Share

Chapter 1: Tori Cooper

Isang malalakas na katok sa pinto ang gumising kay Tori sa mahimbing niyang pagkakatulog. 

“Dang it! What the heck is that sound?!” malakas at inis na sigaw niya habang hinihimas ang kaniyang sumasakit na ulo.

Halos inabot na sila nang umaga kasama ang mga kaibigan niya sa party na pinuntahan nila kagabi kaya naman napadami rin ang inom nila. She’s so drunk last night and the hangover from the wild party is now knocking her head and she’s irritated. 

Hindi niya minulat ang mga mata sa halip ay mas ibinalot ang katawan niya gamit ang napakalambot niyang comforter at saka kumuha ng unan para itabon sa kaniyang mukha. Mayamaya lang ay nawala na ang malalakas na katok sa pinto nang kwarto niya. Napahinga siya nang maluwag, sa wakas ay makakatulog na siya ulit. 

“Tori Cooper!” 

Pero mali siya, ngayon ay mukhang tuluyan na siyang magigising. 

“Marahas niyang inalis ang unan na nakatabon sa mukha niya saka matalim na tumingin sa daddy at mommy niya na ngayon ay parehong nakatayo sa gilid ng kama. 

“What do you want?” padabog na tanong niya.

Sobrang sakit ng ulo, ang kailangan lang niya ay isang mahimbing na tulog. Marahas niyang tiningnan ang black na alarm clock na nasa side table malapit sa kama niya saka muling ibinalik ang tingin sa mga magulang.

“It’s f*cking 8:00 in the morning, I just wanna sleep!”muling sigaw niya sa mga ito.

“Watch your mouth lady, we are your parents! You didn’t wanna mess up with me, do you?!” 

Her father’s voice is firm, he’s losing his temper because of Tori’s actions. Halata sa mukha niya ang sobrang pigil ng galit sa anak, hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin para magtino at umayos ang ugali nito.

Tanging tingin lang ang iginanti ni Tori sa ama, pinagmasdan niya ang kaniyang mga magulang. Parehas silang nakasuot ng suit at sa mga oras na ito ay dapat pareho na silang nasa opisina kaya naman sigurado siyang dumaan lang ang mga ito sa kaniyang kwarto para pagalitan siya.

“Is this how you say goodmorning to your only child?” Biglang nagbago ang tono niya, tila inaantok na ang boses niya saka muling tinabunan ng unan ang kaniyang mukha. 

“We are not playing with you Tori, stop acting like a teenager. You’re an adult, and you are supposed to act like an adult. At least act responsible, can’t you do that?!”

Hindi siya sumagot sa sinabi ng daddy niya. Sa sobrang sakit ng ulo niya ay pakiramdam niya sasabog na ito kung hindi pa titigil kakasigaw ang daddy niya sa kaniya. 

“You are not allowed to go to any party for two months, if you do, I will cut your allowance, I will get your car and I will make you leave this house! I’m serious Tori, I’m not playing with you!” 

‘Yan ang huling mga salita na narinig niya sa ama bago niya narinig ang mga yabag ng paa papaalis at ang malakas na pagsarado ng pinto.

“Arg! Bullshit!” Marahas niyang tinanggal ang unan sa mukha at itinapon ito kung saan.  

Ang buong akala niya ay umalis na ang mga ito pero nakita niya ang mommy niya na nakatayo pa rin kung saan siya nakatayo kanina habang maamong nakatingin sa kaniya, her always angelic face, alam niyang nakuha niya ang mata niya sa kaniyang mommy pero halos hindi niya mabasa ang mga emosyon nito. Umiwas siya ng tingin, ibinaling na lang niya ang tingin sa puting kisame nang maramdaman niya ang paglapit ng mommy niya at pag-upo nito sa kama. 

“You know he’s serious, right?” Kahit ang boses nito ay tila boses ng isang anghel. Napapikit siya saglit dahil parang napapagaan ang pakiramdam niya ng boses nito. 

She sighed deeply, umupo siya paharap sa mommy niya saka pinagmasdaan lang ito. Kahit na pure Filipina ang mommy niya ay sobrang puti nito, parehas na itim ang kanilang buhok at mayroong natural na namumulang mga pisngi at labi. Tingnan pa lang niya ang mommy niya ay gumagaan na ang kaniyang pakiramdam. 

“I know…” ngayon ay mahinahon na ang boses niya. Kahit na alam niyang hindi puwedeng kunin ng daddy niya ang sasakyan dahil siya ang bumili nito. 

Simula bata siya ay ang mommy lang niya ang itinutuiring niyang kakampi sa lahat ng bagay. Kalmado kasi ito palagi at napakabait sa kaniya, madalas ay ipinagtatanggol siya nito sa daddy niya pero hindi sa lahat ng pagkakataon, at alam niya ‘yon. Lalo na sa mga ganitong sitwasyon na alam niyang kasalanan niya talaga.

“We just wanted the best for you, at ayaw ka naming mapahamak.” 

“Mommy, I told you don’t talk to me in Filipino,” kunot ang noong sabi niya.

Kahit maliit pa lang siya ay tinuruan na siyang magsalita ng tagalog ng mommy niya ay ayaw pa rin niyang ginagamit ang language na ‘yon lalo na’t nasa America sila. Bahagyang natawa ang mommy niya dahil sa naging reaksyon niya saka siya niyakap nang sobrang higpit. 

“Fix yourself and go downstair, Iprepared your breakfast. A special breakfast, don’t forget to take medicine for your head.” She patted her head and kissed her in her forehead. 

“Thank you, mom!” Niyakap niya ‘to pabalik.

“You’re always welcome baby.”

Nagpaalam na ang mommy niya dahil marami pa itong aayusin sa kanilang company. Naiwan ulit siyang nakaupo sa kama. Ilang minuto siyang nakatulala habang muling ininda ang sakit ng kaniyang ulo. 

Tori slammed her body to the bed. Alam niya sa sarili niyang kaya niyang mabuhay kahit na paalisin pa siya ng daddy niya dito sa bahay nila, isa siyang sikat na model. Hindi man siya maasahan ng mga magulang na tumulong sa kumpanya nila ay nakakagawa naman siya ng paraan para kumita ng malaking pera. Hindi niya rin alam, pero sa ngayon ay wala muna sa isip niya ang magseryoso at tumutok sa pagpapatakbo ng negosyo na mamanahin niya. She just wants to enjoy her life. Pero hindi rin naman gano’n ka-sira ang ulo niya na paalisin at itakwil ng sariling ama kaya wala siyang magagawa kung hindi sumunod dahil nasagad na niya masyado ang pasensya ng daddy niya. 

“Damn it!” napasigaw na lang siya sa sobrang inis. 

Two months, she can’t imagine herself not going to a party for two months. 

Tumihaya siya at muling tumitig sa kisame, inalala niya ang mga nangyari kagabi pero mas kumulo lamang ang dugo niya nang maalala na naman niya ang lalaking ‘yon. 

“That man, how dare him.” Bulong niya sa sarili.

Hindi niya akalaing maiisahan siya ng isang lalaking ni hindi niya nakita ang buong itsura. Gano’n pa man, pakiramdam niya ay nasa bewang at batok pa rin niya ang mga kamay nito. Pati ang mabangong hininga nito ay tila naamoy niya pa rin. May kakaibang dulot ang lalaking ‘yon sa kaniyang katawan. 

She tries to erase the memories in her head. Mas lalo lang nadadagdagan ang sakit ng ulo niya dahil do’n. Kahit na gustuhin niyang matulog ulit ay mas minabuti nalang niyang sundin ang sinabi ng mommy niya at saka dumiretso sa banyo para mag-ayos. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status