Bella’s POV“Let's go, Jarvis,” sabi ng kasama ni Jarvis.Napatingin ako sa kasama niya. Maganda sa malapitan ang babae. Kulay blonde ang kanyang buhok, kulay tsokolate ang kanya mga mata, matangos ang kanyang ilong, mapula at manipis naman ang kanyang labi. “Sino siya?” wala sa sariling tanong ko kay Jarvis.Doon lang ako napansin ng babae at sinulyapan. Kakaiba siya kung makatingin parang hanggang kaluluwa umabot ang kanyang tingin. Bakit parang hindi ko siya gusto?“Ah si—““I’m his friend,” saby pulupot niya sa braso ni Jarvis.Friend? Eh bakit parang ahas kung makapulupot?“Akala ko ba may meeting ka rito?” tanong ko lay Jarvis.Kung may meeting siya bakit kailangan niya isama ang ‘kaibigan’ niyang babae?“Yeah. We have a meeting here,” nakangiting turan ng babae at kumindat pa siya kay Jarvis.Gusto kong mainis sa kanyang sagot. Si Jarvis ang tinatanong ko bakit siya ang sumasagot? Napailing na lamang ako.“Ano pala ang ginagawa niyo rito, Bella?” tanong ni Jarvis sabay tingin
Bella's POV "Nakikinig ka ba, Bella?" Napakurap ako at napatingin kay Hana at Selena. "Ano ba ang sinasabi niyo?" naguguluhan na tanong ko sa kanila. Bumakas ang pagtataka sa mga mukha nila. Kinuha ko ang kape na nasa lamesa at hinigop ito. Ang totoo niyan, talagang nawala ako sa atensiyon ko sa kanilang dalawa. Naalala ko kasi ang nangyari sa amin ni Jarvis kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang epekto niyon sa akin. Pagkatapos kasi ang eksena sa parking lot ay wala kaming imikan dalawa ni Jarvis. Basta ang alam ko lang ay hinatid niya ako sa bahay namin. Ang nakakaloka nga, pagdating sa bahay ay tulala pa rin ako. “Tell me,” seryosong wika ni Hana.“What?” kunit noong tanong ko.“Ano nangyari sa inyo ni Jarvis?” nagdududang tanong ni Hana sa akin.“Wala,” tipid kong sagot.“Wala?” nakataas na kilay na tanong niya. “Oo, wala,” walang gana na sagot ko.Parang sumasakit ang ulo ko na maalala ang nangyari sa parking lot.Flashback“Bella, alam mo naman kung gaano kita
Jarvis' POV "Ano ba! Sabi na bitiwan mo ako," nanggagalaiting wika ni Alyanna. Napatingin ako kay Rei. "Rei," tawag ko sa kanya. "Ako na ang maghahatid kay Alyanna." "Ako na," pilit niya. Tinititigan ko siya at kitang-kita ko kung gaano siya kadeterminado. Huminga ako nang malalim at tumango. "Kung mapilit ka, okay lang naman sa akin. Just take care of her," marahan na wika ko. "Alam ko ang ginagawa ko, Fortalejo," malamig niyang saad. Napailing na lamang ako. "No! Hindi ako sasama sa taong dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko," matigas na tanggi ni Alyanna. Walang ekspresyon ang mababasa sa mukha ni Rei pero kitang-kita ko ang pagkuyom niya sa kanyang kamao. Mukhang nasaktan siya sa sinabi ni Alyanna. "Huwag na matigas ang ulo mo, Cleopatra. Mas mabuting magpahatid kana lang kay Rei lao pa’t lasing kana,” malumanay na wika ko. "Isipin mo na lang ang aking sinabi kanina." Nagtatanong na mga mata na tumingin siya sa akin. "Ito na ang first step mo," nakangiting sabi ko.
Bella's POV Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid na makita ang mga larawan na iyon. Pati na ang first encounter namin ni Katana sa coffee shop ay naroroon din. Hindi ko nagugustuhan ang aking nakikita. Para kasing intensiyon ng taong ito na sirain o di kaya ipahiya ako. "Bella!" Lahat ng mga estudyante na napatingin sa amin at katulad kanina ay magbubulungan na naman sila at lalayuan ako. Naramdaman ko na hinawakan ako ni Hana sa aking braso at hinila ako palabas ng building namin. Hindi na ako nagpumiglas at sumunod na lamang sa kanya. Hinayaan ko siya na gawin ang gusto niya. Binitiwan lang ako ni Hana na wala na mga tao sa paligid. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at masasabi ko na magandang tanawin ang nakikita ko. Iba't ibang bulaklak ang nakatanim parang masarap tumambay dito. Tinignan ko si Hana na hingal na hingal. "Ano bang problema mo?" kaswal na tanong ko sa kanya. "Ah?" hingal na hingal na wika niya. "Bella naman! Sinabi ko na sa iyo na hin
Bella's POV Nang lumabas ako ng classroom namin ay sinundan ko ang isang lalaki na nagsasabi na pinapatawag ako ni dean. Lumabas kami ng management building. Habang naglalakad ay inilibot ko ang aking mga mata para suriin ang lugar kung nasaan na kami. Napansin ako ang isang building na nakasulat na “School of Law”. Bigla ko naalala si Snow, kapag may time ay madalaw nga siya sa kanyang classroom. Tinignan ko naman ang lalaki na sinusundan ko, kanina pa kasi siya walang kibo. Nakagat ko ang ibabang labi ko at inisip kung bakit ako bigla pinatawag. May kinalaman kaya ito sa mga christmas tree? O di kaya sa mga pictures na kumakalat ngayon sa buong campus? Natigil ako sa pag iisip na mapansin ko ang lalaki na huminto sa paglalakad. “Is there any problem?” tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita na kinataka ko lalo. “Hey!” tawag ko sa kanya. “Are you okay?” Dahan-dahan ako naglakad papunta sa kanya na biglang may tumakip sa ilong ko. Nanlaki ang aking mga mata na maamoy ang pany
Bella's POV Isang tunog mula sa cellphone ko ang nakapagbalik sa akin sa realidad. Tumatawag si Snow. Mabilis na sinagot ko iyon. "Hello?" "Where the hell are you?" galit na bulyaw niya. Inilayo ko ang aking cellphone sa tainga ko dahil sa sobrang lakas ng boses niya. "Nasa dean's office," napapangiwing bigkas ko. "Really? Impossible!" "What do you mean?" nagtatakang tanong ko. "Dahil nagpunta kami riyan kanina." "Huh? Pero nandito nga ako," giit ko sa kanya. "Alam mo bang apat na oras kana namin hindi mahagilap? Tatawag na sana ako kay Mr. Jackson para ipaalam ang pagkawala mo," seryosong sabi niya na kinataka ko. "Apat na oras?" pag uulit ko sa kanya. Hindi ko namalayan na ganoon katagal akong nawala. "Oo, Bella. Alam mo ba na sobrang nag aalala na kami sa iyo. Nasaan ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Snow sa akin. "Nandito nga ako sa dean's office," naguguluhan na sagot ko sa kanya. "Ano bang nangyari sa-- Tres?" Napa straight ako ng tayo na marinig ko ang sinabi ni
Bella's POV Para akong hinihigop ng tsokolateng mga mata ni Jarvis. Kitang kita ko ang pagmamahal niya habang tinitignan niya ako. This man is unbelivable! Mabilis na umiwas ako ng tingin at kinalma ang aking sarili. "Thank you sa bulaklak. Sana ay hindi kana nag abala pa." "May meeting ako malapit dito sa area na ito kaya naisipan ko na dumaan sa univeristy mo para naman makumpleto ang araw ko," sabi niya. "Huh?" sabay tingin ko sa kanya. "It means... I really miss you so much, Bella," nakangiting sabi niya. Heto na naman kami... Kailan kaya ako masasanay sa kanya? "Parang kakakita lang natin kahapon," mahinang usal ko. "Not enough, Bella." Pinigilan ko na mapangiti. Nakita ko na tumingin siya sa kanyang relo at sinulyapan ako. "Mauna na ako, Bella." "Huh?" gulat na sabi ko. Ang bilis naman... Napangiti siya nang malapad. "Kapag meron ako ulit time ay dadalawin kita para hindi mo ako mamiss agad." Titig na titig ako sa kanya at pinagsawa ang aking mga mata sa gwapong m
Bella’s POVIniiwas ko ang aking mga mata kay Selena. Ayaw ko na siya tanungin at dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya. Si Selena na yata ang kilala kong tao na matatag. Sa dami ng kanyang pinagdaanan ba naman. Heto siya at taas noong hinaharap lahat. Pagdating naming dalawa sa coffee shop ay nakita namin na sobrang daming tao ang naroroon. Nagkatinginan kami ni Selena at nakisiksik. Tumambad sa amin sila Snow at ang tatlong babae na nakausap ko kanina. Sa nakikita ko ay parang binubully ng tatlo si Snow. Napataas ang kilay ko na lamang.“Kailan kaya magsasawa si Antoneitte na ibully si Snow?” maarteng wika ng babae nasa likuran ko.“Ang tanong ay kung hanggang kailan kamo magtatagal si Snow dito,” napapailing na wika ng katabi ko.“Alam mo kahit na hindi nakikihalubilo si Snow sa atin mas gusto ko pa rin siya kaysa kay Antoneitte.”“True!” “Ewan ko ba kay Katana ay kung bakit mas pinili niya si Antoneitte kaysa kay Snow. Kung tutuusin ay mas maganda si Snow kaysa sa kanya."N