LOGINJILLIAN POV "Try it on, Russell! Alam mo, isa kang duwag! Bakit ba kasi hangang ngayun, hindi mo matangap na akin si Jillian. Nakatakda siyang maging akin at wala ka nang lugar sa puso niya!'" galit na sigaw ni Ralph pabalik. Akmang susugurin na naman sana nito si Russell pero bigla nalang tumigil ang mundo naming lahat. Dahil sa isang iglap, may inilabas si Russell mula sa likod niya. Isang baril. Napasinghap kaming lahat. Pakiramdam ko, biglang tumalon ang puso ko sa matinding takot. Lalo na nang itutok ni Russell ang baril kay Ralph. Nakakasa iyun at ano mang sandali, ready na nitong uputok. At nang ilibot ko ang tingin sa paligid, doon ko din nakita ang pagkagulat ng lahat. May mga napaatras. May napahawak sa dibdib. May napapikit. “Russell… ano ang ginagawa mo?!” nanginginig na sigaw ni Ate Jeann. “Ibaba mo iyan!” dagdag niya, halos maiyak na. “Nababaliw ka na ba? Saan ka kumuha ng lakas ng loob para magdala ng baril dito?!” Sinubukang hawakan ni Ate Jeann a
JILLIAN POV “RELAX! Nandito lang ako… hinding-hindi kita pababayaan.” Mahigpit ang pagkakahawak ni Ralph sa kamay ko, tila iyon na lang ang natitirang bagay na pumipigil sa akin para tuluyang manghina. Ramdam ko ang init ng palad nito, pero taliwas iyon sa lamig na unti-unting gumagapang sa buo kong katawan. Dahil sa isang bagay at isang presensya na labis kong kinatatakutan. Si Russell. Mas lalong kinain ng matinding takot ang puso ko nang nakita ko itong naglalakad palapit sa amin. Ni hindi man lang nito pinakingan ang pagpigil ni Ate Jeann. Mabagal… pero siguradong hakbang. Ang bawat paghakbang nito ay tila may kasamang bigat na parang may bagyong paparating. Matalim ang kanyang titig, diretso sa akin. Makikita sa mga titig nito ang matinding pagkadismaya at galit. At sa bawat segundo na lumalapit siya, mas lalo akong kinakabahan. Pagdating niya sa harap namin, walang sabi-sabing iniabot niya sa akin ang isang maliit na kahon. “Jillian… congratulations sa
JILLIAN POV KUMPLETO ang halos buong angkan ng Pamilya Villarama. Ngayong araw ang paggunita sa death anniversary ni Grandmama Carissa Villarama at ang araw na ito ay isang sa pinagkamahalagang araw para sa buong pamilya. Wala namang ibang bisita. Puro kamag-anak lang, pero halatang pinaghandaan talaga ang okasyon. Mula sa eleganteng ayos ng hardin hanggang sa maayos na pagkakaayos ng mga pagkain sa mahabang mesa---lahat ay nagpapakita ng respeto at pagmamahal para sa yumaong pinakamamahal na ilaw ng tahanan. Makikita sa paligid ang mga apo nina Grandmama at Grandpapa, masaya, nagkukwentuhan, nagkakamustahan. Kumpleto din ang mga anak na sila Tita Miracle, Tito Christian, Tita Arabella at Daddy Rafael na ama ni Ralph. Mga asa-asawa ng mga anak at mga apo ay nandito din…. Pero sa kabila ng lahat… may isang presensya ang hindi mapakali kong hinahanap. Si Russell. Sa totoo lang, ayaw ko sanang dumating siya. Ayaw ko siyang makita lalo na pagkatapos ng nangyari sa m
JILLIAN POV PAGKAALIS nila Ate Jeann at Kuya Drake, mas lalo akong hindi mapalagay. Para bang ang bawat salitang binitawan nila kanina ay paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Takot at pag-aalala. At isang hindi maipaliwanag na kaba ang bumabalot sa dibdib ko. Yes, iyun ang nararamdaman ko ngayun lalo na at hindi ko akalain na ganito pala kalaki ang epekto ni Russell sa akin. Tahimik lang ako sa sofa, walang tigil sa pag-iisip, nang maramdaman kong umupo sa tabi ko si Ralph. “Sweetheart… ano ang iniisip mo?” mahinahon niyang tanong. Napanasin marahin nito na tulala ako. Napansin marahil nito ang pagiging balisa ko. Napalingon ako sa kanya, pero hindi agad nakasagot. “Kung tungkol kay Russell,” dugtong niya, sabay marahang hinawakan ang kamay ko, “ako na ang bahala doon. Huwag mo nang isipin pa ang taong iyon.” Nakangiti nitong wika. Alam kong wala itong gustong mangyari kundi ang tuluyang mapanatag ang kalooban ko. Pero, hindi iyun sapat. Lalo na sa sandaling ito, m
JILLIAN POV "WELL, kung ayaw mong ipaalam sa kanila, humihingi ako ng paumanhin sa mga nasabi ko kanina. Oo, pinsan ko si Ate Charlotte pero minsan, wala na din kasi sa lugar ang mga sinabi niya kanina eh. Naiinis talaga ako!" muling wika ni Moira Kristina. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Kahit papaano, masaya din ako na malaman at makita na gusto pala ako nitong ipagtangol. Pero, kagaya nang nasabi ko kanina, gusto ko na lang isekreto sa lahat ang tungkol sa pagiging anak ni Kuya Peanut Ayaw ko na talaga kasing ako ulit ang maging dahilan ng kaguluhan ng pagsasama nila ni Ate Charlotte. Pagkatapos namin kumain, muli kaming nag-ikot-ikot sa buong paligid. Habang nasa isang boutique kami, hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang bigla nalang dumating si Ralph. Halatang galing pa ito ng opisina at sinadayang daanan ako nito dito sa mall "Marami na bang napamili ang asawa ko?" nakangiti nitong tanong sa akin sabay halik sa noo ko Napayakap naman ako dito "Hmm, ye
JILLIAN POV "MOIRA, linawin mo nga iyang sinabi mo?" sa pagkakataon na ito, salubong na ang kilay ni Ate Charlotte. HIndi na maitago ang init ng ulo nito kaya naman, lalong dumuble ang kaba sa puso ko Nag-aalala akong tumitig kay Moira Kristina. Feeling ko kasi talaga may alam ito eh. "Moira, may laman ang sinabi mo kanina at dinig na dinig ko iyun. Gusto kong linawin mo para maintindihan naman. Hindi ka pwedeng magkalat ng issue lalo na kung hindi naman sigurado." ani naman ni Kuya Peanut May halong awtoridad ang tono ng boses nito kaya naman kaagad akong napayuko "Nasabi ko na ang gusto kong sabihin kanina at kung gusto mo nang mas malinaw ng katotohanan, mas mabuting makipag-ugnayan po kayo kay Maureen." seryosong sagot naman ni Moira. Muling tumitig ang nakikiusap kong mga mata sa kanya. Gusto ko nang tigilan niya ang tungkol sa usaping ito. Lalo na at alam kong walang magandang kahihinatnan ang lahat. "Si Maureen? Siya na naman? come on, alam ko ang karakas ng baba
JILLIAN SANTILLAN POV "Bakit, sasamahan mo ba ako kung sakaling gusto kong magshower?" seryosong tanong ni Kuya Ralph na hindi ko naman maiwasan na magulat lalo na nang maramdaman ko na halos dumikit na ito sa akin ngayun. Wala sa sariling mabilis akong napaatras para magbigay ng distansya sa pag
SYNOPSIS Ralph Alexander Villarama---panganay na anak ng mag-asawang Veronica at Rafael Villarama. Nakatakdang magiging susunod na CEO ng Villarama Empire. Isang mabigat responsibilidad na nakaatang sa kanyang mga balikat pero kailangan niyang kayanin lalo na at siya ang panganay. Kagaya ng may
JILLIAN SANTILLAN POV "Akin na muna iyang daliri niyo. Ipasipit na muna natin sa crabs para may dahilan na ipagbalat ko din kayo ng shrimp." may bahid na pagkainis sa boses na sagot naman ni Kuya Ralph kay Russell. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti "Hindi bale na lang, Uncle. Gets na nam
Jillian POV Sa pagdating namin ng beach resort, kaagad na bumungad sa paningin ko ang napaka-aliwalas na kapaligiran. Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng masayang ngiti sa labi ko. Ito ang dahilan kung bakit sa tuwing niyaya ako ni Moira Kristina na magbakasyonn sa lugar na ito hindi talaga ako







