JENNIFER POV
Hindi ko mapigilan na mapabalikwas ng bangon nang maramdaman ko na nakahiga na ako sa isang malambot na kama! Hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil ang huli kong natatandaan ay nakasakay ako sa sasakyan kasama ni Mr. Valdez na bumibyahe sa kung saan! Paanong sa muling pagmulat ng aking mga mata nandito na ako sa isang silid! Hindi ko na din suot ang damit kong basa! Anong nangyari? Paanong nakarating ako sa silid na ito? Tsaka, sino ang nagbihis sa akin? Sa isiping iyun hindi ko mapgilan ang ilibot ang paningin sa buong paligid! Nasaan nga ba ako? Nasa hotel? Kung ganoon, nasa hotel kami at si Mr. Valdez ba ang naghubad sa akin para mapalitan ako ng kasuotan? Sa isiping iyun biglang salakay ng kaba sa puso ko! Dali-dali akong bumaba ng kama at kaagad na hinanap ang pintuan nang matigil ako nang biglang bumukas iyun! Mula sa labas, may pumasok na dalawang babaeng naka-uniform! "Naku, mabuti naman at gising ka na Mam!" bigkas ng isa sa kanila! Nagtatakang napatitig ako sa kanila! "Si-sno kayo? Nasaan ako?" kandautal kong tanong sa kanila "Nandito po kayo sa bahay ni Mr. Elijah Villarama Valdez, Mam!" nakangiting sagot nito kasabay ng paglapag ng dalawa ng tray na may pagkain sa maliit na mesa! "Paanong nakarating po ako dito? Ibig kong sabihin.....wala po akong naalala kung paano ako nakarating sa silid na ito!" naguguluhan kong bigkas! "Ayyy, oo Mam! Wala po talaga kayong maalala kasi noong dumating kayo kagabi, inaapoy po kayo ng lagnat!" sagot naman ng isa sa kanila! Gulat na gulat naman ako! "Siguro dahil sabi ni Sir, nabasa po kayo sa ulan! Heto nga po pala Mam, kain muna kayo para makainom kayo ng gamot niyo!" nakangiting bikgas ng isa pa! Hindi naman ako makapaniwala! Pambihira...nagkasakit daw ako? Paanong nangyari iyun? Tsaka, ano ba talaga ang kailangan ni Mr. Valdez at bakit niya ako dinala dito sa pamamahay niya? "A-ano po ba ang pangalan niyo Manang! Tsaka nasaan po si Mr. Valdez?" seryosong tanong ko "Tawagin mo na lang akong Precy at siya naman si Salve!" nakangiti nilang pakilala sa akin "Ako naman po si Jennnifer! Teka lang, nabangit po ba sa inyo ni Mr. Valdez kung ano ang kailangan niya sa akin? At bakit niya ako dinala dito sa bahay niya? tsaka, sino po ang nagbihis sa akin kagabi?" seryosong tanong ko "Ha...naku, marami pa pala kaming gagawin Mam Jennifer! Iyang mga tanong mong iyan si Sir Elijah lang ang pwedeng sumagot! Sige po...kain na muna kayo! Lalabas na muna kami!" nakangiting paalam ng dalawa sa akin! Naiwan naman akong gulong gulo 'Ano ba? Ano ang ginagawa ko sa bahay na ito? Tsaka anong lugar ito?' Sa naisip kong iyun dali-dali akong naglakad patungo sa may bintana! Hinawi ang makapal ng kurtina at dumungaw sa labas at ganoon na lang nag panlalaki ng mga mata ko nang kaagad na sumalubong sa paningin ko ang isan malawak na gaden! Napapalibutan iyun ng mga nagagandahang mga bulaklak at sa kabilang bahagi ay may isang malapad at malaking pool Nasaang probensya ba ako? Anong lugar ito at paano ako makakaalis dito? Sa isiping iyun hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagkadismya! Siguro nasa second floor ako na bahagi ng malaking bahay! Maluwang itong kwarto na kinaroroonan ko at maaliwalas naman ang buong paligid Hindi ito ang typical na pinaglalagyan ng mga taong nakidnap! Sa mga napapanood ko sa kasi sa mga pelikula, kadalasan ay dinadala sa mga maruruming lugar or lumang warehouse ang mga taong nakidnap! Pero itong kinaroroonan ko ngayun ay kakaiba! Nandito lang naman ako sa isang napakagandang silid at mukhang masarap din iyung pagkain na dala ng mga kasambahay! Hindi ko mapigilan ang mapabuntong hininga!Tinapunan ko ng tingin ang mga pagkain na nakalatag sa maliit na mesa at naglakad patungo sa may pintuan! Dahan-dahan na binuksan iyun at ganoon nalang ang tuwa ko dahil hindi naka-lock! Ibig sabihin, hindi ako nakidnap! Baka nagmagadang loob lang si Mr. Valdez sa akin kaya dinala niya ako dito sa bahay niya! "Saan ka pupunta?" Iyun nga lang ang kung ano mang positibong naisip ko ay bigla ding nagalaho dahil nang tuluyan ko nang nabuksan ang pintuan at akmang lalabas na sana ako, ang seryosong mukha ni Mr. Valdez ang kaagad na sumalubong sa akin! Unlike kahapon, iba na ang kasuotan niya ngayun! Naka-cotton shorts lang siya at white cotton t-shirt! Wala na din siyang suot na eye glass kaya kitang kita ko ang kabuuan ng kanyang mukha! Yawa..ang gwapo pala ng taong ito? Ang tangos ng ilong at ang mga mata...shit titig pa lang pero parang feeling ko natutunaw na ang puso ko! Charr! "Miss Madlang-awa! I said saan ka pupunta?" halos pasigaw na tanong niya sa akin kaya naman hindi ko mapigilan ang mapatalon sa gulat! Piste talaga! Ano ang palagay niya sa akin? Bingi? Magkaharap lang kami pero kung makasigaw akala mo naman kilo-kilometro ang layo namin sa isat isa! Gwapo nga sana pero ang sungit naman! Malamang, minus points siya sa langit!"I am sorry, Are! Magta-trabaho lang po ako pero hindi ko naman po akalain na matatagalan akong makabalik eh. Pero, nandito na ako, Ate. Back to normal ang buhay ” Nakangiti niyang wika dito. “Talaga ba? Naku, ikaw talaga, ang dami mong dapat na ipaliwanag sa akin. Ang tagal mong nawala at alam mo bang hindi ako mapalagay sa kakaisip sa iyo. Nag-aalala ako sa kalagayan mo! Ilang beses din kaming nagrequest sa UNIPAK ng information tungkol sa kinaroroonan mo pero ayaw nilang magbigay. Confidential daw at iyun din daw ang bilin mo.” Seryoso nitong wika sa kanya. “Sorry na, Ate! Alam mo naman po na magulo ang isip ko noon kaya nakapgdesisyon ako ng ganoong bagay. Gusto ko din kasing makalimot kaya naman pinili ko na lang na lumayo muna.’” Nakangiting sagot niya dito “So, kumusta ka? Ayos ka na ba ngayun? Well, nakakangiti ka na kaya iisipin ko na naka-moved on ka sa kanya?” seryosong tanong nito sa kanya. Nakangiti naman siyang tumango “Dalawang taon na din ang lumipas, Ate. Oka
“She’s very beautiful.” Sambit ni Christopher habang nakatitig sa bahay ng pinsan niyang si Elias. Nasa loob si Katrina at kanina pa niya gustong bumaba ng kotse para sundan ito. Kaya lang wala siyang lakas ng loob para harapin ito. Natatakot siya sa mga salita na pwede niyang marinig mula kay Katrina. Sa isang iglap, bigla siyang naduwag. “Iyan lang ba ang masasabi mo? Halika na! Ano ka ba? Huwag mong sabihin na mag-aabang lang tayo dito? Naku, bro, wala sa lahi natin ang duwag ha? Nasa loob ng bahay ng pinsan nating si Elias si Katrina kaya puntahan na natin siya sa loob para makausap.” Wika ni Charles sa kapatid at nauna na itong bumaba ng kotse. Hindi pa rin matinag si Christopher sa pagkakaupo mula sa loob ng sasakyan kaya naman hindi na mapigilan ni Charles ang mapakamot ng ulo. Wala na. Mukhang inabutan na nga talaga ng pagkaduwag ang kapatid niya. Walang palantadaan na bababa ng kotse eh. Nakatitig lang ito sa gate ng bahay nila Elias kaya naman wala na siyang nagawa pa k
KATRINA (JULLIANNE) PAGKATAPOS makausap ng Ate niya si Philip, muli na itong bumalik ng opisina. Samantalang nagpaalam naman siya dito na may pupuntahan lang siya. Noong una ayaw nitong pumayag. Nag-aalala kasi ito na baka maulit na naman daw ang nangyari sa coffee shop eh. Pero noong sinabi niya na sa bahay ng Ate Amery siya pupunta, napapayag niya din ito. Sinabi nito na mag-ingat siya. Gusto pa nga nitong samahan siya kaya lang may meeting daw kasi ito mamayang alas dos ng hapon. Sinabi niya na lang na kaya niya ang sarili niya. Bukas na din kasi ang biyahe nila patungo sa beach resort kung saan gaganapin ang pictorial sa endorsement niya sa UNIPAK at pagkatapos noon, magiging busy na talaga siya dahil sa movie niyang gagawin. Mas mabuti na ang ganito. Uunahin niyang dalawin na muna ang Ate Amery niya dahil alam niyang nagtatampo na ito sa kanya eh. Baka itakwil na siya nito ng tuluyan. Mahal niya ang Ate Amery niya at kahit na ano ang mangyari, hinding hindi niya talaga i
KATRINA (JULLIANNE) NATAPOS ang lunch meeting na iyun pero gulong gulo ang isipan ni Katrina. Hindi siya makapagdesisyon ng mga dapat niyang gawin. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Sa totoo lang, nag-aalangan siya lalo na nang maisip niya ang possible niyang kitain sa naturang pelikula, nakakaramdam siya ng panghihinayang sa puso niya. Isa pa, swerte na ngang maituturing ang offer sa kanyang iyun. Lalo na at hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganito kagandang opportunity. May tatlo siyang mga anak na dapat niyang buhayin. Although, alam niya naman sa sarili niya kaya siyang tulungan ng mga kapatid niya sa financial na aspeto pero iba pa rin iyung may sarili siyang pera na kinikita. “Hey? Kanina ka pa tahimik ah? Ano ang iniisip mo?” bumalik lang siya sa huwesyo nang marinig niyang biglang nagsalita ang Ate Jasmine niya. Ilang saglit din siyang nag-isip bago siya nagsalita “Ate, ano sa palagay mo? Tatangapin ko ba ang offer nila?” seryosong tanong niya dito. Kaagad n
KATRINA (JULLIANNE) “Tsk, grabe! Hindi ko akalain na dudumugin ako ng mga tao kanina. Hype na hype ang mga fans ko daw.” Hindi niya pa rin makapaniwalang bigkas sa Ate Jasmine niya. Maayos nilang natakasan ang fans niya daw at nasa loob na sila ng kotse. Papunta sila sa isang hotel para sa isang lunch meeting. “Hindi ko din akalain na dadagsain ka ng mga tao. Haysst, siguro, kailangan mo na nang mga bodyguards na mababantayan ka sa lahat ng oras. For your safety na din lalo na at feeling ko, kahit saan ka magpunta, dadagsain ka talaga ng maraming tao.” Seryosong sagot naman ng Ate niya sa kanya Hindi naman siya nakaimik. Hindi siya pabor na magkaroon ng mga bodyguards na susunod sunod sa kanya. Mas gusto niya pa rin sana ng malaya at tahimik na buhay. Hindi siya sanay na pinagkakaguluhan ng mga tao. Kaya lang, sa nakita niya kanina, hindi din naman pwedeng hindi isaalang-alang ang kaligtasan niya. May triplets na naghihintay sa kanya pagbalik niya ng Japan kaya naman kailangan n
CHRISTOPHER “Excuse me! Excuse me!” seryoso at pilit na lumalapit si Christopher sa pintuan ng nasabing coffee shop. Pilit siyang sumisiksik sa maraming tao at wala na siyang pakialam pa kung may magagalit man sa kanya. Walang mas mahalaga sa kanya kundi ang makapasok sa loob ng coffee shop para muling makaharap si Katrina Dalawang taon! Dalawang taon siyang nagtiis na hindi ito makita at ngayung nandito na ito, hindi niya na hahayaan pa na mawalay ito sa kanya. GAgawin niya ang lahat para muling bumalik sa kanya si Katrina “Sir pogi, si Ms. Jullianne po ba ang sadya niyo?” wala sa sariling naptitig si Christopher sa isang may edad na babae nang bigla nalang itong nagsalita. Siguro isa ito sa mga fans ni Katrina “Yes? She’s inside, right?” seryosong tanong niya dito. “Opo, kanina nasa loob siya. Game pa nga niyang pinagbigyan ang ilan niyang mga fans na magpapicture. Pero noong dumami ang mga tao, pumasok na siya sa loob ng opisina ng manager. Pero dinig ko, nakaalis na daw