Share

Kabanata 163

Penulis: Ensi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-01 20:30:07

Tahimik ang paligid, maliban sa tunog ng mga kutsaritang humahalo sa tasa at ang mga mahinang huni ng kuliglig sa paligid.

Pero habang busy ang iba sa paghigop ng kape at pagbibigay ng komento kung gaano kasarap ang barako, may dalawang tao sa mesa na tila nasa ibang mundo, sina Lylia at Raze.

Nakahawak si Lylia sa iPad niya, pinapakita kay Raze ang ilang floor plan at photos ng potential design ng café na gusto niyang itayo. Samantalang si Raze, nakaupo lang na medyo nakasandig, tahimik na pinagmamasdan ang bawat galaw ng dating asawa.

“Here, this is the spot I'm thinking of building it,” sabay turo ni Lylia sa screen. “Iyong mismong tapat ng puno ng mangga, remember that one? May shade na siya tapos visible pa from the road. I want it to feel rural but modern.”

Tumango lang si Raze, pero kita sa mga mata niyang interesado siya. Hindi lang 'yon, natutuwa siyang natititigan niya sa malapitan si Lylia.

Sa puntong ‘yon, napatingin na sina Lira, Love, Razen, at Nicole sa gawi n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Azthy De mapacale
sana c love at razen my story din
goodnovel comment avatar
Ensi
bukas naman HAHAHA
goodnovel comment avatar
Maricar Godezano
muling ibalik na ba ang tamis ng pag ibig nila lylia at raze?
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 165

    Kinabukasan. Naalimpungatan si Lylia dahil sa sunod-sunod na ingay mula sa labas, mga malalakas na yabag, sigawan, tawanan at tila pag-aayos ng mga gamit. Dapat ay tutuloy pa sana siya sa tulog, pero dahil sa ingay, napilitan siyang bumangon. Nakasimangot siyang dumaan sa bintana, sinisipat kung anong kaguluhan ang nangyayari. "Ang aga pa para mag-ingay," inis niyang bulong sa sarili. "Ang sarap ng tulog ko, eh. Nabitin pa." Paglabas niya ng bahay, kasabay ng pag-ipit ng kanyang buhok gamit ang malaking clip, agad siyang napatigil sa paglakad. Napanganga siya. "Ba't parang ibang klaseng pandesal ang nakikita ko ngayon?" Napakurap siya ng ilang beses at marahas na umiling. Doon mismo sa harap ng lupa na pinag-uusapan nila kahapon, nakita niya si Raze, tagaktak ang pawis sa katawan, walang pang-itaas, at kasalukuyang nagbubuhat ng sako ng semento na para bang hindi ito mabigat. Kitang-kita ang hubog ng matipuno nitong katawan, ang matigas na dibdib, ang bakat na six-pa

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 164

    “Nasaan ang anak natin?” seryosong tanong ni Raze, habang nanatiling nakatitig sa mga mata ni Lylia. Bahagyang napalunok si Lylia at agad na umiwas ng tingin. “Sa Maynila.” “With Kael?” Mabilis siyang humarap kay Raze, at lukot ang noong tumitig dito. “What are you talking about? She’s with her nanny. Ba’t napasok si Kael sa usapan? We’re talking about terms here.” Raze let out a deep sigh. “Sorry. I was just curious.” “Don’t make this personal, Raze,” madiin sabi ni Lylia. “We can no longer fix—” “If you want to buy the land desparately, I’ll give you the price, five billion… in partnership with me." Napasinghap si Lylia. Tumigil ang paggalaw ng kanyang daliri sa ibabaw ng iPad. “Excuse me? Are you serious? Gawa ba sa gold ang lupa mo para taasan ng ganyan?” “Five billion,” Raze said with finality. “But not for full ownership. I want to stay in the business.” Nababaliw na yata ang lalaking 'to! Five billion tapos partner pa kami? Tumayo si Raze at humilig sa puno.

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 163

    Tahimik ang paligid, maliban sa tunog ng mga kutsaritang humahalo sa tasa at ang mga mahinang huni ng kuliglig sa paligid. Pero habang busy ang iba sa paghigop ng kape at pagbibigay ng komento kung gaano kasarap ang barako, may dalawang tao sa mesa na tila nasa ibang mundo, sina Lylia at Raze. Nakahawak si Lylia sa iPad niya, pinapakita kay Raze ang ilang floor plan at photos ng potential design ng café na gusto niyang itayo. Samantalang si Raze, nakaupo lang na medyo nakasandig, tahimik na pinagmamasdan ang bawat galaw ng dating asawa. “Here, this is the spot I'm thinking of building it,” sabay turo ni Lylia sa screen. “Iyong mismong tapat ng puno ng mangga, remember that one? May shade na siya tapos visible pa from the road. I want it to feel rural but modern.” Tumango lang si Raze, pero kita sa mga mata niyang interesado siya. Hindi lang 'yon, natutuwa siyang natititigan niya sa malapitan si Lylia. Sa puntong ‘yon, napatingin na sina Lira, Love, Razen, at Nicole sa gawi n

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 162

    Pagkatapos ng hapunan, nagsimula nang magligpit si Lylia ng mga pinagkainan. Tahimik niyang isinilid ang mga plato sa tray habang si Lira at Love naman ay abalang-abala sa paglabas ng mga hugasin sa gilid ng bahay. Rinig na rinig ang salpukan ng tubig at plato, pati ang tawanan ng dalawa habang nagkukuwentuhan. "Ate, kami na po dyan," wika ni Love pero umiling lang si Lylia. "Huwag na, kaya ko naman," sagot niya na ngayon ay bitbit ang ilang baso. "At saka nalinis ko naman na lahat." Sa kabilang banda, si Razen at Nicole naman ay nagkusa na magtimpla ng kape. Abala si Nicole sa pagbubukas ng instant coffee sachets habang si Razen ay naghahanda ng mainit na tubig sa maliit na kettle na electric. "Sanay na sanay kayo ah," biro ni Lira nang mapadaan ito sa kanila. "Syempre," sabay turo ni Nicole sa sarili. "Adik yata 'to sa kape. Naging tubig ko na nga." Natawa si Razen. "Kaya nga siya na ang pinagtimpla ko ng kape, baka matabangan pa kayo sa gawa ko." Habang lahat ay ma

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 161

    Nahagip ng mata kong napatingin si Nicole at Razen kay Raze na hanggang ngayon ay nakatitig kay Ate Lylia. "Well, may bisita pala kayo," kaswal na sabi ni ate. "Baka pwedeng pakitulungan ako sa mga dala ko?" "Ah, oo!" sabi ko nang makabawi at nagmamadaling pinuntahan si ate saka binitbit ang mga dala niya, ganun si Love na sumunod din pala sa akin. "Akala ko bukas ka pa uuwi ate." Hilaw akong ngumiti sa kanya. "Bukas sana. Pero may kailangan din akong asikasuhin dito. Mamaya ko na sasabihin." Nagkatinginan kami ni Love at tumango na lamang. Pagpasok namin sa loob ng bahay, katahimikan ang namayani. Ilang sandali pa ay sumunod na rin sina Nicole at Razen sa amin, tahimik, at tingin ko nakaramdam din ng tensyon. Naiwan naman si Raze sa labas, nakatanaw lang sa kawalan, hawak-hawak ang sigarilyo ngunit hindi man lang sinindihan. Siguro nap-pressure na rin siya dahil nandito si ate. Kung alam ko lang na ngayon siya darating, hindi ko na sana inaya sina Kuya Kap dito. Pero may baha

  • Bilyonaryong Kapitan (SPG)   Kabanata 160

    Lira's POV Pasado alas syete ng gabi nang matapos kami sa paglilinis dito sa labas ng mansyon. Pare-pareho kaming nakaupo ngayon sa tig iisang upuan na gawa sa bakal, walang imik, pinapakiramdaman ang isa't-isa kung sino ang mauunang magsasalita. Nakakapagod man ang araw na 'to, at least nakatulong kami kay Kuya Kap, at masaya ako na nakabalik na sila dito sa amin. Habang pinupunasan ko ang pawis sa noo, napansin ko ang panakaw na tingin ni Love kay Razen. Mukhang may gusto pa yata siya sa kakambal ni Kuya Kap. Nang makapagpahinga na ako, sabay-sabay silang napatingin sa akin nang bigla akong tumayo. Napansin kong kumunot ang noo ni Love pero iningusan ko lang. Napaghahalataan, eh. Gwapong-gwapo sa katabi. "Doon na kayo maghapunan sa amin," alok ko at ngumiti. Napansin ko na parang ang lalim ng iniisip ni Raze dahil nakatanaw lang siya sa malayo. Hm, parang may idea na ako kung sino ang iniisip niya o baka ako lang 'tong assumera. "Magluluto kami ni Love," dagdag ko.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status