Share

Chapter 2 DEAL

MAGKAHARAP NA NAKAUPO sila Khaira at Peter habang si Amah ay nakaupo naman sa kanilang harapan. Narito sila ngayon sa library upang pag-usapan ang naabutang hindi kanais-nais na eksena.

Pakiramdam ni Khaira ay matutunaw siya sa matiim na titig ng lalaki sa kanyang harapan.

"Do you want a magnifying glass?" Untag niya dito na ikinasalubong ng mga kilay nito. "Kung makatitig ka kasi sa akin parang gusto mong makita ang kaloob-looban ng katawan ko."

"What!" Galit na naman nitong asik.

Magtatanong lang kailangan galit talaga.

"Nygel Peter! Lower your voice, is that the way you talk to your future wife?" Sabay silang napalingon kay Amah sa sinabi nito. Nalaglag yata ang panga niya. She expected it but not this way. Masyadong mainitin pala ang dugo ng mga Quazon.

"What did you say, Amah?" Unang nakabawi si Peter kaysa sa kanya na nakatulala pa rin sa matanda.

"What did you hear?" Balik-tanong lang ni Amah. This old-woman really fascinated her. Hindi na siya magtataka kung bakit marami ang ilag rito. Because Madam Alessia Choi Quazon was really like a lion in the business world—A queen.

"If I heard it right… You know it won't happen. I will never marry anyone, lalo na sa babaeng pakawala." Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin kay Peter. Nagsalubong ang kanilang mga mata at kitang-kita niya ang pag-aapoy no'n.

Grabe! Ganoon na ba kasama maikasal sa kanya?

'Oh! Lord, bigyan n'yo po ako nang mahabang pasensya, please,' sambit niya sa isip.

"Nygel Peter! Watch your words. Hindi mo pa nga nakikilala si Khaira kaya huwag mo siyang husgahan agad," pagtatanggol ni Amah sa kanya na ikinangiti niya.

"Thank you po," pasasalamat niya rito at bahagya pang yumuko matapos niyang bawiin ang tingin kay Peter na mas lalo yatang nagalit.

Tumayo si Peter saka humarap kay Amah. Itinukod nito ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. Seryoso ang mukha.

"Amah, I don't need to know her. Don't you see, she is just one of those women who want our money. Sinong matinong babae ang sasama sa isang lalaki at magigising sa iisang kama?"

Khaira rolled her eyes. Masyado mababa ang tingin ng lalaki sa kanya. Masyado siya nitong hinuhusgahan na tanging batayan ay ang eksena kanina. Oo, mali 'yun pero hindi sapat pa rin para husgahan siya. Kung wala lang sa harapan ang lola nito baka sinupalpal na niya ito.

"She's not just a nobody. You must be thanking her for bringing you home," sagot ni Amah.

"Wh-what?" Sinalubong niya ang hindi makapaniwalang mukha ni Peter nang tumingin ito sa kanya. Isang matamis na ngiti ang isinukli niya rito.

"Exactly. Kung hindi dahil sa akin baka kung saan ka na napadpad," dugtong niya sa sinabi ni Amah.

"What are you talking about?" Naguguluhang tanong nito.

"Maupo ka at ipapaliwanag ko sayo ang tunay na nangyari," mahinahon niyang sambit. Nang bigyan siya nito ng nagdududang tingin ay tinaasan niya lang ito ng kilay.

"If you want to finish this, you must cooperate, iho," Amah interrupted them.

Ngiting tagumpay siya nang pabagsak itong umupo sa kinauupuan nito kanina. Pero bakas ang iritasyon sa mukha nito. Kitang-kita niya pa ang pag-igting ng panga nito na mas ikinatutuwa niya pa yata. May pagkabaliw yata talaga siya dahil imbes na matakot ay mas nag-eenjoy siya sa itsura ng lalaki sa kanyang harapan.

"What now? Explain this your made up story," untag nito sa kanya na nagpabalik sa kanyang katinuan.

Huminga siya nang malalim, saka sinulyapan si Amah na tinanguan naman siya.

Muli niyang ibinalik ang tingin kay Peter na matalim ang mga matang nakatingin sa kanya.

Marahas siyang bumuga ng hangin. "See, Amah asked me last night to pick you up. Tinawagan mo raw siya kasi at nagpapasundo ka kaso walang available na pwedeng sumundo sayo kaya ako na lang ang sumundo sayo, wala naman problema 'yun," pagsisimula niya. Nakita niya agad ang lalong pagkunot ng noo nito na para bang hindi kapani-paniwala ang sinasabi niya. Ginawa pa siyang sinungaling.

"Are you kidding me?" Matigas na tanong ni Peter, saka hinarap ang matandang babae. "Amah, she's lying. Why would I call you? I rather go home in my condo than calling you," pagtatanggol nito sa sarili.

"I know, that's why I'm shocked when you call me. And you're alone, no friends with you," Amah calmly answered.

Natigilan si Peter at tila iniisip nito kung ano ba talaga ang nangyari. Nang muling dumako ang tingin nito sa kanya ay tinaasan niya ito ng kilay.

"I know… there's something wrong about it," mahina nitong sambit na rinig naman niya. "So, let's say it's true. Paano naman nasali sa usapan na magiging asawa ko ang babaeng 'yan Amah?"

Mas tumaas ang kilay niya sa sinabi ni Peter. Mukhang ayaw nga talaga ng lalaki na matali. Pareho lang naman sila ay hindi magkaiba. Siya gusto niya matali pero hindi rito kundi sa kanyang long time boyfriend.

"And who is she?" Biglang dugtong nito.

Tumayo si Amah at lumakad palapit sa kanyang kinauupuan. Huminto ito sa may likuran niya. Hinawakan nito ang kanyang magkabilang balikat.

"She is Khaira… your soon to be wife," malapad ang pagkakangiti ni Amah habang binibigkas ang mga salitang 'yun. Ngunit kabaligtaran kay Peter na biglang tumayo at nakakuyom ang mga kamao.

"Is this a joke, Amah? You know from the very start that I don't like to be committed to anyone, what more about getting married. And now, you are saying that…" matalim siya nitong pinukulan ng tingin. "She will be my wife? This is unbelievable, Amah!" Napalakas ang boses nito at nang mapansin ay mabilis na humingi ng sorry kay Amah. Mukhang maging ito ay takot sa matandang babae o malaki lang ang respeto.

"And what do you want me to do? After what I saw in your room. You must be responsible. What if she got pregnant? Khaira's parents are one of the family's closest friends. That's what you got for your actions." Amah explained.

"But amah…" bakas ang frustrasyon sa boses ni Peter. "Amah, I can't even remember that I-I…I f*ck her—"

"Your words, Nygel Peter!" matigas na putol ni Amah sa sinasabi nito. "Nothing you can say to stop it. You are the one who made this decision. Don't worry I won't let you suffer, that's why you will just be going to marry her if she will be pregnant. Fair enough, right?"

Mas dumilim ang mukha ni Peter sa narinig. At hindi nakaligtas kay Khaira ang pagtagis ng bagang nito.

"Amah, paano naman po kayo nakakasigurado na ako ang ama ng bata kung sakali. Let's say, something happens to us, but is not enough reason to conclude that the baby is mine. Bukod sa hindi ko maalala na may nangyari sa amin, e, mukhang sanay naman siya…" Binigyan siya nito nang makahulugang tingin habang binitin ang gustong sabihin.

Pero hindi tanga si Khaira para hindi makuha ang gustong sabihin nito. Na kaladkarin siyang babae. Ang kapal talaga ng mukha.

"What are you pointing out Mr. Fuentes?" Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Kaya naman ang mga singkit niyang mga mata ay mas lalong sumingkit.

"Do.You.Want.Me.To.Say.It?" Mabagal at matigas nitong sagot.

Nagtagpo ang kanilang mga mata. Parehong nanliliit, walang gustong magpatalo.

"That's enough, you two," saway sa kanila ni Amah kaya pairap niyang binawi ang tingin rito. Doon niya lang napansin na nasa pagitan na nila si Amah.

"Peter, maybe you're not Khaira first but I can assure you that she is not a whore like those girls you are meeting at the bar. And there is a DNA test, we can do that once she gets pregnant. Like I said, I'm doing this because her parents trusted me to take care of her while she's here in Manila. But, just her first day, this happened." Bakas ang kalungkutan sa boses ni Amah na may kasama rin pagsisisi.

Huminga nang malalim si Peter. "Fine. I will agree, but she must stay here and she won't meet any guy. I think in one week, we can check if she's pregnant or not," pagsuko nito. Mukhang mahal na mahal nito ang lola kaya ayaw nitong makitang malungkot ang matanda.

Isang matagumpay na ngiti ang kumawala sa mga labi ni Amah na ikinailing na lang ni Khaira. She was sure that Peter did not see it.

Amah let out a sigh of relief. "That's good to hear, iho. About Khaira, no worries, I will look for her. Now, go down and take your breakfast. I just need to talk to her." Hinalikan nito si Peter sa pisngi saka bumalik na swivel chair nito.

Pinukulan pa siya ni Peter nang matalim na tingin na para bang nagbabanta na 'umayos siya' bago tuluyang naglakad palabas. Doon lang yata siya nakahinga nang maluwang nang tuluyan nang nawala sa harapan niya ang lalaking hindi niya malaman kung bakit nag-re-react ng ganun ang puso niya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status