LOGINIlang segundong hindi nakapagsalita si Athena, tila hindi pa rin kayang tanggapin ng kanyang isip ang mga naririnig niya mula sa kanyang madrasta.
“P-Pero, Mommy—”
“Enough, Athena,” putol ni Rowena sa kanya. “Hindi na natin ito pag-uusapan pa. Naibenta ko na ang bahay. Wala na tayong karapatang manatili pa rito.”
“Hindi po ako papayag,” matigas na sabi niya. “Hindi po ako aalis dito. Hindi niyo puwedeng ibenta ang bahay na ito.” Nagsimulang uminit ang magkabilang sulok ng mga mata niya. Hinding-hindi siya makapapayag na mawala ang bahay na ito. Dahil isa ito sa naiwang alaala ng kanyang mga magulang sa kanya.
“Hindi ka namin pinalaking matigas ang ulo ng daddy mo. Kaya sumunod ka na lang sa sinasabi ko. Wala na tayong ibang magagawa kundi ang umalis na sa bahay na ito,” malamig na sabi ni Rowena saka ito bumaling ng tingin sa isang lalaking naroon. “Pakilabas ang mga gamit ni Athena sa kwarto niya.”
Agad namang sumunod ang lalaki sa utos na iyon ni Rowena. At ilang saglit lang ay lumabas na ito dala ang isang maleta at isang malaking backpack.
“Kunin mo na ang mga gamit mo at umalis ka na,” sabi ni Rowena pagkalagay ng lalaki sa harap niya ng mga gamit niya. “Sa laki at dami ng mga utang na iniwan ng iyong ama, kasamang ibinenta ko ang lahat ng gamit sa bahay na ito.”
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. “A-Ano po? Kung ganoon… pati ang mga gamit nina daddy at mommy?”
“Ganoon na nga, Athena.”
“Pero bakit pati ang mga gamit nila?”
“At anong gusto mong gawin ko? Sinabi ko na sa’yo, malaking utang ang iniwan sa atin ng ama mo.”
“Hindi ‘yan totoo! Dahil alam kong hindi niya ‘yon magagawa sa atin.”
“Ayaw mong maniwala?” taas ang isang kilay na tanong ni Rowena.
Magsasalita pa sana si Athena nang bigla namang dumating si Tierney.
“Oh! Hi, Sis!” nakangising bati ni Tierney sa kanya. “Kanina pa naayos ni Manang Lucia iyang mga gamit mo. Kaya bakit narito ka pa at hindi pa umaalis?”
Tumalim ang mga tingin ni Athena kay Tierney, kasabay ng mariing pagkuyom niya ng kanyang mga kamao.
“Or… don’t tell me… sasama ka sa amin ni Mommy?” nakatawang dagdag pa ni Tierney.
Napahugot ng malalim na paghinga si Athena.
“Kahit kailan, hinding-hindi ko na gugustuhin pang tumira sa iisang bubong ng bahay kasama ka,” matapang na tugon niya kay Tierney.
“Really? Oh, well… wala akong paki!” mapang-asar na sabi ni Tierney sa kanya. “Ano pa bang ginagawa mo? Kunin mo na ‘yang maleta at bag mo tapos umalis ka na!”
“Enough, Tierney,” marahang pagsaway ni Rowena sa babae. At pagkatapos ay bumaling ito kay Athena. “Sige na, umalis ka na.”
“Sandali lang po, Ma’am Rowena,” pagkuwan ay lakas-loob na pagsingit ni Manang Lucia. “Hindi po ba at dapat ay isama niyo po si Ma’am Athena? Kayo po ang pamilya niya.”
Pumalatak si Tierney. “Pamilya? Kahit kailan ay hindi namin siya naging pamilya.”
“Tierney, puwede bang tumahimik ka?” baling at saway ni Rowena kay Tierney, saka ito bumaling kina Athena at Manang Lucia. “Hindi ko siya puwedeng isama sa amin.”
“Pero, Ma’am Rowena, saan naman po tutuloy si Ma’am Athena—” Natigilan si Manang Lucia sa kanyang sinasabi nang bigla itong marahang hawakan ni Athena sa kamay. Na para bang pinahihinto na siya nito sa pagsagot pa sa madrasta nito.
“Tulad nang sinabi ko kanina, hindi ko na ring gustong makasama pa sa iisang bahay si Tierney,” usal ni Athena na ikinangisi lamang ni Tierney.
“Mas lalo naman ako, ’no! Nagtiis nga lang ako sa apat na taong nakikita kita araw-araw sa bahay na ito. At kung hindi pa namatay si Daddy, baka hindi ka pa rin namin mapaalis dito. Kaya sa totoo lang, mabuti na rin sigurong nangyari ang lahat ng ito,” mataray na tugon ni Tierney.
“A-Anong sabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Athena. Hindi niya matanggap ang tila pang-iinsulto ng babae sa pagkamatay ng kanyang ama. “Sinasabi mo bang mabuti na lang na namatay si Daddy?”
“Parang ganoon na nga—”
Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Athena kay Tierney, dahilan upang hindi matapos ng babae ang sinasabi nito.
“Ma’am Athena!” alalang usal naman ni Manang Lucia habang namilog naman sa gulat ang mga mata ni Rowena.
Sapo-sapo ni Tierney ang kanyang pisngi saka galit na binalingan ng tingin si Athena.
“What the heck?! Anong karapatan mong sampalin ako?!”
“At anong karapatan mo rin para insultuhin ang pagkawala ni Daddy?” gigil na tanong niya pabalik.
“Tama na iyan!” malakas ang boses na awat ni Rowena sa dalawa.
“Mommy! Sinampal ako ng babaeng ‘yan!” inis na sumbong ni Tierney sa ina.
“Sabi ko tama na,” kalmadong baling lamang ni Rowena sa anak. At pagkatapos ay tiningnan nito muli si Athena. “Umalis ka na, Athena, habang kaya ko pang maging mabuti sa’yo.”
“Maging mabuti?” ulit na tanong ni Athena saka ito sarcastic na tumawa. “Binenta mo ‘yong bahay na tanging alaalang iniwan sa akin ng mga magulang ko!”
“Kasalanan ito ng ama mo. Sa dami ng utang niya, anong gusto mong gawin ko? Ikaw ang ibenta ko?”
Napasinghap si Athena. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari sa kanya. Labis na nasasaktan ang puso niya dahil kahit kailan, hindi niya naisip na magagawa sa kanya ni Rowena at Tierney ang lahat ng ito.
Mula nang dumating ang dalawa sa buhay ng nilang mag-ama, ay minahal at tinanggap niya ang mga ito. Wala siyang ibang ipinakita sa mga ito kundi tanging kabutihan lamang, at para suklian lamang siya ng ganito ngayon.
Hindi na napigilan ni Athena ang mga luhang kanina pang gustong umalpas sa kanya. At sa huli ay tuluyan nang tumalikod at umalis si Rowena. Isang mapang-asar na ngisi naman ang ibinigay ni Tierney sa kanya bago ito sumunod sa ina.
“Ma’am Athena, I’m so sorry sa nangyari sa inyo,” naluluhang sabi naman ni Manang Lucia sa kanyang tabi habang sinusubukan siyang damayan.
Tuluyang pinakawalan ni Athena ang kanyang mga luha. Naaawa naman siyang niyakap ni Manang Lucia.
Ilang minuto silang nanatili roon at sa huli ay tuluyan na rin silang umalis.
“Ma’am Athena, gusto niyo po, sa amin muna kayo tumuloy?” alok ni Lucia.
“Hindi na po, Manang. Ayaw ko pong maging intindihin niyo pa ako.”
“Ayos lang naman iyon sa akin. Sa tagal ng panahon kong naglingkod sa pamilya niyo, hindi ko kayang pabayaan ka na lang ngayon.”
“Pero, Manang, paano naman po ang sariling pamilya niyo? Pagkakataon niyo po ngayon para makabawi sa kanila kaya… huwag niyo na po akong intindihin pa.”
“Pero, Ma’am Athena—”
“Ayos lang po ako,” putol ni Athena kay Lucia. “Makikituloy na lang po muna ako sa apartment ni Morgan.”
“Sigurado po kayo?”
“Opo, Manang. Huwag na po kayo mag-alala.”
Marahang tumango si Lucia saka ito tuluyang nagpaalam kay Athena.
Sa huli ay tuluyan nang nag-isa si Athena.
Ilang sandali siyang nanatiling nakatayo sa labas ng gate, nakatitig sa bahay na ilang taon niyang tinawag na tahanan. Unti-unting nanikip ang kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang kabuuan nito, na para bang sinusubukan niyang itatak sa kanyang alaala ang lahat bago niya tuluyang iwan.
Pumatak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
Hindi niya alam kung alin ang mas masakit—ang pagkawala ng kanyang ama o ang katotohanang kasunod nito ay nawala rin ang tahanang akala niya ay palagi niyang mababalikan.
Mariin niyang pinahid ang kanyang mga luha, saka pinulot ang kanyang backpack.
Isang huling tingin ang ibinigay niya sa bahay bago siya tuluyang tumalikod.
At sa bawat hakbang na palayo siya roon, pakiramdam niya ay unti-unti rin niyang iniiwan ang huling bahagi ng buhay na minsan niyang tinawag na kanya.
KASALUKUYANG nakasandal si Euwenn sa sandalan ng kanyang upuan habang tahimik na umaandar ang kanyang sasakyan palabas ng parking area ng hotel kung saan ginanap ang kanyang meeting.
Ang isang kamay niya ay hawak ang cellphone na nakakonekta sa tawag.
“Are you sure the client approved the revised proposal?” malamig ngunit kalmado niyang tanong sa kausap na nasa kabilang linya.
“Yes, sir. They agreed to the changes, but they want us to reduce the projected cost by at least ten percent.”
Napakunot-noo si Euwenn.
“Ten percent?”
“Yes, sir.”
Saglit siyang natahimik bago muling nagsalita.
“Tell the finance team to review the materials and construction estimates. We can adjust the unnecessary expenses, but don't compromise the quality of the project just to meet their budget.”
“I understand, sir. What about the deadline?”
“We keep the original deadline.”
“Sir, if we reduce the cost without extending the deadline, the team might need additional resources.”
“Then give them what they need.”
“Yes, sir.”
Bahagyang napangiti si Euwenn habang nakatingin sa kalsada.
“I'm not interested in saving money if it means delivering a project that doesn't meet our standards.”
“Yes, sir. I'll relay that to the team.”
“Also, send me the updated proposal before five.”
“I'll have it on your desk before five, sir.”
“Good.”
Muli siyang natahimik. Ngunit bago pa man matapos ang tawag, muling nagsalita ang kanyang kausap.
“One more thing, sir. There's a request from Picture-Perfect Gallery regarding the renovation proposal.”
Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Euwenn.
“Picture-Perfect Gallery?”
“Yes. They want us to review the previous plans and submit a new proposal.”
“Who made the request?”
“Mrs. Rowena. She said she's now handling the gallery's affairs.”
“Send the request to me.”
“Personally, sir?”
“Yes. And don't let anyone from the design team discuss the project with them until I've reviewed the documents myself.”
“Noted, sir.”
Tinapos ni Euwenn ang tawag at ibinaba ang cellphone.
Bahagya siyang napabuntong-hininga.
Picture-Perfect Gallery.
Hindi niya maiwasang maalala si Athena nang marinig ang pangalan ng gallery. At sa totoo lang, mula nang muli niya itong makita sa lobby ng kompanya, hanggang sa burol ng yumao nitong ama kamakailan lang, ay hindi na ito muling nawala pa sa kanyang isipan.
At tila sinadya ng tadhana na bigyan siya ulit ng pagkakataon, dahil sa gilid ng kalsada, ay isang pamilyar na babae ang nakita niyang nakatayo habang may bitbit na maleta at malaking bag.
Napakunot ang noo niya.
“Stop the car.”
Agad namang huminto ang driver sa gilid ng kalsada.
Mabilis na bumaba si Euwenn at naglakad palapit sa babae.
“Athena?”
Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit ay biglang nanghina ang babae at tuluyang bumagsak sa kanyang harapan.
“Athena!”
Agad niya itong sinalo bago tuluyang tumama sa kalsada.
Ilang segundong hindi nakapagsalita si Athena, tila hindi pa rin kayang tanggapin ng kanyang isip ang mga naririnig niya mula sa kanyang madrasta.“P-Pero, Mommy—”“Enough, Athena,” putol ni Rowena sa kanya. “Hindi na natin ito pag-uusapan pa. Naibenta ko na ang bahay. Wala na tayong karapatang manatili pa rito.”“Hindi po ako papayag,” matigas na sabi niya. “Hindi po ako aalis dito. Hindi niyo puwedeng ibenta ang bahay na ito.” Nagsimulang uminit ang magkabilang sulok ng mga mata niya. Hinding-hindi siya makapapayag na mawala ang bahay na ito. Dahil isa ito sa naiwang alaala ng kanyang mga magulang sa kanya.“Hindi ka namin pinalaking matigas ang ulo ng daddy mo. Kaya sumunod ka na lang sa sinasabi ko. Wala na tayong ibang magagawa kundi ang umalis na sa bahay na ito,” malamig na sabi ni Rowena saka ito bumaling ng tingin sa isang lalaking naroon. “Pakilabas ang mga gamit ni Athena sa kwarto niya.”Agad namang sumunod ang lalaki sa utos na iyon ni Rowena. At ilang saglit lang ay luma
“M-Mr. Cervantes, ano pong ginagawa niyo rito?” gulat na tanong ni Egon sa lalaking nasa harapan nila.Natatandaan ni Athena kung sino ang lalaki. Ito ang lalaking nabangga niya noong isang gabing nagtungo siya sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Egon upang hanapin ito roon. Ito ang lalaking natapunan ng iced coffee sa damit nang dahil sa kanya.Napansin ni Athena na hindi nag-iisa ang lalaki sapagkat sa likuran nito ay may dalawang lalaki pa na tila alalay nito.Hindi sumagot ang lalaki sa tanong ni Egon at sa halip ay dumapo lamang ang mga tingin nito sa kanya. “Ms. Athena Ferrer?” tanong nito sa kanya.“Yes? Ako nga.”Magsasalita pa lamang sana ulit ang lalaki nang bigla namang dumating ang kanyang madrasta, kasama ang ilang mga negosyanteng katrabaho ng kanyang yumaong ama.“Mr. Euwenn Cervantes! Narito ka na pala,” masayang bati ng kanyang madrasta sa lalaki. May pagtatanong naman itong binalingan ng tingin ng lalaki. “Ako si Mrs. Ferrer. Asawa ng yumaong si Oliver Ferrer,”
Mainam na pinagmamasdan lamang ni Athena ang malaking larawan ng kanyang ama na nasa harapan niya. Hindi niya alam kung ilang oras na ba siyang nakatitig dito dahil para sa kanya ay tila hindi na umuusad ang bawat oras sa kanya mula nang iwanan siya nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lubusang makapaniwala at paulit-ulit niyang hinihiling sa Diyos na sana ay isang masamang panaginip na lamang ang lahat ng ito.Maagang namatay ang ina ni Athena dahil sa isang malubhang karamdaman. At sa paglipas ng sampung taon ay muling nakahanap ng bagong pag-ibig ang kanyang ama, sa katauhan ni Rowena.Pinakasalan ng kanyang ama si Rowena at mainit niya namang tinanggap ang babae, maging ang anak nito na si Tierney. Minahal niya ang madrasta at ang anak nito. Itinuring niyang parang tunay na ina si Rowena at parang tunay na kapatid si Tierney. Ngunit sa loob ng anim na taon, ay ramdam niya na hindi siya lubusang tanggap ng dalawa. Na para bang ang kanyang ama lamang ang minahal ng mga ito a
Paulit-ulit na sinusubukang tawagan ni Athena ang kanyang nobyo sa cellphone nito ngunit hindi niya ito ma-contact. Ilang minuto na siyang nakatayo sa labas ng pinagtatrabahuhang automobile shop at patuloy na kino-contact ang nobyo nito. May usapan kasi silang dalawa na susunduin siya ngayon ng lalaki pagkatapos niya sa kanyang trabaho, at pagkatapos ay sabay na magdi-dinner, dahil ikalawang anibersayo na nila bilang magkarelasyon.“Oh, Athena, nandito ka pa pala. Akala ko nakauwi ka na,” maya-maya pa ay lapit ni Morgan kay Athena saka ito bahagyang nagpalinga-linga sa paligid. “Nasaan na si Egon?” tanong pa nito kay Athena. Matalik na magkaibigan sina Athena at Morgan na parehong nagtatrabaho sa isang automobile shop.“Huh? Uhm… wala pa nga siya eh,” marahang tugon naman ni Athena kay Morgan kasabay ng dismayadong pagsuko niya sa pagtawag sa nobyo sa telepono nito.“Huh? Eh nasaan na raw siya?”“Iyon na nga eh. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi kasi siya sumasagot kaya… hi







