JENNIFER POV "Elijah!" unang katagang lumabas sa bibig ko sa muling pagmulat ng aking mga mata. Hangang sa panaginip, dala-dala pa rin ng isipan ko ang mga nangyari. Natatakot pa rin akong isipin na baka may nangyaring masama dito. "Jen, Sweetheart! Hey, nandito lang ako! Nandito lang ako!" narinig kong sambit ng isang familiar na boses kaya wala sa sariling napatitig ako sa kanya at ganoon na lang ang gulat ko nang masilayan ko ang mukha ni Elijah na nakatunghay sa akin. "Elijah!" mahinang sambit ko. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang lahat pero ang huli kong natatandaan ay tinamaan ito ng bala. Ano ang nangyari? Nananaginip ba ako? Nakikita ko si Elijah ngayun sa harapan ko na nasa maayos na siyang kalagayan. Medyo maputla siya pero nakangiti siya sa akin. Ang huli kasing tumatak sa isipan ko ay kausap namin ang Doctor na nag-opera dito para kumustahin ang kalagayan nito pero bigla namang sumakit ang aking tiyan. "Ipagpalagay mo ang kalooban mo, Sweetie. Nasa maay
JENNIFER POV No choice kundi ang pagbigyan ang makulit kong asawa na si Elijah. Ayaw niya kasi talagang umalis sa tabi ko at gusto niyang tabi daw kami ng higaan. Since, gising naman na ako, ako na ang kusang nagtransfer sa higaan niya. Kasya naman kaming dalawa kung totoosin. Ito yata ang advantage kapag nasa VIP room ka ng hospital. Malapad ang higaan May VIP room pala ang hospital na ito kaya feeling ko nasa hotel lang kami. Maluwang ang buong paligid at kayang ma-accomodate ng kahit na ilang bisita. Naging maayos naman ang sumunod na sandali sa buhay namin sa hospital. Isang pambihirang pagkakataon yata sa buhay mag-asawa na sabay kaming dalawa ni Elijah ang na-confine. Na pareho din kaming nagpapagaling ng aming sugat. Ang sa akin ay dulot ng caesarian operation samantalang kay Elijah naman ay nagpapagaling dahil sa tama ng bala. Gayunpaman, masaya ako dahi lahat kami ay nakaligtas. Napag-alaman ko din na wala na si Ethel. HIndi ito nakaligtas dulot ng tama ng bala na
JENNIFER MADLANG -AWA POV '"No! OF course not! Sapat na ang liham na iniwan mo para maniwala ako na wala kang kasalanan!'" kaagad niya ding sagot habang kitang kita ko ang guilt sa kanyang mukha. HIndi naman ako makapaniwala sa narinig. "Nabasa mo ang ginawa kong diary?" excited na tanong ko. Napabangon pa ako sa higaan dahil sa gulat pero muli niya akong hinila kaya naman muli akongn napahiga sa tabi niya. "Diary ba ang tawag mo doon sa kapirasong papel na pinagsulatan mo? come on Sweetie, gusto mo palang gumawa ng diary, dapat sinabi mo para mabilhan kita ng magandang notebook na pagsusulatan." nakangiti nitong sagot sa akin. HIndi ko naman mapigilan ang matawa! Kaya pala simula noong bumalik ako sa piling niya hindi na siya galit sa akin. Nabasa niya pala ang sulat na ginawa ko noon. "Don't worry, Sweetie! Hindi ko lulubayan ang Madelyn na iyun. Patuloy pa rin siyang pinaghahanap ng mga tauhan ko dahil ihaharap ko siya sa iyo. Hindi din ako paapayag na hindi niya pagbab
JENNIFER POV "Jen, okay lang ba? Gusto ka daw sana makausap ni Kuya." kakatapos lang namin kumain ng lunch ni Elijah dito mismo sa kwarto namin sa hospital nang biglang dumating si Ate Amery. "Ha? Ang Kuya mo? Meaning si Luis?" nagtataka kong tanong. "Yes...dalawang araw nang naka-confine dito sa hospital si Kuya dahil sa matinding pananakit ng kanyang tiyan dulot ng matinding pag-inom ng alak at kahit na hindi kami in good terms, may request siya sa akin na kung pwede ka daw makausap. Iyun ay kung okay lang sa iyo at kay Mr. Elijah Valdez!" sagot naman kaagad ni Ate Amery sa akin. Wala sa sariilng napatitig ako kay Elijah na noon ay tahimik lang na nakikinig sa aming pag-uusap. Gusto kong makuha ang kanyang reaction at nang napansin ko na dahan-dahan itong tumango, hindi ko mapigilan ang mapangiti. "Okay lang sa akin. Actually, kahit na nakakainis iyang kapatid mo dahil tinangka niyang ilayo sa akin ang asawa ko ayos na din. Hindi pa rin mawawala ng katotohanan na siya ang
JENNIFER POV Naging maayos naman ang pag-uusap naming dalawa ni Luis at lumabas ako sa silid niya na magaan ang kalooban ko. Ayaw ko nang magtanim ng sama ng loob kahit na kanino. Lalo na sa taong iniligtas ang buhay ko. Kung hindi din naman dahil kay Luis baka patay na din ako ngayun. "So, how is it? Hindi ba naging matigas ang ulo niya? HIndi ka ba niya hinarass?" hindi ko pa nga mapigilan na magulat nang pagkalabas ko nang silid ni Luis, ang nag-aalalang mukha ni Elijah ang sumalubong sa akin Naku, ang asawa ko! Talagang sinundan niya pa pala talaga ako. "Ayos na. Noong una tinawag niya pa rin ako sa pangalang Mia pero hindi naglaon, feeling ko naintindihan niya naman ako noong nakapagpaliwanag na ako sa kanya!" kaagad ko din namang sagot. "Mabuti naman kung ganoon. Akala ko magmatigas pa eh. Takot din sigurong makatikim ng sapak." Natatawa niyang sagot. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti sa sinabi niya at niyaya na siyang muling bumalik sa inuukupa namin silid. B
JENNIFER POV "MABUTI naman po at aware kayo tungkol sa bagay na iyan. Hindi po kayo naging mabuting ama sa akin at kayo din ang naging dahilan sa mga pagdurusa ko noon." seryosong sagot ko na din sa kanya! Napansin ko ang lungkot na kaagad na gumuhit sa mga mata niya sabay iling. "Alam ko naman iyan anak at kaya nga ako nandito dahil gusto kong humingi ng sorry sa iyo. Matanda na ako at hindi ko alam kung hangang kailan na lang ang itatagal ang buhay ko. Ayaw kong lisanin ang mundo na hindi ka man lang nakakausap." madamdaming sagot niya naman sa akin "Kung ano man ang nangyari sa atin sa nakaraan natin, kinalimutan ko na po iyun. Huwag po kayong mag-alala...hindi na po ako galit sa inyo. Kahit na hindi po kayo hihingi ng sorry, napatawad ko na din po kayo!" seryosong sagot ko na din sa kanya. Sa sobrang dami ng mga nangyari sa buhay ko, wala nang puwang pa para magalit ako sa kapwa ko. Lalo na sa kanya na sarili kong ama. Hindi man siya naging perpektong ama sa akin, na
JENNIFER POV Nanatili si Papa sa bahay namin sa loob ng isang linggo bago ito muling bumalik ng probensya! Tuluyan ko na siyang napatawad at mas gusto ko sanang dito na siya manirahan sa amin dahil mag-isa nalang naman siya sa buhay niya pero ayaw talaga. Mas hinahanap daw kasi ng katawan niya ang buhay probensya. Sa bawat araw na nagdaan, lalo kong nakikita at nararamdaman ang pagpapahalaga at pagmamahal sa amin ni Elijah. Mas naging pursigido ito na ipakita sa akin kung gaano kami kahalaga sa kanya. Talagang naglalaan siya ng oras sa akin at sa mga anak namin. Kagaya na lang ngayun, araw ng sabado at wala siyang pasok sa opisina at niyaya niya akong lumabas. Since, simula noong dumating ako dito sa Metro Manila, hindi pa talaga ako nakaka-experience ng night out or pumunta sa mga bar kaya pumayag ako nang bigla niya akong yayain na pumunta doon. Gusto niya daw iparanas sa akin ang night life at dahil limang buwan na ang matulin na lumipas pagkatapos kong makapanganak puma
JENNIFER POV "Love, pwede ba kaming bumaba na muna? I mean, saayaw lang kami!" medyo bored na yata si Jeann kaya bigla itong nagpaalam kay Drake na lalabas daw kami ng VIP room para makihalubilo sa iba pang mga guest na sumayaw malapit sa stage. May tumutugtog kasing banda at kahit naman lumaki ako sa probensya, parang kanina pa nangangati ang paa ko. Gusto ko ding sumayaw. Gusto ko ding sulitin ang mga oras na nandito kami sa bar. "Bababa kayo? Well, for me ayos lang para mas lalo niyong ma-enjoy ang gabi." nakangiting sagot naman ni Drake. Narinig naman iyun ni Elijah kaya pumayag na din ito. Ganon na din si Peanut at Rafael. "Perfect, hindi ko pa nakikita ang asawa ko kung paano sumayaw kaya ayos lang!" nakangiting sabat naman ni Elijah. Medyo namumula na ang pisngi nito dahil siguro sa alak na iniinom niya. Kasama sila Veronica, Jeann, Charlotte excited kaming lumabas ng VIP room at bumaba. Nakihalubilo sa umpukan ng mga sumasayaw at nag-umpisa na din kaming umindak mul
AMERY HEART POV "Amery, nakausap ko si Tita kahapon. Kinumusta niya sa akin kung ano na ang balita sa paghahanap sa iyo." seryosong wika sa akin ni Christopher habang nandito kami sa isang coffee shop. Sila Katrina at Elizabeth ay nasa kids zone kasama si Oliver dahil nagpahayag itong si Christopher sa akin na gusto niya daw akong kausapin ng masinsinan. "Kumusta siya?" seryosong tanong ko "Ayun, malungkot lalo na at ang apo niya kay Elias at Rebecca ay mas sakit na leukemia." seryoso nitong sambit. Hindi ko naman maiwasan na magulat. "A-ano? Anong sabi mo? May sakit na leukemia ang anak ni Elias at Rebecca?" gulat kong bigkas. Kaagad naman siyang tumango. "Yes...at Isa din sa dahilan ang bagay na iyan kung bakit hindi matuloy-tuloy ang plano nilang pagpapakasal." seryosong sambit nito. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. "Amery, hangang kailan mo sila iiwasan? Masyado na silang nag-aalala sa iyo. Gusto ka na nilang makita." seryosong muli niyang bigkas. Hindi ko na
AMERY HEART POV '"Ano ang gusto niyo? Shopping muna or kain muna?" nakangiting tanong ni Oliver sa amin. Nandito na kami sa loob ng mall habang as usual nasa bisig niya na naman si Baby Elizabeth. Ang hilig magpakarga ng anak kong ito. Habang nagtatagal, napapansin ko na palambing nang palambing siya kay Oliver. "Elizabeth, nakakahiya na si Tito mo....bumaba ka na diyan anak. Big girl ka na eh." nakangiti kong sambit. Imbes na sagutin ko ang tanong ni Oliver kanina, ang anak ko muna ang uunahin ko. Nakakahiya na kasi dito kay Oliver. Gusto lang naman niyang ipasyal kami pero hindi naman kasama sa usapan na maging kargador siya ng anak ko. "Mommy, Tito Oliver said na ayos lang daw po." nakagiting wika ni Elizabeth. "No! Not okay baby. Malaki ka na at iwasan mo nang magpabuhat kay Tito. Tsaka, tingnan mo ang ibang mga bata...ayaw nga din nilang magpakarga oh?" seryosong sambit ko. Ilang beses ko nang pinakiusapan itong si Oliver na huwag niya masyadong i-spoild itong si El
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV KAKATAPOS lang namin mag-usap ni Christopher nang dumating naman si Rebecca at ang anak namin na si Liam. Mahigit dalawang taon pa lang si Liam at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng habag dito nang mapansin ko kung gaano ito pinapahirapan ng sakit ng Leukemia. Yes...sa batang edad nito tinamaan ito ng ganoon kalubhang sakit. HIndi ko alam kung paanong nangyari pero simula noong ipinanganak ito mahina na talaga ang bata at three months ago, lumabas sa pagsusuri ng doctor na may sakit ngang leukemia ang anak ko. Masakit para sa akin. May ari ako ng isa sa pinakamalaking hospital ng bansa pero wala akong magawa para magamot ang anak ko. Wala akong magawa para maibsan ang paghihirap ng sarili kong anak. "Elias, gusto ka daw makita ni Liam." nakangiting wika ni Rebecca sa akin.. Mula sa pagkakaupo sa aking swivel chair, mabilis akong tumayo at nilapitan ang anak ko na nakaupo sa kanyang troller. "Da-ddy!" narinig kong tawag sa akin ng anak ko. HIndi k
ELIAS POV "I HATE YOU! Pinabayaan mo kami at hinding hindi kita mapapatawad!" umiiyak na bigkas ng isang babae na nasa harapan ko. Hindi ko mapigilan ang mapatakip sa magkabilaan kong tainga dahil doon. Pakiramdan ko, parang hinihiwa ng libo-libong karayom ang puso ko habang pinapakingan ko ang panaghoy niya. Ramdam ko sa bawat pag-iyak niya ng sakit na para bang ako na yata ang pinakawalang kwentang tao sa balat ng lupa. "Bakit...sino ka? Kilala ba kita?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Akmang hahawakan ko sana siya kaya lang mabilis na siyang lumayo sa akin. Wala akong ibang nariring mula sa kanyan bibig kundi ang salitang galit siya sa akin. "Miss, saglit! Hintayin mo ako! Miss!" tawag ko sa babaeng unti-unting naglalaho na sa paningin ko. Gusto ko siyang habulin kaya lang wala sa sarilng napamulat ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang pagtapik ng kung sino sa balikat ko "Elias...cous! nightmare?" seryosong tanong ng taong nasa harapan ko. Kunot noo kong inili
AMERY HEART POV PAGKALABAS namin ng hospital, direcho kami sa bahay na sinasabi ni Christopher. Tama siya...mas magiging kumportable kami sa sinasabi niyang bahay kaya pumayag na din ako. Sa bawat desisyon na gagawin ko, itinatak ko sa isipan ko na palagi kong isaalang-alang sila Katrina at Baby Elizabeth. Sakto naman dahil ang bahay na ito ay halos kalapit lang ng isang private School kung saan balak kong i-enroll si Baby Elizabeth sa susunod na pasukan. Ilang araw lang din ang lumipas, dumating ng bansa si Kuya Luis. Muling bumaha ng luha sa pagitan naming dalawa nang magkita kami. Kahit na pareho kaming umiiyak, hindi pa rin nawala ang sermon niya sa akin. Kagaya lang din naman sa mga tanong sa akin ni Christopher ang mga tanong ni Kuya Luis kaya pahapyaw ko na ding kinwento sa kanya kung anong naging buhay ko sa gubat. "I am totally healed pero wala akong balak na mag stay dito sa Pinas ng matagal. Pwede kang sumama sa akin kung gusto mo." seryosong wika nito sa akin per
AMERY HEART POV "I already talk to your Doctor. Sinabi niya sa akin na pwede ka na daw makalabas ng hospital." seryosong wika ni Christopher sa akin. Ito pala ang isa sa mga pakay niya sa pagdalaw niya sa akin ngayung araw. Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay Baby Elizabeth nang bigla nalang itong nagpakandong kay Oliver. Napansin ko na simula noong nailigtas nila kami sa gubat, nagiging malapit si Elizabeth kay Oliver since ito ang may karga noon sa kanya noong nillisan na namin ang gubat. "Okay...pero bago iyan, pwede bang pahiramin mo ako ng cellphone mo? Gusto kong tawagan ang kapatid ko. Si Kuya Luis." seryonsong bigkas ko. Kaagad niya namang iniabot sa akin ang kanyang cellphone. "Si Luis Delgado?" seryosong tanong niya. Kaagad namana kong tumango "Kilala mo siya?" tanong ko "Yes, of course...ka tandem ko siya sa paghahanap sa iyo at sa paghuli sa mga kidnappers." seryosong sagot niya sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. "Bumalik ng bansa si Kuya? I mean,
AMERY HEART POV Parang panaginip lang ang lahat dahil namalayan ko na lang na walang pag-aalinlangan na pinagtulungan nila akong buhatin palabas ng gubat. Tahimik lang din na nakasunod si Katrina habang karga naman ng isa pang lalaki ang anak kong si Elizabeth. Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng tatlong taon lalabas ako ng gubat at aminado ako sa sarili ko na masaya ako. Siguro tama na ang pagtatago at kailangan ko nang harapin ang totoo kong buhay na naghihintay sa akin sa kabihasnan Alam kong mabigat ako. Nararamdaman ko iyan dahil salit-salitan nila akong binubuhat nila Christopher at tatlo niya pang mga kaibigan. Nahihiya man ako pero kailangan kong kapalan ang mukha ko. Tsaka na lang siguro ako babawi sa kanila kapag magaling na ako. Pagkatapos ng halos tatlong oras na paglalakad sa wakas narating din namin ang pinaka-bukana ng gubat kung saan nakaparada ang mga sasakyan nila. Dalawang sasakyan kaya kaagad nila kaming isinakay at itinkabo nila ako sa pinakamalapit n
AMERY HEART POV HINDI ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at imbes na gumaling ako, lalo akong inapoy ng lagnat. Sobrang naaawa ako kay Katrina dahil alam kong nag-aalala na ito sa kalagayan ko. Ilang beses na din ako nitong kinulit at nagpaalam na lalabas daw ng gubat para mabilhan ako ng gamot pero hindi ako pumapayag. Ayaw kong ilagay sa alanganin ang kaligtasan ni Katrina. Hindi siya sanay sa kabihasnan at baka mapahamak lang siya. Nagising ako na tanging si Eliazabeth lang ang nasa tabi ko. Wala si Katrina kaya hindi ko maiwasan na makaramdan ng takot. Baka kasi hindi ito nagpapigil at lumabas na ng gubat eh. "Nasaan ang Ate Katrina mo, anak?" malumanay kong tanong sa anak kong si Elizabeth. "Lumabas po Nanay! Sabi po niya, kukuha lang daw siya ng pagkain." bibong sagot naman ng anak ko. Malungkot naman akong napangiti. Kung hindi sana ako nagkasakit, dalawa sana kami ni Katrina ngayun ang naghahanap ng pagkain namin. "Kanina pa ba siya umalis?" muli kong tano
THIRD PERSON POV "Talaga bang tutulungan mo kami? Hi-hindi ba kayo masamang tao?" seryosong tanong ni Katrina sa mga kaharap niya. Wala na siyang pagpipilian pa. Gustuhin man niyang umiwas sa mga lalaking nasa paligid niya pero natatakot naman siya sa kalagayan ng Ate Amery niya ngayun. Kasalukuyan itong nagdedeliryo sa taas ng lagnat at sa mga sandaling ito, kailangan niyang sumugal para sa kapakanan nito. Hindi niya kayang makita na nasa ganoong kalagayan ang taong naging kasama niya na sa loob ng tatlong taon. "Oo naman! Mababait kaming tao at pwede mo kaming pagkatiwalaan." seryosong sagot ng lalaking kaharap niya. Hindi niya tuloy maiwasan na mpatitig dito. Unang kita pa lang niya sa lalaking ito kanina, sobrang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Pinaghalong damdamin ang lumulukob sa buo niyang pagkatao, Kinakabahan niya at the same time hindi niya maiwasan na makaramdam ng kung anong istrangherong damdamin sa puso niya. "Wala na akong ibang maasahan kundi kayo lang. Ay