ANMELDENSinubukan ni Celine na ibalik ang dati.
Hindi niya alam kung iyon ba ang tamang gawin, ngunit ayaw niyang basta sumuko. Kung may problema si Drake sa kanya, baka kailangan lamang nilang maalala kung bakit sila nagmahalan noong una. Kaya isang umaga, bumaba siya nang mas maaga kaysa karaniwan. Naghanda siya ng almusal. Paborito ni Drake. Eggs, toast, bacon at kape. Parehong pagkain na dati nilang sabay na kinakain tuwing weekend. Nang bumaba si Drake, napatingin ito sa mesa. “You made breakfast?” “Yes.” Umupo siya. “Remember? This used to be our thing.” Sandaling tumingin si Drake sa pagkain. Then he picked up his phone. “I don’t have time.” Napangiti si Celine kahit may bahagyang kirot sa dibdib. “Five minutes.” “I said I’m busy.” Hindi na siya sumagot. Kumain siya nang mag-isa. ⸻ Kinagabihan, sinubukan niya ulit. Inihanda niya ang lumang playlist na madalas nilang pinapakinggan noong bagong kasal sila. Nagsindi siya ng ilang kandila sa sala. Naghanda ng wine. Nang dumating si Drake, napatingin ito sa paligid. “What is this?” “Our anniversary dinner.” “That’s months away.” “I know.” Ngumiti si Celine. “I just wanted us to have dinner together.” Napabuntong-hininga si Drake. “Celine, I’m tired.” “Then stay for one glass.” “Why are you doing this?” Napatingin siya rito. “Because I miss you.” Tumahimik si Drake. Ilang segundo. Then his phone rang. Tiningnan niya ang screen. At agad nagbago ang ekspresyon niya. Si Elise. Tumayo siya. “I’m taking this.” Lumayo si Drake. Naiwan si Celine sa mesa. Naririnig niya ang mahinang pagtawa nito habang kausap ang babae. At hindi niya maintindihan kung bakit may ganoong lambing sa boses nito. Isang tono na matagal na niyang hindi naririnig. Pagbalik ni Drake, nakangiti ito. “Who was it?” “Elise.” Simple ang sagot. Parang walang dahilan para itago. “Oh.” “May kailangan siya.” Tumango si Celine. “Okay.” Hindi niya tinanong kung ano iyon. Hindi niya kayang itanong. ⸻ Makalipas ang ilang araw, nagpunta silang dalawa sa isang charity event. Dati, magkasama silang pumupunta sa mga ganitong okasyon. Dati, palaging hawak ni Drake ang kamay niya. Ngayon, ilang hakbang ang layo nito. At nang dumating si Elise, tuluyan nang nawala ang distansiya. “Drake!” Lumapit si Elise na parang matagal nang hindi nakita ang lalaki. “You came.” “Of course.” Ngumiti si Drake. At sa harap mismo ni Celine, hinawakan ni Elise ang braso nito. “Come with me. I want to show you something.” Hindi gumalaw si Celine. Tumingin si Drake sa kanya. Saglit. Parang hinihintay kung may sasabihin siya. Wala. Sumunod siya kay Elise. Naiwan si Celine. Nakatayo sa gitna ng mga taong nakangiti, nakikipag-usap, at nag-eenjoy sa event. Ngunit pakiramdam niya, siya lamang ang taong hindi alam kung ano ang nangyayari sa kanyang sariling buhay. ⸻ Maya-maya, nakita niya silang muli. Nasa isang sulok sila. Magkalapit. Tumatawa. Hinahawakan ni Elise ang cufflink ni Drake. “Aren’t you going to fix this?” “It looks fine.” “No, it doesn’t.” Tumawa si Elise. “Let me.” Hinayaan siya ni Drake. At habang inaayos nito ang cufflink, napatingin si Elise kay Celine. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ngumiti si Elise. Isang maliit. Mapanghamong ngiti. Parang sinasabi nitong— Nakikita mo ba? Humigpit ang hawak ni Celine sa champagne glass. Ngunit nanatili siyang tahimik. Hindi niya ibibigay kay Elise ang kasiyahang makita siyang magwala. ⸻ Nang gabing iyon, habang nasa sasakyan sila pauwi, hindi na niya napigilan ang sarili. “Drake.” “Hmm?” “Do you still love me?” Tahimik. Mabagal na tumingin si Drake sa bintana. “Why are you asking?” “Because I don’t know anymore.” “Love isn’t something you ask for reassurance about every day.” “I don’t ask every day.” “Then stop asking.” Napayuko si Celine. “Okay.” Makalipas ang ilang minuto, muli siyang nagsalita. “Kung may problema ka sa akin, sabihin mo.” “There’s nothing to say.” “Then why do you treat me like I’m a stranger?” Hindi sumagot si Drake. “Drake…” “I’m tired.” Iyon na naman. Palaging pagod. Palaging may dahilan. Palaging may distansiya. ⸻ Pagdating nila sa bahay, naunang pumasok si Drake. Naiwan si Celine sa driveway. Tumingala siya sa kanilang bahay. Dati, iyon ang pinakamasayang lugar para sa kanya. Ngayon, parang unti-unti itong nagiging lugar kung saan kailangan niyang mag-ingat sa bawat hakbang. Pumasok siya. Nakita niyang nakaupo si Drake sa sala. At ilang minuto lamang ang lumipas, tumunog ang phone nito. Elise. Sinagot niya. “Hey.” Napahinto si Celine. Hindi niya alam kung bakit. Ngunit malinaw na malinaw sa kanya ang boses ni Drake. Mas magaan. Mas malambing. Mas buhay. Parang ibang Drake. “Yeah, I’m home.” Tumawa ito. “Tomorrow? Sure.” Napatingin si Celine sa kanya. Hindi man lang nito itinago ang tawag. Hindi man lang nito inisip na maaaring masaktan siya. At nang matapos ang tawag, tumingin ito sa kanya. “What?” “Nothing.” “Then why are you staring?” Bahagya siyang ngumiti. “I’m just wondering.” “About?” “Kung kailan tayo naging ganito.” Hindi sumagot si Drake. Tumayo si Celine. “Good night.” Habang paakyat siya ng hagdan, narinig niya ang boses ni Drake. “Celine.” Huminto siya. “Don’t expect things to go back to how they were.” Napapikit siya. Iyon ang unang pagkakataong narinig niya mula sa asawa niya ang isang bagay na hindi na niya kayang ipagkaila. Hindi na nito gustong bumalik sa dati. At sa gabing iyon, sa halip na piliting alamin kung paano niya maibabalik ang dating Drake, nagsimula siyang magtanong sa sarili— Gaano katagal ko kayang mahalin ang isang taong tila wala nang pakialam kung nasasaktan ako? Hindi niya alam ang sagot. Pero isang bagay ang unti-unti niyang nauunawaan. Hindi na lang si Elise ang kalaban niya. Ang mismong asawa niya ang unti-unting pumapatay sa pagmamahal na buong buhay niyang inalagaan.Nang makauwi sila, naunang umakyat si Drake.Naiwan si Celine sa sala. Nakaupo siya habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang narinig niya.She won’t leave.Then make her leave.I’ll handle it.Hindi pala aksidente ang lahat.Hindi lang basta nagbago si Drake.Sinadya nitong itulak siya palayo.Napapikit si Celine.Sa kabila ng lahat, may bahagi pa rin sa kanya na umaasang may dahilan.Na baka galit lamang ito.Na baka may pinagdaraanan.Na baka kapag nag-usap sila nang maayos, maibabalik pa nila ang dating sila.Tatlong taon ng pagsasama ay hindi naman basta-basta nawawala.Hindi ganoon kadali.Kaya nang marinig niyang bumukas ang pinto ng study, agad siyang tumayo.Lumabas si Drake.May hawak itong isang folder.“Drake.”Huminto ito.“Can we talk?”Walang sagot.“Please.”Tiningnan siya nito nang ilang segundo bago bumaba ang tingin sa folder na hawak nito.“There’s nothing left to talk about.”Nanikip ang dibdib ni Celine.“What do you mean?”Lumapit si Drake sa mesa at ini
Pinanood lamang ni Celine na umakyat si Drake sa hagdan.Ang lalaking minahal niya.Ang lalaking pinangakuan niyang mamahalin habang buhay.Ang lalaking minsan niyang pinaniwalaang makakasama niya hanggang sa pagtanda.Ngunit habang pinagmamasdan niya ang likod nito, isang bagay ang hindi na niya kayang itanggi.Hindi na siya ang parehong Drake.Dati, kapag nasasaktan si Celine, si Drake ang unang lumalapit.Kapag may problema siya, si Drake ang unang nakikinig.At kapag may luha sa kanyang mga mata, hindi ito mapakali hangga’t hindi niya nalalaman kung bakit.Ngayon?Siya mismo ang dahilan ng mga gabing hindi siya makatulog.Siya mismo ang taong paulit-ulit na nagpaparamdam sa kanya na hindi siya sapat.At ang mas masakit—parang wala na itong pakialam.Huminga nang malalim si Celine.Hindi siya umiyak.Hindi siya sumigaw.Umupo lamang siya sa sofa at tahimik na pinagmamasdan ang basong iniwan ni Drake sa mesa.May natitirang alak.Masyado nang pamilyar ang eksenang iyon.Lasing.Mal
“Manhid ka ba?”Napatingin si Celine kay Elise.Nakatayo silang dalawa sa private lounge ng Monreal residence, ilang minuto matapos umalis si Drake para sagutin ang isang tawag.Hindi na bago kay Celine ang presensya ni Elise.Pero ngayon, iba ang tingin nito.Wala nang pagtatago.Wala nang pagpapanggap na kaibigan.“Hindi ka mahal ni Drake.”Diretsong sinabi iyon ni Elise.Nanatiling kalmado si Celine.“Hindi ko kailangan marinig iyan mula sa’yo.”“Talaga?”Lumapit si Elise.“Then why are you still here?”Hindi sumagot si Celine.“Hindi mo ba nakikita kung paano ka niya tratuhin?” patuloy ni Elise. “Hindi ka na niya hinahanap. Hindi ka na niya hinihintay. At kung may pagkakataon siyang makasama ako, ginagawa niya.”Nanatiling tahimik si Celine.“Umalis ka na.”“Hindi ikaw ang magdedesisyon kung kailan ako aalis.”Napangiti si Elise.“Pero ako ang dahilan kung bakit hindi na ikaw ang gusto niya.”Bahagyang nanigas ang panga ni Celine.“Be careful.”“Bakit? Masakit?”Lumapit pa si Elis
Sinubukan ni Celine na ibalik ang dati.Hindi niya alam kung iyon ba ang tamang gawin, ngunit ayaw niyang basta sumuko.Kung may problema si Drake sa kanya, baka kailangan lamang nilang maalala kung bakit sila nagmahalan noong una.Kaya isang umaga, bumaba siya nang mas maaga kaysa karaniwan.Naghanda siya ng almusal.Paborito ni Drake.Eggs, toast, bacon at kape.Parehong pagkain na dati nilang sabay na kinakain tuwing weekend.Nang bumaba si Drake, napatingin ito sa mesa.“You made breakfast?”“Yes.”Umupo siya.“Remember? This used to be our thing.”Sandaling tumingin si Drake sa pagkain.Then he picked up his phone.“I don’t have time.”Napangiti si Celine kahit may bahagyang kirot sa dibdib.“Five minutes.”“I said I’m busy.”Hindi na siya sumagot.Kumain siya nang mag-isa.⸻Kinagabihan, sinubukan niya ulit.Inihanda niya ang lumang playlist na madalas nilang pinapakinggan noong bagong kasal sila.Nagsindi siya ng ilang kandila sa sala.Naghanda ng wine.Nang dumating si Drake,
Hindi kinonfront ni Celine si Drake tungkol sa halik.Hindi dahil hindi niya nakita.Hindi dahil hindi siya nasaktan.Kundi dahil ayaw niyang maniwala sa nakita niya.Masakit oo pero tila nabubulagan siya ng pag ibig.Buong magdamag siyang gising matapos umuwi mula sa hotel. Ilang beses niyang binalikan sa isip ang eksenang iyon, ngunit sa bawat pagkakataon, may hinahanap siyang dahilan para hindi ito paniwalaan.Baka lasing si Drake.Baka si Elise ang lumapit.Baka may nangyari bago pa niya sila nakita.At higit sa lahat, baka may bagay siyang hindi alam.Dahil kung talagang may relasyon ang asawa niya kay Elise, bakit hindi nito sinabi sa kanya?Tatlong taon silang kasal.Hindi perpekto ang pagsasama nila, pero hindi naman niya naramdaman na hindi siya mahal ni Drake.Kaya nang umuwi ito kinabukasan, sinalubong pa rin niya ito na parang walang nangyari.“Gusto mo ng breakfast?”Tumingin si Drake sa kanya.“I’m not hungry.”“Coffee?”“No.”Tumango si Celine.“Okay.”Hindi na siya nag
“Pera lang ang habol niya sa’yo.”Tahimik na nakaupo si Drake Monreal sa private lounge ng isang five-star hotel, hawak ang baso ng whiskey habang kaharap si Elise.Napatingin siya rito.“Celine loves me.”Tumawa si Elise nang mahina.“Ganoon ka ba kasigurado?”“Three years na kaming kasal.”“And?”Ibinaba ni Elise ang hawak niyang wineglass.“Bago kayo ikasal, ano ang mayroon siya?”“Kailangan ba nating pag-usapan iyon?”“Career.”Napakunot ang noo ni Drake.“Celine had a career.”“Exactly.”Bahagya itong yumuko.“Then she gave it all up after marrying you.”Hindi sumagot si Drake.“Hindi mo ba naisip kung bakit?”“Because she wanted a family.”“Or because she wanted your money?”Napahigpit ang hawak ni Drake sa baso.“Enough.”“I’m only asking you to think.”Tumayo si Elise at lumapit sa kanya.“Look at her life now, Drake. Designer clothes. Luxury cars. Expensive jewelry. Credit cards with no limits. Everything she wants, you give her.”“She doesn’t ask for those things.”“Exactly.







