Share

Chapter 2

Hindi ko alam kung nakailang shots na ako pero hindi pa naman ganoong kalakas ang tama sa akin ng alak. Halos wala nga akong maramdaman na hilo or init sa katawan pero ang iba kong mga kasama ay hilo na at nakailang paalam na rin na gagamit ng comfort room.

"Lily!" tawag sa akin ni Stella na galing sa crowd habang tumatawa at may dalang dalawang cocktail drinks.

"Try this!" dagdag na sabi niya nang makalapit siya sa akin at inaabot ang isang cocktail sa akin.

Hindi ako mahilig sa mga gano'n kaya naman agad akong umiling pero mas umiling sa akin si Stella at pilit na inilalagay sa kamay ko. Mukhang may tama na siya dahil sa alak kaya naman napairap na lang ako sa kaniya.

"It's just a cocktail! Try mo lang. Ngayon lang naman e," pamimilit na sabi niya sa akin.

"Kung ano-ano na lang ang pinapa-inom mo sa akin, Stella!" pagrereklamo ko sa kaniya pero kinuha ko rin ang cocktail drink sa kaniya.

"No. Sige na sabay tayong inumin 'to," sabi niya at nakipag-cheers pa sa akin.

Wala naman akong ibang nagawa kung hindi sumunod na lang sa kaniya at sinabayan siya sa pag-inom. Halos mapapikit ako nang malasahan iyon at imbis na itigil ko ang pag-inom ay itinuloy ko na lang. Halos maramdaman ko ang init ng alcohol sa tiyan ko kaya naman napamura na lang ako kay Stella.

Humagalpak naman siya ng tawa nang makita niya ang reaksyon ko kaya itinaas ko ang isa kong kamay ay nag-dirty finger sa kaniya.

"Sabi mo cocktail lang? Ilang percent ba ng alcohol ang inilagay rito?!" pagrereklamo kong tanong habang nauubo pa roon.

"It's just ninety five percent but it's taste good naman hindi ba? Gusto mo pa ba? I can order again!" tuwang-tuwa naman na sagot sa akin ni Stella kaya muli akong napamura roon.

"No! Ayoko na. Ayaw kong mamatay dahil lang sa alak," sagot ko at napasandal na lang ako sa headboard ng inuupuan namin dahil bigla akong nahilo.

Natawa naman sila roon hanggang sa bumanat na naman sila sa akin.

"So saang dahilan or paraan naman gusto mo kung mamamatay ka?" tanong sa akin ni Stella.

"Edi sa sarap!" malakas na sagot naman ni Candice kaya halos manlaki ang mga mata ko roon.

Napailing na lang ako at nakitawa na lang sa mga kalokohan nila. Madalas naman ganoon ang asaran namin pero sa tuwing naririnig ko pa rin ang mga ganoong salita ay pakiramdam ko bago lang iyon sa akin.

Nang dahil sa pina-inom sa akin ni Stella ay tuluyan nga akong nahilo. Inaya pa nila akong magpunta sa dance floor pero tumanggi muna ako dahil sigurado akong mas mahihilo ako sa dami ng tao roon. Habang gumagabi naman ay mas lalong dumadami ang tao roon sa bar.

"Are you sure you don't wanna go? Maiiwan ka mag-isa rito," sabi sa akin ni Candice nang makaalis na ang iba naming mga kasama.

"Yeah, I'm alright. Hahanapin ko na lang kayo mamaya," sagot ko naman.

"Alright," sagot naman niya sa akin.

Saktong aalis na si Candice nang may nakita kaming lalaki na papunta sa table namin at nang makalapit ito ay tsaka ko lang nalaman kung sino.

"Lily! There you are!" natatawang sabi ni Saint nang makalapit siya roon.

"Sakto pala ang pagdating mo. Bantayan mo muna siya ha. Sa dance floor lang kami," sabi naman ni Candice pagkatapos ay ngumiti at kumindat sa akin bago tuluyang umalis doon.

Napatango naman ako at napangiti kay Saint para batiin siya.

"Saint! Nandito ka rin pala," sabi ko pagkatapos ay napaayos ako ng upo.

"Yup! I'm with my friends. Nakita ko lang si Stella kaya tinanong kita kaagad," sagot naman niya sa akin pagkatapos ay pinakitaan ako ng malaking ngiti.

Kahit hilo ako ay napangiti rin ako. Saint is very a good friend of mine. Nagkakilala kami sa isang business gathering four months ago and I tried to hang out with him since parehas kami ng mindset when it comes to business. Businessman siya at architect naman ako pero may sarili rin akong business para naman hindi lang sa pagiging artikero umiikot ang buong buhay ko.

"Mabuti naman at nahanap mo ako. There's a lot of people here!" natatawang sabi ko sa kaniya.

Napatango naman siya at napainom sa whiskey niya. Napatingin din ako roon nang umamba siya na parang inaalok niya ako roon. 

"Gustuhin ko pang uminom kaya lang ay baka mag-pass out ako rito. Just so you know, I'm a little bit tipsy na," sabi ko pagkatapos ay natawa na naman.

I have high alcohol tolerance pero hindi ko alam at bakit agad akong tinamaan sa pinainom sa akin ni Stella.

"Kaya mo pa ba? Iimbitahin pa naman sana kita sa table namin para maipakilala kita sa mga friends ko. Are you alright?" tanong niya at kita ko kaagad ang pag-aalala niya sa akin.

"Medyo nahihilo lang ako but yeah I can go with you to meet your friends," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ako ng balikat.

"No it's okay. Magpahinga ka muna rito. I'll get you some water. Wait me here," sabi niya pagkatapos ay tumayo na para umalis.

Hindi naman ko naman na siya napigilan dahil mabilis siyang nawala roon. Ayos na rin dahil gusto ko ng tubig para naman kahit papaano ay mawala ang kalasingan ko. Kasalanan lahat ni Stella ito kung bakit hindi ko ma-enjoy ang gabing ito.

Wala pang dalawang minuto ay nakabalik na si Saint sa table namin at nakita kong may hawak na siyang isang basong tubig na may kasamang maraming yelo. Halos manuyo ang lalamunan ko nang makita ko iyon at hindi na ako nagdalawang isip pa na kuhanin iyon nang iabot niya sa akin.

Tinulungan ako ni Saint habang umiinom at naubos ko nga iyon. Napasandal akong muli sa headboard at itinawa na lang ang kahihiyan dahil ito ang unang beses na makita akong ganito ni Saint.

"How's your feeling?" tanong niya matapos ang ilang minutong pananahimik ko roon.

"I feel good. Thank you, Saint. Ngayon lang ako nalasing kaagad ng ganito!" natatawang sabi ko habang umiiling-iling.

Naibsan nga ang pagkahilo ko at tingin ko ay kaya ko na tumayo roon. Umayos ako ng upo at napahugot ako ng malalim na hininga.

"I'm just gonna use comfort room. If you don't mind can you wait for me?" tanong ko sa kaniya pagkatapos ay napatayo na kaagad doon.

"Yeah sure! Samahan na lang din kita pumunta at baka nahihilo ka pa," sabi niya at agad na ring tumayo roon.

Natawa naman ako at napatango na lang sa kaniya. Hindi ko naman na siya pinigilan na samahan ako lalo na at hindi pa naman ganoon kaayos ang pakiramdam ko. 

"Just take your time. I'll wait you here," sabi niya kaya naman napatango at ngiti ako sa kaniya bago ako tuluyang pumasok sa comfort room.

May iilang mga girls doon kaya naman agad akong dumiretsyo sa isag cubicle para makaihi. Nang matapos ako ay naghugas ako ng kamay at naghilamos para tuluyan nang mawala ang lasing ko. Hindi na rin ako nagtagal doon at lumabas na dahil nahihiya na rin ako kay Saint. 

"You feen good?" tanong niya kaagad sa akin nang makalabas ako.

Napangiti naman ako at napatango, "Much better," sagot ko sa kaniya.

"Good to hear! So you can go with me na?" tanong niya habang natatawa.

Natawa rin naman ako at napatango bago sumagot sa kaniya.

"Yeah! Nakakahiya na rin and for sure your friends are already looking for you!" natatawang sabi ko.

"No, ayos lang naman. Isa pa ay nagpaalam naman ako sa kanila na hahanapin kita kaya maiintindihan na nila kung bakit ako natagalan," sunod-sunod niyang sabi kaya naman napatango na lang ako.

Nawala nga ang hilo ko at dinala ako ni Saint sa table nila kung nasaan ang mga kaibigan niya. Agad niya akong pinakilala sa mga ito kaya naman binati ko sila roon isa-isa.

"Are you sure you're not a supermodel or hollywood actres?!" tanong sa akin ni Jen, isa sa mga kaibigan ni Saint.

Agad naman akong napailing at napangiti. Nakakatuwa lang at nakakataba sa puso dahil tingin nila ay isa ako sa mga celebrity rito sa ibang bansa kahit ang totoo ay hindi naman talaga. Alam ko sa sarili ko na maganda ako pero hindi ko pa rin maiwasang ma-overwhelm kapag may pumupuri sa akin.

Napainom ako roon para na rin makisama sa mga kaibigan ni Saint at todo paalala naman sa akin si Saint dahil baka malasing na naman daw ako pero ayos naman na talaga ako. Nakakalahating oras din yata ako roon hanggang sa mag-aya sila na pumunta na sa dance floor. Hindi naman ako nagpapigil dahil kanina ko pa rin gustong pumunta at magsayaw roon kaya lang ay hindi ko magawa dahil nahihilo nga ako kanina.

"Bestie!" sigaw ni Stella nang makita niya akong naroon sa dance floor.

Pulang-pula na ang mukha niya at halos magulat ako roon dahil halatang lasing na nga siya. Nang matanaw ko naman si Marcus hindi kalayuan sa amin na may kasamang babae ay napailing na lang siya kaya naman napairap ako.

"You're drunk, Stella! Paano mo ako maihahatid niyan pauwi?" tanong ko sa kaniya at bahagya siyang kinurot sa tagiliran.

Natawa lang naman siya at tinuloy ang pagsasayaw roon nang hindi pinapansin ang sinabi ko. Halos tumama naman ang mga katawan ng ibang tao roon sa akin dahil sa pagsasayaw at si Saint naman ay hindi umalis sa harapan ko. Sumasayaw rin siya roon at nakisayaw na rin ako dahil mas lumakas ang music.

Dinama ko ang tugtog doon habang sumasayaw at si Saint naman ay may iilang kinakausap na babaeng lumalapit sa kaniya roon. 

"Lily,"

Halos hindi naman ako kaagad nakagalaw nang may humapit sa bewang ko at naramdaman ang mainit na hininga sa leeg ko nang halikan ako nito roon. Nanlaki ang mga mata ko dahil agad akong kinilabutan, nang mapatingin ako kay Saint ay kita ko rin ang gulat sa mga mata niya. Buong pwersa ko naman inalis ang kamay na nakapalupot sa bewang ko at agad na napaharap sa lalaking humalik sa akin.

"Mike?!" gulat na sabi ko.

"Lily!" tawag naman sa akin ni Saint pagkatapos ay hinila ako palayo kay Mike.

Gulat pa rin ako sa nangyari kaya naman napatingin ako kay Mike. Kita ko ang pamumula ng mga mata niya at kitang lasing nga siya. Masama ang tingin niya kay Saint nang lapitan siya nito kaya naman napailing na lang ako at pumagitna ako sa kanilang dalawa.

"Mike. You're drunk! What are you doing here?" tanong ko sa kaniya.

"I'm looking for you the whole night and makikita lang kita na kasama mo ang lalaking 'to? So tama nga ang balita na siya na ang dine-date mo ngayon after ghosting me?" sunod-sunod niyang sabi sa akin at ramdam ko ang galit niya kaya naman napailing na lang akong muli.

"I didn't ghosted you, okay? Nilinaw ko ang lahat sa'yo kaya stop acting like you're my boyfriend! Wala ka na do'n kung siya ang kasama ko!" sunod-sunod ko rin namang sabi niya pagkatapos ay hinila ko na si Saint paalis doon.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
akala ko si hubby na yumakap sa kanya..hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status