PAGKADATING niya ng silid, hingal kabayo tuloy siya. Malakas din ang kabog ng dibdib niya habang pilit na winawaksi sa isipan niya ang kasalukuyang hitsura ni Christopher. Although, mas nagmtured ang hitsura nito ngayun pero pogi pa rin eh. Kahit may balbas na din ito at wala na sa ayos ang buhok, hindi maikakaila na kahit katiting, hindi man lang nabawasan ang karisma nito. Feeling niya nga, mas nagmukha pa itong lalaking lalaki sa paningin niya eh. Nakakasawa na din palang pagmasdan ang mga lalaking clean cut. Kagaya na lang ng ka love team niyang si Dexter. Nagmumukha itong bading dahil sa sobrang linis ng mukha nito. Mahihiya ang kahit isang pirasong balahibo na tutubo sa pagmumukha nito dahil sa sobrang kinis noon. Tapos naglalagay pa ng lipstick para sabihin na kissable lips. Unlike kay Christopher, normal na ang kulay labi nito at kahit na makinis ang balat, alam niyang lalaking lalaki ito. Lalo na at nagkaroon na ito ng bigote ngayun. “Teka lang! Teka lang, talagang may ti
JULLIANNE/KATRINA Parang panaginip lang ang lahat. Kaya nga nagdadalawang isip siyang tangapin ang proyekto dahil dito kay Christopher tapos heto na. Nasa harapan niya na ang lalaking gusto niyang iwasan. “Ano ang ginagawa mo dito?” seryosong tanong niya dito. Umatras siya ng kaunti para naman magkaroon ng distansya ang pagitan nilang dalawa. Hindi niya din maiwasan na mapagmasdan ito ng maayos at ngayun niya lang napagtanto na para bang mas nag-matured ito ngayun. Magulo and medyo mahaba nitong buhok tapos may balbas na din. Gayunpaman, kilalang kilala niya pa rin ang taong ito. Kahit siguro nakatalikod ito sa kanya kanina, makikilala at makikilala niya pa rin ito. “Ikaw, ano ang ginagawa mo sa lugar na ito? Don’t tell me na sinusundan mo ako?” nakangisi nitong tanong sa kanya. Hindi niya naman maiwasan na mapakunot noo. Nananaginip ba ang lalaking ito? Ang kapal naman ng mukha para sabihin nito sa kanya na sinusundan niya ito gayung simula nang nagbalik bansa siya, ngayun niya
Tahimik siyang sumunod papasok ng Villa. Ang ganda talaga ng buong paligid. Pati loob ng villa ay napakaganda. Halatang alaga sa linis. Puro mamahaling gamit din ang nakikita niya. Nagyayaya si tita Arabella patungo sa dining area kung saan pinagsaluhan nila ang mga masasarap ng pagkain na nakahain na sa mesa. Masaya sliang kumain habang nagki-kwentuhan. Ngyaun niya lang din tuluyang napansin na napakadaldal pala talaga ni Tita Arabella. Hindi ito nauubusan ng kwento kaya naman halos dalawang oras din sila sa hapag kainan bago natapos kumain. Pagkatapos kumain, nagpasya silang magpahinga na muna. Gusto niya sanang bumalik ng hotel kaya lang, nahihiya siyang magpaalam kay Tita Arabella. Todo kasi talaga ang pag-aasikaso nito sa kanya eh. Tinawagan niya na din sila Sheena at napag-alaman niyang naliligo ang mga ito sa dagat. Oh diba..katanghaliang tapat mukhang nag-eenjoy ang mga staff niya sa pagtampisaw sa dagat ah “Iha…dito ka na din matulog mamaya ha? Bukas pa naman ang s
JULLIANNE Naging maayos naman ang biyahe nila patungo sa beach resort. Pagkalapag pa lang ng private jet na sinakyan nila, hindi maiwasan ni Katrina/Jullianne na humanga sa kanyang mga nakita. Sobrang ganda ng buong paligid na akala niya nasa isa siyang paraiso Mala-kristal ang linaw ng tubig. Literal na nasa gitna talaga ng Isla ang nasabing resort dahil habang nasa himpapawid sila kanina, nakita niyang walang kahit na isang mga kabahayan ang nakatayo sa buong paligid ng Isla. May mga kabahayan siyang natanaw kanina pero sa kabilang Isla pa iyun. So ibig sabihin, ang buong Isla na ito ay pag-aari ng Villarama-Santillan Resort? Ang galing! Sobrang yaman talaga ang angkan nila. Ang angkan kung saan kasapi ang lalaking iniibig niya. Walang iba kundi si Christopher Villarama “Iha, we're here! Ano ang masasabi mo?” nakangiting tanong sa kanya ni Tita Arabella. “Grabe, super ganda po, Tita! Ang lawak ng paligid at ang mga buhangin, grabe sobrang puti dagdagan pa na sobrang linaw
“Tsk, deadma lang? Hindi man lang nagreply kahit na isang mensahe lang?” mahinang bulong ni Christohper sa kanyang sarili habang nakatutok ang mga mata niya sa kanyang cellphone. Hindi niya na mabilang pa kung ilang mensahe na ang naipadala niya na kay Katrina pero wala eh. Deadma ang dalaga sa kanya na para bang wala na talaga itong pakialam Sabagay, hindi nga pala nito alam na siya ang nagpapadala ng mga mensahe dito. Tama! Baka iyun ang dahilan! Hindi pinapansin ni Katrina ang mga ipinapadala niyang mensahe dahil hindi naman nito alam na siya ang nagpapadala eh. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bigla na namang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina. Walang iba kundi ang kapatid niyang si Charles na todo ngiti na sa nakalipas na mga buwan, parang naging anino niya na ang kapatid niyang ito. Nakabuntot kahit saan siya magpunta at bigla na lang sumusulpot sa harapan niya. “What? Hindi ka ba marunong kumatok?” paangil niyang taong nito “I have a good news for you.” Seryosong
KATRINA Dahil kinabukasan pa ng gabi ulit ang shooting niya, nagpasya siyang sa bahay na muna umuwi. Namimiss niya na ang triplets at gusto niya mayakap ang mga ito kahit saglit lang. Minsan, nakakaramdam na siya ng guilt. Sa sobrang abala niya nitong nakaraang araw, feeling niya hindi niya na masyadong nabibigyan ng tamang time ang mga bata. Haysst, siguro kapag matapos ang shooting sa ginagawa niyang unang pelikula, hihingi siya ng isang linggo na bakasyon. Iyung wala siyang ibang gagawin kundi ang magpahinga lang sa bahay at alagaan ang mga anak niya. Namimiss niya na ang mga itong makatabi sa pagtulog. Namimiss niya na din na paliguan nag mga ito. Yes, noong nasa Japan pa sila, kahit naman may mga kasama siyang nag-aalaga sa mga bata, talagang ginagawa niya din ang gawain ng isang Ina. Kagaya na lang sa pagpapaligo at pagpapatulog sa mga ito. Pero simula noong nagbalik na siya dito sa Pinas, hindi niya na ginagawa iyun dahil sa sobrang abala niya. Next week, nakatakda