera dahil sa pagmamahal nito sa anak nilang si Matthe







