Home / Romance / Blazing Desire / Chapter 03: The Angel and The Devil

Share

Chapter 03: The Angel and The Devil

Author: clarie
last update publish date: 2026-11-16 19:12:59

Talia's POV

"I'm Raf by the way," pagsasalita niya.

Nasa daan lang ang mga mata ko habang nakapatong ang baba ko sa kamay ko. "Alam ko po."

"Do you have a driver's license? The car was parked good last night."

"Opo."

"You have a car?"

Napangisi nalang ako sa utak ko. Panggrocery nga kulang kulang, pambili pa ng sasakyan.

"Wala po."

"How'd you get your license?"

"Kinailangan lang po dati. Nagtaxi driver po kasi ako."

Ah yeah, naalala ko nanaman. Isa 'yon sa mga unang trabaho ko. Nakakatawa nga ang history ko doon. Nakipag-away kasi ako sa customer kaya tinanggal ako.

"Wow, how long have you been working?"

Interview ba ito? Letse, parang nakipag blind date lang ako ah.

Bumuntong hininga parin ako para masagot ko ang tanong niya. "Hmm, mga 6 years po."

"And how old are you?"

"24 po."

"Ow..."

Bahagya siyang natigilan base sa replesyon niya sa bintana. Nakatutok siya sa daan. Yung isang kamay niya lang ang nagnanavigate sa manibela habang nakasandal sa bintana yung isang braso niya.

Ilang saglit kaming natahimik. Yung ihip lang ng aircon ang ingay sa gitna naming dalawa. Tama lang ang lamig ng aircon, tama lang para antukin ako. 

Hindi ko na namalayang nakatulog ako. Pagkagising ko nga ay nakasandal na pala ang ulo ko sa bintana, akap ko na rin ang sarili ko habang may nakapatong na balabal sakin.

Napabalikwas ako agad. Wala naman akong balabal nang magising ako ah. Nakakahiya. Kanya ata 'to.

"We're here, I'm sorry I didn't wake you up."

Tumingin ako sa labas. Nakahinto na nga ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Buti nahanap niya yung bahay namin kahit medyo magulo yung daan.

Tinaas ko ang mga kilay ko habang pinakitaan ko siya ng pilit na ngiti. “Thank you for the ride po, Sir.”

“You’re welcome.”

Malimit ang ngiti ko sakanya bago ko buksan ang p***o ng sasakyan. Walang lingon-lingon akong naglakad papunta samay yero naming gate. Nang maisara ko na ang gate ay tsaka niya lang pinagana ang makina ng sasakyan. Pinanood ko ang sasakyan niya at nang malayo na ay pumihit na ako paharap sa p***o namin.

“Huy, kwento!"

"Ay pusa!"

Napatalon ako sa gulat. Bigla kasing sumulpot si Kim sa harap ko na tinawanan lang ang reaksyon ko. Kanina pa ata nakatayo roon habang inaantay ko umalis ang sasakyan ni Sir Rafael.

"Wala ka bang sariling bahay?" Naglakad na ako palagpas sakanya nang makapagpahinga na ako. Angsakit na ng likod at mga binti ko noh.

Sinundan naman ako ni Kim. "Sino yung naghatid sa'yo? Yayamanin yung sasakyan ha."

“Huh?”

“Yung lalaking naghatid sa’yo, nakita ko sa bintana!”

Sinalampak ko ang sarili ko sa de kahoy na sofa. "Wala, nag-offer lang siya ng ride."

“Sure ka yun lang yung in-offer niyang ride?” pangangantyaw niya pa.

Tumaas ang gilid ng labi ko sa naitanong niya. Apakapangit talaga ng isip niya. At hindi ko maimagine na sasama ako sa lalaking 'yon kung may iba siyang inoffer. Kadiri. Ayoko nang mapalapit sa pamilya nila.

Bigla siyang tumawa ng malakas, may kasama pang pagpalak ng mga kamay. "Hindi ka magrereact nang ganyan kung wala lang 'yon. Sino yon?"

Kumunot ang noo ko. Kilalang kilala na talaga ako ng gagang 'to. Sabagay, sa tagal ba naming magkaibigan.

"Wala nga." Suminghap ako nang malalim. "Yung tatay lang yun nung kabet ni Luis."

"What?!" Agad siyang umupo sa tabi ko. "Nakilala ka ba niya? Anong ginawa? Binayaran ka manlang ba sa sakit mo at puyat ko dahil sa kalokohan ng--."

Hinampas ko ang mukha niya kaya hindi na niya natuloy ang sasabihin niya. Apaka-OA naman kasi talaga.

"Hindi ako nagpakilala noh, anong malay ko kung alam nya ba ang history namin ng anak niya."

"Edi even better, pwede mong landiin," komento niya.

"Siraulo ka ba?" Tumayo na ako at padabog na naglakad papunta sa hapagkainan namin. Binuksan ko ang ref para kumuha ng isang pitsel na tubig.

"Oh bakit? Para naman makaganti ka sa ginawa ng anak niya."

Napahinto ako saglit sa narinig ko. Bumabalik nanaman sa isip ko ang nangyari noon sa pagitan namin nila Luis. Ang relasyon ko kay Luis ang huling pag-asa ko sa mga lalaki, kaya nung ginagago niya ako ay lalong lumaki ang galit ko sakanila.

Pero hindi ako gan'on kasama noh. Hindi ko kailangan bumaba sa lebel nila. Karma nalang ako bahala sakanila.

“Matutulog na ako. Isarado mo nalang ang p***o pag-uwi mo.”

Gaya ng sinabi ko ay nauna na ako sa kwarto ko. Pagkahiga ko palang ay napahinga na ako nang malalim. Binuksan ko ang cellphone ko at nagbukas ng social media accounts ko. Wala sa sarili kong nilagay ang pangalan ng gagong ex ko. Ewan ko ba, kusang gumalaw ang mga daliri ko.

Una ngang lumabas ang PFP niya, silang dalawa pa talaga. Pareho silang malalaki ang ngiti. Background pa nila yung eiffel tower. Tangina. Kung sino pang nakasakit, sila pa yung mukhang okay na; habang akong nagago at niloko, letse lumuluha parin.

Napapikit ako nang mariin. Ansakit parin sa dibdib. Hindi ko parin kasi maintindihan. Sinabi niyang mahal niya ako pero niloko niya ako. Hindi niya ako hinabol. Doon siya sa babae niya napunta.

HIndi ko alam kung anong kulang sakin. Kung hindi ba ako maganda, kung may mali ba akong nagawa. Kasi ako ang alam ko ginawa ko naman lahat ng kaya ko.

"Tangina kasi!"

Binitawan ko ang cellphone ko saka ako humagulgol nanaman. Buong gabi. Hanggang sa manikip na ang dibdib ko. Halos hindi na ako makahinga. Hanggang nga sa makatulugan ko nalang.

*-*

Nagising ako nang mahapdi na sa balat ang araw. Wala na akong nagawa kundi bumangon. Eto nga yung hirap kapag panggabi ka e, wala kang magagawa kahit maikli ang tulog mo.

Paglabas ko ng kwarto, andon si Miya at si Mama nakaupo sa salas, nanunood sa tv ng noontime show. Yung bunso naming si Sai naman nasa hapagkainan habang nagsusulat ng kung ano, assignment ata. Yung college namin na si Nara, malamang nasa kwarto nila.

"Oh, mugtong mugto ate ah," puna ni Sai.

"Hindi mugto yan, singkit lang talaga ako."

Lumapit ako sakanya at doon nagtimpla ng kape nang magising naman ang diwa ko.

"Mukhang broken hearted nanaman ang ate niyo ah," patawa-tawang sabi ni Mama.

"Anong nanaman, Mama? Dalawang taon na yang consistent na broken hearted," gatong pa ni MIya.

Sarkastiko akong tumawa. Letse. Nagtulong-tulong pa talaga sila at tuwang tuwa pa sila. Mga yawa.

"Hello fam!" umalingawngaw ang malakas na boses ni Kim sa buong bahay.

Ayan na nga at dumagdag pa siya. Napapakamot nalang talaga ako sa ulo ko.

"Oh, bff, bakit naman ganyan ang mga mata mo?" Umupo siya sa katabi kong silya, sinandal niya pa ang ulo niya sa kamay niya. "Si Luisito Delos Santos nanaman ba?"

"Hoy! Delos Reyes!" pagtatama naman ni Sai.

"Ah basta gusto ko Delos Santos." Inirapan ni Kim si Sai pero tumawa rin naman.

Ayoko talagang nagsasama 'tong dalawa. Walang katahimikan. Palibhasa, si Kim halos ang nagpalaki kay Sai dahil lagi kaming wala noon ni Mama.

Nilapit ni Kim ang mukha niya sakin. "Bakit kasi ayaw mo pa gawin yung sinuggest ko kagabi? Paibigin mo ang ama para ikaw na ang magiging evil stepmother niya."

Nilapit ko rin ang mukha ko sakanya. "Ayoko."

Agad niyang tinakpan ang ilong niya. "Baho bes, uso toothbrush." Ngumiwi pa siya at umayos na nang upo.

Umirap nalang ako sakanya habang nagsasawsaw ng tinapay sa kape ko. "Ayoko talagang gawin yang gusto mo, parang tatay ko na 'yon noh."

"Tama yan, ate." Lumapit na rin samin si Miya, naupo siya sa kabila kong silya. "Hindi natin kailangan manakit dahil lang nasaktan tayo."

Tumango ako sa sinabi ni Miya, ngumunguya na kasi ako.

"Pero hindi mo ba gustong makita yung babae ni Luis na naiinsulto rin na parang nangyari sa'yo?"

Inalala ko ang mapang-asar na mukha nung babae. Gustong gusto kong halumatakin ang mukha nun dahil anglakas makangisi. Letse.

Hinawakan ni Miya ang braso ko. "Ate, hindi ka kasing sama nila."

"Hindi naman talaga. Ang tawag doon ay karma," pangangatwiran pa ni Kim.

Para silang demonyo at anghel sa magkabilang balikat ko na nagtatalo ng tama at maling gawin. Hindi ko na tuloy maintindihan kung sino ang pakikinggan ko.

"Ate." Sumulpot bigla si Nara sa tabi ko, may suot pang headphones sa balikat at malamlam ang mga mata. May inaabot siyang white envelope sakin.

"Ano 'to?" kunot-noo kong tanong habang binubuksan yung white envelope.

"Final notice ng tuition, mag fifinals na kasi kaya hanggang 2 weeks nalang talaga."

Binasa ko ang papel. May 10,230 pesos pang kailangan bayaran para sa tuition niya. Hay nako.

Binalik ko kay Nara ang envelope. "Sige, gagawan ko ng paraan."

"Ako rin pala, ate. May babayaran kaming 3,500 para sa moving up," si Sai.

"Okay," tanging sagot ko kahit sa totoo lang ay wala pa akong plano kung saan ako kukuha ng ganyang kalaking halaga pa. Maghahanap nalang sana ako ng sideline.

"Ahh, ate..." si Miya naman ang nagsalita, hinawakan niya ang braso ko. "Uutang din sana ako para sa pag-aasikaso ko paghahanap ng trabaho. 2k lang, babayaran kita agad sa unang sahod ko."

Hindi ko na napigilang mapangiwi. San naman ako kukuha ng kulang kulang 16k in one go? Puro talaga gastos. Anghirap talaga maging mahirap.

"See?" muling pagsasalita ni Kim.

"Anong see-see nanaman yan Kim?" iritable kong sambit.

"Kung mapapa-ibig mo yung tatay nung babae ni Luis, wala kang problema ganyan. Kung si Luis nga nakakapangibang bansa dahil dun sa babae, pa'no pa pag sa source of income ka nila kakapit?"

Ngumisi pa si Kim na may kasamang pagtaas-taas ng kilay.

Kahit pa ilang beses kong sabihing hindi ako gan'ong klaseng babae, hindi ko parin mapigilan isipin yung pwedeng mangyari. Single naman si Rafael base sa pagdadrama niya nung isang gabi, single din naman ako.

Pero kakayanin ko bang masaktan ang taong mukhang desente naman?

To be continued...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Blazing Desire   Chapter 03: The Angel and The Devil

    Talia's POV"I'm Raf by the way," pagsasalita niya.Nasa daan lang ang mga mata ko habang nakapatong ang baba ko sa kamay ko. "Alam ko po.""Do you have a driver's license? The car was parked good last night.""Opo.""You have a car?"Napangisi nalang ako sa utak ko. Panggrocery nga kulang kulang, pambili pa ng sasakyan."Wala po.""How'd you get your license?""Kinailangan lang po dati. Nagtaxi driver po kasi ako."Ah yeah, naalala ko nanaman. Isa 'yon sa mga unang trabaho ko. Nakakatawa nga ang history ko doon. Nakipag-away kasi ako sa customer kaya tinanggal ako."Wow, how long have you been working?"Interview ba ito? Letse, parang nakipag blind date lang ako ah.Bumuntong hininga parin ako para masagot ko ang tanong niya. "Hmm, mga 6 years po.""And how old are you?""24 po.""Ow..."Bahagya siyang natigilan base sa replesyon niya sa bintana. Nakatutok siya sa daan. Yung isang kamay niya lang ang nagnanavigate sa manibela habang nakasandal sa bintana yung isang braso niya.Ilang

  • Blazing Desire   Chapter 02: Talia's Past

    Talia's POV (2 years ago)"Asan, asan yung g*g*ng yon?"Gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil pinagtitinginan na kami sa loob ng motel. Yung kaibigan ko kasing si Kim, sigaw nang sigaw. Hindi naman kaya ng dalawang kamay ko na hilain ang naglalakihang braso niya at kahit ipagpilitan ko mang hilain siya ay ako parin ang nahahatak niya.Si Kim kasi ay nakitang pumasok dito ang boyfriend kong si Luis kasama ang isang babae kaya naman pinapunta niya ako para raw harapin ang dalawa. Hindi na sana ako nagpunta. Mas lalo lang ako natatakot.Nakakahiya at natatakot din akong alamin ang totoo. Pinagdadasal ko sa lahat ng santo na namalik mata lang ang kaibigan ko, kasi hindi ko kakayanin kung sakali. Mula high school ay magkarelasyon na kami ni Luis, that's 8 years. Hindi niya naman siguro itatapon yon nang gan'on gan'on lang diba?"Sis, tama na, umuwi nalang tayo," pagpupumilit ko sakanya."Ay hindi!" Hinawakan ni Kim ang palapulsuhan ko at doon ako hinatak na para bang batang pinipilit puma

  • Blazing Desire   Chapter 01: Rafael, the protector

    Talia's POVMararamdaman mo sa ilalim ng mga paa mo ang dagundong ng sahig dahil sa tugtog at talunan ng mga nasa paligid; may nagsasayaw, tumatawa, at may nakikipag lampungan. May umaalingawngaw na musika at may mga taong nagsasayang ng pera sa alak. Tipikal ko nang nararanasaran sa lugar ng pinagtatrabahuhan ko.Napangiwi nalang ako habang pinapanood ko sila sa isang sulok ng lugar, as usual ay hawak ko ang tray na ginagamit ko lang kapag may umoorder. Tignan mo ‘tong mga taong to, pwede naman silang magparty sa loob ang ng bahay nila o bumili ng alak sa tindahan para mas mapamura pero pupunta pa sa isang expensive na club para ano? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan nilang gumastos para sa kung ano man hindi mahalaga eh pare-pareho lang namang suka ang bagsak nila kapag nasobrahan sa alak.“Ano nanaman kayang laman ng isipan nito?” tila pasaring ng kasamahan kong waiter na si Nando.Matangkad siyang lalaki at payat, yung parang si tungtung sahur.“Kung paano ako maka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status