LOGIN"Ang aga naman n'yan, bro," puna sa akin ni Rashid, best friend ko mula pa elementarya. Siya ang may-ari ng bar kung saan ako madalas pumunta. Well, technically pareho kaming may-ari nito dahil ako ang namuhunan sa negosyo niya.
Si Rashid ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Nakilala ko lang siya nang minsang nag-cutting classes ako noong Grade Five at siya naman ay nagtitinda ng sampaguita malapit sa aming paaralan.
I was so bored during that time and maybe suffocated by my bodyguards, that's why, without thinking, I joined him in selling his sampaguita. From that time on, we became the best of friends. Madalas, tumatakas ako sa school para makipagkita sa kanya, o kaya naman siya ang pupuslit sa bahay namin para makapaglaro kami sa room ko. When we became high school students, I convinced my Dad to give Rashid a scholarship until college; that's why our friendship became much stronger.
"Si Tito na naman ba 'yan at ang obsession niya sa apo?" Tanong pa niya, o mas tamang sabihin na pahayag niya dahil alam naman niyang iyon lang ang madalas kong pinoproblema.
Mula sa bar counter kung saan siya gumagawa ng mga alak para sa mga kostumer niya ay lumabas si Rashid at tinabihan ako. Itinulak pa nito ang isang baso ng whiskey at marahan nitong iniuntog ang baso na hawak doon.
"Ano pa nga ba," buntong-hiningang sabi ko bago isinang lagok ang alak. Gumuhit pa ang init nito sa aking lalamunan pero wala pa rin akong pakialam at muling inilapit kay Rashid ang aking baso upang humingi pa ng isa.
"This time I think I really messed up, bro," panimula ko sa kuwento. Ibinahagi ko rin ang nangyari sa amin ni Rachel hanggang sa pagtawag ni Daddy sa akin kaninang umaga lang.
"Bro, malalang problema talaga ‘yan. O, ano'ng plano mo ngayon?" Tanong pa niya na tila kahit siya ay hindi na rin alam ang gagawin sa problema ko.
Muli kong inubos ang alak sa aking baso bago ko siya muling sagutin, "You know marrying someone is not on my option, right?" pahayag ko pa.
"Yeah, I know. And that's the problem, paano ka magkakaanak kung hindi ka magpapasakal este magpapakasal pala? Hindi rin naman puwedeng kumuha ka lang ng babae sa tabi-tabi at anakan dahil paniguradong gagamitin ng babaeng iyon ang bata para pikutin ka," paglalahad pa nito sa katotohanan.
Dahil sa kanyang pahayag ay muli ko na lang nahilot ang aking sintido dahil sa bigla nitong pagpintig. Hangga't maaari ay ayaw ko talagang isipin ang tungkol sa gusto ni Daddy, ang kaso lang, binigyan na niya ako ng ultimatum, at alam ko kung anong sinabi niya ay talagang gagawin niya, kanino pa ba ako nagmana kundi sa kanya.
As if rin naman na papayag ako na mapunta sa babaeng iyon ang yaman namin, dahil sigurado ako na ang kinakasama niya ngayon at ang anak niya ang makikinabang ng lahat, lahat ng pinagpaguran namin ni Daddy.
"I have a plan in my mind, but I just don't know if it will work," I calmly said after a few moments.
"Anong plano?" Muling usisa ni Rashid na tila handa akong tulungan sa kahit anong paraan.
"Una, hindi ako puwedeng mag-ampon dahil kung tuso ako, mas tuso si Daddy. For sure, ipapa-DNA niya ang bata oras na mahawakan niya ito. Ngayon, dito papasok ang plano ko. I was thinking of getting a surrogate mother for my child. Hindi naman namin kailangan na mag-sex o magkita, puwede naman na through IVF ay mabuo ang anak ko. Ano sa tingin mo?" Mahabang paliwanag ko pa.
Tatango-tango naman si Rashid na tila pinoproseso ang lahat ng aking sinabi. Sa tagal niyang magbigay ng opinyon ay nakadalawang baso na ako ng alak bago ko siya muling hinarap.
"Bro," muling pagkuha ko pa sa atensyon niya.
“Naiintindihan ko naman ang plano mo, bro. Ang iniisip ko lang ay kung gaano ka-safe ang surrogacy dito sa Pilipinas? Idagdag mo pa na sa pamamagitan ng IVF mo lang gustong mabuo ang bata," panimulang paliwanag pa niya.
“At saka, bro, base sa mga naririnig ko lang ha, may risk ang paggamit ng IVF sa pagbubuntis. Ang iba, madalas nakukunan, o 'di naman kaya, paglabas ng bata, may diperensya naman. Sa gagastusin, wala naman akong duda na kaya mo iyon kahit nga sampu pa 'yan na sabay-sabay. Ang tanong, kaya mo bang tanggapin ang bata kung sakali lang naman na may deperensya ito? For me lang ha, mas safe pa rin ang natural way ng pagbuo ng bata. Mas safe na, mas masarap pa," natatawang pahayag pa niya dahil sa huli niyang sinabi.
Matalino naman talaga si Rashid, kaya nga sa kanya lang ako madalas lumalapit tuwing may problema ako kahit pa meron rin naman akong iba pang kaibigan. Talagang madalas, kahit seryoso na ang usapan, hindi pa rin niya maiwasan na haluan ng kalokohan ang bawat sinasabi niya.
"So what are you suggesting now?" Seryosong tanong ko naman at hindi na binigyang pansin pa ang mga huli niyang sinabi kanina.
"What I'm suggesting is for you to still get a surrogate mother, or maybe baby maker kung ang egg cell rin mismo ng babaeng kukunin mo ang gagamitin sa pagbuo ng tagapagmana ng Martinez Corp. But of course before that happens, you should talk with the girl first and let her sign a contract na wala siyang pwedeng gawing paghahabol sa'yo sa oras na makapanganak siya. At ang bata na iluluwal niya ay anak mo lang at hindi sa kanya," ngayon ay seryosong pahayag pa niya.
"That's a brilliant idea. Buti na lang talaga at kaibigan kita. At dahil diyan, simulan mo na ang paggawa ng kontrata," nakangising ani ko pa. Tutal siya rin naman ang nakaisip ng kabuuan ng plano ko at siya rin naman ang abugado ko kahit mukha siya abugago pag kasama ko ay alam kong ang mga ganitong bagay ay sa kanyang ko lang maipagkakatiwala.
Sa ngayon isa na lang ang kailangan kong problemahin, iyon ay kung saan ako makakahanap ng babaeng papayag sa plano ko. Kung saan ako makakahanap ng babaeng magiging surrogate mother ng anak ko.
Mahigit isang buwan na rin mula nang mawala ang baby namin ni Eliana. Hindi man namin napag-uusapan ang tungkol doon ay alam kong labis pa rin siyang nalulungkot dahil sa nangyari. May oras pa nga na nagigising na lang ako sa mga impit na hikbi niya habang hawak ang kwintas kung saan nakalagay ang abo ng baby namin. Sabi ni Anton, normal lang daw iyon at dapat ko raw palaging ipaalala kay Eliana na nandito ako para mabawasan kahit papaano ang iniisip niya. Sa aming dalawa kasi ay mas higit siyang nasasaktan dahil siya ang nakaramdam ng paglaki ng baby namin sa loob niya.Alas-sais na ng umaga ngunit mahimbing pa rin ang pagkakatulog ni Eliana. Dahil Sabado naman at wala kaming pasok sa opisina ay hinayaan ko na lang din siyang magpahinga lalo na at alam kong sobra rin naman siyang napagod dahil sa akin kagabi.We decided to bring her siblings out in the nearest amusement park since today is the birthday of the twins. Alas-diyes pa naman ang napag-usapan namin na susunduin ang mga bata
"May problema ba, Theo?" alanganing tanong ni Eliana sa akin nang makapasok na kami sa loob ng aking sasakyan."Nothing, I just really want to go home now. I'm starving and I want to eat my dinner now," simpleng sagot ko naman sa kanya habang binubuhay ang makina ng aking sasakyan."Starving ka diyan, eh kakatapos lang nating kumain sa loob," wika pa nito.Nilingon ko naman ito at hinawakan ang nakalantad niyang hita. "But I didn't eat any, Eliana. I just stayed there because that's what you want," ani ko pa habang pinapasadahan ng tingin ang kanyang mukha, partikular na ang kanyang labi na kanina ko pa gustong halikan, maybe it's the lipstick that she's wearing that's why, and because of that I want to buy that company for creating a master piece product."Bakit hindi ka kasi kumain kanina? Ang daming pagkain ang inordere ng daddy mo kaso puro wine naman ang tinira mo," pagalit pa nito sa akin na hindi ko na lang pinansin."Because I told you, I don't want to eat that. I prefer to ea
Elijah Theodore MartinezKung ako lang ang masusunod, ayaw ko na talagang ituloy ang dinner na ito, pero dahil sa hiling ni Eliana, nanatili kami, kahit halos hindi ko na rin magalaw ang aking pagkain."By the way hija, I want to use this opportunity to apologize for what happened to you and to you baby. Believe me it's not my intention to hurt anyone that day, I just want to help Theo and Elias that's why I came there," humihingi ng paumanhin si Therese kay Eliana na siyang nakapagpatawa sa akin na pilit na dahilan upang mapunta sa akin ang kanilang atensyon."Really huh, not intention?" hindi ko pa mapigilang kumento."Theo…" mahinang puna naman ni Eliana sa aking tabi na sinamahan pa niya ng mahagyang pagpisil sa aking hita."It's already done, Ma'am, we can't undo things. Masakit pa rin ho para sa amin ang pagkawala ng baby namin ni Theo, but we're helping each other to heal," ani naman ni Eliana na may tipid na ngiti sa kanyang mukha.Dahil magkatapat ang dalawang babae ay nagawa
Sumakay si Tito Elias sa kanyang kotse, habang ako naman ay sakay kay Theo na hanggang ngayon ay tahimik pa ring nagmamaneho."Saan tayo pupunta?" usisa ko sa lalaki matapos ang ilang sandali ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.Isang mabilis na sulyap naman ang ibinigay nito sa akin bago muling ituon ang atensyon sa kalsada, "Just a dinner. Pinagbigyan ko lang din si Dad dahil sa kakulitan niya," seryoso pa ring tugon nito."Ganun ba? Mukha namang mabait ang daddy mo ah," komento ko naman upang mapahaba pa ang aming usapan."Yeah he good, at sa sobrang pagkabait niya ay may pagkatanga na rin madalas," bad trip pa ring ani nito dahilan upang muli akong mapalingon sa kanyang pwesto."Grabe ka namang makapagsalita sa daddy mo. Theo, daddy mo pa rin 'yan ha, hindi maganda ang magsalita ng ganyan tungkol sa kanya," pangalit ko pa sa lalaki dahilan ng pagsilay ng kanyang tipid na ngiti."I'm just stating the fact, Eliana. There's nothing wrong in what I said if it's true," depensa pa r
Chapter 58: His Dad"Ayos ah, pumasok ka sa loob ng opisina ni big boss isang oras bago mag-lunch time tapos ngayon ka lang lumabas, isang oras pagkatapos ng tanghalian," tuksong puna sa akin ni Ate Vina nang muli akong maupo sa aking lamesa. Kakabalik lang din kasi niya galing sa cafeteria at sakto naman na nakita niya na kakalabas ko lang mula sa opisina ni Theo. Mahigit dalawang oras din kasi ako sa loob dahil pagkatapos ng ginawa namin ay doon na rin niya ako pinakain ng tanghalian para daw sabay kaming kumain."Ito naman si ate, may pinagawa lang si Sir Theo saka sabay lang kaming kumain ng tanghalian kanina," agad na depensa ko naman bago muling binuhay ang aking laptop."O, bakit ang defensive mo? Wala naman akong sinasabi ah," tatawa-tawa pa nitong komento habang iiling-iling pa. "Alam mo, napaghahalataan ka masyado. Pero sabagay, kahit naman maghapon ka sa loob ng opisina ni boss, wala namang problema, jowa ka naman niya kasi after all, hindi katulad ng iba diyan na nagpi-fee
Akmang tatayo na ako nang makita ko na tuluyan nang nakalabas si Emerie, pero pinigilan naman ako ni Theo sa pamamagitan ng pagpisil sa aking dibdib gamit ang isang kamay at ang lalong pagdiin sa akin sa kanyang harapan na ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang katigasan."Where do you think you're going, huh?" pabulong na tanong pa nito bago walang pakundangang sinipsip ang aking leeg na agad namang nakapagpalayo sa akin sa kanya nang bahagya."Theo, baka may makarinig sa atin dito," pigil ko pa sa kanya, pero hindi pa ito nakuntento at tuluyan nang ipinasok ang isa niyang kamay sa loob ng suot kong blusa."It's sound proof, Eliana, no one can hear us," muli niyang sabi bago muling hinalikan ang aking leeg.Dahil sa kanyang ginagawa sa aking katawan ay tuluyan na akong napapikit habang mahigpit na nakakapit sa magkabilang sandalan ng kanyang upuan."Theo, we're in the office… Please don't leave a kiss mark…" pagsusumamo ko pa sa kanya nang muli kong maramdaman ang bahagya niyang pagsip







