Home / Romance / Blazing Desire / Chapter 02: Talia's Past

Share

Chapter 02: Talia's Past

Author: clarie
last update publish date: 2026-11-12 17:40:52

Talia's POV (2 years ago)

"Asan, asan yung g*g*ng yon?"

Gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil pinagtitinginan na kami sa loob ng motel. Yung kaibigan ko kasing si Kim, sigaw nang sigaw. Hindi naman kaya ng dalawang kamay ko na hilain ang naglalakihang braso niya at kahit ipagpilitan ko mang hilain siya ay ako parin ang nahahatak niya.

Si Kim kasi ay nakitang pumasok dito ang boyfriend kong si Luis kasama ang isang babae kaya naman pinapunta niya ako para raw harapin ang dalawa. Hindi na sana ako nagpunta. Mas lalo lang ako natatakot.

Nakakahiya at natatakot din akong alamin ang totoo. Pinagdadasal ko sa lahat ng santo na namalik mata lang ang kaibigan ko, kasi hindi ko kakayanin kung sakali. Mula high school ay magkarelasyon na kami ni Luis, that's 8 years. Hindi niya naman siguro itatapon yon nang gan'on gan'on lang diba?

"Sis, tama na, umuwi nalang tayo," pagpupumilit ko sakanya.

"Ay hindi!" Hinawakan ni Kim ang palapulsuhan ko at doon ako hinatak na para bang batang pinipilit pumasok ng isang ina sa paaralan, "Niloko ka, iniputan sa ulo, ginago tapos uuwi lang tayo?"

Napapikit nalang ako nang mariin, yukong yuko na ako maitago lang ang mukha ko sa mga tao. Ayoko talaga yung magmumukha akong eskandalosa sa harap ng iba. Naaawa nalang ako sa sarili ko dahil heto at naloko na nga ako ay mapapahiya pa ba ako?

Lumapit si Kim sa harap ng receptionist at pinakita ang screen ng cellphone niya na may litrato ni Luis. "May nag-check in po ba dito na ganto ang itsura?"

"Ah Ma'am, sorry but we're not allowed to give our customers' information," magalang na sagot naman nung receptionist.

"Anong not allowed, not allowed? Miss, andito yung boyfriend ng best friend ko, did you hear that?" Hinigit pa ako ni Kim palapit sa counter para lang ituro ako, "Boyfriend nitong gagang kasama ko na may kinalalantaring ibang babae kaya ibigay mo ang room number ng letseng lalaking yon kundi icacancel ko ang hotel niyo dahil kinukunsinti niyo ang mga manloloko niyong costumer!"

Ngumiti ang babae sa reception. "I'm really sorry, we're not allowed to give their information."

Hindi pa tapos ang receptionist sa pagsasalita nang may lumabas sa elevator. Isang babaeng balingkinitan, taliwas sa may katabaan kong katawan; makinis ang balat. May nakakalokong ngisi sa labi niya nang makita niya ako. Nakakapit siya sa braso ng isang lalaki na ngayon ay naeestatwa sa kinakatayuan niya habang nakapako sakin ang mga tingin.

"Oh! Your girlfriend is here, babe," malambing ang tono nung babae.

Agad nag-init ang mga mata ko at sunod-sunod tumulo ang mga luha ko. Parang nilulukot ang puso ko. Hindi ako makapaniwalang totoo ang nakikita ko, totoo ang sinabi ng kaibigan ko. Totoong niloloko ako ng boyfriend ko.

"Oh diba, sabi na siya talaga 'yon!" Pagsisigaw pa ni Kim. Hinatak niya ang kamay ko para palingunin ako sakanya. "Ano ha, gusto mo bang sapakin ko? Sabihin mo lang gagawin ko!"

Umiling-iling ako, hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam pano ipoproseso ang nangyayari. Hindi ako makapaniwala. Siya lang ang lalaking pinagkatiwalaan ko pero nagawa niya 'to sakin.

Hindi ko na kayang pigilin ang emosyon ko. Nagmamadali akong lumabas ng motel. Humagulgol ako sa daan, ni wala akong pake kung maraming nakakakita sakin.

"Love, wait..." boses ni Luis.

"Wag mo akong susundan." Mabibigat at mabibilis ang hakbang ko palayo.

"Love, saglit lang naman." Nahawakan niya ang braso ko at bahagya akong hinila paharap sakanya.

Hindi ko napigilan ang kamay kong lumipad patama sa pisngi niya. Malakas ang pagtama niyon, pati ang palad ko ay humapdi at nanginig.

"Hayop ka!" mariin kong sambit.

"Love, hindi mo naiintindihan..."

Sarkastiko akong natawa sa gitna ng mga luha ko. "Sige nga, ipaintindi mo kung bakit galing ka sa motel kasama yung babaeng 'yon?"

Gumalaw pataas baba ang lalamunan ni Luis. Bumaba rin ang mga tingin niya. Inabot niya ang mga kamay ko at inangat 'yon para halikan ang likod ng palad ko. Pumatak din doon ang luha niya.

"Mahal na mahal kita..."

"P*t*ng*n*!" Marahas kong hinablot ang kamay ko palayo sakanya. "Hindi 'yon yung kailangan kong marinig!"

Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil sa paghagulgol ko. Kumapit ako sa dibdib ko, naninikip na kasi. Sunod-sunod ang paghikbi ko. 

Nakasunod na rin samin si Kim. Hinawakan niya ang braso ko at hinagod iyon. Halos yakapin niya na ako para mapakalma lang.

Nanahimik lang din naman si Luis. Nakayuko. Hindi niya masabi ang paliwanag na hinihintay ko.

"L-Letse naman Luis, magsalita ka!" pinilit kong magsalita ulit. "Sawa ka na ba sakin?"

Agad siyang umiling. "Hindi, Talia hindi."

Mula sa likod niya ay nakita kong palapit na samin ang babaeng kasama niya sa motel. Kalmado itong naglalakad, taas noo pa na parang sa red carpet naglalakad.

Suminghot ako at agad na pinunasan ang luha sa pisngi ko. "Kung wala kayong relasyon, sabihin mo ngayon sa harap niya."

"Oh my God," tila nabuburyong na sabi nung babae. Hinawi niya ang buhok sa mukha niya habang napapairap pa. "Isn't it obvious? We just had sex. Of course we are in a relationship."

Lalo akong nanliit. Kahit naiintindihan ko naman ang nangyari, nagpantig parin ang tainga ko dahil sa narinig ko. Paano niya nagawang sabihin 'yon na parang wala lang sakanya?

Hindi rin dineny ni Luis, ni hindi niya parin maiangat ang tingin niya saki. Umiiyak lang din siya. Kaya alam kong totoo nga na may relasyon silang dalawa.

"Kapal din naman ng mukha mo noh?" singhal ni Kim sakanya.

"Okay." Marahan akong tumango. Taas-noo kong tinignan yung babae. "Sa'yong sayo na."

(Back to 2025)

"FR? Tatay ng babaeng yon yung nagtanggol sayo kagabi?" Nanlalaki ang mga mata ni Kim pagtapos kong maikwento ang nangyari kagabi.

Nakataas ang isang binti ko habang nakaupo samay hapag at naghihimay ng sitaw. Nakatulala ako loob ng mangkok habang nakikipag-usap sakanya.

Kapag naaalala ko yung nangyari n'ong araw na yun, parang sumisikip nanaman yung dibdib ko. Hindi ko magawang makalimutan ang sakit. Nanliit ako n'on. Siguro kasi alam kong mas may mayaman yung babaeng yun, mas maganda, mas sexy; kaya kahit anong pilit ko, paulit-ulit kong kinekwestyon ang sarili ko.

"Ya." Malalim akong bumuntong hininga, kasabay ng pagpatak nanaman ng luha ko. Ngumisi ako na may kasamang pag-asik. "T*ng*n* nila."

"So hinatid mo parin yung lalaki?"

Tumango ako. "Wala naman akong choice. Mabuti na rin yon nang wala akong utang na loob sa kahit sino sa angkan ng babaeng 'yon."

"Kaso, nagtatrabaho ka pala sa kamag-anak niya. Nako, nako! Small world."

May naglapag ng isang basong tubig sa lamesa--si Miya, ang nakakabata kong kapatid. Umupo siya sa tabi namin.

"Ate kasi, pwede ka na namang mag resign. Tutal naka graduate na ako, ako naman ang magtatrabaho."

"Ul*l." Uminom ako sa tubig na ininom niya saka ko siya matalim na tinignan. "Kung gusto mo magtrabaho, magtrabaho ka; pero hindi ko ipapapasan sa'yo lahat ng bayarin dito, hindi mo pa kakayanin."

"Nakaya mo nga e," nakanguso niyang sabi.

"Ako yun! Wag mong ipagpilitan." Nilapit ko sakanya yung mangkok na may sitaw. "Lutuin mo nalang 'tong sitaw, mag-aasikaso na ko pagpasok ko."

Iniwan ko na sila sa kusina para magpunta sa kwarto ko. Pag pasok ko ng kwarto, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Bat ko ba kasi nakita yung lalaking 'yon? Bumalik tuloy sakin yung sakit na akala ko nabaon na sa nakaraan.

***

Pagtapos namin maghapunan, dumeretso na ako sa pagpasok sa trabaho ko. Normal na araw lang naman. Naabala ako magdamag. Buti nalang wala yung bisor namin at hindi ako napagalitan sa pag-alis ko sa trabaho kagabi.

"Isang bote ng gin nga," walang gana kong utos kay Kris.

Tumalikod siya para kumuha ng bote. "Bakit parang wala ka sa mood ngayong araw?"

"Wala naman," sagot ko.

"Nabobother ka pa ba sa nangyari kagabi?" Pagbalik ni Kris malapit sakin ay hawak niya na ang bote. "Gusto mo bang hanapin natin para kasuhan sila?"

Kinusot ko ang ilong ko at umiling. "Karma nalang bahala sa mga lalaking 'yon."

"Then why do you look so sad?"

"Wala, ayos lang ako." Binigyan ko siya ng ngiti para ipakita sakanyang ayos lang ako.

Tumalikod na ako para ibigay sa customer ang bote ng gin. Bigla naman ang dating ni Nando, ako agad ang nilalapitan.

"Uy, punta raw kayo sa office ni Sir Lindon bago kayo mag break," aniya.

Nagkatinginan kami agad ni Kris, parehong kunot ang noo.

"Bakit daw?" si Kris ang nagtanong.

Nagkibit-balikat lang si Nando. "Sabi lahat daw ng girls e."

Naguguluhan man, ginawa rin naman namin ang sinabi ni Nando. Sumabay ako sa breaktime ni Kris, hinintay pa kasi namin ang kapalitan niyang si Minard.

Binuksan niya ang p***o ng opisina pero pinauna niya ako sa pagpasok. Pagdating namin sa loob, hindi si Sir Lindon ang nadatnan namin kundi si Ma'am Jean, ang may-ari ng club. Nakatayo siya roon habang nagbabasa ng magazine.

"Oh, girls, take a seat," sabi niya habang iminumwestra ang kamay sa sofa.

Sinunod namin si Ma'am Jean.

"Bakit niyo po kami tinawag?" tanong ko.

Binitawan ni Ma'am Jean ang magazine na hawak at kinuha ang dalawang nakaplastik na damit mula sa lamesa. Inabot niya samin ang mga 'yon. Bukod sa damit ay may laman din iyong puting sobre.

"Those are your new uniforms, effective today."

Ha! Buti naman may bagong uniform pero bakit kaming mga babae lang ang meron?

"What about the white envelope po?" Nakatingin parin si Kris sa hawak niyang plastik.

"Those are a litte compensation because of what Lindon did to you. He used you as tactics to get more male customers and that's unacceptable. I've already terminated him, we're open for new supervisor position. As of now, I'll take in charge."

Tumaas ang mga kilay ko. Nakarating na siguro sakanya ang nangyari kagabi. May nagsumbong kaya? Hindi naman siguro yung Rafael noh? Nako, matatambakan ako ng utang na loob kung sakali.

"You may take your break now, thank you ladies."

Malapad ang ngiti ni Kris nang tumayo kami. "Thank you rin po, Ma'am."

"Salamat po."

Nauna sa paglalakad si Kris habang tinitignan niya ang loob nung sobre na hawak niya. Ako naman ay nakasunod lang sakanya.

"Australia," muling pagsasalita ni Ma'am Jean.

"Po?"

Nagpakita siya ng matamis na ngiti sa mga labi niya. "My cousin said thank you."

Pilit akong ngumiti. "Pasabi nalang po, salamat din. Magbbreak na po ako."

Tumango lang siya bilang sagot. Lumabas na rin ako ng opisina. So siya nga ang nagsumbong sa nangyari kagabi. Sana ito na ang huli. Ayoko na talagang maglandas ang tingin namin.

Natapos ang buong gabing shift ko. Naglalakad na ako ngayon papunta sa sakayan na medyo malabo mula sa club. Minasahe ko ang bandang batok ko habang iniisip kung paano ako magigising nang alas-onse bukas dahil yun ang oras ng pasok ko sa part-time-job ko. Wala nanaman sa walong oras ang tulog ko nito.

Napahinto ako sa paglalakad nang may isang itim na sasakyan ang pumarada sa tapat ko, sa kinis palang nito at sa tatak ay halatang mamahalin na ang may-ari. Kumpyansa akong hindi kidnapper ito dahil mamahalin nga ang sasakyan. Isa pa, bat nila ako kikidnapin eh walang wala nga akong pera?

Dahan-dahang bumaba ang bintana ng shotgun seat. Hindi ko maaninag kung sino yung nasa driver's seat dahil madilim ang loob.

“Hey, miss..."

“Hindi po ako pokp*k,” pangunguna ko na.

Humagikgik siya. “I know,” Nahihimigan ko ang boses niya pero hindi ko maalala kung saan ko narinig, sa dami ba naman ng sabay-sabay na boses na naririnig ko tuwing gabi ay paano ko malalaman kung san ko narinig ang boses niya. “But do you need a ride?”

Pinagmasdan ko ang buong sasakyan ng lalaki mula sa gulong hanggang sa manibelang hawak nung lalaki gamit lang ang isang kamay. Ngumisi ako nang maisip na yayamanin ito.

"No, thanks."

Humakbang na ako palayo pero narinig kong bumukas ang driver's seat. Palapit nang palapit ang mga yabag nung lalaki. Nilabas ko na ang pepper spray ko sa loob ng bag para kung ano man ang balak niyang gawin ay handa ako.

"Australia," tawag niya.

Kunot-noo ako pumihit paharap sakanya. "Sino ka ba--."

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makita kung sino yung lalaki. Yung tatay ng higad. Letse. Pagkakataon nga naman.

"I'm serious, let me drive you home."

"Hindi na ho salamat."

"I insist. Madilim sa daan, and the guys from last night might follow you around."

Ngumiti siya nang abot sa magkabilang tainga na nagpapaliit sa mga mapupungaw niyang mga mata. Kuhang kuha ng anak niya ang kapal ng pilikmata at kilay niya. Pati yung korte ng mga mata niya. Letse. Magkamukhang magkamukha sila.

To be continued...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Blazing Desire   Chapter 03: The Angel and The Devil

    Talia's POV"I'm Raf by the way," pagsasalita niya.Nasa daan lang ang mga mata ko habang nakapatong ang baba ko sa kamay ko. "Alam ko po.""Do you have a driver's license? The car was parked good last night.""Opo.""You have a car?"Napangisi nalang ako sa utak ko. Panggrocery nga kulang kulang, pambili pa ng sasakyan."Wala po.""How'd you get your license?""Kinailangan lang po dati. Nagtaxi driver po kasi ako."Ah yeah, naalala ko nanaman. Isa 'yon sa mga unang trabaho ko. Nakakatawa nga ang history ko doon. Nakipag-away kasi ako sa customer kaya tinanggal ako."Wow, how long have you been working?"Interview ba ito? Letse, parang nakipag blind date lang ako ah.Bumuntong hininga parin ako para masagot ko ang tanong niya. "Hmm, mga 6 years po.""And how old are you?""24 po.""Ow..."Bahagya siyang natigilan base sa replesyon niya sa bintana. Nakatutok siya sa daan. Yung isang kamay niya lang ang nagnanavigate sa manibela habang nakasandal sa bintana yung isang braso niya.Ilang

  • Blazing Desire   Chapter 02: Talia's Past

    Talia's POV (2 years ago)"Asan, asan yung g*g*ng yon?"Gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil pinagtitinginan na kami sa loob ng motel. Yung kaibigan ko kasing si Kim, sigaw nang sigaw. Hindi naman kaya ng dalawang kamay ko na hilain ang naglalakihang braso niya at kahit ipagpilitan ko mang hilain siya ay ako parin ang nahahatak niya.Si Kim kasi ay nakitang pumasok dito ang boyfriend kong si Luis kasama ang isang babae kaya naman pinapunta niya ako para raw harapin ang dalawa. Hindi na sana ako nagpunta. Mas lalo lang ako natatakot.Nakakahiya at natatakot din akong alamin ang totoo. Pinagdadasal ko sa lahat ng santo na namalik mata lang ang kaibigan ko, kasi hindi ko kakayanin kung sakali. Mula high school ay magkarelasyon na kami ni Luis, that's 8 years. Hindi niya naman siguro itatapon yon nang gan'on gan'on lang diba?"Sis, tama na, umuwi nalang tayo," pagpupumilit ko sakanya."Ay hindi!" Hinawakan ni Kim ang palapulsuhan ko at doon ako hinatak na para bang batang pinipilit puma

  • Blazing Desire   Chapter 01: Rafael, the protector

    Talia's POVMararamdaman mo sa ilalim ng mga paa mo ang dagundong ng sahig dahil sa tugtog at talunan ng mga nasa paligid; may nagsasayaw, tumatawa, at may nakikipag lampungan. May umaalingawngaw na musika at may mga taong nagsasayang ng pera sa alak. Tipikal ko nang nararanasaran sa lugar ng pinagtatrabahuhan ko.Napangiwi nalang ako habang pinapanood ko sila sa isang sulok ng lugar, as usual ay hawak ko ang tray na ginagamit ko lang kapag may umoorder. Tignan mo ‘tong mga taong to, pwede naman silang magparty sa loob ang ng bahay nila o bumili ng alak sa tindahan para mas mapamura pero pupunta pa sa isang expensive na club para ano? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan nilang gumastos para sa kung ano man hindi mahalaga eh pare-pareho lang namang suka ang bagsak nila kapag nasobrahan sa alak.“Ano nanaman kayang laman ng isipan nito?” tila pasaring ng kasamahan kong waiter na si Nando.Matangkad siyang lalaki at payat, yung parang si tungtung sahur.“Kung paano ako maka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status