JENNIFER POV "HINDI ka sumunod sa usapan natin! Nasaan ang anak ko? Bakit mo ito ginagawa sa akin?" galit na tanong ko kay Madelyn pagkalabas ko ng silid. Kaming tatlo lang ang nandito sa loob ng condo unit! Wala akong damit pang-itaas kanina pagkagising ko pero wala naman akong kakaibang nararamdaman sa sarili ko maliban sa sakit ng ulo dulot ng pagtama ng isang matigas na bagay sa bahaging iyun Alam ko sa sarili ko na may ginawang hindi maganda itong si Madelyn pero kung ano man iyun hindi ko alam. "Ang anak mo? Right! Nagbago na ang isip namin at hindi na muna namin ibabalik sa iyo hangat hindi pa naibibigay ng mabait mong asawa ang ransom na hinihingi namin." nakangising sagot ni Madelyn sa akin! Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Ransom? Seryoso talaga ang babaeng ito para pagkaperahan ang anak ko? Walang hiya talaga! Salot! HIndi ko mapigilan na maikuyom ang kamao ko. Ang sama talaga ng ugali ng babaeng ito! Noon pa man, wala na siyang ibang ginawa kundi ang s
JENNIFER POV "HINDI GANOON? Hindi ganoon ang nangyari? Sinungaling ka!" galit niyang wika at halos patulak niya akong binitwan. Nagulat man sa ipinapakitang pag-uugali ngayun ni Elijah pinilit ko pa ring maging mahinahon. "Elijah, ano ba ang mga pinagsasabi mo diyan? Hindi ko maintindihan? Ano ba ang problema?" kaaad ko din namang tanong sa kanya. Nagulat na lang ako nang mapakla siyang tumawa! May hinugot siya sa bulsa niya at malakas na ibinato sa akin. Hindi ako nakailag kaya tumama iyun sa mukha ko bago iyun nalaglag sa sahig. "A-ano ang ibig sabihin nito?" mahina kong tanong kay Eljah sabay dampot ng isa sa mga picture na nasa sahig. Yes, mga larawan ang ibinato sa akin ni Elijah kanina at nang titigan ko ang isa sa mga iyun, ganoon na lang ang panlalaki ng mga ko sa gulat nang makita ko ang sarili ko doon. Nakahiga sa kama na may katabing lalaki at ang lalaking iyun ay walang iba kundi si Robin. "Hindi! Elijah...hindi totoo ito! Magpapa----" "Shut up! Magsisinun
JENNIFER POV SINUNDAN ko si Elijah hangang sa nakarating kami ng kwarto! Pagkapasok namin sa loob napansin kong direcho siya sa walk in closet habang tahimik naman akong nakatayo lang sa may pintuan! Paglabas niya, ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa gulat nang dala-dala niya na ang ilan sa mga gamit ko at inihagis niya iyun sa akin. Lalo naman akong napahagulhol ng iyak. Hindi ko akalain na seryoso pala talaga siya sa banta niyang paalisin ako. "Elijah...hindi! Hindi ako aalis! Kahit na ano ang gawin mo hindi ako aalis!" umiiyak kong wika. Napangisi naman ito at mabilis ang hakbang na naglakad palapit sa akin. "Ayaw mong umalis? Ganoon na ba kakapal ang mukha mo para manatili sa bahay na ito gayung alam mo sa sarili mo na nagloko ka?" galit niyang tanong. Kaagad naman akong napailing habang hilam ang luha sa aking mga mata. "Kung gusto mong mag-stay sa pamamahay ko hindi ka pwedeng dito ka sa kwarto dahil hindi na kita ituturing na asawa ko! Doon ka sa servants q
JENNIFER POV "Elijah, ano ba! Nasasaktan ako!" halos maiyak kong bigkas habang pilit siyang itinutulak sa ibabaw ko. Ramdam ka ang galit sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. "Huh? Masakit? Hindi mo ba alam na mas doble ang sakit na nararamdaman ng puso ko dahil sa ginawa mo?" halos pasigaw niyang bigkas at walang sabi-sabing basta niya na lang kinagat ang balikat ko. Ramdam ko ang pagbaon ng ngipin niya sa bahaging iyun kaya hindi ko mapigilan ang mapasigaw sa sakit. Parang wala lang naman sa kanya dahil imbes na maawa siya sa akin, tumawa lang siya nang malakas na para bang nababaliw. "Nabudol mo ako eh! Akala ko talaga isa kang matinong babae pero nagkamali ako. Hindi ko akalain na may itinatago ka palang kalandian." galit nyang muling bigkas sabay alis niya sa pagkakadagan sa ibabaw ko. Kinuha ko namang pagkakataong iyun at mabilis na bumangon ng kama pero muli ding napahiga nang malakas niya akong itulak. "Saan ka pupunta? Don't tell me na sawa ka sa akin kaya
JENNIFER POV Sa kabila nang pananakit ng katawan ko, pinili ko pa rin ang kumilos. Naligo ako at pagkatapos noon, pinili kong magsuot ng maong pants at kulay itim na oversized t-shirt. Mahapdi ang sugat ko sa aking balikat dulot ng pagkagat ni Elijah kagabi at may sugat din ako sa labi. Ganoon pa man, kailangan kong magkunwari na ayos lang ako. Na kaya ko ito. Na hindi ako dapat panghinaan ng loob dahil bahagi lang ito ng buhay na meron ako ngayun. Pagkatapos kong mag-ayos, kumuha ako ng kapirasong papel at nagpasayang magsulat. Gusto ko kasing ibuhos sa kapirasong papel ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Wala akong mapagsabihan kaya naman isusulat ko na lang. Para naman kahit papaano maibasan ng kahit kaunti ang bigat na nararamdaman ng puso ko Mahilig ako sa ganito noon pa man. Naalala ko pa nga na sa tuwing umiiyak ako, isinusulat ko sa aking notebook ang mga kaganapan kung bakit ako umiiyak noon. Ito ang gagawin ko ngayun, isusulat ko dito sa isang kapirasong papel ang
JENNIFER POV " IBIBIGAY nating dalawa ang ransom money kapalit ni Baby Alexa." narinig ko pang mahinang wika ni Elijah sa akin habang nasa biyahe kami kaya wala sa sariling naptango ako Ang akala ko kasi ay ako lang ang pupunta sa location kung nasaan ngayun ang mga kidnapper pero nagkakamali ako. Kasama na pala siya kaya hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng pag-aalala para sa kanya. Siguro nga, baliw ang pusong umiibig. Ayaw ko pa rin naman na masaktan siya. Di bale na ako na lang tutal, wala naman nang halaga ang buhay ko. Sa isang abandonadong warehouse kami nakarating kung saan matatagpuan sa liblib na lugar. Katulad sa mga napapanood ko sa mga pelikula, abandonadong warehouse ang drama ngayun nila Madelyn. Nagbago pala ang kanilang location siguro para hindi sila basta matunton ni Elijah kung sakaling balikan sila nito. Sabay kaming dalawa ni Elijah na bumaba ng sasakyan. Bitbit niya ang attache case na may lamang pera habang tahimik lang akong naglalakad kapantay
JENNIFER POV "SINABI ko naman kasi sa iyo diba? Mali itong ginagawa natin! Mali na nakipagtulungan ka pa sa Ethel na iyun para lang sirain ang buhay ng half sister mo?" una kong naulinigan ang galit na boses ng isang lalaki sa pagmulat pa lang ng aking mga mata. Sobrang bigat ng ulo ko, masakit at nahihilo ako. "Pwede ba Robin. Magconcentrate ka na nga lang sa pagda-drive! Ngayun mo pa ba ako sisisihin gayung alam mo naman na kahit na ano pa ang gawin natin, hindi na maibabailk ang mga nangyari na." naulinigan kong sagot naman ni madelyn. Kahit na masakit ang ulo ko, pilit ko pa ring iminumulat ang mga mata ko at doon ko lang din napagtanto na nasa loob ako ng sasakyan. Tinatahak namin ang isang madilim na kalsada at hindi ko alam kung saang lugar na kami ngayun. Wala sa sariling napakapa ako sa aking ulo at impit akong napadaing nang maramdaman ko na masakit iyun. Kaya pala nahihilo ako at may sakit akong nararamdaman dahil may sugat ako sa bahaging iyun. "KUng nakinig
ELIJAH POV "ANONG BALITA? Nahanap na ba si Jennifer? Natagpuan na ba siya?" excited kong tanong sa pinsan kong si Christopher. Kakauwi ko lang galing sa labas dahil sinuyod ko ang lahat ng hospital dito sa Manila at kalapit na probensya para mahanap lang si Jennifer. Tatlong araw ang mabilis na lumipas simula noong nakipagkita kami sa mga kidnappers at nakuha ko nga si Baby Alexa pero si Jennifer naman ang bihag nila ngayun. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ng mga kidnappers na iyun dahil hangang ngayun, hindi pa rin sila tumatawag at sobrang nag-aalala na ako sa kalagayan ni Jennifer. Hindi man kami in good terms sa ngayun pero Ina pa rin siya ng anak ko. Hindi naman ako papayag na lumaki ang bata na hindi niya kasama ang Ina niya. Isa pa, nagbi-breast feed sa kanya si Baby Alexa at hinahanap na siya ng bata. "Iyan ang dahilan kaya nandito ako ngayun dahil may importante akong sasabihin sa iyo na hindi pwedeng sabihin sa phone.'' seryosong sagot nya sa akin. Puno n
THIRD PARTY POV PATULOY sa paghabol si Christopher sa babaeng nakita niya. Hindi siya papayag na makawala ito sa paningin niya. Hindi siya papayag na basta na lang itong makalayo. Kailangan niya itong makausap. Kailangan niya itong makaharap. Samantalang, takot na takot naman si Katrina habang patuloy siya sa pagtakto. Balak niyang pumunta sa siyudad para mama-limos at makabili ng gamot para sa Ate Amery niya. Naaawa kasi siya dito. May sakit ito at ayaw niya nang lumala pa iyun. Alam niyang matagal na siyang pinagbabawalan ng Ate niya na lumuwas ng siyudad pero sa sitwasyon ngayun, kailangan niya na talagang kumilos. Lalo na at hindi din talaga siya papayag na mapahamak ito. Simula nong dumating dito sa gubat si Ate Amery itinuring niya na itong hindi iba sa kanya. HIndi man niya ito kadugo pero napamahal na siya dito. Parang kapatid na nga din ang turing niya dito eh. Lalo na at hindi ito nagsasawa na turuan siyang magsulat at magbasa. "Wait! Who are you? Saan ka pupun
THIRD PERSON POV "SHIT, diwata ba iyun, Pare?" seryosong bigkas ng kasama ni Christopher sa pangangaso. "Yes...siya Christopher Villarama. Isa sa mga triplets na magkapatid na sila Charles at Charlotte. Anak ng mag-asawang Carmela at Charles Villarama. Isa sa mga apo ng namayapang mag-asawa na sila Gabriel Villarama at Carissa Perez. "Diwata? May diwata sa gubat na ito? Ano ka ba naman, walang diwata. Tao iyung nakita natin " seryosong sagot naman ni Christopher sa kaibigan niya. Kakabili lang niya sa nakabuyangyang na property na ito na matatagpuan sa Rizal. Actually, basta niya na lang binili pero wala pa naman siyang concret plan kung ano ang gagawin niya dito since gubat nga at maraming mga hayop ang nasa paligid Nanghihinayang din kasi siyang sirain ang gubat para lang tayuan ng mga istraktura. Hindi na kailangan. Talagang biniili niya lang ito sa dalawang may edad nang mag-asawa dahil hindi na daw nila ito maaasikaso.. Well, kitang kita naman ang ibedensya. Sobrang suk
AMERY HEART POV "ATE, umiiyak na naman po kayo." kasalukuyan akong nakaupo dito sa tabing ilog habang nakatitig sa kawalan. Mula sa aking kinauupuan, naririnig ko kanina ang tawanan nila Baby Elizabeth at Katrina. Kay bilis lumipas ng tatlong taon. Feeling ko natulog lang ako at nang magising ako, heto na. Malaki na ang anak ko. Hindi na siya baby at lumaki siya dito sa gubat na hindi man lang kami nahanap ng ama niya "Yes...kahit na nabasa ko noon sa isang magazine na engaged na si Elias kay Rebecca, umaasa pa rin ako na hindi siya titigil sa paghahanap sa amin. Na gagawa siya ng paraan para mahanap niya kaming mag-ina pero mukhang malabo na ang lahat. Sa takot ko noon, nawalan na din ako ng kumpyansa sa sarili ko na lumabas ng gubat. Hangang sa hindi ko na namalayan pa ang mga taon na lumipas. Na nandito pa rin pala ako habang unti-unti nang lumalaki ang anak ko. "limang buwan na lang ang bibilangin at magpo-four years old na si Baby Elizabeth. Ni sa hinagap, hindi ko akal
AMERY HEART POV SIX MONTHS LATER "KATRINA, saan ka galing? Ang tagal mong nawala ah?" seryoso kong tanong kay Katrina. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa gubat para hanapin ito pero hindi ko siya makita. Sa loob ng anim na buwan, medyo nakabisado ko na din ang buong paligid. Nasanay na din ako sa bagong kapaligiran. "ATE, tulog pa kasi kayo kanina ni Baby Elizabeth kaya hindi ko na kayo ginising. Minsan po kasi, lumalabas po talaga ako dito sa gubat para manghingi ng limos at makabili ng mga bagay na kailangan natin." nakangiti nitong sagot sa akin. HIndi ko naman maiwasan na magulat. Napatitig pa ng ako sa suot nitong sira-sirang damit. Madungis din siya at ang buhok niya akala mo isang bruha. Madumi din ang kanyang mukha. Sabog-sabog ang buhok at kung hindi ko lang kabisado itong si Katrina baka hindi ko siya makilala. "Galing kang siyudad at namalimos ka? Katrina, alam mo ba kung gaano kadelikado iyang ginagawa mo?" seryosong tanong sa kanya! Hindi siya sanay sa siyud
THIRD PERSON POV "THIS is very impossible! Unacceptable ! Elijah, do something! Hindi pwedeng basta na lang ibahay ng kakambal mong Elias na iyan ang babaeng iyan. Paano na si Amery?" seryosong wika ni Jennifer sa asawa niya habang nagtitipon sila dito sa mansion Villarama. Isang buwan na ng matulin na lumipas at hangang ngayun, wala pa ring Amery na natagpuan. Na para bang tuluyan na itong naglaho na parang bula. Lahat sila ay nag-aalala na sa posibleng nangyari kay Amery sa mga kamay ng mga kidnappers. Wala na din silang naging balita at wala ding ransom na nagaganap which is mas lalong nakakatakot. Ayaw nilang mag-isip ng kahit na anong masama. Pero parang iyun na nga. Mukhang napahamak na yata si Amery at ito ang dahlian kung bakit hindi nila maikwento kay Elias ang lahat-lahat. Naaksidente ito noon dahil sa paghahanap sa mag-ina niya at kapag malaman nito na may masamang nangyari sa mga ito, baka lalong lumala ang sitwasyon. Tiyak silang masasaktan si Elias at ayaw nil
REBECCA POV Ngayung umayon na sa akin ang kapalaran, kailangang kong sulitin ang pagkakataon. HIndi ako pwedeng patulog-tulog dahil kaunting kaunti na lang, mapapasa-akin na si Elias. Hyassst, nawalan siya ng alaala at mukhang hindi pa naikwento sa kanya ng kanyang pamilya ang nangyari kina Amery at sa anak niya. "So, bago ang aksidente, ikaw ang naging girlfriend ko?" seryosong tanong ni Elias sa akin. Naluluha naman akong tumango. "Yes...ako nga! Alam mo bang sobrang nag-aalala ako sa iyo, Elias? HIndi ko na alam kung ano ang gagawain ko kapag may masamang nangyari sa iyo. Alam kong ako ang dahilan kaya ka nagkakaganiyan dahil gusto kitang hiwalayan dahil ayaw nilang lahat sa akin, Elias. May iba silang babaeng gusto para sa iyo...'" umiiyak kong muling sambit. Napansin kong kaagad na nagsalubong ang kilay nito. Lalo namang nagdiwang ang kalooban ko. Alam kong maniniwala siya sa akin. Wala naman siyang choice kundi ang maniwala eh. Ang galing ko kayang umarte. Pang theatr
THIRD PERSON POV "Ano ang balita kina Amery? Kumusta sila? Nahanap na ba sila?" nag-aalalang tanong ni Miracle sa pamangkin niyang si Christopher. Mahigit isang linggo na ang lumipas simula noong nakidnap sila Amery at ang apo niya at hangang ngayun, wala pa ring balita sa mga ito Si Elias naman ay kasalukuyang nasa ICU. Hinihintay na magising ito dahil sa kinasangkutang aksidente. Doble-dobleng daguk ang nangyari sa pamilya nila at hindi na nga nila malaman pa kung ano ang uunahin. Masyado nang matagal ang isang linggo simula nang nakidnap sila Amery at hangang ngayun, wala pa ring naging balita sa kanila "Ginagawan na po namin ng paraan para mahanap sila, Tita. May man hunt operation na din po sa mga kumidnap kina Amery. Huwag po kayong mag-alalala, hindi po kami titigil hangat hindi sila mahanap." seryosong sagot naman ni Christopher sa tiyahin niya. Kung nag-aalala ito, ganoon din naman sila eh. Lalo na at hangang ngayun hindi pa rin nagigising si Elias. Kasalukuyan pa r
AMERY HEART POV "NANDITO na tayo, Ate." nakangiting wika sa akin ni Katrina. Halos bente minuto din ang itinagal ng aming paglalakad papasok pa sa gubat. Hindi ko maiwasan na magulat. Nandito lang naman kami sa harap ng bunganga ng isang kweba. Tulala tuloy akong napatitig sa kanya. "Sino ang kasama mo dito?" nagtataka kong tanong. "Dati, si Lolo! Pero ngayun mag-isa na lang ako. Namatay na kasi si Lolo noong nakaraang taon eh." nakangiti niyang wika sa akin. Sa hindi malamang dahilan, bigla akong nakaramdam ng habag sa kanya. Hindi ko akalain na sa gitna ng gubat na ito ay may nakatira pa lang isang dalagita. "Paano ka nakaka-survived? Ibig kong sabihin, paano ka nabuhay dito na mag-isa ka lang?" nagtataka kong tanong. "Sinabi sa akin ni Lolo dati na malupit daw ang mga tao sa patag. Tsaka nasanay na din po ako dito na wala akong ibang kasama kundi ang mga hayop dito sa kagubatan." nakangiti niyang sagot sa akin na lalong nagpadagdag sa habag na nararamdaman ko para
AMERY HEART POV Muli akong nagkamalay na una kong narinig ay ang malakas na pagpalahaw ng iyak ng aking anak na si Elizabeth. Dali-dali ko siyang binuhat nang mapansin ko na nasa lupa na siya. Siguro nabitawan ko siya kanina noong nawalan ako ng malay. HIndi ko din mapigilan ang mapaiyak lalo na nang maalala ko ang mga nangyari. Hindi ko akalain na dadanasin namin ang ganitong sitwasyon. "Baby, tahan na! Sorry...sorry dahil naranasan mo ito. Sorry kung naging mahina si Mommy." mahina kong sambit. Mahigpit kong niyakap si Baby Elizabeth habang hilam ang luha sa aking mga mata. Mabuti na lang din at kahit papaano, tumahan na din naman siya noong kargahin ko siya. Hindi ko alam kung saang bahagi ng gubat kami ngayun. Mukhang tuluyan na din kaming nilubayan ng mga kidnappers. Mula sa pagkakasalampak sa lupa, dahan-dahan akong tumayo at hindi ko mapigilan ang mapangiwi nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking binti. Nang tingnan ko iyun, hindi ko mapigilan ang lalong maiyak nang