MABILIS NA LUMIPAS ang dalawang araw. Ang shooting niya sa beach resort para sa endorsement ay na cancel muna. Mabuti na lang talaga at tiyahin lang ni Christoher ang kliyente kaya mabilis na napakiusapan. Naiintindihan nito ang sitwasyon at katunayan, dinalaw pa nga ang triplets sa hospital eh. Sinabi nito kung kailan daw siya available, tsaka na lang ituloy ang shooting. Napagpasyahan niyang pagkatapos na lang ng shooting ng pelikula niya itutuloy na kaagad namang sinang-ayunan ni Tita Arabella. Hindi naman daw nagmamdali kaya ayos lang. Mabuti na lang talaga at napaka-understanding at miyembor ng Villarama Clan kung hindi lagot talaga siya! Sila Sheena at iba pang mga staff, ay bumalik na din dito sa Manila. Dalawang araw mula ngayun, balik shooting siya sa pelikulang ginagawa niya kaya magiging abala na din talaga siya. Well, maganda ngang nandito na si Christopher. May katuwang na siya sa pag-aalaga sa mga bata at hindi na din niya kailangan makiusap sa Kuya Julius na pala
Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Kanina, pagdating niya dito sa hospital, nakita niya kung gaano kasaya ang mga magulang ni Christopher habang pinagmamasdan ang triplets. Tapos nang tingnan ng mga specialista sila Crissandra at Calvin at hinihintay na lang ang result ng laboratory ng dalawang bata. si Carter naman ay ayos na. Walang problema ang laboratory na siyang labis niyang ipinagpasamalat. Nandito sila ngayung sa presidential suite ng nasabing hospital at hindi magkamayaw sila Tita Carmela at tito Christian kung sino sa mga apo ng mga ito ang haharutin. Gising na ang tatlong bata at parang nagdahilan lang. Parang mga walang nararamdaman sa katawan dahil nakikipagtawanan na ito sa Lolo at Lola ng mga ito “Can I talk to you, Katrina?,” narinig niyang wika ni Christopher sa kanya. Napatitig siya dito. Napansin niyang parang nahimasmasan na ito dahil muli nang bumalik sa dati ang expression ng mukha nito. kaswal na din kung makipag-usap. “Sure, maganda nga sigurong mag-us
"Yaya, kumusta po? Ano po ang nangyari kay Crissandra?” kaagad na tanong ni Katrina kay yaya Susie pagkapasok pa lang niya ng nursery room. Naabutann niya ang dalawang Yaya na tag-isang karga ng mga ito sila Calvin at Crissandra. Parehong nahihimbing na ang dalawa sa pagtulog “Huminto na po sila sa pag-iyak, Mam. Pasensya na po kung masyado po namin kayong pinag-aalala sa mga bata. Sobrang nataranta po kasi kami lalo na nung hindi namin sila mapatahan.” Sagot din naman kaagad sa kanya ni Yaya Susie. “Ayos lang. Mas maigi nga ang ganito eh. Malayo ako sa mga bata at mas magandang lahat ng mga nangyayari sa kanila, alam ko.” Seryosong sagot niya dito. Pagkatapos sabihin ang katagang iyun, kinuha niya sa bisig nito si Baby Crissandra. Napatitig pa siya kay Christopher na noon ay tahimik lang nakatayo sa pintuan ng nursery room habang napapapansin niya ang pamumula ang mga mata nito. “Tatayo ka lang ba diyan? Aba’t halika dito. Gusto mong mapaka-ama sa mga bata diba? Halika dito. A
Christopher= Wala naman sigurong masama kung iiyak siya ngayun diba? Sino ba naman ang hindi magiging emotional na isang araw, bigla mo na lang nalaman na may triplets ka palang anak? Hindi ba’t nakakagulat iyun? Hindi ba’t nakakashock iyun Kung kanina nga, nagulat siyang malaman na may Carter na pala siyang anak, ngayung pa kayang may dalawa pa. God, paano nakaya ni Katrina na isilang ang tatlong bata sa isang buntisan lang? Ni wala siya sa tabi nito noong mga oras na iyun. Feeling niya, ang sapak na natamo niya mula sa Kuya nitong si Katrina ay kulang pa eh. Kulang pa bilang kabayaran noong mga panahon na naghirap si Katrina sa pagbubuntis, panganganak at pag-aalaga sa tatlo nilang anak What a strong woman! Parang gusto niya tuloy itong yakapin na mahigpit at iparamdam dito na hindi ito nag-iisa. Na nandito lang siya at matagal na itong hinahanap. “Diyos ko! Triplets? Walang duda, mga apo nga namin sila! Uso sa pamilya Villarama ang twins at triplets na panganganak! ” wala
“Katrina!” palabas na siya ng silid nang matigilan siya sa paghakbang. Paano ba naman kasi, bigla na lang tinawag ni Christopher ang pangalan niya. Sa labis na pag-aalala niya kay Crissandra, nakalimutan niyang nasa paligid lang pala ito. “Ano ang problema? Saan ka pupunta?” seryosong tanong nito sa kanya. Natigilan naman siya. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang lahat dahil sa totoo lang, hindi din niya alam kung ano pa ang mga nalalaman nitong si Christopher tungkol sa mga anak nila. Natatakot din naman kasi siyang magtanong dito eh. “Pwede bang dumito ka muna. Bantayan mo na muna si Carter. May pupuntahan lang ako.” Seryosong sagot niya dito “Katrina, sino si Crissandra?” seryosong tanong nito sa kanya. Kaagad namang namilog ang mga mata niya sa gulat. Kung ganoon, ang alam lang nito ni Christopher ay iisa lang ang anak nila? Hindi nito alam ang tungkol kina Crissandra and Calvin? Hindi pa ba nababangit ng Kuya niya? So ibig sabihin, pwede niyang isekreto dito a
“Wala! Wala naman siyang ibang sinabi sa akin liban lang na sana maging responsableng ama daw ako dahil may anak na tayo.” Seryosong sagot ni Christopher sa kanya. Pagkatapos sabihin ang katagang iyun, basta na lang itong naupo sa tabi niya at tiningnan ang mga pagkain na dala ng Kuya niya. Dinampot nito ang burger at walang sabi-sabing nag-umpisa na itong kumain. Hindi naman niya mapigilan ang mapailing sa isiping mukhang feeling closed na itong si Christpoher sa Kuya niya ah. Nagawa na kasi nitong kumain sa mga pagkain na hindi naman sana talaga para dito eh. “By the way…tinawagan ko na sila Mommy kanina. Instead na sa resort sila pupunta, dito na lang daw sa hospital. Gusto daw nilang makita ang apo nila.” Seryoso nitong muling bigkas. Kaagad namang namilog ang mga mata niya sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Nagawa kaagad nitong sabihin sa mga magulang nito ang tungkol sa mga bata? Gosh, ang bilis naman! “What? No! Hindi niyo pwedeng kunin sa akin ang mga anak k