KATRINA (JULLIANNE) PAGKATAPOS makausap ng Ate niya si Philip, muli na itong bumalik ng opisina. Samantalang nagpaalam naman siya dito na may pupuntahan lang siya. Noong una ayaw nitong pumayag. Nag-aalala kasi ito na baka maulit na naman daw ang nangyari sa coffee shop eh. Pero noong sinabi niya na sa bahay ng Ate Amery siya pupunta, napapayag niya din ito. Sinabi nito na mag-ingat siya. Gusto pa nga nitong samahan siya kaya lang may meeting daw kasi ito mamayang alas dos ng hapon. Sinabi niya na lang na kaya niya ang sarili niya. Bukas na din kasi ang biyahe nila patungo sa beach resort kung saan gaganapin ang pictorial sa endorsement niya sa UNIPAK at pagkatapos noon, magiging busy na talaga siya dahil sa movie niyang gagawin. Mas mabuti na ang ganito. Uunahin niyang dalawin na muna ang Ate Amery niya dahil alam niyang nagtatampo na ito sa kanya eh. Baka itakwil na siya nito ng tuluyan. Mahal niya ang Ate Amery niya at kahit na ano ang mangyari, hinding hindi niya talaga i
KATRINA (JULLIANNE) NATAPOS ang lunch meeting na iyun pero gulong gulo ang isipan ni Katrina. Hindi siya makapagdesisyon ng mga dapat niyang gawin. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Sa totoo lang, nag-aalangan siya lalo na nang maisip niya ang possible niyang kitain sa naturang pelikula, nakakaramdam siya ng panghihinayang sa puso niya. Isa pa, swerte na ngang maituturing ang offer sa kanyang iyun. Lalo na at hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganito kagandang opportunity. May tatlo siyang mga anak na dapat niyang buhayin. Although, alam niya naman sa sarili niya kaya siyang tulungan ng mga kapatid niya sa financial na aspeto pero iba pa rin iyung may sarili siyang pera na kinikita. “Hey? Kanina ka pa tahimik ah? Ano ang iniisip mo?” bumalik lang siya sa huwesyo nang marinig niyang biglang nagsalita ang Ate Jasmine niya. Ilang saglit din siyang nag-isip bago siya nagsalita “Ate, ano sa palagay mo? Tatangapin ko ba ang offer nila?” seryosong tanong niya dito. Kaagad n
KATRINA (JULLIANNE) “Tsk, grabe! Hindi ko akalain na dudumugin ako ng mga tao kanina. Hype na hype ang mga fans ko daw.” Hindi niya pa rin makapaniwalang bigkas sa Ate Jasmine niya. Maayos nilang natakasan ang fans niya daw at nasa loob na sila ng kotse. Papunta sila sa isang hotel para sa isang lunch meeting. “Hindi ko din akalain na dadagsain ka ng mga tao. Haysst, siguro, kailangan mo na nang mga bodyguards na mababantayan ka sa lahat ng oras. For your safety na din lalo na at feeling ko, kahit saan ka magpunta, dadagsain ka talaga ng maraming tao.” Seryosong sagot naman ng Ate niya sa kanya Hindi naman siya nakaimik. Hindi siya pabor na magkaroon ng mga bodyguards na susunod sunod sa kanya. Mas gusto niya pa rin sana ng malaya at tahimik na buhay. Hindi siya sanay na pinagkakaguluhan ng mga tao. Kaya lang, sa nakita niya kanina, hindi din naman pwedeng hindi isaalang-alang ang kaligtasan niya. May triplets na naghihintay sa kanya pagbalik niya ng Japan kaya naman kailangan n
CHRISTOPHER “Excuse me! Excuse me!” seryoso at pilit na lumalapit si Christopher sa pintuan ng nasabing coffee shop. Pilit siyang sumisiksik sa maraming tao at wala na siyang pakialam pa kung may magagalit man sa kanya. Walang mas mahalaga sa kanya kundi ang makapasok sa loob ng coffee shop para muling makaharap si Katrina Dalawang taon! Dalawang taon siyang nagtiis na hindi ito makita at ngayung nandito na ito, hindi niya na hahayaan pa na mawalay ito sa kanya. GAgawin niya ang lahat para muling bumalik sa kanya si Katrina “Sir pogi, si Ms. Jullianne po ba ang sadya niyo?” wala sa sariling naptitig si Christopher sa isang may edad na babae nang bigla nalang itong nagsalita. Siguro isa ito sa mga fans ni Katrina “Yes? She’s inside, right?” seryosong tanong niya dito. “Opo, kanina nasa loob siya. Game pa nga niyang pinagbigyan ang ilan niyang mga fans na magpapicture. Pero noong dumami ang mga tao, pumasok na siya sa loob ng opisina ng manager. Pero dinig ko, nakaalis na daw
CHRISTOPHER “Katrina?” mahinang bulong niya sa kanyang sarili. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga nakita. Hindi niya akalain na sa loob ng dalawang taon na walang hinto sa paghahap sa dalaga bigla na lang itong lumutang ngayun gamit ng ibang pangalan Yes, ibang pangalan? Jullianne San Juan? Kaya ba hindi nila ito mahanap dahil gumamit na ito ng ibang pangalan? Pero bakit? Bakit kailangan nitong gawin ang bagay na iyun? May mga bagay ba siyang dapat malaman tungkol kay Katrina? Kahit sila Amery at Elias, walang naging balita tungkol kay Katrina. Basta, bigla na lang daw itong naglaho pagkatapos nitong isauli ang susi ng condo at kotse. Sinabi lang nitong magtatrabaho daw pero hindi na ito bumalik pa. Na para bang bigla na lang itong nakalimot at iniwan na silang lahat. “Kaya siguro hindi natin siya ma-trace kung lumabas siya ng bansa dahil sa pangalang ginagamit niya ngayun. Two years ago, may endorsement project siya. Never siyang nagpakita sa publiko. Nakahakot siya ng ma
“Naku, dumagsa na yata ang mga tao. Guard, Isara niyo muna ang pinto, huwag na kayong magpapasok. Baka magkagulo.” Wika ng manager nang nasabing coffee shop. Natigil ang operasyon sa loob sa dami ng tao. Busy ang ibang mga crew samantalang hindi na malaman ni Katrina (Jullianne) ang gagawin. “Miss Manager, ganito ba talaga dito? Bakit ganiyan na lang sila kaatat na magpapicture sa akin?” nagtataka niya pang tanong sa manager. “Mam, siguro sa office na po muna kayo. Para kasing gusto na kayong sugurin ng mga fans niyo eh.”sagot nito sa kanya kaya naman kaagad na siyang pumayag. Naririnig niya pa nga na tinatawag ng mga tao ang pangalan niya eh. Jullianne ang tawag ng mga ito sa kanya kaya naman alam niyang siya talaga ang sadya ng mga ito. Pagkapasok ng opisina ng nasabing coffee shop, tsaka pa lang siya nagkaroon ng time na tawagan ang Ate Jasmine niya. Kailangan niya ang tulong nito para makalabas ng coffee shop. Hindi siya makakaalis na siya lang lalo na at ang daming mga ta