Share

Billionaire's Unwanted Wife
Billionaire's Unwanted Wife
Author: Reidpurplelh

Chapter 1

Halos sumabog sa init ang mukha ko nang mabasa ko ang isang sulat sa harapan ko. Halos manginig ang kamay ko sa galit at halos malukot ko iyon dahil sa pagkakahawak ko.

"This is not what I need!" sigaw ko pagkatapos ay pinunit-punit iyon.

Mabilis ang paghinga ko at sobrang galit ang nararamdaman ko. Ikinalat ko ang punit-punit na papel sa loob ng opisina ko at agad kong dinampot ang isang bote ng wine glass doon. Ayaw kong masira nang tuluyan ang araw ko dahil may dinner ako ngayon kasama ang mga kaibigan ko rito. Huminga ako nang malalim at sumimsim sa wine na hawak ko pero sa tuwing naaalala ko ang sulat na nabasa ko ay nag-iinit ang bait ko.

"Lets try it in another day, Lily. Baka busy lang talaga-"

"Busy?! Ang sabihin niya, ayaw niya lang talagang matanggap ang mga papel na ipinadala ko para sa kaniya!" sigaw ko nang putulin ko sa pagsasalita ang kaibigan kong si Stella. 

Ang kapal ng mukha niya! How could he do that do me? Hindi ako makapaniwala na susulatan niya lang ako sa pamamagitan ng secretary niya! Hanggang ngayon ba naman?! Hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago sa kaniya!

"I'll try to contact him as much as I can. Mag-relax ka nga muna," pagpapakalma na sabi sa akin ni Stella.

Napailing lang ako dahil hindi ako kakalma. Ilang buwan ko nang ipinapadala ang mga document na 'yon pero kahit isa ay wala siyang tinanggap.

"Buwan-buwan ko siyang pinapadalhan ng mga documents, Stella pero kahit isa wala siyang tinanggap! So, sabihin mo nga kung paano ako kakalma?!" sunod-sunod na sabi ko pagkatapos ay muling nagsalin ng wine sa baso ko.

"How dare him to reply in that f*cking way!" pasigaw ko pang dagdag pagkatapos ay padabog akong naupo sa upuan.

"My gosh, Lily! Hindi mo ba napapansin? Baka naman sinasadya niya talagang 'wag tanggapin," sabi naman sa akin ni Stella pagkatapos ay naupo rin sa harapan ko.

"For what? Ano bang mapapala niya?" tanong ko naman gamit pa rin ang iritadong boses.

"Of course, nothing! Hindi ba at nagkaroon kayo ng prenup agreement? Kaya wala siyang mapapala sa'yo. Maliban na lang kung ayaw niya talagang ma-annul ang kasal niyong dalawa," sunod-sunod na paliwanag sa akin ni Stella.

Halos mapasapo naman ako sa noo ko at napailing-iling. 

"At bakit naman siya aayaw sa pagpapa-annul ng kasal naming dalawa? Walang ibang dahilan! Matagal na kaming hiwalay!" sigaw ko na naman.

Gustong-gusto ko nang makawala sa apelyido niyang nakasunod sa pangalan ko kahit na hindi ko naman madalas gamitin iyon dito sa New York. Ginamit ko ang influence na mayroon ang mga magulang ko para maitago ang tunay kong identity rito at naging successful naman 'yon.

"What if he loves you pala?" tanong bigla ni Stella.

Napaangat naman ang tingin ko sa kaniya at natawa dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Stella? That man doesn't know the meaning of love. Wala nga rin yata 'yon sa vocabulary niya na kahit sarili niyang mga kapatid kaya niyang saktan para lang hindi matapakan ang ego niya," sunod-sunod kong sabi kay Stella pagkatapos ay uminom muli ng wine.

Hindi ko alam kung paano nasasabi ni Stella ang mga salitang 'yon dahil kahit kailan naman ay hindi ako minahal ng lalaking 'yon. Parehas lang kaming nagkamali at 'yon ang pagkakamali na kahit kailan ay hindi ko na gustong maulit pa.

"If he didn't accept all that documents, then I will give it to him personally. Hindi pwede na balewalain niya lang ang mga 'yan!" dagdag ko pang sabi habang galit pa rin.

"Wait. What? Are you sure about that?" tanong sa akin ni Stella na tila ba hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Are you ready to see and talk to him again?" dagdag na tanong pa niya.

Natigil naman ako sandali roon at agad na napainom ng wine dahil sa totoo lang ay hindi ko rin alam ang isasagot ko sa kaibigan. Ready na nga ba talaga ako? Handa na nga ba akong makita muli ang lalaking sumira ng buhay ko? Napailing ako at napahugot nang malalim na hininga sumagot kay Stella.

"Do I have a choice? Kung gusto kong makawala sa kaniya ay haharapin ko siya. Hindi uusad ito kung hindi ko siya makakausap sa personal," sagot ko kay Stella.

"Oh yeah. Isa pa ilang taon na rin naman na ang nakalipas. Maybe this is the right time to go back," sabi sa akin ni Stella pagkatapos ay nagkibit ng balikat.

Tumango lang naman ako sa kaniya kahit na may takot pa rin akong nararamdaman. I know my husband. Sobrang kilala siya hindi lang sa Pilipinas kaya naman nahirapan akong itago ang identity ko rito sa ibang bansa. Nakita ko rin naman na wala talaga siyang pakialam sa akin dahil sa apat na taon kong paglayo at pagtago sa kaniya ay hindi naman niya ako hinanap.

Sa buong maghapon na iyon ay hindi ako iniwanan ni Stella sa opisina ko. Laking pasasalamat ko talaga sa kaniya dahil simula pa lang noong una ay hindi niya talaga ako iniwan, kahit pa sa pinakalugmok kong buhay noon. She's my best friend and I'm so lucky to have her. Siya ang nakakapagpawala ng badtrip ko sa araw-araw kaya naman kumalma rin ako sa mga oras na iyon.

"I'll see you later. 'Wag ka na magdala ng sasakyan mo ha," sabi sa akin ni Stella bago tuluyang umalis sa opisina ko.

Natawa naman ako sa kaniya at tumango na lang. May night out kaming magkakaibigan ngayong gabi at kinailangan na rin umalis ni Stella para makasama sandali ang kapatid niyang kararating lang dito bago kami mag-party mamaya. 

Bago ako umalis sa opisina ko ay inayos ko muna ang ibang mga gamit ko roon. Ang mga blueprint na kagagawa ko ay iniligpit ko. Habang abala naman ako s apagliligpit ay biglang tumunog ang cellphone ko. Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba iyon dahil tapos na ang working hours ko pero nang makita kong pangalan ni Ate ang lumabas sa screen ay agad ko na iyong sinagot.

"Hello," bungad nito sa akin.

"What's up, Ate Sab?" tanong ko naman kaagad.

"Sorry. Are you busy?" tanong sa akin ni Ate Sab.

"No. Kakatapos ko lang sa work. Why? May problema ba?" tanong ko kaagad at hindi naiwasan ang pag-aalala.

Nang marinig ko naman ang mahinang tawa ni Ate ay nakahinga ako nang maluwag. Okay, wala silang problema roon.

"Walang problema rito, Lily. Actually, kakagising ko lang and Dad called me. He asked me to call you para ipatanong na naman kung kailan ka uuwi rito. Hindi niya na raw nabanggit sa'yo kahapon noong nagkausap kayo," sunod-sunod na sabi sa akin ni Ate.

"Birthday na niya next week and also they will celebrate their fiftieth anniversary. Wala ka pa rin bang balak umuwi?" dagdag na tanong pa sa akin ni Ate.

Oo nga pala. Magbi-birthday na nga pala si Dad at alam kong sobrang special ng araw na iyon para sa kanila ni Mommy. Siguro nga ay iyon na ang tamang panahon para makabalik ako sa Pilipinas. Isa pa ay marami rin naman akong dapat ayusin doon.

"I'm sorry, Ate but I can't. Marami akong meetings next week at hindi ko na pwedeng i-cancel ang mga 'yon dahil na-cancel ko na siya this week para sa ibang mga gawain ko," sunod-sunod na pagpapalusot ko kahit ang totoo ay wala naman talaga akong meeting.

"Sure na ba 'yan, Lily? For sure Dad will be sad if he heard this. Fine, ipapaliwanag ko na lang sa kanila kung bakit hindi ka makakauwi," sagot sa akin ni Ate at halata rin sa boses niya ang pagkakadismaya.

Napangiti naman ako dahil hindi nila alam na uuwi ako sa araw na iyon. Gusto ko lang silang i-surprise lalo na si Dad na matagal na ring nangungulit sa akin na umuwi na ako sa Pilipinas. Hindi rin kasi sila makabisita rito sa akin dahil abala rin siya sa negosyo nila sa Pilipinas. Hindi na rin naman nagtagal ang pag-uusap namin ni Ate at hindi niya na rin ako kinulit pa dahil alam niya na rin siguro sa sarili niya na kahit ano'ng pilit niya sa akin ay hindi talaga ako makakauwi. 

Umalis nga ako sa opisina ko at umuwi sa bahay ko. Nagluto lang ako roon ng dinner ko at kumain muna bago maligo at gumayak. I'm just wearing elegant sexy deep-V party shinny dress. Kulay itim iyon at kitang-kita ang kumikinang na mga glitters doon. Nagsuot lang din ako ng three inches na heels at naglagay ng light make up. Hinayaan ko lang din lumugay ang mahaba at kulot kong buhok.

"Paalis na ako, Stella. Wala ka pa rin ba talagang tiwala na hindi ako pupunta? Gosh!" sabi ko kay Stella nang tawagan niya ako.

Natawa lang naman siya kaya napairap ako. Hindi niya ako pinagdala ng sasakyan kaya naman nag-uber na lang ako papunta sa place kung saan kami magpa-party. Pagkarating ko ay agad akong sinalubong ng ibang mga kaibigan ko kasama si Stella.

"You look so stunning, Architect Smith!" sabi sa akin ni Marcus, matalik ko rin na kaibigan noong college pa.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya pero inirapan ko na lang siya.

"F*ck you, Martinez!" sabi ko sa kaniya pagkatapos ay ipinakita ko sa kaniya ang middle finger ko.

Nagtawanan naman sila roon at inasar-asar pa ako. Marami kaming naroon sa club at may ilan din akong mga celebrity na nakita roon. Ang iba ay kakilala ko naman kaya halos lahat sila ay hinihintuan ko kapag napapadaan ako sa kanila. 

Nagsimula na rin kaming mag-inom doon at si Stella ay may balak yatang lasingin ako dahil marami siyang in-order na drinks para sa akin.

"Don't worry, Lily. I got you tonight! Ako ang maghahatid sa'yo pauwi," sabi sa akin ni Stella pagkatapos ay agad na nilagok ang iniinom niyang alak.

"No thanks, Stella. Gusto ko pang mabuhay nang matagal," sagot ko naman sa kaniya habang umiiling-iling.

"Right! Hayaan muna nating matupad ang annulment na gusto niya bago siya mamatay," sabi naman ni Marcus pagkatapos ay tumawa roon para muli akong asarin.

"Right! Gusto ko pa rin munang makita kung paano ka makilala ng anak mong itinatago sa'yo ng ex mo ngayon!" pambabawi ko sa pang-aasar kaya nagtawanan kami roon pati ang mga kasama namin.

Iyon ang madalas na asaran namin kapag nagkikita-kita kaming magkakaibigan. Wala namang napipikon sa amin kahit na medyo personal na ang pag-aasaran. Siguro ay nasanay na lang talaga kami sa isa't-isa. Nagkasiyahan lang kami ng mga kaibigan ko roon at nakisalamuha ako sa ibang mga kakilala ko na sa celebrity roon.

"Nagkita na ba kayo ni Mike? He's looking for you kanina pa," sabi sa akin ni Caroline na kababalik lang sa table namin.

"Oh! You're still dating him? Akala ko ang Saint na?" tanong naman sa akin ni Marcus.

Napairap lang naman ako dahil kita ko ang mga kakaibang tingin nila sa akin. Yes, I've dated so many guy here abroad pero hanggang doon lang 'yon. Nakikipagkita at nakikipag-bonding lang ako sa kanila but I never attach myself to them. Ganoon din naman ang nakikita ko sa kanila at ang iba naman na nakikitaan ko ng pagiging seryoso ay agad ko nang nilalayuan. I'm still married in paper at kahit na dumating ang araw na hindi na annuled na ang kasal ko ay wala pa rin akong balak na pumasok sa isang relasyon.

"I already talked Mike. Nilinaw ko ang napag-usapan namin na hanggang hang-out or date lang kami," sagot ko naman pagkatapos ay nagkibit ng balikat.

"Then how about Saint?" tanong naman sa akin ni Stella habang nakataas ang isang kilay.

"We're just good friends," sagot ko naman pagkatapos ay muli akong nagkibit ng balikat.

"Hindi na ako maniniwala d'yan. Two weeks later ay malalaman na naman namin na siya na ang dine-date mo," sunod-sunod naman na sabi ni Candice.

Natawa naman ako at napailing dahil kabisado na nga nila ako, pero ang tungkol kay Saint ay talagang magkaibigan lang kaming dalawa. May binabalak lang talaga kaming deal sa business kaya madala nila kaming nakikita na magkasama.  

"Stop that okay? Bahala kayo. Basta ay magkaibigan lang kami ni Saint," sagot ko pagkatapos ay umirap sa kanila at uminom muli ng alak.

Hindi naman nila ako kinulit pa roon at pinilit na sabihin na dating kami ni Saint kahit hindi naman talaga totoo. Hindi ko rin naman masisisi ang mga kaibigan ko na isipin iyon dahil nga marami na rin akong naka-date na lalaki rito at naging masaya naman ako roon dahil kahit papaano ay nakalimutan ko ang sakit sa nakaraan ko.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Reidpurplelh
Hiii! Thank you so much po ...️
goodnovel comment avatar
Missy F
gs2 ko ung ganitong plot...present muna tapos ung past isisingit na lng kung klngan..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status