Seeing her crying made Peter's heart broke into pieces. Ito ang isang bagay na ayaw niyang makita. Ang masaktan ang babaeng pinakamamahal. Naging tanga siya at naging manhid. Pero natuto na siya at umaasa na hindi pa huli ang lahat para sa kanila. "Who is Zena to you, Peter?" muling tanong ni Khaira. He closed his eyes to stop his tears from falling. Kalalaki niyang tao pero heto siya at umiiyak. Pero wala siyang pakialam do'n ang mahalaga sa kanya ngayon ay magkaayos sila ng asawa. Magkalinawan. Muli niyang iminulat ang mga mata at diretsong tumingin sa asawa na nanatiling nakatayo sa harapan niya at basa ng luha ang mga mata nito. Nag-aalala siya dahil buntis ang asawa at ayaw niyang may mangyaring masama rito…pero alam niya na desidido na rin ang asawa na ayusin o alamin kung ano nga ba ang totoong lugar nito sa buhay niya. "Qīzi…tulad ng unang sinabi ko sa 'yo. Zena is just a childhood friend. Malapit na kaibigan, itinuturing kong nakababatang kapatid na babae. Tanging 'yon laman
NAKANGITING pinagmamasdan ni Khaira ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pareho sila ng nararamdaman nito. Mabuti na lang ay talaga pinush niya na mapaamin ang asawa. Kung sakali hindi naman ito umamin o talagang walang nararamdaman para sa kanya ay handa niyang tanggapin. Pero…tama ang hinala niya at narinig na mahal siya nito. Matapos ang mapusok nilang halikan mag-asawa ay ipinaliwanag ni Peter ang tunay na nangyari sa England. Kung paano nito nahuli si Zena sa mga kalokohan nito. Hindi siya makapaniwala na pati ang heart attack ng daddy nito ay kasinungalingan din pala. Masyado nitong binilog ang isip ng asawa niya. Ang galing talaga nito magpanggap at nagawa pa pala nito na muntik pag-awayin sina Peter at Arsen. Mabuti na lang at sadyang matalino si Arsen o talagang plinano na nito ang bagay na 'yon. She was thankful to him for saving her husband from that bitch. Sorry for her words but she meant it. Masyado nang malaki ang atraso ni Zena sa kanila. At kung s
"SULIT NA SULIT, ah." Natawa si Peter sa sinabi ni Arsen. Matapos ang isang linggo pananatili sa isla ay napagdesisyunan na nilang umuwi. Ayaw niya pa sana pero nami-miss na raw ng asawa ang anak at maging siya rin naman. Tutal ay nagkaayos na sila kaya naman pumayag na rin siya na umuwi. "Siguro naman may magandang balita, sa ganda ng ngiti mo," patuloy nitong panunukso. Kakarating lang kasi nila at sinabi ng katulong na nasa resort daw ang mga ito. At nasalubong nga nila si Arsen."Mukhang pati rin naman ikaw, ah. Bakasyon mo?" Tinanggap niya ang man-hug nito. "Daddy! Mommy!" Malakas na sigaw ng anak ang nagpalingon sa kanya sa kinaroroonan nito. Nasa may dagat ito at ngayon ay nagmamadaling tumakbo palapit sa kanila. Tinapik niya ang braso ni Arsen. "Later, bro," paalam niya at sinundan na ang asawa na nauna nang naglakad sa kanya. Agad na yumakap si Nyra kay Khaira nang magtagpo ang dalawa. Sumilay tuloy ang ngiti sa kanyang mga labi. "Nyra!" tawag niya rito. Kumawala ito kay Kha
"Qīzi!" "I'm here, Zhāngfū!" sigaw niya upang marinig siya ng asawa. Kasalukuyan siyang nasa may pool at binabantayan si Nyra. Narito sila ngayon sa mansion. Napagpasyahan niya na rito na tumira dahil nga nandito ang trabaho ng asawa. Humanap sila ng mapagkakatiwalaan para sa resort. Siya pa rin naman ang namamahala rito pero idinadaan niya lang sa online or kung talaga mahalaga ay madali lang naman ang magbiyahe. Habang ang mga magulang naman ay nakakapasyal din naman sa resort. Gusto niyang isama rito pero tumanggi ang mga ito. Naramdaman niya ang paghalik ng asawa sa kanyang pisngi kaya nilingon niya ito dahilan para magtama ang kanilang mga labi. "Ang sarap," komento nito matapos maghiwalay ang kanilang mga labi."Iiihhhh. Daddy stop kissing Mommy," boses ni Nyra na nakatingin sa kanila. Natawa na lang siya sa nakasimangot nitong mukha. Ayaw na ayaw kasi nito na hinahalikan siya ni Peter. Baka raw kasi may germs ito at mapunta sa kapatid nito. She is now three months pregnant.
"WHERE ARE WE GOING, DADDY?" tanong ni Khairynn Mien kay Peter. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang buhok ng kanilang anak. "Daddy, I'm done!" sigaw naman ni Nherynn Pete na nasa bungad ng pinto ng banyo habang nakasuot ng roba at nakapulupot pa ang tuwalya sa buhok nito."Just wait, Nherynn. Let me finish your sister," tugon naman ni Peter habang mas binilisan ang pagsusuklay kay Khairynn."Ouch! Daddy, be careful naman po," maarteng d***g ni Khairynn."Don't move kasi para matapos tayo—""Daddy! I'm so cold na po." Mariing napapikit si Peter kaya naman nailing na lang si Khaira na kanina pa nakasandal sa may hamba ng pinto ng kwarto ng kambal. Yes, she gave birth to twins. Both girls. Not identical pero may pagkakahawig naman. "You wish for it, remember?" Pukaw niya sa asawa na mabilis siyang nilingon. "Thank God you are here." Mabilis siyang niyakap nito na para bang hulog siya ng langit. "Comb Khairynn hair and I will attend to another little brat there," pagkasabi niyon ay ibinig
"WHAT THE F*CK!" Ang malakas na boses na 'yun ang gumising kay Khaira. Pupungas-pungas pa niyang iminulat ang mga mata. Pakiramdam niya kasi ay sobrang pagod na pagod siya. Itinaas niya pa ang dalawang kamay upang uminat nang matigil 'yun sa ere dahil sumalubong sa kanya ang naniningkit na mga mata.Bigla niyang ibinaba ang mga kamay at bumangon mula sa pagkakahiga. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang bumaba ang tingin nito sa kanyang dibdib kaya naman nasundan niya 'yun. Mabilis niyang hinila ang kumot upang takpan ang kanyang kahubdan. At dahil iisa lang ang kumot na tumatakip sa kanila ay ito naman ngayon ang nawalan ng takip. Nanlalaki ang mga mata niyang habang nakatitig sa matipuno nitong dibdib na may mga balahibo."Enjoying the view?" Napakurap siya nang marinig ang boses nito na tila nanunukso pero may bahid ng inis kaya mabilis niyang binawi ang mga mata rito at yumuko na lang. Balak niya pa sana ibaba ang tingin kaso naunahan siya nito. Napakagat labi siya dahil sa ka
MAGKAHARAP NA NAKAUPO sila Khaira at Peter habang si Amah ay nakaupo naman sa kanilang harapan. Narito sila ngayon sa library upang pag-usapan ang naabutang hindi kanais-nais na eksena.Pakiramdam ni Khaira ay matutunaw siya sa matiim na titig ng lalaki sa kanyang harapan. "Do you want a magnifying glass?" Untag niya dito na ikinasalubong ng mga kilay nito. "Kung makatitig ka kasi sa akin parang gusto mong makita ang kaloob-looban ng katawan ko." "What!" Galit na naman nitong asik. Magtatanong lang kailangan galit talaga."Nygel Peter! Lower your voice, is that the way you talk to your future wife?" Sabay silang napalingon kay Amah sa sinabi nito. Nalaglag yata ang panga niya. She expected it but not this way. Masyadong mainitin pala ang dugo ng mga Quazon."What did you say, Amah?" Unang nakabawi si Peter kaysa sa kanya na nakatulala pa rin sa matanda."What did you hear?" Balik-tanong lang ni Amah. This old-woman really fascinated her. Hindi na siya magtataka kung bakit marami ang
NAIWAN SA ERE ang ubas na isusubo dapat ni Khaira nang bumulaga sa kanyang harapan ang lalaking hindi na nawala sa kanyang isip. It's been four days since she last saw him. Pagkatapos kasi ng naging usapan sa library ay kinailangan nitong magtungo sa hospital dahil may emergency. At simula no'n ay hindi pa ito umuuwi rito sa mansyon. Well, ayaw naman na talaga nitong umuwi talaga rito. May condo ito na malapit sa hospital at doon daw ito tumutuloy para kung sakaling may emergency ay malapit ito. "Feel na feel at home, huh." Pukaw nito sa kanya na nagpabalik sa kanyang sarili. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay na may hawak pang ubas. At sunod ay umayos siya ng upo. Kasalukuyan kasi siyang nasa Gazebo, nagpapahangin habang ang mga paa ay nakataas at siya ay nakasandal sa may gilid na sandalan ng rattan style sofa. Inilapag niya ang hawak na mangkok na kung saan nakalagay ang mga ubas. Tiningnan niya ang lalaking nakahalukipkip habang nakatingin sa kanya. Nakakunot ang noo nito. La