Share

Chapter 4 WEDDING

Author: Switspy
last update Huling Na-update: 2023-04-11 08:02:31

HINDI MAKAPANIWALA si Khaira na kasal na niya sa taong hindi niya inaasahan. Parang kailan lang ay ang nobyo ang pinapangarap niyang maging asawa. Sadyang mapaglaro ang tadhana.

"Are you okay, baby?" Napalingon siya nang marinig ang boses ng mama niya. Kasama nito ang papa niya na lumuwas ng Manila nang biglang magdesisyon si Amah na ipakasal sila ng apo nitong arogante at masama ang ugali. Ilang linggo na ba ang lumipas mula nang magising sila sa iisang kama? "Baby, are you okay?" Ulit na tanong ng mama niya.

"Yes, ma. I'm sorry, hi-hindi ko lang po inaasahan ang mga pangyayari," magalang niyang tugon rito.

Nang haplusin ng mama niya ang kaliwang pisngi niya ay naipikit na lang niya ang mga mata. Daddy's girl siya pero iba pa rin haplos ng mama niya. Para bang sa haplos na 'yun ay nagsasabing magiging ayos lang ang lahat. Her mother is half-Chinese and half-Filipino while her father is Pure Filipino. She is the only daughter.

"Thank you, baby. Thank you for sacrificing, I know it was not what you wanted but still, you choose to help us. Mama always be proud of you," madamdaming pahayag ng mama niya.

Yes, marrying Nygel Peter Quazon Fuentes is a big no to her. Nevertheless, destiny helped her to make the decision. And obviously, she ended up marrying that bastard.

"I'm fine, ma. Where's papa?" Pag-iiba niya na lang ng usapan. And as she asked, someone entered her room—it was her father. "Papa!" Tumayo siya at sinalubong ito ng yakap.

"Careful, princess," natatawang awat ng papa niya at mahigpit rin siyang sinalubong ng yakap. Nang maghiwalay sila ay hinalikan siya nito sa noo. Kapagkuwan ay matiim siyang tinitigan. "My princess is going to marry 'na. Parang kailan lang, naghahabulan pa tayo sa bahay dahil ayaw mong magpabihis." Natawa siya sa sinabi ng papa niya.

Dahil Papa's girl siya ay madalas nga na ito ang nag-aasikaso sa kanya. Kaya naman lahat ng kalokohan niya ay alam nito.

"Papa! Past is past, stop bringing it up," kunwari ay pagalit niyang sabi.

"Hindi lang ako makapaniwala na ikakasal ka na." Biglang lumungkot ang boses nito. "Kung ayaw mong ituloy, sabihin mo lang kay papa at aalis tayo." Nagulat siya sa sinabi nito. Napatingin siya sa mama niya na may tipid na ngiti sa mga labi.

She let out a heavy sigh. Then, she looked at her father. She feels it. Na-gu-guilty ang mga ito dahil sa mga nangyari. Alam niyang hanggang kaya ng mga ito na huwag siyang magpakasal kay Peter ay gagawin ng mga ito. But, it's already too late.

She smiled. "Papa, gusto mo ba lumaki walang papa ang baby ko? I'm fine. No one forced me, not you, not mama. No one. It's my decision kaya stop worrying. I'll be fine. Amah is there to protect and take good care of me," mahaba niyang lintanya upang hindi na mag-alala ang mga magulang niya sa kanya.

Nakita niya ang pamumuo ng luha sa mga mata ng mga magulang bago siya sabay na niyakap. Kahit siya ay naiiyak na rin pero pinipigilan niya lang dahil sayang ang make up niya. Naghiwalay sila nang makarinig ng katok.

Ang papa niya ang nagbukas ng pintuan at may kinausap ito. Mukhang pinapatawag na sila. Magsisimula na ang kasal nila. It was a garden wedding. Only few was invited, an intimate wedding, hindi pa kasi talaga ito ang dapat na kasal. Sa simbahan dapat sila pero nakiusap si Peter na kung maaari daw ay gawing pribado muna ang kasal. Halatang hindi talaga itong sang-ayon, wala lang ito magawa.

Hindi niya pa nakakalimutan ang gulat nitong mukha nang lumabas ang resulta na buntis siya. Habang nagsasaya si Amah ay para naman ito pinagsakluban ng langit. Kung hindi pa ito sinita ni Amah ay baka hindi pa rin ito nakabawi sa gulat.

Balak pa nitong ipa-ulit ang test dahil imposible raw. Kaso, ilang pregnancy kit ang ginamit na niya at test na rin sa laboratory ay talagang iisa lang ang lumalabas, she's pregnant.

"Let's go, they are waiting." Napukaw ang pagbabalik-tanaw ni Khaira nang magsalita ang papa niya. Nginitian niya ito at tinanggap ang inilahad na braso. Iniaklang niya ang isang braso niya habang ang isa ay sa mama niya.

Habang pababa sila ay hindi niya napigilan ang pagbilis ng tibok ng puso niya. This is the moment. Hanggang sa tuluyan sila makababa sa hagdan ay mas lalo lang lumalakas ang tibok ng puso niya. Pwede bang tumakbo na lang?

Nang makalabas sila sa mansion ay sumalubong sa kanya ang isang limousine. Grabe talaga parang ang layo nang pupuntahan nila. Samantalang nasa loob pa rin ng compound ang pagdarausan ng kanilang kasal.

Ang nasasakupan nang buong mansion ay pwede nang gawin isang subdivision sa sobrang laki.

Nang magsimulang umandar ang limousine ay tila bigla namawis ang kanyang mga kamay. Kahit na may suot siyang gloves ay ramdam niya ang pamamawis no'n. Sumasabay pa ang puso niya na hindi na napakali mula paglabas nila ng silid niya. Wala man limang minuto ay huminto na sila sa malawak na hardin. Tanaw na tanaw niya ang naggagandahang mga bulaklak at puno sa buong paligid.

'This is it,' sambit niya sa sarili.

Nang buksan ang pintuan ay bumungad sa kanya ang kanyang Papa. Inalalayan siya nitong makalabas. Muli siyang napalunok nang masilayan ang buong lugar kung saan idadaos ang kanyang kasal. At pagkamangha ang kanyang naramdaman. May red carpet sa pinaka-center habang may mga upuan sa gilid nito. At sa harap ay may isang itinayo na maliit na stage kung saan sila susumpa.

Lumapit ang organizer sa kanila at sinabihan sa kung ano ang gagawin.

Sa kasal nila ay nanaig ang tradisyon ng mga chinese. Lalo na at may dugong chinese ang magkabilang parte. Kaya naman imbes na white dress at belo. She was wearing a color red mermaid silhouette cheongsam, emblazoned with an eye-catching gold phoenix. Show off her beautiful shoulder with a modern halter top take on the traditional qipao. To cover her face she was wearing a red veil. In Chinese culture, red symbolizes happiness, prosperity and goodluck.

Literal na goodluck nga sa kanya. Sana makayanan niya ang pagsubok na ibinigay sa kanya.

Nang magsimula na ang kasal ay ilang beses siyang huminga nang malalim. Pilit pinapakalma ang sarili. At habang naglalakad kasabay ng mga magulang ay hindi niya naiwasan tingnan ang taong pakakasalan. At hindi nga siya nagkakamali. He was dangerously handsome in his Tang suit. It was a long sheath paired with a jacket and it's also colored red with golden dragon symbols. Mas bumagay pa rito ang bagong gupit nitong buhok, an undercut hairstyle huh. Nang magtama ang kanilang mga mata ay biglang ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Hindi nga niya namalayan na nakalapit na sila rito kung hindi pa nagsalita ang mga magulang niya.

"Take good care of our daughter, iho," hirap na sabi ng Papa niya. Parang hindi pa nito matanggap na ikakasal na siya.

"I will po." Napatingin siya kay Peter sa sagot nito. Mali lang ba siya nang pagkakarinig o talagang may sinseridad sa sagot nito.

Nang iabot ng papa niya ang kamay kay Peter ay nagpaalam na sa kanya ang mga magulang. Sinubukan niyang bawiin ang kamay pero mahigpit itong hawak ni Peter.

"Don't make a scene. This is what you want, right?" He said sarcastically.

Kaya binabawi na niya ang sinabi kanina. Pakitang tao lang ang sinagot nito sa kanyang papa.

Nagsimula ang seremonya. At hindi niya alam kung paano ito natapos dahil puno ng kaba ang dibdib niya. Lalo na sa tuwing dumidikit ang braso nito sa kanyang braso may kakaibang init kasi siyang nararamdaman.

"You may now kiss."

Napalunok siya nang marinig ang mga katagang 'yun. At nang alalayan siya ni Peter upang humarap rito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagngisi nito. At nang itaas nito ang suot niyang veil ay napatitig na lang siya sa gwapong mukha nito. Habang unti-unti nito inilalapit ang mukha sa kanya ay mas lalong lumalakas ang tibok ng puso niya.

Hindi naman ito ang unang halik niya pero bakit ba siya kinakabahan.

"Prepare yourself Qīzi," sabay dampi nito ng mga labi sa kanyang mga labi. Saglit lamang 'yun. At sunod niyang narinig ay ang masigabong palakpakan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Switspy
nandito ka na nga ahhaa salamat sissy
goodnovel comment avatar
Ading Tok Ling
sharp shooter to c Peter ah...ahahaha..mag update Ka na miss A.....
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Billionaire's Unexpected Heir   Chapter 70 SPECIAL CHAPTER

    "WHERE ARE WE GOING, DADDY?" tanong ni Khairynn Mien kay Peter. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang buhok ng kanilang anak. "Daddy, I'm done!" sigaw naman ni Nherynn Pete na nasa bungad ng pinto ng banyo habang nakasuot ng roba at nakapulupot pa ang tuwalya sa buhok nito."Just wait, Nherynn. Let me finish your sister," tugon naman ni Peter habang mas binilisan ang pagsusuklay kay Khairynn."Ouch! Daddy, be careful naman po," maarteng d***g ni Khairynn."Don't move kasi para matapos tayo—""Daddy! I'm so cold na po." Mariing napapikit si Peter kaya naman nailing na lang si Khaira na kanina pa nakasandal sa may hamba ng pinto ng kwarto ng kambal. Yes, she gave birth to twins. Both girls. Not identical pero may pagkakahawig naman. "You wish for it, remember?" Pukaw niya sa asawa na mabilis siyang nilingon. "Thank God you are here." Mabilis siyang niyakap nito na para bang hulog siya ng langit. "Comb Khairynn hair and I will attend to another little brat there," pagkasabi niyon ay ibinig

  • Billionaire's Unexpected Heir   CHAPTER 69 SPECIAL CHAPTER

    "Qīzi!" "I'm here, Zhāngfū!" sigaw niya upang marinig siya ng asawa. Kasalukuyan siyang nasa may pool at binabantayan si Nyra. Narito sila ngayon sa mansion. Napagpasyahan niya na rito na tumira dahil nga nandito ang trabaho ng asawa. Humanap sila ng mapagkakatiwalaan para sa resort. Siya pa rin naman ang namamahala rito pero idinadaan niya lang sa online or kung talaga mahalaga ay madali lang naman ang magbiyahe. Habang ang mga magulang naman ay nakakapasyal din naman sa resort. Gusto niyang isama rito pero tumanggi ang mga ito. Naramdaman niya ang paghalik ng asawa sa kanyang pisngi kaya nilingon niya ito dahilan para magtama ang kanilang mga labi. "Ang sarap," komento nito matapos maghiwalay ang kanilang mga labi."Iiihhhh. Daddy stop kissing Mommy," boses ni Nyra na nakatingin sa kanila. Natawa na lang siya sa nakasimangot nitong mukha. Ayaw na ayaw kasi nito na hinahalikan siya ni Peter. Baka raw kasi may germs ito at mapunta sa kapatid nito. She is now three months pregnant.

  • Billionaire's Unexpected Heir   Chapter 68 FINALE

    "SULIT NA SULIT, ah." Natawa si Peter sa sinabi ni Arsen. Matapos ang isang linggo pananatili sa isla ay napagdesisyunan na nilang umuwi. Ayaw niya pa sana pero nami-miss na raw ng asawa ang anak at maging siya rin naman. Tutal ay nagkaayos na sila kaya naman pumayag na rin siya na umuwi. "Siguro naman may magandang balita, sa ganda ng ngiti mo," patuloy nitong panunukso. Kakarating lang kasi nila at sinabi ng katulong na nasa resort daw ang mga ito. At nasalubong nga nila si Arsen."Mukhang pati rin naman ikaw, ah. Bakasyon mo?" Tinanggap niya ang man-hug nito. "Daddy! Mommy!" Malakas na sigaw ng anak ang nagpalingon sa kanya sa kinaroroonan nito. Nasa may dagat ito at ngayon ay nagmamadaling tumakbo palapit sa kanila. Tinapik niya ang braso ni Arsen. "Later, bro," paalam niya at sinundan na ang asawa na nauna nang naglakad sa kanya. Agad na yumakap si Nyra kay Khaira nang magtagpo ang dalawa. Sumilay tuloy ang ngiti sa kanyang mga labi. "Nyra!" tawag niya rito. Kumawala ito kay Kha

  • Billionaire's Unexpected Heir   Chapter 67 RAVISH ME(SPG CONTENT)

    NAKANGITING pinagmamasdan ni Khaira ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pareho sila ng nararamdaman nito. Mabuti na lang ay talaga pinush niya na mapaamin ang asawa. Kung sakali hindi naman ito umamin o talagang walang nararamdaman para sa kanya ay handa niyang tanggapin. Pero…tama ang hinala niya at narinig na mahal siya nito. Matapos ang mapusok nilang halikan mag-asawa ay ipinaliwanag ni Peter ang tunay na nangyari sa England. Kung paano nito nahuli si Zena sa mga kalokohan nito. Hindi siya makapaniwala na pati ang heart attack ng daddy nito ay kasinungalingan din pala. Masyado nitong binilog ang isip ng asawa niya. Ang galing talaga nito magpanggap at nagawa pa pala nito na muntik pag-awayin sina Peter at Arsen. Mabuti na lang at sadyang matalino si Arsen o talagang plinano na nito ang bagay na 'yon. She was thankful to him for saving her husband from that bitch. Sorry for her words but she meant it. Masyado nang malaki ang atraso ni Zena sa kanila. At kung s

  • Billionaire's Unexpected Heir   Chapter 66 CONFESSION

    Seeing her crying made Peter's heart broke into pieces. Ito ang isang bagay na ayaw niyang makita. Ang masaktan ang babaeng pinakamamahal. Naging tanga siya at naging manhid. Pero natuto na siya at umaasa na hindi pa huli ang lahat para sa kanila. "Who is Zena to you, Peter?" muling tanong ni Khaira. He closed his eyes to stop his tears from falling. Kalalaki niyang tao pero heto siya at umiiyak. Pero wala siyang pakialam do'n ang mahalaga sa kanya ngayon ay magkaayos sila ng asawa. Magkalinawan. Muli niyang iminulat ang mga mata at diretsong tumingin sa asawa na nanatiling nakatayo sa harapan niya at basa ng luha ang mga mata nito. Nag-aalala siya dahil buntis ang asawa at ayaw niyang may mangyaring masama rito…pero alam niya na desidido na rin ang asawa na ayusin o alamin kung ano nga ba ang totoong lugar nito sa buhay niya. "Qīzi…tulad ng unang sinabi ko sa 'yo. Zena is just a childhood friend. Malapit na kaibigan, itinuturing kong nakababatang kapatid na babae. Tanging 'yon laman

  • Billionaire's Unexpected Heir   Chapter 65 PAST

    UMAWANG ang bibig ni Khaira sa sinabi ng asawa. He can really remember her. Akala niya ay hindi na siya nito naaalala. Kung gano'n totoo ang narinig niya nang gabi na 'yon. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito. Hindi niya makaya ang ibinibigay nitong titig sa kanya. "Qīzi," tawag nito. "Akala ko hindi na kita ulit makikita. Pero nagkita tayo sa 26th birthday ko. Ang laki nang ipinagbago mo. You grew up into a fine lady. Pero hindi ako pwede magkamali na ikaw ang nakita ko." Kumunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "I want to talk to you but I heard you introducing Cyrius as your boyfriend…kaya nagdesisyon ako na huwag ka na lang lapitan. Saka hindi rin naman ako sigurado na ikaw nga si butterfly ko. But I did investigate you and I find out that it was really you. I'm happy but at the same time confused. Masaya ka na sa buhay mo at ayoko magulo ka. I let you be." "Then?" She asked unconsciously. Hindi niya alam ang bagay na 'yon. At kung nagkita man sila

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status