muling ibalik ang tamis char HAHAHA
Tahimik ang buong paligid, ang tanging maririnig lamang ay ang mga kuliglig at tunog ng mga palaka mula sa malapit na sapa. Mag-a-alas otso na ng gabi pero eto siya, kanina pa abala sa pagtitipa sa kanyang iPad, inaayos ang design na plano niya para sa cafè. Hindi pa kasi tapos si Lira sa pagluluto kaya hinihintay niya. Nang mabagot, napagpasyahan niyang lumabas muna. Wala namang tao kaya malaya siyang makakapag-aliw-aliw. Dala ang iPad at isang flashlight, palihim siyang lumabas. Hindi na nagpaalam sa kapatid niya since busy naman ito. Gusto lang naman niyang silipin ulit ang site. Iniisip niya kung saan ang pinakamagandang lagyan ng underground cold storage at kitchen supply room. Ayaw niyang umasa lang sa plano nina Raze dahil may sarili rin siyang plano. Pero 'yong idea naman ni Raze kanina ay okay lang sa kanya. May gusto lang siyang idagdag para mas lalong gumanda ang ambiance ng cafè lalo na sa part ng bakery. Tahimik siyang naglakad sa likod ng bahay, medyo madili
Ilang linggo na ang lumipas mula noong simulang ipatayo ang cafè ni Lylia. Araw-araw silang nagkakasama sa ginawang waiting shed kung saan doon sila nag-aalmusal, nagtatanghalian, at hapunan kasama ang mga trabahador—kape, kaunting tawanan, ganyan palagi ang nangyayari. Pero kahit tila normal ang lahat, hindi pa rin maikakaila ang tensyon sa pagitan nina Raze at Lylia. Bandang hapon, habang kalmado ang paligid at papalubog na ang sikat ng araw, lumabas si Lylia mula sa bahay. Nakasuot ng shorts, top na kita ang pusod. Mas gusto niya ang ganitong suotan, mahangin at magaan sa balat. Luminga-linga muna siya kung may tao sa paligid at nang makitang wala, sumalisi siya. Napansin niyang may ilan nang poste sa gilid, may mixing area na rin, at ilang lalaki na abala sa pagbuhat at pagbubuhos. Doon din agad napako ang mata niya sa isang lalaking walang pang-itaas, tagaktak ng pawis, at kasalukuyang nagbubuhat ng sako ng buhangin. Si Raze. He looked hot as hèll! Mabilis na napailing
Kinabukasan. Naalimpungatan si Lylia dahil sa sunod-sunod na ingay mula sa labas, mga malalakas na yabag, sigawan, tawanan at tila pag-aayos ng mga gamit. Dapat ay tutuloy pa sana siya sa tulog, pero dahil sa ingay, napilitan siyang bumangon. Nakasimangot siyang dumaan sa bintana, sinisipat kung anong kaguluhan ang nangyayari. "Ang aga pa para mag-ingay," inis niyang bulong sa sarili. "Ang sarap ng tulog ko, eh. Nabitin pa." Paglabas niya ng bahay, kasabay ng pag-ipit ng kanyang buhok gamit ang malaking clip, agad siyang napatigil sa paglakad. Napanganga siya. "Ba't parang ibang klaseng pandesal ang nakikita ko ngayon?" Napakurap siya ng ilang beses at marahas na umiling. Doon mismo sa harap ng lupa na pinag-uusapan nila kahapon, nakita niya si Raze, tagaktak ang pawis sa katawan, walang pang-itaas, at kasalukuyang nagbubuhat ng sako ng semento na para bang hindi ito mabigat. Kitang-kita ang hubog ng matipuno nitong katawan, ang matigas na dibdib, ang bakat na six-pa
“Nasaan ang anak natin?” seryosong tanong ni Raze, habang nanatiling nakatitig sa mga mata ni Lylia. Bahagyang napalunok si Lylia at agad na umiwas ng tingin. “Sa Maynila.” “With Kael?” Mabilis siyang humarap kay Raze, at lukot ang noong tumitig dito. “What are you talking about? She’s with her nanny. Ba’t napasok si Kael sa usapan? We’re talking about terms here.” Raze let out a deep sigh. “Sorry. I was just curious.” “Don’t make this personal, Raze,” madiin sabi ni Lylia. “We can no longer fix—” “If you want to buy the land desparately, I’ll give you the price, five billion… in partnership with me." Napasinghap si Lylia. Tumigil ang paggalaw ng kanyang daliri sa ibabaw ng iPad. “Excuse me? Are you serious? Gawa ba sa gold ang lupa mo para taasan ng ganyan?” “Five billion,” Raze said with finality. “But not for full ownership. I want to stay in the business.” Nababaliw na yata ang lalaking 'to! Five billion tapos partner pa kami? Tumayo si Raze at humilig sa puno.
Tahimik ang paligid, maliban sa tunog ng mga kutsaritang humahalo sa tasa at ang mga mahinang huni ng kuliglig sa paligid. Pero habang busy ang iba sa paghigop ng kape at pagbibigay ng komento kung gaano kasarap ang barako, may dalawang tao sa mesa na tila nasa ibang mundo, sina Lylia at Raze. Nakahawak si Lylia sa iPad niya, pinapakita kay Raze ang ilang floor plan at photos ng potential design ng café na gusto niyang itayo. Samantalang si Raze, nakaupo lang na medyo nakasandig, tahimik na pinagmamasdan ang bawat galaw ng dating asawa. “Here, this is the spot I'm thinking of building it,” sabay turo ni Lylia sa screen. “Iyong mismong tapat ng puno ng mangga, remember that one? May shade na siya tapos visible pa from the road. I want it to feel rural but modern.” Tumango lang si Raze, pero kita sa mga mata niyang interesado siya. Hindi lang 'yon, natutuwa siyang natititigan niya sa malapitan si Lylia. Sa puntong ‘yon, napatingin na sina Lira, Love, Razen, at Nicole sa gawi n
Pagkatapos ng hapunan, nagsimula nang magligpit si Lylia ng mga pinagkainan. Tahimik niyang isinilid ang mga plato sa tray habang si Lira at Love naman ay abalang-abala sa paglabas ng mga hugasin sa gilid ng bahay. Rinig na rinig ang salpukan ng tubig at plato, pati ang tawanan ng dalawa habang nagkukuwentuhan. "Ate, kami na po dyan," wika ni Love pero umiling lang si Lylia. "Huwag na, kaya ko naman," sagot niya na ngayon ay bitbit ang ilang baso. "At saka nalinis ko naman na lahat." Sa kabilang banda, si Razen at Nicole naman ay nagkusa na magtimpla ng kape. Abala si Nicole sa pagbubukas ng instant coffee sachets habang si Razen ay naghahanda ng mainit na tubig sa maliit na kettle na electric. "Sanay na sanay kayo ah," biro ni Lira nang mapadaan ito sa kanila. "Syempre," sabay turo ni Nicole sa sarili. "Adik yata 'to sa kape. Naging tubig ko na nga." Natawa si Razen. "Kaya nga siya na ang pinagtimpla ko ng kape, baka matabangan pa kayo sa gawa ko." Habang lahat ay ma