LOGINCASSANDRA VILLARAMA "DONE and signed." nakangiting wika ko kay Neilson pagkatapos kong pirmahan ang mga dokumento na nasa harapan ko. Alam kong mainit ang ulo nito dahil late na nga akong dumating ng opisina pero ano ang magagawa ko. Pagkatapos ko kasing naligo kanina, tumawag si MOmmy sa akin at medyo matagal-tagal na pag-uusap ang naganap sa pagitan naming mag-ina. Paano ba naman kasi, katakot-takot na sermon ang narinig ko mula kay Mommy. Pinagalitan ako nito mula ulo hangang paa kaya naman todo din ang sorry ko Alam ko din naman kasi talaga ang mga pagkakamali ko at tangap ko iyun. "Good! By the way....hintayin mo akong matapos dahil may pupuntahan tayo." seryosong sagot nito sa akin. Wala sa sariling napatingin ako sa aking orasang pambisig at mabilis akong umiling lalo na at halos alas tres na pala ng hapon. "Bakit, saan tayo pupunta? Teka lang, hindi ako pwede. May sarili akong lakad, Neilson." seryosong sagot ko dito sabay tayo. "Cassandra..at saan ka na naman
NEILSON BRACKEN POV "HI, I'm Teddy--- "Cassandra Villarama, nice to meet you, ako nga pala ito, si Earl--- "Ako naman si Clement--- "Blade here! Ikinagagalak namin na makilala ang soon to be wife ng bestfriend namin." Ayun na nga, kanya-kanya nang pakilala ang mga mababait kong mga kaibigan kay Cassandra. Hindi man lang ako ni- respito bilang kaibigan ng mga ito. Akala mo nakakita ng diyosa na hindi makapag-hintay na ipakilala ko ng formal eh "Hi, guys! I"m Cassandra Villarama. Nice to meet you too. Hindi ko alam na marami palang friends si Neilson" nakangiting sagot naman ni Cassandra sa mga ito. Kumaway pa ito na para bang celebrity kaya naman kaagad na din akong napatikhim. "Bakit ngayun ka lang? Alam mo bang kanina pa kita hinihintay?" seryosong tanong ko dito. Napansin kong pasimple itong napairap tapos walang pagdadalawang isip na inukupa nito ang couch na nasa harapan ng table ko. Samantalang ang mga kaibigan ko, ayun wala yatang balak umalis at gustong maki- u
NEILSON BRACKEN POV MABILIS na lumipas ang buong maghapon. Hindi ko alam kung ano ang problema pero shit....walang Cassandra ang dumating dito sa opisina ko. Naka-ready na ang mga papeles nito na kailangan nitong pirmahan. Hindi ko na din mabilang kung ilang beses na akong nagtanong sa aking secretary pati na din sa receptionist kung may dumating bang bisita at kung may naghahanap ba sa akin pero negative talaga. Wala as in wala! Wala sa sariling napakapa ako sa aking sugat sa aking noo. May nararamdaman pa rin akong kirot pero sinabi ng doctor kanina sa akin na wala naman daw problema. Oo, bago ako dumirecho dito kanina sa opisina, dumaan muna ako ng hospital para muling patingnan sa doctor ang kalagayan ng aking injury. Hindi naman sa wala akong tiwala sa ginagawang pagamot ni Cassandra sa akin pero parang ganoon na nga. Nasa ganoon ako kalalim na pag-iisip nang may bigla na lang kumatok sa pintuan ng aking opisina. Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko n
NEILSON BRACKEN POV "Maliit na bagay. Malayo sa bituka at malayo sa kamatayan pero kung makapag-inarte akala mo may taning na ang buhay eh." narinig kong wika ni Cassandra habang patuloy nitong ginagamot ang sugat ko. Hindi na ulit ako nagreklamo at pigil ko na din ang sarili ko na mapapasigaw sa paulit-ulit na pagdampi ng bulak na may alcohol sa sugat ko. Baka kung anong nakaka-insulto na namang salita ang lumabas sa bibig nito kapag makarinig ito ng reklamo sa akin na mahapdi nga sa sugat itong ginagawa nito sa akin. Kailangan ko talaga siguro ng maraming pasensya at baka kung ano pa ang magawa ko sa babaeng ito. Mabilis na lumipas ang ilang minuto. Nagtapos ang panggagamot ni Cassandra Villarama sa akin sa paglalagay ng benda sa aking sugat. Pagkatapos noon, mabilis itong lumayo sa akin kaya naman kaagad na din akong nakahinga ng maluwag Sa wakas, natapos din ang walang tiwala kong panggagamot nito sa akin. After nito, balak ko pa ring dumirecho ng hospital para patingna
NEILSON BRACKEN POVHINDI ko alam kung malas lang ba talaga ako or sadyang malas lang talaga dahil hindi ko talaga kayang sakyan ang ugali ng babaeng gusto ni Lolo na maging asawa koCassandra Villarama? Isa itong Villarama at aware akong maraming lalaking naghahabol dito. Mga lalaking nakakaangat din sa lipunan dahil nga sa dala nitong apelyedo at galing sa isang kilala at makapangyarihang pamilya.Kaya lang, tatlong araw…tatlong araw ko pa lang itong nakikilala pero shit…feeling ko, literal na matutuyuan ako ng dugo dahil sa pagiging pasaway at makulit ng babaeng itoImagine, unang encounter pa lang namin, nahimatay ako dahil sinipa ako sa bayag? Although, tinulungan pa rin ako nito at hinayaan na matulog sa sarili nitong apartment na hindi ko alam kung trip lang ba nitong tumira or may sapak talaga sa utak dahil ayun sa aking pagpapa-imbistiga, anim na buwan na daw na nanininirahan ang babaeng ito doon sa mumurahing apartment na iyun.Kakaibang trip sa buhay at alam kong kapag mag
CASSANDAR ‘CASSY’ VILLARAMA POV PAGKALABAS ko ng banyo, hindi ko na naabutan pa si Neilson dito sa aking kwarto. Direchong lumabas yata ng kwarto dahil may injured eh. Ang problema, saan ko ito hahanapin ngayun? “Manang, nakita niyo po ba ang Sir Neilson niyo?” nakangiting tanong ko kay Manang. Sakto naman at kakalabas lang nito galing sa kwarto ni Lolo Marco kaya ito na ang tinanong ko. Baka lang naman…baka lang naman napansin nito si Neilson diba? “Mam Cassy, hindi po pero hindi pa naman siya nakakaalis para pumasok ng opisina. Baka nasa kwarto niya po siya.” Sagot naman ni Manang sa akin. Napatitig naman ako sa pintuan ng silid ni Neilson at nang mapansin kong medyo nakaawang iyun, walang pagdadalawang isip na naglakad ako doon Hindi na ako kumatok pa..basta ko na lang itinulak ang pintuan at nadatnan ko nga si Neilson na nasa ibabaw ng kama nito. May hawak na itong isang malinis na cloth na nakadampi sa noo nitong injured. Halatang tumigil na din yata ang pagdurugo ng







