Share

Kabanata 129

Author: Ensi
last update Huling Na-update: 2025-07-14 20:48:16

Matapos ang sayaw, pinili kong lumayo muna sa gitna ng ballroom. Sa bawat hakbang ko, ramdam ko pa rin ang mga matang sumusunod sa akin, si Raze, si Kael, pati si Ylona. Pero kailangan ko munang huminga. Pakiramdam ko ubos na ubos na ako. Para na akong nasasakal.

Hindi ganito ang mundong gusto kong galawan. Hindi ko gustong makipagsocialize sa mga mayayaman pero pinili ko pa rin. Ginusto ko d-dahil... kahit itanggi ko, alam ko sa sarili kong siya ang dahilan bakit nandito ako.

All I want is a simple life in province, kasama siya at ng anak namin.

Pero ito, sumubok pa rin ako kahit alam kong ikawawasak ko. Mahirap ang mundong ginagalawan niya pero eto ako, nakikisumiksik dahil sa kanya.

It wasn't the job anymore. It was my heart. Ang tanga-tanga ko lang sa part na kahit nasasaktan na ako, kahit wasak na wasak na ako, nandito pa rin ako. Pinagpipilitan ko pa rin ang sarili ko.

Minsan, naiisip ko, may ilalaban pa ba ako? Kaya ko pa ba siyang ilaban kung kaya't parang ako na lan
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hazle
𝐠𝐚𝐧𝐲𝐚𝐧 𝐥𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐤𝐚 𝐥𝐲𝐥𝐢𝐞 𝐡𝐰𝐚𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐚𝐩𝐢𝐤𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐠𝐠𝐫𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐛𝐚𝐞𝐧𝐠 𝐲𝐚𝐧 𝐚𝐤𝐚𝐥𝐚 𝐦𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐨 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐩𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐬𝐢𝐲𝐚...𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐬 𝐮𝐠𝐚𝐥𝐢 𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 plastik
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 136

    Bandang hapon, hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ni Raze. Kahit anong pilit ko, bumabalik pa rin sa isip ko ‘yung yakap, mga tingin niya, ‘yung bigat ng katahimikan niya habang nasa loob sila kanina. Matapos kong makipag-video call sa probinsya, kumain ako at ngayon, nakahilata na sa sofa. Nakapikit na lang ako, yakap ang throw pillow, hanggang sa hindi ko na namalayan kung kailan ako nakatulog. Pero pagsapit ng gabi, bigla akong nagising. Mabigat ang pakiramdam ko. Mainit ang katawan. Parang ang hirap gumalaw. Umupo ako nang dahan-dahan at sinapo ang noo ko. “Shiît…” mahina kong bulong. Ang init ko na. Napatingin ako sa paligid. Ang dilim na. Wala man lang akong nabuksang ilaw kanina. Nagmukha tuloy horror ang sala. Pakiramdam ko, mas lalo akong nanghihina habang lumilipas ang oras. Wala na akong lakas para bumangon man lang. Maya-maya, sumandal ako sa gilid ng sofa, nag-iisip kung tatawag ba ako ng tulong. Pero sino pa bang lalapitan ko? Napabuntong-hininga ak

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 135

    Tahimik ang buong paligid matapos kong isara ang gate. Akala ko, tapos na. Akala ko, aalis na sila. Pero ilang minuto pa lang ang lumipas, biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Mabigat man ang loob, kinuha ko ang telepono. Si Razen ang sender. Razen: We’re still here outside. Hindi kami aalis hangga’t hindi namin nasisiguro na ayos ka lang. Kahit ngayon lang, Lyl. Just ignore Raze. Feign ignorance. Napasinghap ako at napahawak sa dibdib. Bakit ba kasi ang kulit nila? Pero may parte rin sa akin na parang kinakalabit ng konsensya. Makalipas ang ilang sandali, sumilip ako sa gate. At totoo nga, nandoon pa rin sila. Si Razen, si Nicole, at si Raze, lahat nakatayo sa labas. Si Nicole, hawak pa rin ‘yung paper bag ng gamot. Si Razen, naka-cross arms. At si Raze, katulad ng dati, nakaupo lang, nakasilong sa lilim ng kotse, pero ramdam ko ang presensya niya. Napakagat labi ako. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang may kasalanan o sila. Pero... wala naman sigurong masama kung papas

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 134

    Maaga akong nagising kinabukasan, pero sa totoo lang, parang hindi rin ako nakatulog o nakapagpahinga. Buong gabi, paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang nangyari kahapon, ang sugat sa pisngi ko, ang tingin ni Raze, ang boses ni Ylona. Para bang wala na akong ibang maramdaman kundi pagod, at pinipilit na lang i-ahon ang sarili sa pagkalunod sa sakit. Pagpasok ko sa banyo, nakita ko sa salamin ang maliit na bandaid sa pisngi ko. Nagmumukha lang siyang maliit na gasgas pero alam ko, mas malala ang nararamdaman ko sa loob kaysa sa nakikita sa labas. Ang bigat pa rin sa pakiramdam. Hirap pa rin akong makahinga. Kailan ba matatapos ang paghihirap na 'to? Wala akong balak pumasok sa kumpanya ngayong araw. Wala akong energy makipagharap sa mga tao, lalo na sa kanila—mga royalty, si Raze, Kael at Ylona. Huwag mo na ngayon. Kaya nagtext na lang ako kay Kevin. "Kevin, absent muna ako ngayon." Text ko sa kanya. Agad siyang nagreply. "Naiintindihan ko. Magpahinga ka, Lia. You deserve i

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 133

    Pagod na pagod na ako mula sa pabalik-balik na utos ni Raze kaya ito sumalampak ako sa counter at pinikit ang mga mata at pinagdaop ang palad na hindi ko na halos maramdaman. Akala ko makakapagpahinga na ako pero narinig kong may tumawag na naman sa akin. This time bodyguard na naman. Hindi ko alam kung kaninong bodyguard pero tingin ko si Ylona. "The princess is requesting you to see her, miss," wika ng bodyguard. Napatingin sa akin si Kevin at Titus na halatang malungkot para sa akin. Parehong nag-aalangan kung pipigilan ba nila ako o hahayaan na lang. Pero wala na akong lakas para tumanggi. Tumango na lang ako, pilit na kinaladkad ang katawan ko para sumunod. Habang naglalakad papunta sa opisina ni Ylona, nararamdaman ko ang hapdi ng talampakan ko mula sa katagalang pagtayo at paglalakad. Parang naglalakad ako sa ulap, wala nang pakiramdam ang katawan ko, puro bigat at sakit na lang ang nararamdaman. Pagdating ko sa harap ng opisina, marahan akong kumatok. Ilang segundo ang lu

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 132

    Kinabukasan, maaga pa lang ay balik trabaho na ako sa royal kitchen. Tahimik ang paligid pero ramdam ang bigat ng tensyon. Akala ko matapos ang gabing iyon, makakahinga na ako kahit paano, pero mas lalo pa palang magiging mahirap ang lahat. Isang oras pa lang ako sa pagbe-bake ng prototype wedding cakes nang biglang dumating si Kevin, dala ang utos mula sa executive office. “Chef Lia, Prince Raze wants you to deliver the first cake sample now.” Napapitlag ako. “Ngayon agad?” “Yes,” sagot ni Kevin sa malamig ang tono. “He said it’s urgent.” Wala akong nagawa kundi ihanda agad ang tray ng cake at pumunta sa opisina ni Raze. Muli, mabagal ang lakad ko sa hallway, dala ang tray na parang mas mabigat kaysa dati. Pagpasok ko sa opisina niya, naroon agad si Raze, nakaupo sa likod ng mesa. Inilapag ko ang tray sa harap niya ng tahimik lang. Hindi siya nagsalita agad, pinagmasdan lang ang cake na ginawa ko. Makalipas ang ilang segundo, kinuha niya ang tinidor at tiningnan iyon na

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 131

    Habang nagpapatuloy ang hapunan sa royal table, bahagyang nag-iba ang daloy ng usapan. Mula sa magagaan na pag-uusap tungkol sa pagkain at kultura, biglang nabaling ang lahat kay Raze at Ylona. “It’s time we make an official announcement,” sambit ng hari, malamig ngunit pormal ang tono. “Prince Raze, Princess Ylona, the date of your wedding has been decided.” Napatingin ako agad kay Raze, ngunit nanatili lang siyang tahimik, tila walang narinig, walang pakialam. Si Ylona naman, agad na ngumiti, at parang mas lalong humigpit ang pagkakalapit niya kay Raze. Parang linta na ayaw bumitaw. Sumikip ang dibdib ko sa narinig at nagkunwari na lang na nakikinig kahit gustong-gusto ko nang umalis. “I’m honored, Your Majesty,” masiglang sagot ni Ylona at lumingkis pa lalo ang braso sa bisig ni Raze. “Finally, the kingdom will see our union.” Ramdam ko ang biglang paglamig ng katawan ko. Pinilit kong panatilihing steady ang hawak ko sa wine glass. Hindi ko dapat ipakita sa kanila na kahit pap

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status