feel free to vote everyone if you like, salamat po 🫂🥹
Pagkatapos ng hapunan, nagsimula nang magligpit si Lylia ng mga pinagkainan. Tahimik niyang isinilid ang mga plato sa tray habang si Lira at Love naman ay abalang-abala sa paglabas ng mga hugasin sa gilid ng bahay. Rinig na rinig ang salpukan ng tubig at plato, pati ang tawanan ng dalawa habang nagkukuwentuhan. "Ate, kami na po dyan," wika ni Love pero umiling lang si Lylia. "Huwag na, kaya ko naman," sagot niya na ngayon ay bitbit ang ilang baso. "At saka nalinis ko naman na lahat." Sa kabilang banda, si Razen at Nicole naman ay nagkusa na magtimpla ng kape. Abala si Nicole sa pagbubukas ng instant coffee sachets habang si Razen ay naghahanda ng mainit na tubig sa maliit na kettle na electric. "Sanay na sanay kayo ah," biro ni Lira nang mapadaan ito sa kanila. "Syempre," sabay turo ni Nicole sa sarili. "Adik yata 'to sa kape. Naging tubig ko na nga." Natawa si Razen. "Kaya nga siya na ang pinagtimpla ko ng kape, baka matabangan pa kayo sa gawa ko." Habang lahat ay ma
Nahagip ng mata kong napatingin si Nicole at Razen kay Raze na hanggang ngayon ay nakatitig kay Ate Lylia. "Well, may bisita pala kayo," kaswal na sabi ni ate. "Baka pwedeng pakitulungan ako sa mga dala ko?" "Ah, oo!" sabi ko nang makabawi at nagmamadaling pinuntahan si ate saka binitbit ang mga dala niya, ganun si Love na sumunod din pala sa akin. "Akala ko bukas ka pa uuwi ate." Hilaw akong ngumiti sa kanya. "Bukas sana. Pero may kailangan din akong asikasuhin dito. Mamaya ko na sasabihin." Nagkatinginan kami ni Love at tumango na lamang. Pagpasok namin sa loob ng bahay, katahimikan ang namayani. Ilang sandali pa ay sumunod na rin sina Nicole at Razen sa amin, tahimik, at tingin ko nakaramdam din ng tensyon. Naiwan naman si Raze sa labas, nakatanaw lang sa kawalan, hawak-hawak ang sigarilyo ngunit hindi man lang sinindihan. Siguro nap-pressure na rin siya dahil nandito si ate. Kung alam ko lang na ngayon siya darating, hindi ko na sana inaya sina Kuya Kap dito. Pero may baha
Lira's POV Pasado alas syete ng gabi nang matapos kami sa paglilinis dito sa labas ng mansyon. Pare-pareho kaming nakaupo ngayon sa tig iisang upuan na gawa sa bakal, walang imik, pinapakiramdaman ang isa't-isa kung sino ang mauunang magsasalita. Nakakapagod man ang araw na 'to, at least nakatulong kami kay Kuya Kap, at masaya ako na nakabalik na sila dito sa amin. Habang pinupunasan ko ang pawis sa noo, napansin ko ang panakaw na tingin ni Love kay Razen. Mukhang may gusto pa yata siya sa kakambal ni Kuya Kap. Nang makapagpahinga na ako, sabay-sabay silang napatingin sa akin nang bigla akong tumayo. Napansin kong kumunot ang noo ni Love pero iningusan ko lang. Napaghahalataan, eh. Gwapong-gwapo sa katabi. "Doon na kayo maghapunan sa amin," alok ko at ngumiti. Napansin ko na parang ang lalim ng iniisip ni Raze dahil nakatanaw lang siya sa malayo. Hm, parang may idea na ako kung sino ang iniisip niya o baka ako lang 'tong assumera. "Magluluto kami ni Love," dagdag ko.
Maaga pa lang, nagbukas na ng talyer si Raze para ayusin ang sirang motor tapos isusunod pa niya ang sirang kotse. Sa talyer na rin siya nag-agahan habang sinisipat ang mga sira sa mga sasakyang kailangan niyang ayusin. Habang iniikot niya ang wrench sa isang bolt sa ilalim ng motor, bigla siyang napatigil. Sa gilid ng kanyang paningin, may napansin siyang dalawang pares ng sapatos, isang panlalaki at isang pangbabae. "Finally, nahanap ka rin namin," nakangusong sabi ni Nicole habang nakapamewang. Raze wiped the sweat from his forehead and stood up slowly. "Balak mo bang magtago rito habang buhay, bro?" seryosong tanong ni Razen sa kapatid. "You have a life in Barangay Abueña. Iyong mansyon, hacienda, ang mga tao roon na umaasang babalik ka. I have the money to help them, pero hindi sapat. Kailangan nila ng lider." "And besides," dagdag ni Nicole, "nandoon ang pamilya mo. Ang anak mo. May chance ka nang mabuo ulit 'yon. Don’t you want that, Raze?" Napayuko si Raze. His jaw
Mula nang tuluyang mawala sa mata ng publiko, pinili ni Raze ang katahimikan, isang buhay na malayo sa nakagisnan niya, sa ingay ng syudad, at sa lahat. Tinalikuran niya maski ang pagiging prinsipe. Ngayon, kilala siya sa isang baryo bilang Kapitan Radleigh. Sa tuwing may kargamento mula sa bayan, siya mismo ang umaalalay sa pagbubuhat. May munting talyer sa gilid ng kalsada kung saan siya mismo ang nag-aayos ng mga sirang motorsiklo at tricycle. Kapag may kailangang ayusin sa barangay, poste ng kuryente, sirang bubong ng barangay hall, drainage, nandoon siya, walang reklamo. Nakatutok lang siya sa lahat. Minsan, nagpapatulong siya sa mga binatilyong tambay. Pero sa kabila ng lahat ng ito, may lihim siyang itinatago. Isang parte ng buhay niya na hindi kailanman nawala sa puso niya, si Dalgona, ang anak nila ni Lylia. Sa tuwing sasapit ang ikalawang linggo ng buwan, gumigising siya ng alas-tres ng madaling araw. Tahimik siyang umaalis, nagsusuot ng maskara, sumasakay sa luma at
Pagkatapos ng gabing ‘yon tuluyan nang binitawan ni Lylia ang lahat. The next day, she secretly placed her resignation letter on Raze's table. Kael was the first to know. And he didn’t try to stop her. In fact, siya pa ang nag-book ng ticket ni Lylia patungong Paris kung saan nandoon ang isang baking institute na ni-refer ng mommy niya. “If you’re going to dream, Lylia… dream in the capital of patisserie,” he said with a proud smile. Doon nagsimula ang lahat. The transition wasn’t easy. She struggled with the language. Minsan umiiyak siya habang nagme-memorize ng French terms para lang maintindihan ang mga chef instructors niya. Pero tuwing gusto na niyang sumuko, inaalala niya ang lahat ng pinagdadaanan niya noon. Ang pagtrato sa kanya ni Ylona, ng pamilya ni Raze, ang pagtitiis para lang sa mahal niya. Lahat ng 'yon, naging motivation niya para magpatuloy. At ang mga pangarap na ilang taon niyang kinimkim para lang unahin ang ibang tao. Ngayon, ang sarili naman niya ang uunahi