ANMELDENHindi kinonfront ni Celine si Drake tungkol sa halik.
Hindi dahil hindi niya nakita. Hindi dahil hindi siya nasaktan. Kundi dahil ayaw niyang maniwala sa nakita niya. Masakit oo pero tila nabubulagan siya ng pag ibig. Buong magdamag siyang gising matapos umuwi mula sa hotel. Ilang beses niyang binalikan sa isip ang eksenang iyon, ngunit sa bawat pagkakataon, may hinahanap siyang dahilan para hindi ito paniwalaan. Baka lasing si Drake. Baka si Elise ang lumapit. Baka may nangyari bago pa niya sila nakita. At higit sa lahat, baka may bagay siyang hindi alam. Dahil kung talagang may relasyon ang asawa niya kay Elise, bakit hindi nito sinabi sa kanya? Tatlong taon silang kasal. Hindi perpekto ang pagsasama nila, pero hindi naman niya naramdaman na hindi siya mahal ni Drake. Kaya nang umuwi ito kinabukasan, sinalubong pa rin niya ito na parang walang nangyari. “Gusto mo ng breakfast?” Tumingin si Drake sa kanya. “I’m not hungry.” “Coffee?” “No.” Tumango si Celine. “Okay.” Hindi na siya nagtanong. Napansin niyang may amoy ng alak ang hininga nito kahit umaga pa lamang. “Drake…” “What?” “Wala ka bang tulog?” “I’m fine.” “Parang hindi.” Napatingin ito sa kanya. “I’m fine, Celine.” Malamig. Mabilis. Parang ayaw nitong magkaroon ng mahabang usapan. “Okay.” Tumalikod si Celine. Hindi niya alam kung bakit parang kailangan niyang mag-ingat sa bawat salitang sinasabi niya. Dati, kahit pagod si Drake, maaari niya itong biruin. Maaari niya itong yakapin. Maaari niyang sabihin ang kahit anong pumasok sa isip niya. Ngayon, parang may pader sa pagitan nila. At hindi niya alam kung kailan iyon itinayo. ⸻ Sa mga sumunod na araw, lalo itong naging kapansin-pansin. Madalas umalis si Drake nang hindi nagsasabi kung saan pupunta. Madalas din itong umuwi nang lampas hatinggabi. Minsan, alas-dos. Minsan, alas-tres. At halos palagi itong lasing. Sa unang pagkakataon, hinihintay pa rin siya ni Celine. Naghahanda siya ng pagkain. Nag-iiwan ng ilaw sa living room. Kapag naririnig niyang bumubukas ang p***o, bumababa siya para salubungin ito. “Late ka.” “May meeting.” “Gusto mo bang kumain?” “No.” “Drake, hindi ka pa kumakain.” “Sinabi ko nang hindi ako gutom.” Napapatigil si Celine. “Okay.” Minsan, wala na itong sinasabi. Dumidiretso lamang sa kwarto. Minsan naman, mas masasakit ang mga salita nito. “Hindi mo kailangang hintayin ako.” “Hindi ako naghihintay.” “Then stop acting like you care.” Sa bawat pagkakataon, pinipili ni Celine na huwag sumagot. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Pero alam niyang may mali. ⸻ Isang gabi, hindi na niya napigilan ang sarili. Naghanda siya ng dinner. Paborito ni Drake ang steak na may mashed potatoes. Hindi niya alam kung kakain ito, ngunit gusto niyang subukan. Nang dumating ito, inilagay niya ang pagkain sa harapan nito. “I made this for you.” Tiningnan lamang ni Drake ang plato. “Why?” “Because you haven’t eaten properly these past few days.” “I can take care of myself.” “I know.” “Then stop treating me like I can’t.” Napababa ang tingin ni Celine. “I’m just worried.” “Why?” “Because you’re different.” Tumawa si Drake nang mapait. “Maybe you’re finally noticing.” “Drake…” “Ano?” “May problema ba tayo?” Tumahimik ito. Ilang segundo siyang naghintay. “Kung may nagawa ako, sabihin mo sa akin.” Hindi sumagot si Drake. “Please.” “Wala kang nagawa.” Mas lalong nagtaka si Celine. “Then bakit ganito ka?” Tumayo si Drake. “Because I need space.” “Space?” “Yes.” “From me?” Hindi ito sumagot. At ang katahimikang iyon ang mas masakit kaysa sa anumang salita. ⸻ Kinabukasan, sinubukan niyang alalahanin kung kailan nagsimula ang lahat. Binalikan niya ang mga nakaraang buwan. May nasabi ba siya? May ginawa ba siyang mali? May hiniling ba siyang sobra? Napatingin siya sa kanyang wardrobe. Karamihan ng mga damit doon ay regalo ni Drake. Mamahaling bags. Jewelry. Shoes. Mga bagay na hindi naman niya kailanman hiningi. Biglang bumalik sa isip niya ang sinabi ni Drake ilang araw na ang nakaraan. You should learn how to live without my money. Napakunot ang noo niya. Bakit iyon ang sinabi nito? Hindi naman siya kailanman naging interesado sa pera nito. Bago pa niya nakilala si Drake, kaya na niyang buhayin ang sarili niya. May sariling career. May sariling pangalan. May sariling kinikita. Iniwan niya ang lahat dahil gusto niyang makasama si Drake. Hindi dahil kailangan niya ang pera nito. Kaya bakit parang may iniisip itong iba? ⸻ Isang hapon, nagpasya siyang kausapin muli ang asawa. Nakita niya itong nasa study. Tahimik itong umiinom habang nakatingin sa laptop. “Drake.” Hindi ito tumingin. “What?” “Can we talk?” “I’m busy.” “Five minutes lang.” Huminga nang malalim si Drake bago isinara ang laptop. “What?” Umupo si Celine sa tapat nito. “I don’t know what’s happening to us.” Nanatiling tahimik si Drake. “I know you’re angry.” “I’m not angry.” “Then you’re hurt.” Napatingin ito sa kanya. “Why do you keep assuming you know what I feel?” “Because I’m your wife.” “Maybe that’s the problem.” Napatigil si Celine. “Anong ibig mong sabihin?” “Nothing.” “Drake, please.” Tumayo ito at kinuha ang baso. “I said nothing.” “Pero hindi naman ganito dati.” “People change.” “Bakit?” Hindi sumagot si Drake. “Dahil ba sa akin?” Sandaling tumigil ang lalaki. At nang tumingin ito sa kanya, walang lambing sa mga mata nito. “Maybe.” Isang salita. Ngunit sapat para mawalan ng sagot si Celine. Tumayo siya. “Okay.” Hindi siya nagalit. Hindi siya umiyak. Tahimik lamang siyang lumabas ng study. Pagdating sa hallway, saka siya huminto. Napahawak siya sa dibdib. May kung anong bigat na hindi niya maipaliwanag. At sa unang pagkakataon, pinayagan niyang pumasok ang tanong na ilang araw na niyang iniiwasan. May ginawa ba ako?Nang makauwi sila, naunang umakyat si Drake.Naiwan si Celine sa sala. Nakaupo siya habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang narinig niya.She won’t leave.Then make her leave.I’ll handle it.Hindi pala aksidente ang lahat.Hindi lang basta nagbago si Drake.Sinadya nitong itulak siya palayo.Napapikit si Celine.Sa kabila ng lahat, may bahagi pa rin sa kanya na umaasang may dahilan.Na baka galit lamang ito.Na baka may pinagdaraanan.Na baka kapag nag-usap sila nang maayos, maibabalik pa nila ang dating sila.Tatlong taon ng pagsasama ay hindi naman basta-basta nawawala.Hindi ganoon kadali.Kaya nang marinig niyang bumukas ang pinto ng study, agad siyang tumayo.Lumabas si Drake.May hawak itong isang folder.“Drake.”Huminto ito.“Can we talk?”Walang sagot.“Please.”Tiningnan siya nito nang ilang segundo bago bumaba ang tingin sa folder na hawak nito.“There’s nothing left to talk about.”Nanikip ang dibdib ni Celine.“What do you mean?”Lumapit si Drake sa mesa at ini
Pinanood lamang ni Celine na umakyat si Drake sa hagdan.Ang lalaking minahal niya.Ang lalaking pinangakuan niyang mamahalin habang buhay.Ang lalaking minsan niyang pinaniwalaang makakasama niya hanggang sa pagtanda.Ngunit habang pinagmamasdan niya ang likod nito, isang bagay ang hindi na niya kayang itanggi.Hindi na siya ang parehong Drake.Dati, kapag nasasaktan si Celine, si Drake ang unang lumalapit.Kapag may problema siya, si Drake ang unang nakikinig.At kapag may luha sa kanyang mga mata, hindi ito mapakali hangga’t hindi niya nalalaman kung bakit.Ngayon?Siya mismo ang dahilan ng mga gabing hindi siya makatulog.Siya mismo ang taong paulit-ulit na nagpaparamdam sa kanya na hindi siya sapat.At ang mas masakit—parang wala na itong pakialam.Huminga nang malalim si Celine.Hindi siya umiyak.Hindi siya sumigaw.Umupo lamang siya sa sofa at tahimik na pinagmamasdan ang basong iniwan ni Drake sa mesa.May natitirang alak.Masyado nang pamilyar ang eksenang iyon.Lasing.Mal
“Manhid ka ba?”Napatingin si Celine kay Elise.Nakatayo silang dalawa sa private lounge ng Monreal residence, ilang minuto matapos umalis si Drake para sagutin ang isang tawag.Hindi na bago kay Celine ang presensya ni Elise.Pero ngayon, iba ang tingin nito.Wala nang pagtatago.Wala nang pagpapanggap na kaibigan.“Hindi ka mahal ni Drake.”Diretsong sinabi iyon ni Elise.Nanatiling kalmado si Celine.“Hindi ko kailangan marinig iyan mula sa’yo.”“Talaga?”Lumapit si Elise.“Then why are you still here?”Hindi sumagot si Celine.“Hindi mo ba nakikita kung paano ka niya tratuhin?” patuloy ni Elise. “Hindi ka na niya hinahanap. Hindi ka na niya hinihintay. At kung may pagkakataon siyang makasama ako, ginagawa niya.”Nanatiling tahimik si Celine.“Umalis ka na.”“Hindi ikaw ang magdedesisyon kung kailan ako aalis.”Napangiti si Elise.“Pero ako ang dahilan kung bakit hindi na ikaw ang gusto niya.”Bahagyang nanigas ang panga ni Celine.“Be careful.”“Bakit? Masakit?”Lumapit pa si Elis
Sinubukan ni Celine na ibalik ang dati.Hindi niya alam kung iyon ba ang tamang gawin, ngunit ayaw niyang basta sumuko.Kung may problema si Drake sa kanya, baka kailangan lamang nilang maalala kung bakit sila nagmahalan noong una.Kaya isang umaga, bumaba siya nang mas maaga kaysa karaniwan.Naghanda siya ng almusal.Paborito ni Drake.Eggs, toast, bacon at kape.Parehong pagkain na dati nilang sabay na kinakain tuwing weekend.Nang bumaba si Drake, napatingin ito sa mesa.“You made breakfast?”“Yes.”Umupo siya.“Remember? This used to be our thing.”Sandaling tumingin si Drake sa pagkain.Then he picked up his phone.“I don’t have time.”Napangiti si Celine kahit may bahagyang kirot sa dibdib.“Five minutes.”“I said I’m busy.”Hindi na siya sumagot.Kumain siya nang mag-isa.⸻Kinagabihan, sinubukan niya ulit.Inihanda niya ang lumang playlist na madalas nilang pinapakinggan noong bagong kasal sila.Nagsindi siya ng ilang kandila sa sala.Naghanda ng wine.Nang dumating si Drake,
Hindi kinonfront ni Celine si Drake tungkol sa halik.Hindi dahil hindi niya nakita.Hindi dahil hindi siya nasaktan.Kundi dahil ayaw niyang maniwala sa nakita niya.Masakit oo pero tila nabubulagan siya ng pag ibig.Buong magdamag siyang gising matapos umuwi mula sa hotel. Ilang beses niyang binalikan sa isip ang eksenang iyon, ngunit sa bawat pagkakataon, may hinahanap siyang dahilan para hindi ito paniwalaan.Baka lasing si Drake.Baka si Elise ang lumapit.Baka may nangyari bago pa niya sila nakita.At higit sa lahat, baka may bagay siyang hindi alam.Dahil kung talagang may relasyon ang asawa niya kay Elise, bakit hindi nito sinabi sa kanya?Tatlong taon silang kasal.Hindi perpekto ang pagsasama nila, pero hindi naman niya naramdaman na hindi siya mahal ni Drake.Kaya nang umuwi ito kinabukasan, sinalubong pa rin niya ito na parang walang nangyari.“Gusto mo ng breakfast?”Tumingin si Drake sa kanya.“I’m not hungry.”“Coffee?”“No.”Tumango si Celine.“Okay.”Hindi na siya nag
“Pera lang ang habol niya sa’yo.”Tahimik na nakaupo si Drake Monreal sa private lounge ng isang five-star hotel, hawak ang baso ng whiskey habang kaharap si Elise.Napatingin siya rito.“Celine loves me.”Tumawa si Elise nang mahina.“Ganoon ka ba kasigurado?”“Three years na kaming kasal.”“And?”Ibinaba ni Elise ang hawak niyang wineglass.“Bago kayo ikasal, ano ang mayroon siya?”“Kailangan ba nating pag-usapan iyon?”“Career.”Napakunot ang noo ni Drake.“Celine had a career.”“Exactly.”Bahagya itong yumuko.“Then she gave it all up after marrying you.”Hindi sumagot si Drake.“Hindi mo ba naisip kung bakit?”“Because she wanted a family.”“Or because she wanted your money?”Napahigpit ang hawak ni Drake sa baso.“Enough.”“I’m only asking you to think.”Tumayo si Elise at lumapit sa kanya.“Look at her life now, Drake. Designer clothes. Luxury cars. Expensive jewelry. Credit cards with no limits. Everything she wants, you give her.”“She doesn’t ask for those things.”“Exactly.







