LOGINBumilis ang tibok ng kanyang Puso na Hindi niya maintindihan. Natahimik sila pareho at nagtagpo bigla ang kanilang mga mata, yung mga titig ni clavio na ganun parin, parang walang buhay kung makatingin sa kanya.
Parang sinampal bigla si Rica sa mga naalala niya kanina, lumukob ulit ang kanyang galit kaya bigla niyang naitulak ang binata at bumalik sa kanyang kaibigan na nalilito kung ano ang nangyari sa kanya, saka siya nito naintindihan nung sinenyasan niya ito.
"Tssk, clumsy." Inis na tugon ng lalaki, kaya nag alburotong hinarap niya naman ang binata saka ito dinuro duro.
"Ih kung ikaw kaya ang ingudngod ko dito, bushit ka!" Kahit nahihilo pa syay dinuro niya ito kaya mabilis naman siyang sinita ni Diane.
"Stop it, You making a scene here besh. Lets go home ok?" Pilit naman siyang inaawat para hindi na magka iskandalo.
"Clavio, let's go. Just ignore them. Were wasting our time here." Pareho naman silang napalingon sa babaeng bigla namang nagsalita sa gilid ng lalaki, pinasadahan nila ito ng tingin.
Maganda, makinis ang balat at parang may lahing amerikana dahil sa slang nitong magsalita.
"Oh sorry my bad darling, this must be your. . . Friend?" Binawi agad nito ang naunang pahayag saka pinalitan ng tanong na may halong pambibwesit para sa kanyang tinga.
"Not my business, lets go." Lumawak naman ang ngiting naka paskil sa mga labi nito, halatang nasisiyahan siya sa naging sagot ng lalaki.
Yumuko si Rica at ramdam ang pahiwatig ng insultong pinakita sa kanya, Hindi pa nga sila kasal pero nambabae na. At di niya hahayaang mag tagal siya sa puder ng binatang Yun. Dahil para sa kanya importante ang makalaya siya, tawagin man siyang selfish pero sa kanyang nasaksihan ngayon.
Nangingibabaw ang pag-asang may matibay siyang rason kung bakit Hindi sila pwedeng magkasama.
Walang salitang lumabas sa kanyang labi, alam niyang lasing siya, nahihilo, subalit malinaw pa rin sa kanya ang titig ng binata. 'Walang paki ang binata sa kanya,'
Wala siyang mabasa ron, lahat wala, tiningnan lang siya ni clavio na parang Isang babaeng walang silbi. Malamig at walang emosyon.
Tinanaw nila pareho ang pigurang papalayo, agad namang sumunod ang babae kanina, pa kembot kembot ang balakang nakabuntot.
Hinatid ni Diane si Rica sa kanilang mansyon, walang imikan at kapwa malalim ang mga iniisip. Inalalayan parin niya ang kanyang kaibigan dahil lango pa ito sa alak.
nang makapasok sila ay ama agad ng dalaga ang bumungad sa gitna ng malawak na sala, nakatayo ito, mahigpit ang hawak sa kanyang baston, at ang mga mata'y parang apoy na nag-aalab sa galit.
Nabahala naman agad ang kaibigan, kaya kinalabit niya sa tagiliran si Rica. "Besh, mukang kilangan niyo mag-usap muna ng ama mo. Maiwan muna kita Dito," tumango siya ng itoy nagpaalam na sa kanya.
Hindi pa man nakakasampung hakbang ay sinalubong siya ng isang malakas na sampal, umalingawngaw ang tunog nito sa kanyang pisngi. Sapat na para marinig sa bawat sulok ng mansyon, nakita niya pang dumungaw Mula sa kusina nila ang Yaya. Alam niyang nag alala ito sa kanya ngunit wala din naman Itong magawa dahil pag nakialam rin sya, paniguradong sa kangkungan ang bagsak niya.
Napasinghap si Rica ng maramdamang namamanhid ang kanyang pisngi. Natigilan siya at tila nagbalik siya sa kanyang katinuan.
"Rica Skye ordiza!" Pasigaw at mabigat ang boses nito, kumpara nung kanina. "You have truly shamed this family." Nanginginig ang kamay ng dalagang hinahaplos ang pisngi niyang namumula.
"I- its not what you think, Dad."
"Not what I think?" Putol ng kanyang ama, mariin na binibigkas ang bawat salita. "Do you even realize what the Del Rios will think after tonight? After what you've done?
Hindi makatingin ang dalaga, pero kanyang saloobin ay para siyang nagtagumpay. Nagbubunyi siya na baka ito na ang susi para hindi matuloy ang kanilang naturang kasunduan.
Nagpapanggap siyang humihikbi, "please, daddy. Let me explain, I don't want to intend to!" Pagsumamo niya kunyari sa Don.
"You have done enough damage, Rica. You were raised with everything... Power, respect and privilege and yet, you throw it all away because of your personal feelings and pride."
At ngayon, pati pala sarili niyang ama ay ang tingin sa kanya ay isa ring pagkakamali.
Taas noo niyang tinitigan ang kanyang ama, "Dad, Im not a child anymore, you cant just decide everything for me."
Natahimik si Don Emilio sa loob ng ilang segundo. Pagkatapos ay marahan na humakbang palapit sa kanya. "Antayin mo kung ano ang maging desisyon nila, pag umatras, Malaya ka at wala na akong magagawa kung ano ang gusto mong mangyari, at kung hindi. Alam mo na kung San ang bagsak mo anak! That's our deal between father and daughter. Got it?"
"Deal. . ."
Nagbunyi ang kaluluwa ni Rica, Hindi siya makapaniwala na Yun ang sinabi ng kanyang ama.
"You will stay in this house until I say, otherwise," dagdag pa nito, "no parties, no friends. No one leaves or enters unless I permit." Nanlaki bigla ang kanyang mga mata, Hindi siya makapaniwalang napapatitig kay Don Emilio. Masaya na sana siya kaso parang priso naman na nakakulong sa mansyon.
"Are you grounding me" nagtaas ng kilay ang dalaga, pero halata namang Hindi na masyadong mabigat ang kanyang iniisip dahil may pagpalian na siya.
"This is not grounding, this is a lesson."
Nakatingin lamang siya sa likuran ng kanyang amang papalayo, magkahalo ang iniisip niya sa ngayon, may saya at takot, halo halong emosyon.
Tiningnan niya ang labas na san ay tanaw ang ilaw ng ibang kabahayan. sa kanyang isip ay iisa lang ang salitang pumasok. 'If the world wants to break me. . . I'll make sure I break it first.'
Saglit siyang napatigil. Akala niya bay umalis na ang kanyang kaibigan? Narinig niya kasi sa labas ang pagkabuhay ng sasakyan at pinaharurot palabas.
Ipinagsa walang bahala na lamang niya, pagod din siya at kailangan ng pahinga, napaunat siya ng kanyang katawan na animoy maghapong napagod sa trabaho.
Pumanhik siya sa kanyang naturang kwarto, sinalubong siya ng pamilyar na amoy ng lavender perfume at ang malamig na liwanag ng kulay blue sa kanyang queen sized bed.
Walang pag dalawang isip, dumapa siya rito, parang batang pagod na pagod buong mag-hapon.
Nung gabing yun walang maisip na ibang paraan si Rica kundi ang sumunod nalang muna kung ano ang maging takbo sa kanilang Engagement.Sa kabilang panig naman, sa kompanya ng binata na isang pagmamay-ari niya ang 50 storey building glass skyscraper na nakatayo sa business district. Ang pinaka tuktok nito naroon ang executive floor, kung saan matatagpuan ang opisina ni Clavio, ang buong silid ay may floor to ceiling glass walls. Halatang advance materials ang pinang gamit nito para mas matibay at moderno, masyado itong overlooking sa labas ng entire City.Tahimik naman ang buong opisina maliban sa malakas na tunog ng isang basong tumama sa sahig.‘Crash!’ Bumagsak ang crystal na baso na whisky, sabay talsik ng inumin sa mamahaling carpet. Ang mga empleyado sa labas ay napatingin sa kanyang opisina, pero ni isa ay walang naglakas loob na kumatok upang usisain kung anong nangyari sa kanilang amo. Alam na alam nila kung anong klaseng halimaw ang binata kapag ito’y wala sa sarili, Nananakit
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang diwa sa hindi kapaniwalang salita na binitawan ng binata sa kanya. "What?" Ulit niya pa rito, siniguro niyang baka mali lang ang kanyang dinig."You thought this chaos would make my family back out? You failed. The agreement still stands Ms. Ordiza.""Wait-what? What's going on?" Tanong naman ni Diane, halatang gulong gulo din siya sa mga nangyari.Lumapit naman si Clavio nang bahagya, sapat na para maramdaman ng dalaga ang bigat ng bawat salitang susunod.“Next time you plan to humiliate me, make sure you're ready for the consequences.” Tumalikod na siya at pumasok sa kotse, iniwan silang dalawa sa gitna ng ulan. Tahimik naman si rica, mabigat ang kanyang dibdib. Dahan-dahan siyang tumalikod at kahit si Diane ay hindi alam kung ano ang dapat niyang sabihin sa kaibigan. Kahit nagdalawang isip ay nilakasan na lamang niya ang kanyang loob na mag tanong, “Besh, what happened back there?” ngumiti naman ang dalaga ng may lungkot sa kanyang
Mga Litrato ng Dalaga na may kasamang ibang lalaki, nakatalikod ang lalaki, tapos si Rica nama'y kuhang kuha ang mukha. "Oh my!" Mahinang naisambit niya. Nagulat lahat ang mga nanonood, may mga nasgimulang magbulungan. "May ibang lalaki?"Niloko niya pala si Señorito Clavio? Kapal!""Tapos, naturingan pa naman pala siyang fiance?"Nanginginig ang kamay niya sa inis, gusto niyang umiyak, pero pinigilan niya. Tumingin siya kay Clavio, inaasahan ang pangungutya, ngunit nakita niya sa mga mata nito ang galit. Hindi sa kanya, kundi sa kung sinong gumawa nito. Kahit nalilito siya sa pinapakitang reaksyon ng lalaki ay mas nanaig sa kanya ang pagka pahiya. Lumapit naman si Clavio sa Host, mariin ang tono na nag salita. "Shut off that fvcking thing."Tahimik ang buong silid. Pinatay na ang screen, saka nawala lahat ng ingay na parang kanina lang ay panay ang chismisan. Subalit ang mga mata ng tao ay naka tutok parin ang paningin sa dalaga. Huminga siya nang malalim, at marahang kinuha ang m
Samantala, nakatanggap naman si Don Emilio ng embitasyon galing sa kabilang panig. Galing sa Del Rio family na sinasabing kilangan nilang dumalo sa malaking pagtitipon na gaganapin para sa charity gala. Tanging buntong hinga na lamang ang pinakawalan ng matanda. Nagsimula siyang magligpit, at inayos ang mga papeles na nakakalat pa sa kanyang opisina. Bago siya lumabas, inutusan pa niyang asikasuhin ang mga natitirang dokumento na kilangan pang tapusin bago ang naturang deadline ng pasahan. Nababadtrip naman ang dalaga habang inaantay niya ang kanyang mga magulang na lumabas sa kanilang pintuan. Ang gabing ito ay espisyal raw para sa kanila. Dahil sa gaganaping malaking pagtitipon ng mga Del Rio. Nang maka labas na ang mga ito ay saka pa siya napag pasyahang pumasok. Tahimik ang kanilang buong byahe, Si Mang Tonyo namay panay ang patugtog ng mga paborito niyang kanta. si mang Tonyo at si Nena na katulong nila ay mag-asawa. Matagal na ang nga ito na nanilbihan sa kanilang pamilya
Napakuyom ang dalaga sa kanyang kamao. Parang gusto na niyang tirisin ng buhay ang lalaki kung magkaharap lang sana sila ngayon. "You think you can scare me, Clavio? You have no Idea who you're dealing with."Ngunit nang subukan niyang mag post ulit ng panibagong expose, hindi na gumagana ang account. Suspended lahat ng kanyang back-up ay deleted. Meanwhile, Clavio in his study. Nakaupo siya sa leather chair, hawak ang wine. Sa screen naka display ang system log. @TheUntoldTruthPH was access revoked and account disabled. Tahimik siyang napangit. "You started this Ms. Ordiza. I'm just finishing it."Pumihit siya sa assistant niya. "Make sure her name trends again tomorrow, this time, for despiration.""Yes, sir."Tahimik na tinungga ni Clavio ang alak. Sa ilalim ng kanyang malalamig na titig, may kakaibang ningning. Hindi lang galit, kundi parang nasimulan ng lamunin ng kuryosidad ang kanyang katawan. Parang hinahatak siya sa mga kagagahang pinaggagawa ni Rica. Para sa kanya, parang
Dalawang araw ng nakalipas simula nang sumabog ang scandal sa social media, na hanggang ngayon ay hindi parin humuhupa ang issue tungkol don. Ang pangalang Clavio Del Rio ay parang apoy na sinusunog sa bawat tweet, binabato ito ng mga 'truth thread' at memes. Pero sa loob ng kanyang penthouse sa taguig, si Clavio ay kalmado. Tahimik siyang naka upo sa harap ng kanyang computer, suot ang puting dress shirt na naka bukas ang unang dalawang butones, kita pa ang mga naghihinutok nitong six-pack abs, hindi naman siya sa nagmamayabang dun pero likas siya na andyan na sa kanilang genes ang pagiging magandang nilalang. Sa tabi naman niya'y nag titimpla ng kape si Hugo, ang kanyang assistant. Palagi silang magkasama lalo na kung badtrip siya doon sa kanyang kompanya, wala namang nag leak na information oh chismisan na naganap sa kanyang sariling negosyo dahil kung pag nagka taon.Kahit pa tanggalin niya lahat ng empleyado niya ay wala siyang paki, pag oras ng trabaho yun ang kanilang atupagi


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




