Share

Kabanata 1

Author: Archeraye
last update Last Updated: 2021-07-23 11:28:12

“Anna, ayaw ko nga sumali riyan, eh. Mapapahiya lang ako!”

“Ano ka ba! Wala namang mawawala kung susubukan mong mag-audition, ‘di ba?” pamimilit sa akin ng kaibigan ko. Naiinis na ‘ko kasi kanina pa niya ‘ko pinipilit na mag-audition daw sa lintek na glee club na ‘yan!

“Nahihiya ako, okay?! Paano kong pumiyok ako? Mawala sa tono? Edi, pagtatawanan lang nila ako?”

Naibaba niya ang hawak na flyers. Nakasimangot din siya at halatang badtrip na badtrip na sa akin. Tsk! I already told her that I don’t want to join that club! I am afraid that what if I failed? Mababa na nga ang self-esteem ko, ipapahiya ko pa ‘yong sarili ko sa harap ng maraming tao? Huwag na uy!

“Alam mo ikaw, sobrang negative mo. Ikaw na nga itong tinutulongan ko para magkaroon ka ng kumpyansa sa sarili mo, ayaw mo pa. Gusto mong makagain ng self-confidence, ‘di ba? Why don’t you help yourself? Andito nga ‘ko para tulongan ka pero ikaw naman itong hindi gumagawa ng paraan para tulongan iyang sarili mo. Useless lang ang pag-e-encourage ko sa ‘yo kung ikaw di-ni-discourage mo naman ang sarili mo,” aniya at nakasimangot na umalis ng gazebo.

Natigilan ako at sandaling nakapag-isip. I heaved deep breath. I can’t deny the fact that she got a point. How can I gain self-confidence kung mismong sarili ko hindi ko tutulongan? Napapikit ako at napatampal sa aking noo. Should I audition then? Sabi nga ni Anna, wala namang mawawala kong susubukan ko, hindi ba? Pero kasi…

“Bahala na nga,” bulong ko at sinundan ang kaibigan. Ayaw ko pa man din ng may mga taong nagagalit sa akin. Ewan ko ba. Hindi talaga ‘ko natatahimik kapag may nakaalitan ako o nakasagutan ako. Mabuti na lang at hindi pa siya gano’ng nakakalayo kaya naabutan ko siya.

“Anna! Okay, fine! Mag au-audition na ‘ko.”

Napatigil siya sa paglalakd at agad niya akong nilingon na nanlalaki ang mga mata. “OMG! Totoo ba?”

“Oo nga. Basta samahan mo ‘ko, ah?”

Tumili siya at tumakbo papunta sa akin. “Oh my god! Yes! Ako ang pipili ng kakantahin mo!”

Kumunot ang noo ko. “Bakit ikaw? Ikaw ba ‘yong kakantaha?”

Inirapan niya ‘ko. Kita mo ‘tong babaeng ‘to! “Sige na nga! Oh, basta bukas na ‘yong pa-audition nila, ah. Galingan mo!”

Tumango na lang ako. Inakbayan niya ‘ko at naglakad na kami papunta sa building namin. Nang matapos ang klase ay sabay kaming umuwi pero dahil magkaiba kami ng dorm ay naghiwalay kami ng daanan. Habang naglalakad ako ay nagbo-browse ako ng mga kanta na pwede kong kantahin bukas. Napanguso ako. Paano kong Korean song na lang kaya ang kantahin ko? Ay! Huwag na lang pala baka sabihin nilang nagfe-feeling Korean ako.

“Miss, ilag!” sigaw ng isang lalaki.

Nilingon ko kung saan galing iyon pero huli na dahil natamaan na ‘ko ng bola sa ulo. Napamura ako sa aking isipan habang nakasalampak sa ground. Nabitawan ko ang cellphone ko habang hawak ko ang ulo na natamaan ng bola. Bwesit! Naalog ata ang utak ko dahil sa bolang iyon!

“M-miss… miss, ayos ka lang? Pasensya ka na. Hindi ko sinasadya ‘yon,” wika ng lalaking nakatama sa akin.

Gusto ko sana siyang sigawan pero pinigilan ko ang sarili ko. Tumango na lang ako. “A-ayos lang naman.”

Kahit ang totoo ay masakit! I tried to stand up. Tinulongan naman ako noong lalaking unang lumapit sa akin. I noticed that he’s wearing a combination of white and green jersey shirt and shorts. Halata na isa siya sa mga myembro ng VSU Football team, at dahil sa tangkad niya ay kailangan ko pang tumingala.

Natigilan ako dahil sa kanyang itsura. He got the looks. Malinis ang pagkakagupit ng kanyang maitim na buhok, maganda ang malalim at kulay itim na mga mata, matangos na ilong at medyo pulang mga labi ay nakakahalina. Ang gwapo naman! Napalunok ako nang hawakan niya ang ulo ko.

“Are you hurt? Pasensya ka na, napalakas lang ‘yong sipa ko,” nag-aalala nitong tanong.

“Is she okay?” tanong naman ng isang matangkad at mestizo na lalaki. Pinulot niya ang bola saka ako tinitigan. Maamo ang kanyang mukha ngunit mapapansin mong medyo misteryoso siya dahil blanko lang ang tingin niya sa akin. Umiwas ako ng tingin at tumikhim. Hell! I can’t stand his stares!

Some of the players went to us. Nagtatanong kung ayos lang ba ‘ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa paglapit nila sa akin. Hindi pa naman ako komportable kapag maraming lalaki! Shit! I need to go!

“Ah, ayos lang po ako. E-excuse me.”

“Are you sure? Wala bang masakit sa—“

“Ouch!” daing ko nang mahawakan niya ang parteng sapol na sapol ng bola.

“Shit! M-masakit ba? Should I bring you to the hospital?”

“H-huwag na. Ayos lang po talaga ko, Kuya. I… I need to go”

Narinig ko ang halakhak ng iilan sa mga players. The hell! Gustong gusto ko na talagang tumakbo dahil hindi ako komportable kapag ganito karaming lalaki! Sa dorm ko na lang ito gagamutin.

“Tinawag kang Kuya, Rence, oh. Ang tanda mo na pala, eh!” kantyaw ng isang soccer player.

Uminit ang pisngi ko. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin! Tsaka sa tingin ko naman ay nasa senior na siya kaya pwede ko siyang tawaging Kuya.

“Shut up, Drake. Anyway, ayos ka lang ba talaga?”

“Y-yes. Sa dorm ko na lang po ito gagamutin, bye po!” wika ko atsaka nagmamadaling umalis.

“Hey, miss!”

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang hawak pa rin ang aking ulo. Napangiwi ako nang maramdaman kong may bukol ako! Anak ng!

“Babaeng natamaan ng soccer ball sa ulo!”

My forehead creased. Natigilan ako dahil sa sigaw na iyon. Ano raw? Babaeng natamaan ng soccer ball sa ulo? Ako ‘yon, ‘di ba? Nilingon ko iyong tumawag sa akin. It was the mestizo guy! May kung anong hawak siya sa kanyang kamay habang winawagayway niya ito.

Napansin ko na ang ilan sa mga kasamahan niya ay nakaalis na. Hindi ko alam kung bakit sila naglalaro roon eh may oval naman. Malaki pa at hindi sila makakatama ng tao. He jogged towards my direction. Tumigil siya sa harap ko at nilahad ang bagay na hawak niya.

“Naiwan mo,” aniya.

Umawang ang labi ko nang mapagtanto kuno ano ang hawak niya. Shit! Iyong cellphone ko! Mukhang nahulog o nabitawan ko ata noong natamaan ako.

“T-thank you po, Kuya,” sabi ko sabay kuha ng cellphone sa kanya.

Kumunot ang noo niya. Tila hindi nagustohan ang sinabi ko. “Tss… mukha ba ‘kong senior?”

Napalunok ako. “Ah, medyo po pero salamat po ulit. Alis na po ako!”

Bago ako makalayo ay narinig ko pa ang binulong niya. “Tinatawag na nga akong Kuya tapos may po pa? Hindi naman siguro ako mukhang senior citizen, ‘di ba?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bittersweet Melody (Tagalog)   Kabanata 44

    Abot langit na ang kaba ko habang naglalakad papunta sa hallway. Kasama ko si Tine at Rian at medyo nauuna silang maglakad sa akin. Napalunok ako nang bigla silang huminto, lalo na si Rian at lumingon sa akin. Pagkatapos niyon ay may tinuro siya sa kanang bahagi. Napalunok ako ulit at tiningnan kung sino iyong tinuturo niya. Sa may hindi kalayuan, nakita ko ang kapatid niya. I blinked several times and my heart was pounding so bad. "Oh, my God," I whispered while staring at his sister. Yes, it was Rian's sister!"R-rina?"Rina waved her hand. "Ate Miona!"Parang napako ako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makagalaw kasi hindi ako makapaniwala na magkikita kami ulit. Mabuti na lang talaga at si Rina ito, dahil kung hindi, baka tumakbo na 'ko palayo. Hindi ko kayang makita ulit si Rain. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, ang makita siya ang pinaka-ayaw kong mangyari. Rina ran toward my direction while spreading her arms widely. I wiped my tears and encircled my arms around her thin

  • Bittersweet Melody (Tagalog)   Kabanata 43

    Naging maayos naman ang dinner kahit may mga pagkakataon na hindi ako nakakasabay. Bago kami tuluyang nakauwi ay nag-usap pa sila kung kailan sila magkikita ulit. Nagbuntong hininga ako. Siguro sa susunod ay gagawa na lang ako ng excuse para hindi na 'ko makasama. Kahit na kinakausap naman ako ni Jen minsan hindi ko pa rin maiwasan na ma-out of place. "See you next time, Michelle and Aziel!" Sigaw ni Ashton. Kumaway naman ang iba niyang mga kasamahan. Tumango ako at kumaway at binigyan ng kaunting ngiti. Dumaan naman ang tingin ko kay Trisha na ngayon ay nasa cellphone ang atensyon bago sumunod sa boyfriend niya.Nauna akong pumasok sa loob ng sasakyan at humikab. Pasado alas diez y media na pala. Gusto ko na lang maglinis ng katawan at humiga sa kama. Sinandal ko ang aking ulo sa bintana at hinintay na matapos magpaalam si Aziel. Nang mapansin niyang nasa loob na 'ko ng sasakyan ay tumango siya kina Gab, Pete, at ang medyo inaantok na si Jen. Kaaalis lang din ni Jacob.Aziel jogged

  • Bittersweet Melody (Tagalog)   Kabanata 42

    Wearing a nude puff sleeve dress that fell one inch above my knee, I paired it with my favorite block heels in black, let my hair down, and grabbed my white small bag. "Love, are you ready?"Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin bago naglakad palabas ng kwarto. Aziel was playing his keys with his fingers. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay umawang ang kanyang mga labi. His eyes were a bit widened, too. Natawa naman ako. "Okay lang ba itong suot ko?"He smiled at me. "Ang ganda mo."Umirap ako. "Ako lang 'to, Yhel."Napasigaw ako noong inisang hakbang niya ang pagitan namin at hinapit ang aking bewang at hinalikan ako. I circled my arms around his neck and kissed him back."Parang ayaw ko nang umalis, love," bulong niya. Natawa ako. "Sira! Tara na baka hinihintay ka na roon."He clicked his tongue and held my hand. "Mamaya na lang kita papagurin pag-uwi natin."Umiling na lang ako. Muli naming iniwan si Mixie kay Ate Shana bago kami pumunta sa restaurant kung saan kami kakai

  • Bittersweet Melody (Tagalog)   Kabanata 41

    Bago umuwi sina Tita Marzell ay binisita muna nila kami sa apartment namin. Biglaan ang pagpunta nina Tita at Tito, mabuti na lang talaga at maaga akong nagising kaya noong nakarating sila ay malinis na ang bahay. Wala namang masyadong sinabi si Tita. Although I was panicking a bit because her eyes were all over the places. Tinitingnan niya siguro kung hindi ba kami makalat. Well. . . makalat kami sa kama nga lang.Nag-yaya naman si Aziel na sa labas kami kumain noong pananghalian bago umuwi sina Tita at Tito. I was thankful because Tita Marzell didn't mention Emerald anymore. Hindi ko alam kung pinagsabihan siya ni Yhel o baka nakalimutan niya lang talaga. "Love, 'yong dinner na sinasabi ko sa 'yo sumama ka, ha?" Aziel said while fiddling his phone. Nabitin sa ere ang pagkuha ko ng tasa para sana magtimpla ng gatas. Nilingon ko siya habang unti-unti akong ginagapangan ng kaba. Nabanggit na sa akin ni Yhel noong nakaraang araw na may dinner sila mamayang gabi kasama 'yong mga kapwa

  • Bittersweet Melody (Tagalog)   Kabanata 40

    "It's been a long time. Kumusta ka na?" He asked. "Maayos naman. Ikaw? Talagang ginawa mo 'yong sinabi mo sa akin dati, ah."He smiled, but it didn't reach his eyes. "I don't break promises, Michelle Raye."Tumango ako at ngumiti ng kaunti. "Of course. How is she and Hope? Hindi na kasi kami gaano nakakapag-usap kasi busy ako sa trabaho.""She's doing fine. Malapit nang mag isang taon si Hope."My lips parted. "Really?!"Masayang tumango si Keith. "Yeah."Ngumuso ako. "Gusto ko sanang pumunta kaso--""Keith, kanina ka pa--Michelle?"Para akong binuhusan ng malamig na tubig noong marinig ko ang napakapamilyar na boses. Dahan-dahan akong lumingon para masigurado kong siya nga talaga iyon o baka imahinasyon ko lang kasi nabanggit siya ni Tita Marzell kanina. Pero sana nga ay imahinasyon ko lang. . . pero hindi. Emerald Santillan was standing in front of me. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang gulat. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Keith. It's been years since the

  • Bittersweet Melody (Tagalog)   Kabanata 39

    Sa loob ng anim na buwan kong pagtuturo, napatunayan kong hindi talaga madali 'yong kursong kinuha ko. Teaching required a lot of patience and perseverance. But despite all the struggles I encountered, the experience was still spectacular. Napatunayan ko rin na iba-iba talaga ang mga estudyante. Some of them don't excel in academics because they excel more in sports. Some excel in academics but don't pay too much attention in terms of sports and other curricular activities. At doon na nga pumapasok ang multiple intelligences. Just like Rian, he doesn't want to join any sports but he loves music so much. Oftentimes I see him playing piano in the music room. I want to encourage him to join the glee club but I don't know how to approach him. For the past months, he became more distant to me. Ang huling matinong usapan namin ay noong tinanong niya 'ko tungkol sa love life ko. Since that day, he didn't talk to me anymore--unless it's about school. "Ma'am Michelle, mauna na po 'ko sa 'yo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status