Mag-log inJILLIAN POV Hindi ko alam kung ilang minuto akong nawalan ng malay, pero nang muli kong idilat ang aking mga mata, tila may matinding kirot na agad na sumalubong sa buong katawan ko. Gustuhin ko mang gumalaw, hindi kaya! Masakit at makirot ang buo kong katawan. Dahan-dahan kong kinapa ang aking noo at napangiwi ako nang maramdaman ang basa at malagkit na likido. Dugo? May dugo ako sa ulo ko? Nahihilo man, pinilit kong igalaw ang aking ulo at nakita si Russell. Duguan ito, halos hindi na makilala ang dating anyo. Nakasandal ito sa wasak na bahagi ng sasakyan, at kahit hirap na hirap, pilit nitong ibinabaling ang paningin sa akin. Nanginginig ang labi nito habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ko. “Jillian… ayos ka lang ba? I’m sorry… I’m so sorry…” mahina nitong sambit, tila bawat salita ay pinipilit niyang ilabas sa kabila ng sakit. Lalong bumigat ang dibdib ko. Hindi ko napigilan ang mapaiyak, magkahalong takot at sakit ang bumabalot sa aking sistema. Hindi ko ma
JILLIAN POV "Huwag kang sumama, Jillian. Hindi ako papayag!" seryosong wika ni Ralph sa akin. Luha lamang ang naging tugon ko. Muli akong napasulyap kay Russell na seryoso pa ring nakatutok ang baril, hindi na kay Ralph kundi sa akin. Alam kong ayaw nitong bigyan ng pagkakataon ang kahit sino na pigilan siya. "Come on, Jillian, mahal ko. Halika na. Umalis na tayo," seryoso nitong sambit. Wala na akong nagawa kundi ang bumitaw kay Ralph. Oo, masakit, pero kailangan kong unahin ang kaligtasan ng lahat. "Good girl! Sabi ko na nga ba, ako naman ang pipiliin mo," nakangisi nitong wika. Hindi ako nakaimik. Tahimik akong naglakad palapit sa kanya, at nang tuluyan na akong makalapit, niyapos niya ako mula sa likuran habang itinapat ang baril sa aking sintido. Kaagad akong napaiyak sa matinding takot. Ang lamig na nagmumula sa dulo ng baril ay nagdulot ng matinding kilabot sa buong katawan ko. "Russell, ano ang ginagawa mo? Diyos ko, huwag mong saktan si Jillian!" halos magh
JILLIAN POV "Try it on, Russell! Alam mo, isa kang duwag! Bakit ba kasi hangang ngayun, hindi mo matangap na akin si Jillian. Nakatakda siyang maging akin at wala ka nang lugar sa puso niya!'" galit na sigaw ni Ralph pabalik. Akmang susugurin na naman sana nito si Russell pero bigla nalang tumigil ang mundo naming lahat. Dahil sa isang iglap, may inilabas si Russell mula sa likod niya. Isang baril. Napasinghap kaming lahat. Pakiramdam ko, biglang tumalon ang puso ko sa matinding takot. Lalo na nang itutok ni Russell ang baril kay Ralph. Nakakasa iyun at ano mang sandali, ready na nitong uputok. At nang ilibot ko ang tingin sa paligid, doon ko din nakita ang pagkagulat ng lahat. May mga napaatras. May napahawak sa dibdib. May napapikit. “Russell… ano ang ginagawa mo?!” nanginginig na sigaw ni Ate Jeann. “Ibaba mo iyan!” dagdag niya, halos maiyak na. “Nababaliw ka na ba? Saan ka kumuha ng lakas ng loob para magdala ng baril dito?!” Sinubukang hawakan ni Ate Jeann a
JILLIAN POV “RELAX! Nandito lang ako… hinding-hindi kita pababayaan.” Mahigpit ang pagkakahawak ni Ralph sa kamay ko, tila iyon na lang ang natitirang bagay na pumipigil sa akin para tuluyang manghina. Ramdam ko ang init ng palad nito, pero taliwas iyon sa lamig na unti-unting gumagapang sa buo kong katawan. Dahil sa isang bagay at isang presensya na labis kong kinatatakutan. Si Russell. Mas lalong kinain ng matinding takot ang puso ko nang nakita ko itong naglalakad palapit sa amin. Ni hindi man lang nito pinakingan ang pagpigil ni Ate Jeann. Mabagal… pero siguradong hakbang. Ang bawat paghakbang nito ay tila may kasamang bigat na parang may bagyong paparating. Matalim ang kanyang titig, diretso sa akin. Makikita sa mga titig nito ang matinding pagkadismaya at galit. At sa bawat segundo na lumalapit siya, mas lalo akong kinakabahan. Pagdating niya sa harap namin, walang sabi-sabing iniabot niya sa akin ang isang maliit na kahon. “Jillian… congratulations sa
JILLIAN POV KUMPLETO ang halos buong angkan ng Pamilya Villarama. Ngayong araw ang paggunita sa death anniversary ni Grandmama Carissa Villarama at ang araw na ito ay isang sa pinagkamahalagang araw para sa buong pamilya. Wala namang ibang bisita. Puro kamag-anak lang, pero halatang pinaghandaan talaga ang okasyon. Mula sa eleganteng ayos ng hardin hanggang sa maayos na pagkakaayos ng mga pagkain sa mahabang mesa---lahat ay nagpapakita ng respeto at pagmamahal para sa yumaong pinakamamahal na ilaw ng tahanan. Makikita sa paligid ang mga apo nina Grandmama at Grandpapa, masaya, nagkukwentuhan, nagkakamustahan. Kumpleto din ang mga anak na sila Tita Miracle, Tito Christian, Tita Arabella at Daddy Rafael na ama ni Ralph. Mga asa-asawa ng mga anak at mga apo ay nandito din…. Pero sa kabila ng lahat… may isang presensya ang hindi mapakali kong hinahanap. Si Russell. Sa totoo lang, ayaw ko sanang dumating siya. Ayaw ko siyang makita lalo na pagkatapos ng nangyari sa m
JILLIAN POV PAGKAALIS nila Ate Jeann at Kuya Drake, mas lalo akong hindi mapalagay. Para bang ang bawat salitang binitawan nila kanina ay paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Takot at pag-aalala. At isang hindi maipaliwanag na kaba ang bumabalot sa dibdib ko. Yes, iyun ang nararamdaman ko ngayun lalo na at hindi ko akalain na ganito pala kalaki ang epekto ni Russell sa akin. Tahimik lang ako sa sofa, walang tigil sa pag-iisip, nang maramdaman kong umupo sa tabi ko si Ralph. “Sweetheart… ano ang iniisip mo?” mahinahon niyang tanong. Napanasin marahin nito na tulala ako. Napansin marahil nito ang pagiging balisa ko. Napalingon ako sa kanya, pero hindi agad nakasagot. “Kung tungkol kay Russell,” dugtong niya, sabay marahang hinawakan ang kamay ko, “ako na ang bahala doon. Huwag mo nang isipin pa ang taong iyon.” Nakangiti nitong wika. Alam kong wala itong gustong mangyari kundi ang tuluyang mapanatag ang kalooban ko. Pero, hindi iyun sapat. Lalo na sa sandaling ito, m
CASSANDRA 'CASSY' VILLARAMA POV "Ano ang plano mo sa lalaking iyun?" seryosong tanong ko kay Neilson. Nandito ulit kami sa loob ng kotse at hindi ko alam kung saan kami patutungo pero hapon na. Feeling ko, mas lalo yatang sumakit ang ulo ko sa mga nasaksihan ko kanina. "Ano ba ang usapan natin
CASSANDRA VILLARAMA "DONE and signed." nakangiting wika ko kay Neilson pagkatapos kong pirmahan ang mga dokumento na nasa harapan ko. Alam kong mainit ang ulo nito dahil late na nga akong dumating ng opisina pero ano ang magagawa ko. Pagkatapos ko kasing naligo kanina, tumawag si MOmmy sa akin
NEILSON BRACKEN POV "HI, I'm Teddy--- "Cassandra Villarama, nice to meet you, ako nga pala ito, si Earl--- "Ako naman si Clement--- "Blade here! Ikinagagalak namin na makilala ang soon to be wife ng bestfriend namin." Ayun na nga, kanya-kanya nang pakilala ang mga mababait kong mga kaibig
CASSANDRA VILLARAMA POV"ARE you sure about this? Baka naman magisisisi ka sa gagawin nating ito, Cassandra." narinig kong wika ni Neilson. Ewan ko ba, parang hindi na ako ito eh. Parang may kung anong bagay nagtulak sa akin na gawin ito"I don't care! Please, Neilson, I need you." mahina kong wika







