LOGINSANTILLAN RESIDENCE “Nasaan si Jillian?! Ano ang ginagawa ng mga inutil na mga gwardiya?! Bakit hindi man lang nila napansin ang biglaang pag-alis niya?!” Halos maghisterikal na si Arabella sa gitna ng sala. Nanginginig ang boses niya, at kitang-kita ang takot sa kanyang mga mata, isang takot na hindi kayang itago. Kanina pa siya pabalik-balik sa paglalakad, hindi mapakali. Ang akala nila, nasa loob lang ng kwarto si Jillian, nagmumukmok, umiiyak, nagpapalipas ng sama ng loob dahil sa matinding kumprontasyon na naganap kahapon. Hindi naman nila inaasahan na muli itong maglalayas. Kung hindi pa nila ito kinatok para kumain ng lunch, hindi pa nila malalaman na wala pala ito sa sariling kwarto. Kung saan man ito nagpunta, hindi nila alam. Kahit ang dalawang gwardiya na nakabantay sa harap ng gate, wala ding idea kung nasaan si Jillian “Hindi po namin napansin, Ma’am…” nanginginig pa ngang sagot ng isa sa mga gwardiya, halatang kinakabahan. “Wala po kaming nakita na lumaba
JILLIAN SANTILLAN POV “Halika, kumain ka na muna.” Malumanay ang boses ni Maureen, hindi pilit, hindi matigas… kundi puno ng pag-aalaga ng isang tunay na Ina sa kanyang anak na matagal na nawalay sa kanya. Nandito na ako ngayon sa isa sa mga silid ng bahay nito. Tahimik na lumuluha habang ramdam ko pa rin ang bigat ng kalooban ko. Ewan ko ba, hindi pa rin matapos-tapos itong pag-iyak ko. Ang dami nang luha na nawala sa akin pero sige pa rin ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Nakaupo ako sa gilid ng kama, yakap ang sarili, habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko na parang walang katapusan. Hindi ko na nga namalayan kung gaano na ako katagal na nakatulala. Hanggang sa bumukas ang pinto. At pumasok ang walang iba kundi si Maureen. May bitbit itong pagkain na nakalagay sa isang food tray. “Jillian, kailangan mong kumain,” muli nitong wika habang dahan-dahang inilalapag ang tray sa maliit na mesa sa tabi ko. “Hindi pwedeng hindi… baka manghina ka niyan.” Ramdam k
JILLIAN SANTILLAN POV Dahil sa matinding pag-iyak, ni hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako. Pagmulat ko ng mga mata, mabigat pa rin ang pakiramdam ko, parang may nakadagan sa dibdib ko na hindi ko maalis. Sumulyap ako sa orasan. Halos alas-diyes na ng gabi. Napaupo ako sa kama, sapo ang ulo. Ramdam ko pa rin ang sakit ng mga nangyari, ang hapdi sa pisngi dulot ng malakas na pagkakasampal sa akin kanina ni Tita Veronica, ang galit at sakit na mga salitang binitawan, ang mga matang puno ng galit at pagkadismaya. Dahan-dahan kong inilibot ang paningin ko sa buong kwarto. Tahimik. Pero ang katahimikang iyon ay hindi nakakagaan. Bagkus, mas lalo lang nitong pinalala ang pakiramdam ko. “Ako ang dahilan ng kaguluhan sa pamilya namin…” mahina kong sambit, halos pabulong sa sarili ko. “Wala na akong mukhang maihaharap sa lahat. Hindi ko kayang mapahamak si Ralph ng dahil sa akin. Hindi na ako karapat-dapat sa pamilyang ito.” Napapikit ako kasabay ng pagdaloy ng lu
JILLIAN SANTILLAN POV “Anong klaseng kahihiyan ang dinala ninyo sa angkan natin?” muli na namang nagsalita si Tita Veronica, mas tumalim ang boses habang papalapit siya sa akin. Napaatras ako ng bahagya. “Alam mo ba ang ginagawa mo, Jillian? Hindi ka ba nahihiya? Sa amin? Sa sarili mo?” muli nitong wika. Ang bawat katagang binitiwan nito ay patuloy na dumudurog sa puso ko. Hindi ako makasagot. Hindi dahil natatakot ako kundi dahil guilty ako. Paano ko nagawang pumatol kay Ralph. Oo, hindi kami magkadugo pero inampon at pinalaki ako nila Mommy at Daddy na parang isang tunay na anak. Ibinigay ang lahat ng nais ko tapos ngayun, ako pa yata ang magadadala ng iskandalo sa angkan ng mga Villarama. “Sumagot ka! Paano mo nagawang pumatol sa pinsan mo?” halos pasigaw na wika ni Tita Veronica. Mariin kong naipikit ang aking mga mata, pero bago pa ako nakapagsalita, naramdaman ko ulit ang pagtama ng palad ni Tita Veronica sa pisngi ko. Sa lakas noon, napaling ang ulo ko kasabay
JILLIAN SANTILLAN POV Hindi ko akalain na sa pag-uwi naming ito ni Ralph dito sa Manila, haharap kami sa ganitong klaseng kalaking problema. Ang akala ko, pagbalik namin, kahit papaano ay magiging maayos na ang lahat. Na kaya naming itago, o kahit ipagpaliban muna ang katotohanan. Pero mali ako. Hindi ko naman inaasahan na isusumbong kami ni Russell. Hindi ko tuloy maiwasan ng matinding pagkadismya kay Russell.. Bakit niya ginawa iyon? Ano bang nakuha niya sa pagsira sa amin? O baka… iniisip niya na tama ang ginawa niya? Ngayong nandito kami, nakaupo sa loob ng sala, hinihintay ang pagdating ng mga magulang ni Ralph, hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Pinaghalong damdamin ang lumulukob sa buo kong pagkatao. Takot, hiya, at kaba na para bang nasusuka na ako. Natatakot ako sa posibleng magiging reaction ng mga magulang ni Ralph mamaya na sila Tita Veronica at Tito Rafael. Hindi ako mapakali. Paulit-ulit kong pinipisil ang sarili kong mga daliri habang nakayuk
JILLIAN SANTILLAN POV “Hindi ako nagsisinungaling, Mamita!” galit nitong sagot. “Ang gagong Ralph na ‘yan… sinamantala niya ang pagkakataon! Inangkin niya si Jillian!” Nanlalamig ang buong katawan ko. Habang nakatitig ako kay Russell, malinaw sa akin na may alam na ito sa relasyon naming dalawa ni Ralph. Pero… paano? Kailan pa? Tsaka, naging maingat naman kami ni Ralph ah? “Mamita, hindi ka ba nagtataka kung bakit magkasama ang dalawang iyan na umuwi dito sa bahay?” muling wika ni Russell. Ramdam ko ang sakit sa boses nito habang sinasabi ang katagang iyun. “Jillian… Ralph…” seryosong tanong ni Mommy, nanginginig ang boses. “May dapat ba kayong ipaliwanag sa amin? Sa loob ng isang linggo… magkasama kayong dalawa diba?” Parang nawalan ako ng lakas. Dahan-dahan kong bumitaw sa pagkakahawak sa braso ni Ralph. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa matinding takot. Takot na hindi nila kami matanggap. “Tita…” biglang nagsalita si Ralph, matatag ang boses. “Sigu
AMERY HEART POV PANGATLONG araw na namin dito sa maliit na kubo at hindi ko na mapigilan ang makaramdam ng kaba. Natatakot na ako sa posibleng magiging kapalaran namin ni Baby Elizabeth. Kahapon ko pa napapansin ang kakaibang kilos ng mga taong kumidnap sa amin. Kanina pa rin ako nakakaramda
AMERY HEART POV GAMIT ang sarili kong sasakyan, tahimik kong sinundan si Elias. Sa Valdez Medical Center kami nakarating. Kung ganoon, nandito si Rebecca. Siya ang dahilan kaya nagmamadali kanina si Elias na umalis na bahay. Tahimik lang akong nakasunod kay Elias hangang sa pumasok siya sa is
AMERY HEART POV AKALA ko madali lang ang mag-handle ng ganitong problema pero mahirap pala. Now I know! Mas naiintindihan ko na si Kuya kung bakit halos mabaliw siya noong namatay si Ate Mia. Masakit pala talaga! Sobrang sakit ang harapin ang matinding kabiguan sa pag-ibig. Sa nakalipas na mga
ELIAS POV '"Ayan! Iyan tayo eh. kung hindi ka ba naman gumawa ng kalokohan, hindi mangyayari iyan!" sermon ng pinsan ko sa kabilang linya. "Ano bang pinagsasabi mo diyan? Matino akong partner ni Amery at mas magiging matino ako ngayun lalo na at may anak na kami." sagot ko din naman kaagad sa







