LOGINEliana Grace Herrera
Pakiramdam ko'y pinagsakluban na ako ng langit at lupa, na para bang lahat na ng problema ay ibinigay na sa akin ng Diyos. Kaya minsan gusto ko na rin Siyang tanungin at sumbatan. Naging mabuting tao naman ako. Mula pa pagkabata ay wala naman akong inargabyado. Hangga't kaya ko ay sinusunod ko ang turo at aral Niya. Kapag may bakante akong oras, sumisimba naman ako. Ngayon lang naman ako hindi nakakapunta sa simbahan dahil kailangan kong magtrabaho para sa mga kapatid ko, para mabuhay kami. Pero bakit ganito? Bakit sa dinami-rami naming tao sa mundo, ako pa ang napili Niyang subukin nang ganito?
Umiiyak kong minamasdan ang aking bunsong kapatid na ngayon ay nasa loob ng ICU. Ilang araw na rin kami rito sa ospital at sa paglipas ng mga araw ay mas nanganganib ang buhay ng kapatid ko. Kahapon nga lang ay sinabi na sa akin ng doktor na kung hindi maooperahan sa lalong madaling panahon si Gasper ay maaari na itong kunin sa amin anumang oras. Pero gustuhin ko mang ipaopera siya agad ay hindi ko naman magawa dahil malaking halaga ang kakailanganin para doon. Pangkain nga namin sa pang-araw-araw, pahirapan na ako sa paghahanap, ang pampaopera pa kaya ng kapatid ko na halos nasa kalahating milyon ang halaga.
Alam kong nahihirapan na rin ang kapatid ko pero makasarili na kung makasarili, pero hindi ko pa kayang may mawala kahit sino sa kanila. Lahat gagawin ko mailigtas ko lang siya. Konti na nga lang at malapit ko nang patulan ang alok sa akin ni Mayor eh. Sa tagal ko nang nagtatrabaho sa munisipyo, alam ko naman may pagnanasa siya sa akin, hindi lang ako makaalis sa trabaho dahil tanging ito lang ang bumubuhay sa aming magkakapatid. Pero kagabi nang alukin niya ako ng tulong sa pagpapaopera sa kapatid ko kapalit ng pakikipagrelasyon sa kanya kahit na mayroon na siyang asawa, konti na lang at papayag na ako, mailigtas ko lang ang kapatid ko.
Isang tapik ang muling nakapagpabalik sa akin mula sa malalim na pag-iisip, "Friend, kumain ka muna. Baka pati ikaw magkasakit na niyan, paano na ang mga kapatid mo 'pag nangyari 'yon?" Malungkot na sabi sa akin ni Calix, best friend ko, habang inaabot sa akin ang isang paper bag na galing sa isang fastfood chain. Kasama niya ngayon si Miko at boyfriend niya.
Naupo kaming tatlo sa bakanteng bench sa tapat ng ICU kung nasaan ang kapatid ko. Ngunit imbis na buksan at kainin ang dala nilang pagkain ay malungkot ko lang itong minasdan, naalala ko kasi si Gasper dahil gustong-gusto niya ang pagkaing ito.
"Kung ang iniisip mo ngayon ay ang mga kapatid mo, 'wag ka nang mag-alala, bago kami pumunta rito ay dumaan ako sa bahay niyo para dalhan din sila ng pagkain. Kaya para sa'yo talaga 'yan, kainin mo na habang mainit pa," muling sabi ni Calix na tila nababasa niya ang laman ng isip ko.
Nagpasalamat ako sa magkasintahan dahil sa kanilang malasakit. Sinabi ko na lang din na mamaya ko na kakainin ang pagkaing dala nila upang hindi na rin sila mag-alala pa.
Ilang sandali ang namayani na katahimikan sa pagitan naming tatlo nang basagin ito ni Miko sa pamamagitan ng pagkamusta sa aking kapatid, "Kamusta na si Gasper Grace?"
Isang malungkot na ngiti ang hindi ko napigilang mamutawi sa aking labi, "Gano'n pa rin, Miko. Walang improvement sa kondisyon niya at ang masama, habang lumilipas ang araw ay mas nanganganib ang buhay niya kung hindi siya maooperahan kaagad," malungkot na kuwento ko naman.
Halos magkasabay na napabuntonghininga ang dalawa bago muling nagsalita si Miko. "Ahm, Grace, kasi may alam ako, baka sakali na makatulong sa 'yo," alanganing ani pa niya.
Mula sa pagtitig sa kawalan ay agad na nadako ang aking paningin sa kaniya, "Ano 'yon, Miko? Trabaho ba 'yan? Kahit anong trabaho tatanggapin ko basta mapaopera ko lang si Gasper," desperado ko pang turan sa kaniya.
Mula sa kanyang bag ay inilabas naman niya ang isang folderbago ito iniabot sa akin. Sa taas pa lang ng papel ay nakasulat na ang isang malaking CONTRACT kaya naman agad na napakunot ang noo ko hindi ko pa man nababasa ang kabuuan ng dukomento.
“That’s a contact Grace, but it’s not a simple contract. Tatapatin na kita ha, ang kontrang yan kasi ay tungkol sa pagiging surrogate mother. Makilala kasi ako na handang magbayad ng kahit na magkano makahanap lang ng babaeng magdadala ng kanyang anak,” deretsong paliwanag naman ni Miko kaya muli akong napatingin sa kanya.
"Magbubuntis ako kapalit pera, tama ba?" Nalilitong tanong ko pa rin kahit na malinaw naman ang kanyang pahayag.
Isang tango naman ang isinagot sa akin ni Miko habang si Calix ay tahimik lang na nakikinig sa amin.
"Ganoon na nga, Grace, pero kung ang iniisip mo ay kung kailangan mong makipag-sex ay nagkakamali ka. Hangga't maaari kasi ay ayaw ring magpakilala ng boss ko sa babaeng napili niya. He will impregnate you through IVF, iyon ang plano. At habang nagbubuntis ka ay may matatanggap ka nang pera na puwede mong itustos sa mga kapatid mo," muling paliwanag pa ng lalaki.
Malalim akong nag-isip tungkol sa kaniyang sinabi. Technically, anak ko rin ang ipagbubuntis ko at ipamamahagi ko ito sa oras na maipanganak ko siya. Kakayanin ba ng konsensiya ko na malayo sa anak ko kung sakali? Pero paano naman si Gasper? Kung hindi ito malamang kay Mayor ang bagsak ko, mas hindi ko yata kakayanin na maging kabit niya at sumira ng pamilya.
Habang nag-iisip ay bigla namang umalingawngaw ang malakas na tunog sa buong paligid. Kasunod nito ang mga nagmamadaling doktor at nars na patungo sa aking direksiyon. Naging mabilis ang mga pangyayari at ang huling nakita ko na lang ay kung paano ire-revive ng mga doktor ang kapatid ko sa loob ng ICU. Ilang minuto rin ang itinagal nila sa loob hanggang sa muling bumalik ang pulso ni Gasper. Sa pagkakataong iyon, alam ko na na anumang oras maaaring maulit muli ang nangyari kanina kung hindi siya maooperahan kaagad. Kaya naman sa kabila ng agam-agam, muli kong hinarap si Miko at kinuha ang kontratang kaniyang hawak at walang sabi-sabing pinirmahan ito.
Mahigit isang buwan na rin mula nang mawala ang baby namin ni Eliana. Hindi man namin napag-uusapan ang tungkol doon ay alam kong labis pa rin siyang nalulungkot dahil sa nangyari. May oras pa nga na nagigising na lang ako sa mga impit na hikbi niya habang hawak ang kwintas kung saan nakalagay ang abo ng baby namin. Sabi ni Anton, normal lang daw iyon at dapat ko raw palaging ipaalala kay Eliana na nandito ako para mabawasan kahit papaano ang iniisip niya. Sa aming dalawa kasi ay mas higit siyang nasasaktan dahil siya ang nakaramdam ng paglaki ng baby namin sa loob niya.Alas-sais na ng umaga ngunit mahimbing pa rin ang pagkakatulog ni Eliana. Dahil Sabado naman at wala kaming pasok sa opisina ay hinayaan ko na lang din siyang magpahinga lalo na at alam kong sobra rin naman siyang napagod dahil sa akin kagabi.We decided to bring her siblings out in the nearest amusement park since today is the birthday of the twins. Alas-diyes pa naman ang napag-usapan namin na susunduin ang mga bata
"May problema ba, Theo?" alanganing tanong ni Eliana sa akin nang makapasok na kami sa loob ng aking sasakyan."Nothing, I just really want to go home now. I'm starving and I want to eat my dinner now," simpleng sagot ko naman sa kanya habang binubuhay ang makina ng aking sasakyan."Starving ka diyan, eh kakatapos lang nating kumain sa loob," wika pa nito.Nilingon ko naman ito at hinawakan ang nakalantad niyang hita. "But I didn't eat any, Eliana. I just stayed there because that's what you want," ani ko pa habang pinapasadahan ng tingin ang kanyang mukha, partikular na ang kanyang labi na kanina ko pa gustong halikan, maybe it's the lipstick that she's wearing that's why, and because of that I want to buy that company for creating a master piece product."Bakit hindi ka kasi kumain kanina? Ang daming pagkain ang inordere ng daddy mo kaso puro wine naman ang tinira mo," pagalit pa nito sa akin na hindi ko na lang pinansin."Because I told you, I don't want to eat that. I prefer to ea
Elijah Theodore MartinezKung ako lang ang masusunod, ayaw ko na talagang ituloy ang dinner na ito, pero dahil sa hiling ni Eliana, nanatili kami, kahit halos hindi ko na rin magalaw ang aking pagkain."By the way hija, I want to use this opportunity to apologize for what happened to you and to you baby. Believe me it's not my intention to hurt anyone that day, I just want to help Theo and Elias that's why I came there," humihingi ng paumanhin si Therese kay Eliana na siyang nakapagpatawa sa akin na pilit na dahilan upang mapunta sa akin ang kanilang atensyon."Really huh, not intention?" hindi ko pa mapigilang kumento."Theo…" mahinang puna naman ni Eliana sa aking tabi na sinamahan pa niya ng mahagyang pagpisil sa aking hita."It's already done, Ma'am, we can't undo things. Masakit pa rin ho para sa amin ang pagkawala ng baby namin ni Theo, but we're helping each other to heal," ani naman ni Eliana na may tipid na ngiti sa kanyang mukha.Dahil magkatapat ang dalawang babae ay nagawa
Sumakay si Tito Elias sa kanyang kotse, habang ako naman ay sakay kay Theo na hanggang ngayon ay tahimik pa ring nagmamaneho."Saan tayo pupunta?" usisa ko sa lalaki matapos ang ilang sandali ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.Isang mabilis na sulyap naman ang ibinigay nito sa akin bago muling ituon ang atensyon sa kalsada, "Just a dinner. Pinagbigyan ko lang din si Dad dahil sa kakulitan niya," seryoso pa ring tugon nito."Ganun ba? Mukha namang mabait ang daddy mo ah," komento ko naman upang mapahaba pa ang aming usapan."Yeah he good, at sa sobrang pagkabait niya ay may pagkatanga na rin madalas," bad trip pa ring ani nito dahilan upang muli akong mapalingon sa kanyang pwesto."Grabe ka namang makapagsalita sa daddy mo. Theo, daddy mo pa rin 'yan ha, hindi maganda ang magsalita ng ganyan tungkol sa kanya," pangalit ko pa sa lalaki dahilan ng pagsilay ng kanyang tipid na ngiti."I'm just stating the fact, Eliana. There's nothing wrong in what I said if it's true," depensa pa r
Chapter 58: His Dad"Ayos ah, pumasok ka sa loob ng opisina ni big boss isang oras bago mag-lunch time tapos ngayon ka lang lumabas, isang oras pagkatapos ng tanghalian," tuksong puna sa akin ni Ate Vina nang muli akong maupo sa aking lamesa. Kakabalik lang din kasi niya galing sa cafeteria at sakto naman na nakita niya na kakalabas ko lang mula sa opisina ni Theo. Mahigit dalawang oras din kasi ako sa loob dahil pagkatapos ng ginawa namin ay doon na rin niya ako pinakain ng tanghalian para daw sabay kaming kumain."Ito naman si ate, may pinagawa lang si Sir Theo saka sabay lang kaming kumain ng tanghalian kanina," agad na depensa ko naman bago muling binuhay ang aking laptop."O, bakit ang defensive mo? Wala naman akong sinasabi ah," tatawa-tawa pa nitong komento habang iiling-iling pa. "Alam mo, napaghahalataan ka masyado. Pero sabagay, kahit naman maghapon ka sa loob ng opisina ni boss, wala namang problema, jowa ka naman niya kasi after all, hindi katulad ng iba diyan na nagpi-fee
Akmang tatayo na ako nang makita ko na tuluyan nang nakalabas si Emerie, pero pinigilan naman ako ni Theo sa pamamagitan ng pagpisil sa aking dibdib gamit ang isang kamay at ang lalong pagdiin sa akin sa kanyang harapan na ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang katigasan."Where do you think you're going, huh?" pabulong na tanong pa nito bago walang pakundangang sinipsip ang aking leeg na agad namang nakapagpalayo sa akin sa kanya nang bahagya."Theo, baka may makarinig sa atin dito," pigil ko pa sa kanya, pero hindi pa ito nakuntento at tuluyan nang ipinasok ang isa niyang kamay sa loob ng suot kong blusa."It's sound proof, Eliana, no one can hear us," muli niyang sabi bago muling hinalikan ang aking leeg.Dahil sa kanyang ginagawa sa aking katawan ay tuluyan na akong napapikit habang mahigpit na nakakapit sa magkabilang sandalan ng kanyang upuan."Theo, we're in the office… Please don't leave a kiss mark…" pagsusumamo ko pa sa kanya nang muli kong maramdaman ang bahagya niyang pagsip







