LOGINKahit basa ang kanyang katawan dulot sa malakas na ulan sa labas ay hindi niya ininda ang sobrang ginawa na humahampas sa kanyang mga braso.
Pumasok siya ng tuluyang sa Club mirage, na Hindi niya naman alam kung sino ang nagmamay-ari ng club na ito, basta ang nasa isip niya ngayon ay magpaka lolong siya sa alak. Hindi matanggap ng sistema niya ang kaganapang nangyari sa kanya kanina.
Ang bawat tugtog ng musika at ilaw na nakakahilo saka sigawan ng mga mananayaw sa gitna ng dance floor ay nagbigay lakas loob niyang ilantad ang pagkatao niya kahit panandalian lang.
Umupo siya sa bar counter, at umorder ng tequila, tahimik niyang tinutungga ang nakakalasing na inumin. Ang mga ilaw na nanggaling sa neon sign ay tumatama sa kanyang mukha, pinapatingkad ang lungkot sa kanyang mga mata. Kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinitipa siya doon.
Pinadalhan niya ng mensahi ang matalik niyang kaibigan na si Diane, matagal na niyang kasama ito simula nung first year college pa lamang sila, siya na ang naging karamay at para naring Kapatid ang turingan nila s isat-isa.
'Nandito ako sa club mirage. Kailangan ko lang ng hangin at alak.'
Napahinto siya sandali nang mapansing may ilang pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya. Ilang lalaki sa kabilang mesa ang palihim na sumusulyap, may halong paghanga at kuryusidad. Isa sa kanila ay naka-itim na leather jacket, bahagyang ngumiti habang itinataas ang baso sa kanyang direksyon.
Hindi na niya ito pinansin. Ibinaba niya ang cellphone sa mesa at muling uminom ng alak. Hindi siya nandito para makipagkilala. Nandito siya para kalimutan muna ang problema.
Naiinip na siyang nag antay kay dayan, at malakas nadin ang tama ng alak sa kanyang katawan. Kaya nakapag desisyon muna siyang papanhik sandali para makapag jingle.
Kahit nahihilo ay pilit niyang hinagilap ang kanyang daan patungo sa comfort room. Pasuray suray siyang naglakad at kinakapa ang bawat sign na naka paskil sa pintuan.
Pinihit niya ang isa sa mga pintuang Akala niya ay isang comfort room, may humilang mga kamay na minadali siyang ipasok sa loob. Gusto niyang sumigaw pero siya siya maka kibo, tinakpan ng mahigpit ang kanyang mga bibig upang Hindi makagawa ng ingay.
Nagpumiglas siya subalit wala siyang lakas upang itulak ang sino mang lalaki na humablot sa kanya. Magkadikit ang kanilang mga katawan, at amoy na amoy ng dalaga ang nakakaadik na amoy ng lalaki.
"Huwag Kang maingay, kung gusto mo pang sinagan ng sikat ng araw." Gulat siyang napahinto, maya maya pay may mga yabag na nagmamadali na para bang may hinahanap.
"Hanapin niyo ang babae, dali!" May mga lalaking nagkagulo sa labas kaya kahit madilim ay kumapit ang mga kamay ni Rica sa estrangherong katapat niya.
"Thank you," bulong ng dalaga sa lalaking nasa kanyang harapan na kahit anino ay wala naman siyang nakikita, pero alam niya sa kanyang pakiramdam na ligtas siya sa mga kamay nito. Kaya lang ay may kapilyuhan siyang naisip, gawa ng lango nadin siya sa alak ay mapangahas niyang hinalikan ang lalaki.
Pareho silang nahinto, nung una Hindi naman tumugon ang lalaki, Hanggang sa. lumalim ang kanilang halikan na parang sabik na sabik sa isat-isa. Mas lalo pang diniinan ni Rica ang kanyang sarili sa binata at wala na siyang pakialam kung bibigay man siya ngayon, gusto niyang galitin ang kanyang ama lalo na pag malaman nito na binigay niya ang kanyang sarili sa lalaking walang pagkilanlan.
Patuloy ang kanilang halikan na kulang nalang ay maubusan ng hangin, sandaling huminto ang binata at bahagyang inilayo ang kanyang mukha, pareho silang nahinto sa kanilang ginagawa.
"Shit," napamura bigla ang lalaki at parang frustrated na nagpipigil sa sarili.
At sa huling pagkakataoy mabilis siyang ginawaran ng halik ng lalaki saka nagmamadaling umalis, lagabog nalang ng pinto ang narinig ni Rica, hinawakan niya ang kanyang labi. Parang ayaw niya pang maniwala na muntikang niyang ibigay ang kanyang sarili sa lalaking hindi niya kakilala.
Mabilis siyang nag ayos sa kanyang sarili saka dahan dahang lumabas sa pinto, pinagmasdan ang labas kung nandyan pa ba ang mga taong naghahanap sa kanya kanina.
Bumalik siya sa counter at agad na nagbayad sa alak, sa gitna ng malakas na tugtugin ay siya rin namang pagdating ni Daine, napalingon ang dalaga nang marinig ang pamilyar na tinig na tumatawag sa kanya sa bungad ng bar.
Samantala, halos mabaliw naman si Daine sa kakasipat sa paligid kung San niya hanapin ang pwesto ng kaibigan. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay agad na sinalubong niya si Rica, at bakas ang pag-alala nito sa kanya.
"Oh my god, besh, what the hell are you doing here?!" Gulat Itong dumalo sa kanyang pwesto saka niya inamoy ang hininga ng dalaga.
"Chill ka lang, okay? I just needed a break. Hindi ko naman sinabing nagwawala ako dito haha." Hilaw na tawag ng dalaga tungo sa kanyang kaibigan.
"Break? Girl, this is not a spa, this is a freaking club! Alam mo bang halos himatayin si Tito kanina nung nalaman niyang andito ka?!"
Umupo ang babae sa tabi ni Rica saka palinga linga sa paligid na parang may hinahanap. Nawala sa kanya ang atensyon nito kaya kinalabit niya.
"Besh, may hinahanap kaba? Oh baka naman may ikakatagpo ka namang date Jan baka madamay pa ako sa kalukuhan mo,"
Natawa naman ito sa kanyang sinabi, saka marahan siyang hinampas swa braso.
"Haha, Gaga may hinahanap lang ako na gwapings baka sakali na maka bingwit ako diba?" Tugon pa nito sa kanya. "Okay enough with the chitchat, umuwi na tayo ng sa ganun ay makapag pahinga kana. You're drunk ms.rica,"
Inakay naman ni Diane ang dalagang pasuray suray parin sa bawat pag hakbang, amoy alak ang paligid, at ang mga ilaw sa neon sign ay kumikislap sa basang kalsada. 'Tumila na pala ang ulan' tanging naibulong niya.
Nahirapan silang pareho dahil sa bigat narin ng katawan niya, kaya nawalan ng balansi si Diane at napabitaw sila pareho.
Tuluyan sanang masubsob ang magandang mukha ni Rica kung walang mga bisig ang sumalo sa kanya, tumingala siya, pero ang dapat na pagpapasalamat niya'y umurong bigla nung nakita ng kanyang dalawang mga mata kung sino ang kanyang kaharap.
Buong lakas na itinulak ni Rica si Clavio pero hindi man lang ito napaatras. Para bang pader ang kanyang sinubukang itulak na hindi naman natibag. At ang tanging naging epekto lang ng ginawa niya'y imbes na lubayan siya ng binata mas lalo lamang syang ininis jnito, sumilay ang konting ngiti sa mga labi ng lalaki. Ngiting mapang insulto at parang sinasabi niyang alam niya kung gaano kahina ang dalaga na kaharap niya ngayon."Don't be playing hard to get Ms. Ordiza. I know you very well."Sabi ng binata sa kanya pero sa mababa lamang na boses para walang ibang makarinig sa kanilang pag-aaway, bawat salita ng lalaki ay parang karayum na milyon milyong tumutusok sa kanyang dibdib. Bumalik lahat sa kanyang isipan simula nung mag tagpo ang kanilang mga landas sa kanilang mansyon, hanggang doon sa mirrage club na kung saan ay nakita niya ang binatang may ibang kasama na babae. pinagmukha siyang tanga, at alam na alam niya ang pakikitungo sa kanya ng lalaki. At yun ang hindi niya matanggap.
Hindi na muling lumingon si Rica. Sa isip niya, sapat na ang ilang minuto para makahanap ng kusina. ilang hakbang lang siguro ang layo nito sa grand hall. Ngunit habang patuloy siyang naglalakad sa malawak na pasilyo ng Villa, unti-unti niyang napagtantong mali pala ang kanyang naging akala. Mas malaki pala ang lugar kaysa sa kanyang inaasahan kanina. Ang bawat hallway ay halos magkapareho ng disenyo at parehong may mga mamahaling pulang carpet na nakalatag sa bawat sahig, may ilang paintings rin siyang nakita na nakasabit sa bawat gilid ng dingding, katabi sa matatayog na mga bintanang natatakpan ng makakapal na kurtinang kulay ginto. Pinagmasdan din niya ang bawat pintong nakikita niya sa kanyang mga mata. hindi siya makapaniwalang ganito ang sasapitin niya sa simpleng paghahanap ng isang basong tubig. Nagpapadyak siya sa kaniyang dawalang mga paa. 'Lintek talaga! kasalanan talaga to ni Diane kung ba't naligaw ako.' Inis na bulong ng dalaga sa kanyang sarili habang hinihi
Mas lalo namang naging abala ang mga bawat panauhin sa loob ng Villa na pagmamay ari ng binata, ang mga nakaraang mga bulungan at mga pagdududa ng mga tao ay parang bulang napalitan agad ng kasiyahan. Mga pagbati na parang hindi na matapos tapos at may mga kasamang ngiti na ipinapakita sa kanilang labi kahit ang iba ay halata namang napipilitan lang ang mga ito, ayaw naman nilang sila ang mawalan ng Importanteng panauhin sa kanilang negosyo kaya kahit pilit lang at mapagkunwari ang kanilang mga ipinapakita ay okay nalang din kisa mawala lahat ang kanilang pinaghirapan na parang bula. Tahimik lamang si Rica na nakatayo katabi si Daine, pinagmamasdan nila pareho ang mga taong napapadaan sa kanilang harapan. Pilit niyang sinasabayan ang pormal na usapan sa kanilang paligid. Ngumingiti siya kapag kinakailangan, may mga iilan parin kasing bumabati sa kanya kaya wala siyang magawa kahit pakiramdam niya'y nangangalay na ang kanyang mga panga saka kakangiti ng bawat taong napapadaan sa k
Bahagyang ibinaba ni Clavio ang mikropono habang dahan dahan niyang pinagpamasdan ang bawat panauhing naroon. Nanatiling tahimik ang buong bulwagan, walang sinuman ang nagtangkang magsalita. Ang mga tunog ng kubyertos at baso ay tila sabay-sabay na nawala, maging ang mga waiter ay kusang napahinto sa kanilang paglalakad. Pakiramdam ng dalaga'y biglang bumigat ang sa hangin sa buong silid, Hindi siya nilulubayan ng matinding kaba na lumokob sa kanyang kalamnan. tahimik na ibinalik ni Clavio ang mikropono sa kanyang labi. "Some of you have already heard the rumors." Huminto siya saglit. "Some believed them." "Some Questioned them." Hindi niya kailangang banggitin kung anong tsismis ang kanyang tinutukoy. Dahil alam ng binata na alam nilang lahat, ang mga pekeng larawang lumabas sa Charity Gala. Ang eskandalong muntik nang makawasak sa repustasyon ng dalawang pamilya. Muling nilibot ng binata ang kanyang mga tingin sa buong bulwagan, may iba na hindi maka tingin ng deritso sa kan
Marahan siyang naglakad paakyat sa malapad na hagdanan ng Villa. Naririnig niya ang mahinang p-agtunog ng kanyang takong sa marmol na sahig habang ang malamig na simoy ng hangin ay bahagyang nagpapagalaw sa laylayan ng kanyang suot na gown.Sa magkabilang gilid naman ng entrance ay nakahilera ang ilang tauhan ng Del Rio. Pormal ang kanilang kasuotan at halos hindi gumagalaw ang mga ito, na para bang sinanay na huwag magpakita ng kahit na among emosyon sa kanilang mga mukha.hindi maiwasang mapatingin si Rica sa kanyang paligid.Mas lalo niyang napagtanto kung gaano kalaki ang agwat ng kapangyarihan ng dalawang pamilya. Ang mismong Villa ay tila isang pribadong bulwagan. napakataas ng kisame ng pangunahing palapag. habang nakasabit sa gitna nito ang isang napakalaking crystal chandelier na kumikislap sa bawat tama ng mga ilaw. sa magkabilang dingding namay merong naka displey na mga lumang paintings ng mga pamilya ng Del Rio, kasama ang mga larawan ng kanilang mga ninuno na tila tahimi
Nung gabing yun walang maisip na ibang paraan si Rica kundi ang sumunod nalang muna kung ano ang maging takbo sa kanilang Engagement. Sa kabilang panig naman, sa kompanya ng binata na isang pagmamay-ari niya ang 50 storey building glass skyscraper na nakatayo sa business district. Ang pinaka tuktok nito naroon ang executive floor, kung saan matatagpuan ang opisina ni Clavio, ang buong silid ay may floor to ceiling glass walls. Halatang advance materials ang pinang gamit nito para mas matibay at moderno, masyado itong overlooking sa labas ng entire City. Tahimik naman ang buong opisina maliban sa malakas na tunog ng isang basong tumama sa sahig. ‘Crash!’ Bumagsak ang crystal na baso na whisky, sabay talsik ng inumin sa mamahaling carpet. Ang mga empleyado sa labas ay napatingin sa kanyang opisina, pero ni isa ay walang naglakas loob na kumatok upang usisain kung anong nangyari sa kanilang amo. Alam na alam nila kung anong klaseng halimaw ang binata kapag ito’y wala sa sarili, Nana
Dalawang araw ng nakalipas simula nang sumabog ang scandal sa social media, na hanggang ngayon ay hindi parin humuhupa ang issue tungkol don. Ang pangalang Clavio Del Rio ay parang apoy na sinusunog sa bawat tweet, binabato ito ng mga 'truth thread' at memes. Pero sa loob ng kanyang penthouse sa t
Pumanhik ang dalaga tungo sa kanyang kwarto, tahimik lamang ang buong mansyon, sa bawat sulok ng kwarto ay naroon ang malamig na simoy ng hangin, tila ba ipinapaalala kay Rica kung gaano siya kabilanggong nakakulong sa sarili nilang tahanan. Nakahiga siya sa kanyang kama, nakatiingala sa kisame, ng
Sa gabing Yun, malinaw sa lahat na hindi bastang binata si Clavio, mahirap tumbahin ang lalaking may paninindigan at prinsipyo.Ang dalaga namay ang dati niyang tapang ay biglang napalitan ng kaba at pangamba para sa sarili niya.Na para bang unti-unting lumulubog ang kanyang dibdib sa sobrang pang
PROLOGOAng buong silid ay amoy mamahaling alak at bagong imprenta ng papel- Isang amoy na karaniwang naaamoy ni Rica Skye Ordiza tuwing may pagpupulong ang kanyang ama.Ngunit ngayong gabi, Hindi lang negosyo ang pinag-usapan, kundi ang kapalaran niya.Sa gitna ng mahabang mesa, nakaupo ang dalawa







