"WHAT THE F*CK!"
Ang malakas na boses na 'yun ang gumising kay Khaira. Pupungas-pungas pa niyang iminulat ang mga mata. Pakiramdam niya kasi ay sobrang pagod na pagod siya. Itinaas niya pa ang dalawang kamay upang uminat nang matigil 'yun sa ere dahil sumalubong sa kanya ang naniningkit na mga mata.Bigla niyang ibinaba ang mga kamay at bumangon mula sa pagkakahiga. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang bumaba ang tingin nito sa kanyang dibdib kaya naman nasundan niya 'yun.Mabilis niyang hinila ang kumot upang takpan ang kanyang kahubdan. At dahil iisa lang ang kumot na tumatakip sa kanila ay ito naman ngayon ang nawalan ng takip. Nanlalaki ang mga mata niyang habang nakatitig sa matipuno nitong dibdib na may mga balahibo."Enjoying the view?" Napakurap siya nang marinig ang boses nito na tila nanunukso pero may bahid ng inis kaya mabilis niyang binawi ang mga mata rito at yumuko na lang. Balak niya pa sana ibaba ang tingin kaso naunahan siya nito. Napakagat labi siya dahil sa kahalayan ng utak."Ang macho," wala sa sariling sambit niya na sigurado siyang narinig nito."Who are you?!" Dumagundong muli ang mala kulog nitong boses kaya naman bigla siyang humiga saka nagtaklubo ng kumot. Mabuti at hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Hey! What are you doing? Get up and get out of my condo!" sigaw na naman nito. Ang aga-aga pero hyper! Kungsabagay sino ba naman ang hindi kung magigising kang may katabi, pero sa palagay niya ay sanay naman ito kaya ano kinagagalit nito?"Palalabasin mo ako nang walang saplot! Lumabas ka muna at magbibihis lang ako!" ganting sigaw niya. Anong akala nito ito lang ang may karapatang sumigaw."Wow! You're impossible, woman! Saka, paano ka nakapasok sa condo ko? At humarap ka sa akin babae. Huwag kang bastos makipag-usap sa akin," galit pa rin nitong sabi imbes na sundin ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kumot na tumatakip sa kanyang kahubaran. "Don't try me, woman. Babangon ka dyan o ako ang hihila sayo."Dahil sa sinabi nito ay mabilis pa sa kidlat na nakaalis siya sa kama. Pero sinigurado niya na maayos niyang naitakip sa katawan ang kumot. Doon niya lang napansin na nakatayo na ang lalaki at may suot na itong boxer. Pero hindi pa rin sapat ang suot nito dahil malinaw na malinaw niya nakikita ang umbok ng higanteng nilalang sa gitna ng mga hita nito."Eyes up, woman!" Sinunod niya naman ang sinabi nito. Taas noo niyang sinalubong ang magkasalubong nitong kilay. "Who are you?"Tumaas ang isang kilay niya saka humalukipkip. "For your information, I have a name: stop calling me woman or babae. My name is Khaira Monique—""I don't care about your f*cking name! Paano ka nakapasok sa condo ko?!" Putol nito sa sinasabi niya at mas lalong tumigas ang boses nito."You're asking my name. Ang bilis mo naman makalimot." Inirapan niya ito. "Ngayon, tinatanong mo paano ako nakapasok rito? Makakalimutin ka na talaga. You are the one who brought me here and…and…and…" Hindi niya na alam ang susunod na sasabihin dahil biglang nag-init ang kanyang mukha nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi 'yun kasama sa plano."At sumama ka naman." Naningkit ang mga mata ng lalaki. "I know you are one of those women who wants me. But sorry to disappoint you, you will never have me. Now, get out!" Itinuro pa nito ang pintuan na nasundan niya ng tingin.Sira ulo ba ito? Palalabasin siya ng tanging kumot lamang ang nakatakip sa kanyang magandang katawan.Huminga siya nang malalim at handa nang ilabas ang itinatago niyang kapangyarihan nang bumukas ang pintuan at sabay silang napatingin roon."Amah," sambit ng lalaking na bakas ang gulat sa mukha nito. "What are you doing here? How did you get into my condo?" Naguguluhang tanong nito."Condo? You're in our mansion. What are you talking about? And…" Lumipat ang tingin ng tinawag nitong Amah sa kanya. "What is the meaning of this, iha?" tanong nito."A-amah, I can explain—""Do-do you know each other?" Nagpalipat-lipat ang tingin ng lalaki sa kanilang dalawa ni Amah."Fix yourself, Nygel Peter and you Khaira, follow me." Muling hinarap ni Amah ang lalaki. "After you fix yourself, meet us in the library. We need to talk about this," pagkasabi no'n ay tinalikuran na sila nito. Magsasalita pa sana ang lalaki pero nakalayo na si Amah.Kaya nang lingunin siya nito ay ang bilis niyang kumaripas nang takbo. Muntikan pa siyang matisod dahil sa kumot. Pero bago siya makarating sa pintuan ay nahablot nito ang kanyang braso."Where do you think you're going?" Asik nito sa kanya."Su-susundan si Amah," sagot niya."Nang ganya ang itsura mo?""Kanina nga pinapalabas mo ako nang ganito itsura ko tapos ngayon tatanungin mo ako? Ang gulo mo rin kausap, 'no!" Inis niyang sagot rito. Naguguluhan na kasi siya rito. Pabalya nitong binitiwan ang braso niya kaya sinamaan niya ito ng tingin. Nakakarami na kasi ang h*******k."Stay here and find your clothes. F*ck!" Tinalikuran siya nito, naglakad ito papasok sa isang sliding door at dahil sinabi nito na mag-stay siya ay hindi niya tuloy alam kung susunod ba kay Amah o susunod sa lalaki. Sa itsura kasi nito ay nakakatakot na suwayin. Bago pa niya awayin ang sarili ay lumabas na ito na may hawak na mga damit, pamalit siguro nito. Napalunok siya nang mapadako ang tingin niya sa walong pandesal nito. At bago ulit bumaba ang mga makasalanan niyang mga mata ay humakbang na ito patungo sa pintuan at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. "Huwag ka nang umasa na matitikman o makikita mo pa ang katawan ko. Ito na ang huli. Fix yourself!" Malakas na pagbagsak ng pinto ang sunod niyang narinig.Nagpapadyak siyang pinulot ang kanyang mga damit na nakakalat sa sahig. Hindi niya akalain na ganon kasama ang ugali ng lalaking 'yun. Bigla ay tila nagsisisi siya na nakipagkasundo siya sa lola nito. Mukhang impyerno ang papasukin niya at hindi langit tulad ng mga babaeng naghahabol at pinapangarap ang isang Nygel Peter Quazon Fuentes.MAGKAHARAP NA NAKAUPO sila Khaira at Peter habang si Amah ay nakaupo naman sa kanilang harapan. Narito sila ngayon sa library upang pag-usapan ang naabutang hindi kanais-nais na eksena.Pakiramdam ni Khaira ay matutunaw siya sa matiim na titig ng lalaki sa kanyang harapan. "Do you want a magnifying glass?" Untag niya dito na ikinasalubong ng mga kilay nito. "Kung makatitig ka kasi sa akin parang gusto mong makita ang kaloob-looban ng katawan ko." "What!" Galit na naman nitong asik. Magtatanong lang kailangan galit talaga."Nygel Peter! Lower your voice, is that the way you talk to your future wife?" Sabay silang napalingon kay Amah sa sinabi nito. Nalaglag yata ang panga niya. She expected it but not this way. Masyadong mainitin pala ang dugo ng mga Quazon."What did you say, Amah?" Unang nakabawi si Peter kaysa sa kanya na nakatulala pa rin sa matanda."What did you hear?" Balik-tanong lang ni Amah. This old-woman really fascinated her. Hindi na siya magtataka kung bakit marami ang
NAIWAN SA ERE ang ubas na isusubo dapat ni Khaira nang bumulaga sa kanyang harapan ang lalaking hindi na nawala sa kanyang isip. It's been four days since she last saw him. Pagkatapos kasi ng naging usapan sa library ay kinailangan nitong magtungo sa hospital dahil may emergency. At simula no'n ay hindi pa ito umuuwi rito sa mansyon. Well, ayaw naman na talaga nitong umuwi talaga rito. May condo ito na malapit sa hospital at doon daw ito tumutuloy para kung sakaling may emergency ay malapit ito. "Feel na feel at home, huh." Pukaw nito sa kanya na nagpabalik sa kanyang sarili. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay na may hawak pang ubas. At sunod ay umayos siya ng upo. Kasalukuyan kasi siyang nasa Gazebo, nagpapahangin habang ang mga paa ay nakataas at siya ay nakasandal sa may gilid na sandalan ng rattan style sofa. Inilapag niya ang hawak na mangkok na kung saan nakalagay ang mga ubas. Tiningnan niya ang lalaking nakahalukipkip habang nakatingin sa kanya. Nakakunot ang noo nito. La
HINDI MAKAPANIWALA si Khaira na kasal na niya sa taong hindi niya inaasahan. Parang kailan lang ay ang nobyo ang pinapangarap niyang maging asawa. Sadyang mapaglaro ang tadhana. "Are you okay, baby?" Napalingon siya nang marinig ang boses ng mama niya. Kasama nito ang papa niya na lumuwas ng Manila nang biglang magdesisyon si Amah na ipakasal sila ng apo nitong arogante at masama ang ugali. Ilang linggo na ba ang lumipas mula nang magising sila sa iisang kama? "Baby, are you okay?" Ulit na tanong ng mama niya."Yes, ma. I'm sorry, hi-hindi ko lang po inaasahan ang mga pangyayari," magalang niyang tugon rito. Nang haplusin ng mama niya ang kaliwang pisngi niya ay naipikit na lang niya ang mga mata. Daddy's girl siya pero iba pa rin haplos ng mama niya. Para bang sa haplos na 'yun ay nagsasabing magiging ayos lang ang lahat. Her mother is half-Chinese and half-Filipino while her father is Pure Filipino. She is the only daughter. "Thank you, baby. Thank you for sacrificing, I know it
DALAWANG BUWAN na mula ng mapalitan ang apelyido ni Khaira. Dalawang buwan na siyang kasal sa taong hindi niya alam kung may katinuan ba natitira sa utak nito. Sa loob ng dalawang buwan na 'yun ay naging maayos naman ang pagtrato nila sa isa't isa maliban na lang kapag tinotopak ng pagkapraning ang asawa niya. Napangiwi siya. Asawa? Oo, nga asawa na niya ito pero kahit kailan ay hindi naman sila umaktong mag-asawa maliban na lang kapag nakaharap sila sa mga tao lalo na sa mga magulang niya at kay Amah. Pero kapag silang dalawa lang ay may sarili silang mundo. Kaya nga stay-out ang katulong na kinuha ni Peter para samahan sila. Hindi pumayag si Peter na sa mansion tumira dahil malayo sa hospital kaya naman para matapos na ang problema ay pumayag na siya na sa condo nito tumuloy…pasamantala. Dahil kapag nasa pitong buwan na raw ang tyan niya ay iuuwi raw siya ni Amah sa mansion para mas mabantayan. Sobrang protective ni Amah sa kanya. Araw-araw siyang tinatawagan nito at kung pwede n
"WHAT HAPPENED?" Ang tanong nang kakarating lang na si Amah ang pumukaw sa malalim na pag-iisip ni Peter. "How's Khaira?"Hindi niya itinago ang galit na nararamdaman niya. At nakita niya kung paano rumehistro ang pagtataka sa mukha ni Amah.Bago niya pa komprontahin si Amah ay ang pagbukas ng pintuan ng emergency room. Sabay pa sila ni Amah na sinalubong si Dr. Reyes. "How's my apo?" salubong na tanong ni Amah. Hinayaan niya na ito na ang kumausap."She was fine. But we found out that the baby is weak. Kaya kailangan nang mas pangalagaan niya ang sarili. Bawal ma-stress at mabibigat na trabaho. And…" Dr. Reyes glances at him before she continues. "Safe sex only. No hard sex." May pagtataka siyang tinapunan ng tingin ni Amah bago ito humarap kay Dr.Reyes. "Thank you so much. I will take notes for that. But what really happened?" Usisa pa rin ni Amah.Tiningnan siya muli ni Dr. Reyes bago ibinalik ang tingin kay Amah. "Madam, dinugo po kasi si Mrs. Fuentes because of…"Muling bumaling
SUMALUBONG KAY Khaira ang puting kisame pagkamulat niya ng mga mata. Natigilan siya at inalala ang huling nangyari. Nang maalala ay bigla na lang siyang lumingon upang makita ang asawa. "Thanks God you're awake, iha," salubong ni Amah na kakapasok lang sa silid na 'yun. "Wait, I will call a doctor." Muli itong lumabas at ilang sandali lang ay bumalik at may kasama ng isang babaeng doctor.Sinimulan siyang i-eksamin ng doctor. Nanatili lang siyang tahimik pero may bumabagabag sa isip niya kaya naman hindi niya napigilang itanong 'yun."Doc, how's my baby?" mahina ang boses niya at bakas ang takot sa maaaring marinig.Tumingin ang doctor sa kanya at nginitian siya. Sa ngiti nito ay tila nakahinga siya nang maluwag. Patunay lamang na ayos at ligtas ang baby niya."Your baby is safe Mrs.Fuentes but you need to be extra careful. Mahina ang kapit ng bata, niresetahan na kita ng mga vitamins. And…one more piece of advice…"Binigyan siya nito nang makahulugang tingin. "Intercourse is not forb
NAHINTO SA PAGSUBO si Khaira nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok. Masama niyang sinulyapan ang pintuan. Kung sinuman ang nasa labas ay talagang makakatikim sa kanya. Kapag ganitong gutom siya at masama ang loob ay wala dapat umiistorbo sa kanya. "Senyorita, pinapatawag na po kayo ni Senyorito," boses mula sa labas. Napairap na lang siya sa hangin. Tumayo siya saka nagtungo sa may pintuan. "Bakit daw po?" Bungad niyang tanong pagkabukas ng pintuan. Natigilan pa ang isa sa mga katulong na hindi na nga niya maalala kung ano ang pangalan dahil sa dami ng katulong sa mansion na 'yun. "Ah, pi-pinapatawag po kasi kayo ni Senyo—""Sabihin n'yo po sa kanya na ayokong sumama sa kanya. Pwede na po siyang umuwi mag-isa," pagkasabi niya no'n ay tinalikuran na niya ito hindi na niya hinintay ang reaksyon ng pobreng katulong na mukha sumalo sa init ng ulo niya."Si-sige po senyorita," narinig niya pang tugon nito bago tuluyan umalis.Bumalik siya sa pagkakasalampak sa may carpet at binalikan
PAGKARATING NILA Khaira sa condo ng asawa ay dire-diretso siyang pumasok sa kanyang silid. Napasandal siya sa nakasaradong pintuan habang sapo-sapo ang puso na hindi na yata bumagal sa pagtibok.Ang eksenang nangyari kanina sa loob ng kotse sa gitna ng kalsada ay malinaw niya pa ring naaalala. The way Peter sucked her finger really make her mind into haywire. Hindi lang 'yun, may kakaibang kiliti siyang naramdaman na umabot sa kanyang gitnang bahagi. Bigla ay nalipat roon ang kanyang kamay. At hindi nga siya nagkakamali, she some kind of wet. "It's still the cause of my pregnancy. Mas tumataas ang libido namin pagdating sa pakikipagtalik. Yeah, I had read it. So, I don't need to panic," pagkausap niya sa sarili. Humakbang siya palapit sa kama saka ibinagsak ang kalahating katawan sa malambot na kama. Ang mga kamay niya ay nakabuka sa magkabilang gilid habang ang mga paa niya ay nanatiling nasa sahig. Nakipagtitigan siya sa kisame. "What next?" tanong niya sa sarili. Ngayon alam na