เข้าสู่ระบบJACQUELINE POV Isang marangyang hapunan ang pagsasaluhan ng pamilya Davis. At isang malaking karangalan para sa akin na makasabay sila. Punong-puno ng mamahaling pagkain ang mahabang dining table----may steak, seafood pasta, roasted chicken, iba't ibang putahe, at mamahaling alak na nakahilera sa gitna. Nakakasilaw ang elegante nilang dining area dahil sa napakalaking chandelier na nakasabit sa kisame habang ang mga ilaw ay nagbibigay ng mainit na ambience sa buong paligid. Ngunit higit sa mga mamahaling mga pagkain na nasa harap ko ang nagpapasaya sa puso ko ay ang paraan ng pakikitungo nila sa akin. Hindi nila ako tinrato bilang estranghero. Hindi nila ako pinaramdam na sampid lang ako at aksidenteng napasok sa marangyang mundo nila. Sa simpleng pag-aabot nila ng pagkain… sa casual na pagtatanong… sa masaya nilang ngiti at biro sa isa’t isa… ramdam ko ang buong pusong pagtanggap sa akin bilang bahagi ng pamilya nila. At sa totoo lang, matagal ko nang pinapangarap maran
JACQUELINE POV SUOT ang isang bathrobe, dahan-dahan akong lumabas ng banyo habang pinupunasan pa ang bahagyang basa kong buhok gamit ang tuwalyang nakapatong sa balikat ko. Pagkabukas ko ng pinto, agad kong nadatnan si Donnabelle na tahimik na nakaupo sa gilid ng kama habang abala sa pag-scroll sa kanyang cellphone. Ngunit nang mapansin niyang nakalabas na ako, mabilis niyang ibinaba iyon at agad na tumayo. Kumurba ang labi niya sa isang malawak at masiglang ngiti bago niya iniabot sa akin ang isang paper bag. “Finally! Akala ko matutulog ka na sa loob ng banyo,” biro niya saka marahang tumawa. “O heto, may pinahanda akong damit at underwares para sa iyo.” Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan.. Kimi kong tinanggap ang paper bag habang nakatitig sa kanya. “Magbihis ka muna. Lalabas na muna ako para makapagpalit ka nang maayos,” dagdag pa niya. Hindi na niya ako hinintay pang makasagot. Kumaway lang siya bago tuluyang lumabas ng silid at marahang isinara
JACQUELINE POV Sa kotse kami dumirecho ni Russell. Pagkasakay pa lang namin, mabilis na siyang umarangkada paalis. Ramdam ko pa rin ang galit niya kaya naman kaagad ko siyang hinawakan sa kamay "Sorry." mahina kong wika. Naramdaman kong kaagad din naman niyang pinisil ang kamay ko "For what?" tanong niya "Sa--sa nangyari kanina. I mean, nakita mo tuloy kung gaano kapangit ng pakikitungo ni Daddy at ng madrasta ko sa akin." sagot ko din naman kaagad. "At sa simpleng bagay na iyun, nagsosorry ka sa akin? Jackie, wala kang kasalanan. Actually, ikaw nga ang dehado eh. But, don't worry, ako ang bahala. Ang nangyari kanina, hinding hindi ko mapapalampas." seryoso niyang sagot sa akin Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko na din kasi talaga alam kung ano ang sasabihin ko eh. Nahihiya ako dito kay Russell na natutuwa kasi, kahit na arranged marriage lang ang nangyari sa pagitan namin, ramdam ko pa rin ang pagpo-protekta niya sa akin *************** Ilang minuto na pagmamaneho, na
JACQUELINE POV "IHA, Magkapatid naman kayo at sa magkapatid dapat nagbibigayan. Maaatim mo ba na ma suspende ang kapatid mo?" nakangiting wika ni Daddy. Bigla talaga siyang kambiyo at biglang bait-baitan nang mapansin niyang kasama ko si Russell. At ngayun, nasa pangongonsensya mode na siya sa akin. Na para bang kulang nalang sabihin na ako na ang mag adjust dahil magkapatid naman kami Pero, ang totoo, aware naman talaga siya na hindi kapatid ang turing sa akin niyang si Aimee eh. Para sa babaeng iyan, isa lamang akong laruan na pwede niyang saktan kung kailan niya gusto. "O--oo nga naman, Jackie! Parang hindi mo naman kiilala ang ugali ni Aimee. Medyo maldita lang siya pero mabait naman iyan." sabat naman ni Tita Norma. Hindi ko naman mapigilan ang mapaismid. "Mabait..kailan pa naging mabait ang anak niyo? At kailan niyo pa nakitang iginalang ako niyan kahit na kaunti?" seryosong wika ko "Jackie-----" mataas ang tono na wika ni Daddy at akmang lalapit sa akin pero bi
JACQUELINE POV SA loob ng guidance counselors office, nakita ko kung gaano ka-balisa si Aimee. Kitang kita ko ang takot sa mga mata niya habang hindi siya makatingin ng direcho sa akin Ako naman, tahimik lang. Nakapatong sa basa kong kasuotan ang coat ni Russell na sinadya niya pang kunin sa kotse kanina "Are you okay?" masuyo niyang tanong sa akin habang hawak niya ang kamay ko Ang gusto niya sana kanina ay umuwi na kami para makapaligo at makapagpalit na ako ng tuyong damit kaya lang, hindi ako pumapayag. Gusto ko din kasing makita kung ano ang magiging reaction nila Daddy at nang madrasta ko sa ginawa ng magaling nilang anak na si Aimee "Okay lang ako...ang coat mo, malaking tulong para hindi ako lamigin." sagot ko din naman sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at ilang saglit lang, dumating na din ang iba pang mga magulang ng mga istudyante na kakampi ni Aimee. At nang makita nila si Russell, nakita ko ang matinding pag-aalangan sa mga mata nila. Kinausap na kaagad si
JACQUELINE POV “WALA----wala akong ginawa!” narinig kong sigaw ni Aimee habang mahigpit akong nakayakap kay Russell. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Nanginginig pa rin ang buo kong katawan mula sa takot at kahihiyan na naramdaman ko kanina. Basang-basa din ang uniporme ko, malamig ang tubig na dumikit sa balat ko, at mahapdi pa rin ang kaliwa kong pisngi dahil sa malakas na pagkakasampal ni Aimee kanina. Pero habang nasa bisig na ako ni Russell, pakiramdam ko ay biglang nawala ang lahat ng takot na bumabalot sa akin. Pakiramdam ko, ligtas ako dahil nasa tabi ko na siya. Mahigpit niya akong niyakap, tila ba ayaw niya akong pakawalan kahit isang segundo lang. Ramdam ko ang mabilis niyang paghinga at ang init ng katawan niya na unti-unting nagpapakalma sa akin. “Ssshh… tahan na,” marahan niyang bulong sa akin habang dahan-dahan niyang hinihimas ang likod ko. “Nandito na ako… hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sa iyo.” Ngunit hindi sapat iyun para
JENNIFER POV (MIA) "ANO ba ang nangyari sa kanya? Bakit siya nahimatay?" unang katagang sumalubong sa pandinig ko nang muli akong bumalik sa ulirat. Nag-aalalang boses ni Luis na tinatanong niya si Doctora Amery tungkol sa nangyari sa akin. "She's pregnant Kuya!" narinig kong sagot naman ni Ate
ELIJAH VILLARAMA VALDEZ POV "Sweetie, gusto mo bang mahiga na muna? I mean, pahinga ka muna..may mga guest room sa loob ng mansion at pwede natin okupahin ang isa sa mga iyun." hindi ko mapigilang wika kay Jennifer nang mapansin ko na pipikit-pikit na ang mga mata nito na para bang inaantok. SA
JENNIFER POV '"SORRY sa nangyari kanina. Hindi ko kasi napigilan ang bugso ng damdamin kaya nasampal ko siya." hinging paumanhin ko kay Veronica gayun na din sa asawa nitong si Rafael nang tuluyan nang nakaalis si Ethel. Inutusan pa nila ang driver na ihatid ito sa may labasan para sure na aalis
JENNIFER MADLANG -AWA VALDEZ POV NAGLINIS lang ako ng katawan, nagpalit ng kumportableng damit tsaka ako nagpasyang mahiga sa kama! Sobrang gaan ng pakiramdam ko! Kahit na wala akong maalala, alam ko sa sariil ko na safe ako sa mga kamay ni Elijah lalo na at siya ang asawa ko. "Gusto mo na b


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




