Share

Chapter 3: Pissed Off

“Such a thick-faced, woman.”

“I know right,” Tori responded.

Kakatapos lang ng kaniyang unang photo-shoot ngayong umaga, pero dahil sa sobrang inis niya sa nangyari kanina at nang pagdating ni Charlotte ay agad niyang tinawagan ang kaniyang mga kaibigan para magpalamig ng ulo. 

Tori is with his friends Jade, Casper, Riley and Blue at the Starbucks. She told them what happened earlier  at pare-parehas silang napataas ang mga kilay. Siyempre, dahil kaibigan nila si Tori ay kung sino man ang kinaiinisan niya ay dapat kainisan din nila. Isa pa, lubhang nakakainis para sa kanila si Charlotte.

“I shouldn’t accept that endorsement offer for the first place, if I only knew. Dang it! She’s annoying!” Gigil na sigaw ni Tori dahilan para tumingin ang iba pang mga taong nasa loob ng Starbucks sa mesa kung nasaan sila. 

“Calm down, Tori.”

“How could I, Blue?” Tiningnan niya ng masama si Blue habang nakataas ang isang kilay. 

“That girl is always showing up wherever I go!” muling dabog niya.

Nagtinginan lang ang apat niyang kaibigan. They knew Tori, she’ll pull out her tantrums wherever she is, mukhang handa na sila sa kahihiyang makukuha nila galing sa mga taong nandito sa Starbucks kasama nila. 

“Charlotte seems like enjoying pissing you off,” Riley added while sipping at his Espresso Brownies.

“It’s obvious, Rile. You don’t have to remind me.” Masungit na sabi niya saka umirap sa hangin. 

Nagkibit balikat na lang ulit ang kaniyang mga kaibigan. Alam nilang mahirap talagang pakalmahin si Tori sa mga ganitong sitwasyon lalo na kung tungkol kay Charlotte at kahit kanino mang lubos niyang kinaiinisan sa kaniyang buhay.

“You know what? You’re not really helping.” 

“Drinking coffee is not really helping you too, Tori.” Ngayon ay si Blue naman ang nagsalita.

“Shut up!” inis na sabi din sa kaniya ni Tori.  

“How can we help you if you keep on shutting us up!?” Malakas ring tanong ni Jade out of frustration.

Wala nang nagawa ang iba pa nilang kaibigan kung hindi matawa sa inaasta nilang dalawa, Sanay na sila sa ganitong tagpo, ang kailangan na lang nilang gawin ay tumahimik at pakinggan ang mga rants ni Tori. 

“I don’t know!” Napasabunot na lang si Tori sa maganda niyang buhok. 

She’s hopeless, not because Charlotte is a threat for her. No, alam niyang mas lamang siya kesa sa kaniya at kahit kailan ay hindi niya magagawang maging mas magaling kumpara sa isang Tori Cooper. Tori is more beautiful, more famous, richer and attractive. Pero wala siyang magawa sa patuloy na pang-iinis sa kaniya ni Charlotte at hindi rin niya maiwasang mainis sa babaeng ‘yon. Kumukulo na ang dugo niya makita pa lang ang anino nito at dahil may lahing demonyita si Charlotte ay palagi niyang sinasadya na magkita silang dalawa ni Tori. 

“Just kill her if you really don’t wanna see her face,” natatawang suggestion ni Blue. 

“I would love that, thanks Blue. Thank you for giving a very impossible suggestion, but I wish I could do that. I will be so honored to stab her right on her face so I can get rid of her!” 

“Exactly, Tori. You can’t get rid of her unless she’s dead or she decided not to annoy you anymore which is also impossible. All you have to do is to calm yourself   and to show her that you’re not affected anymore.” 

Tori sip at her coffee, “Of course, I’m not showing her that I am affected,” sabi niya pagkatapos uminom.

“Aren’t you?” Halos sabay sabay nilang tanong habang nakangiti nang nakakaloko sa kaniya. 

Hindi sila maniniwala sa sinabing ‘yon ng kaibigan. Knowing her, hindi niya maiiwasang magsungit at pumatol kahit na anong klaseng pigil ang gawin niya sa sarili. 

“Whatever,” napairap na lang si Tori. 

Hindi na siya ngasalita at ipinagpatuloy na lang ang pag-inom sa order niyang coffee. Kung gaano niya ka-hate si Charlotte, gano’n naman niya kamahal ang pag-inom ng kape sa kahit na anong sitwasyon, umaga man, gabi o tanghali.  More than her career and adventure, coffee is his favorite thing on this Earth. 

“Ma’am, you’ll going to be late to your next photoshoot.”     

Sabay sabay silang napataas ang tingin nang biglang sumulpot si Mason. Tiningnan ni Tori ang oras sa suot niyang relo at 10 minutes na lang at magsisimula na ang next photoshoot niya sa isang perfume company. 

“Why time has to be so fast? Dang it.” reklamo niya.

Isa rin sa mga ayaw niya ay nale-late sa mga appointment niya. Nagsimula na siyang ayusin ang mga gamit niya at mabilis na tinapos inumin ang kape niya. Her friends did the same, “You guys wanna go with me?” tanong niya bago tuluyang tumayo.

“Nah, I have to go to my Dad’s office. I still have works to do,” sagot ni Casper.

“Me too,” magkasunod na sagot ni Riley at Blue. 

Napairap si Tori, “Duh, office works are so boring,” masungit na sabi niya saka itinuon ang atensyon kay Jade. “How about you, bitch.”   

It takes a moment bago siya tuluyang sumagot sa tanong na ‘yon ni Tori. Ang totoo ay nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya o hindi, “I’ll… be meeting my boyfriend,” naiilang na sagot niya.

Kung kanina ay si Tori lang ang napa-irap ngayon ay sabay sabay na silang napa-irap kay Jade. 

“New boyfriend or old boyfriend? I won’t waste my time to ask what happened to your old boyfriend if that’s a new one.” Bored na tanong ni Tori sa kaibigan na mas nailing na ngayon dahil sa kanila.

“New one?” Pigil ang tawa niya dahil alam niya kung ano ang magiging reaksyon ng mga kaibigan.

“Omg, you’re a hoe.” Sabay abay na sabi nila.

Sa kanilang lahat, siya ang pinaka-play girl. Halos every week iba-iba ang lalaking dini-date niya at nakaka-sex. She just wants a play time not a serious relationship.

Tuluyan nang tumayo si Tori sa kinauupuan gano’n din ang iba pa niyang kaibigan. 

“Omg!” Sigaw niya sa sobrang gulat. 

Pagtalikod na pagtalikod kasi niya ay sinalubong siya ng isang babae na may dalang smoothie dahilan para tumapon ‘yon lahat sa suot niyang damit. Biglang muling nagtinginan ang ibang tao sa direksyon nila. 

Napatakip ng bibig ang kaniyang mga kaibigan. Bukod kasi sa naaamoy nilang strawberry smoothie na nagkalat sa sahig at sa katawan ni Tori, naaamoy din nila ang part 2 nang pagsusungit at pag-aamok ng kaibigan na ngayon ay parang basang sisiw. 

Tori stunned with her mouth open habang nakatingin sa damit niyang basang basa. Dahan dahang umangat ang tingin niya sa babaeng bumunggo sa kaniya at tiningnan ito ng sobrang sama. 

“Are. You. Blind?” Madiin ang bawat salitang binitawan niya. 

Nanlilisik ang mga mata niya sa sobrang inis. 

“I’m… I’m sorry. I didn’t saw you, I’m so sorry,” tarantang sagot ng babae. 

The girl looks kind. Nakatingin siya sa cellphone niya kaya hindi niya nakitang mababangga niya si Tori. 

“You didn’t saw me, so you’re really blind?”

“N-No, I didn’t mean it. I’m really sorry, miss…” sabi ulit niya saka lumapit and wiped Tori’s black dress using her hands. 

“Don’t touch me!” malakas na sigaw niya kaya agad na napalayo ang babae.

Halata ang takot sa mukha nito but Tori don’t care. She’s now so pissed off dahil sa sunod-sunod na kamalasang nangyayari sa kaniya ngayong araw.

“This dress costs more than your life, you know that?!” 

“I’m sorr-“ 

“Don’t talk!” she loudly interrupted the girl. 

Mas dumadami na ang taong nakatingin sa kanila ngayon pati na rin ang mga staff. Habang ang mga kaibigan niya ay tahimik lang na nakatayo sa bandang likuran niya. They don’t have any plan to interfere the scene. Ngayong sobrang galit na si Tori, alam nilang sila ang mapagbubuntungan kapag inawat nila ito. 

“Bullshit!” malakas na sigaw niya ulit. 

Nakayuko na ngayon ang babae sa sobrang hiya sa eksenang nagaganap habang si Tori naman ay natuon ang pansin sa mga taong nakatingin pa rin sa kanila ngayon.

“What are you looking at? Enjoying the scene, huh?!” sigaw niya sa mga ito. 

Napaismid ang ilan saka binawi ang tingin sa direskyo nila. Ang iba ay nagbubulungan pa rin dahil sa sobrang awa sa babaeng patuloy na sinisigawan ni Tori. 

Inilahad niya ang kamay kay Mason na nasa gilid lang niya. Ilang segundo ang lumipas at hindi pa rin gumagalaw si Mason kaya marahas siyang lumingon dito.

“What?!” inis na tanong niya.

Napakamot lang sa ulo si Mason  dahil hindi niya alam kung ano ba ang ibig sabihin at gusto ng amo niya.

“Give me tissue! My god! Why are you so stupid?”

“I’m sorry, Miss Tori.” sabi niya saka dali-daling kumuha ng tissue sa bag na dala niya kung saan nakalagay ang mga gamit ni Tori for her personal hygiene. 

Iniabot niya ‘yon sa kaniya at si Tori na mismo ang nagpunas ng sarili. ‘This peope are so stupid, bullshit!’ sigaw niya sa isip niya dahil sa sobrang dismaya sa mga taong nakakasalamuha ngayon. Kung puwede lang sumabog ang isang tao sa sobrang inis ay kanina pa sana siya sumabog. 

“What are you still doing? Get out of my sight, you idiot!” Nang marinig ‘yon ng babaeng nanatiling nakayuko habang nagpupunas siya ay dali-dali siyang tumakbo papalabas ng Starbucks habang umiiyak sa sobrang pagkapahiya. 

“Argh! People are so annoying! What am I gonna do now?” sabi niya ulit na parang naiiyak na rin sa sobrang inis. 

“C’mon, you have to change your dress,” sa wakas ay nagsalita na rin sa mga kaibigan niya. 

Muling napairap si Tori at tiningnan nang masama ang iilang nakatingin pa rin sa kaniya habang nagbubulungan saka nag martsa papalabas ng pinto na basang basa ang damit at nanglalagkit ang pakiramdam. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status